Linggo, Agosto 11, 2024

August 11, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Patnubay sa Misa

Tunay na dakila ang kalinga at malasakit ng Diyos sa atin. Bunsod ng pananalig na Siya ay kasama natin sa ating paglalakbay sa buhay upang tayo’y samahan, ingatan, at palakasin, manalangin tayo:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa Simbahang naglalakbay na bayan ng Diyos sa lupa: Nawa’y sa harap ng pagtatakwil at pag-uusig, ay hindi siya panghinaan ng loob bagkus patuloy na manalig sa tulong ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating obispo, at lahat ng namumuno sa bayan ng Diyos: Nawa sila’y maging tulad ng anghel na sugo ng Panginoon para palakasin at pasiglahin ang propetang si Elias. Manalangin tayo!

Para sa mga pinunong panlipunan at pampamahalaan: Nawa’y lingapin nila’t itaguyod ang kapakanan ng mga tao, lalo na ang mahihina o napagsasamantalahan. Manalangin tayo!

Para sa mga itinatakwil at pinag-uusig dahil sa kanilang katapatan sa Ebanghelyo: Nawa’y manindigan sila sa kanilang pananampalataya at lubos na magtiwala sa tulong ng Panginoon. Manalangin tayo!

Para sa ating komunidad at mga pamilya: Nawa’y sa pagtalima sa mga pangaral ni San Pablo, isa-isantabi natin ang samaan ng loob at matuto tayong magpakabait, magpatawad, at mahabag sa isa’t isa gaya ng turo sa atin ni Hesus. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng may pa- nunungkulang pampolitika: Nawa’y lagi silang nakatuon sa paglilingkod, at sa pagkilos para sa wastong paglaganap ng lipunan at sa kapakanang pangkalahatan, lalu na sa pangangalaga para sa mahihirap at mga nawalan ng ikabubuhay. Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, salamat sa Iyong patuloy na pagiging kasama namin sa kabila ng aming mga pagkukulang at di pagiging tapat. Maipahayag nawa ang aming tapat na pagkilala sa Iyong pagmama- hal sa amin sa pamamagitan ng kabaitan sa isa’t isa, habag, at pagpapatawad. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 13 comments… read them below or add one }

Reynald David Perez July 22, 2021 at 3:59 pm

PAGNINILAY: Sa Linggong ito, patuloy natin pinagninilayan ang mga Kasabihan ng ating Panginoong Hesukristo tungkol sa kanyang sarili bilang Tinapay ng Buhay, Batay sa Ikaanim na Kabanata ng Ebanghelyo ni San Juan (Juan 6). Noong nakaraang dalawang Linggo (Juan 6:1-15), narinig natin kung paanong pinadami ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda para pakainin ang limang libong tao. Kaya gusto nila na gawin siyang hari para sa kapakanan ng mga kababalaghan lamang. Kaya umalis si Hesus sa bundok habang sumakay ang mga Apostol sa bangka papuntang Capernaum. Sumunod siya sa ruta sa pamamagitan ng paglalakad sa tubig.

Noong nakaraang Linggo (Juan 6:24-35), narinig natin kung paanong hinanap ng mga tao si Hesus at ang kanyang mga Apostol, kaya sumakay sila sa mga bangka. Nang nakita nila sila, lumapit sila sa kanya, at humingi ng isa pang kababalaghan para maniwala sila sa kanya. Kaya sinabi ng Panginoon na bibigyan niya sila ng pagkain na nagbibigay buhay na walang hanggan, at yun pala, idinikelara niya ang kanyang sarili bilang Tinapay ng Buhay. Ngayong Linggong ito, sa ating Ebanghelyo (Juan 6:41-51), narinig natin ang reaksyon ng mga tao pagkatapos ang mga salitang ito ng Panginoon. Sila’y nagduda, nagbulungan, at naghamunan ng taimtim dahil hindi nila matanggap na si Hesus ang Anak ng Diyos. Kaya patuloy na ipinahiwatig niya sa kanila kung bakit siya’y naparito sa lupa. Dahil tayo’y nagdiriwang sa susunod na Linggo ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat kay Maria sa Langit, ang sumunod na nangyari ay ang paghihikayat ni Hesus sa mga tao na makibahagi sa kanyang Katawan at Dugo sa sakramento at espirituwal na paraan upang sila’y mabuhay para sa buhay na walang hanggan.

Sa ating Unang Pagbasa (1 Hari 19:4-8), nakita natin ang isang nagdudurusang Propeta Elias. Naglayas siya sa Israel sapagkat tinangkang siyang patayin dahil sa pagtumba ng rebulto ni Baal, ang diyus-diyusan nina Haring Ahab at Reynang Jesebel. Dahil sa kanyang pagiging matuwid sa kalooban ng Diyos na si Yahweh (YHWH), isinugo ang isang anghel para pakainin at painumin siya nang dalawang beses. Pagkatapos, naging masigla ang karamdaman ng propeta, at pumunta sa bundok ng Panginoon, ang Horeb o mas kilala ng Sinai. Ang pangyayaring ito ay nagbigyan-daan kay Hesus dahil siya ay isang pagkain, ngunit hindi lang isang ordinaryong pagkain, kundi siya ang pagkaing nagbibigay buhay na walang hanggan. Si Kristo ay isang Diyos, ngunit bumaba sa langit bilang tao mula sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria para turuan tayo ang daan papunta sa Ama, at ialay ang kanyang buhay para sa ating kaligtasan.

Tuwing ipinagdiriwang natin ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya, inaalala natin ang kanyang dakilang pagtubos sa sangkatauhan dahil siya mismo ang nag-utos na ipagdiwang ito noong siya ay nasa Huling Hapunan kasama ang mga Apostol. Tuwing tinatanggap natin siya sa Banal na Komunyon, nais niya tayong palusugin dahil gusto niyang manahan sa ating mga puso’t isipang handang tumanggap sa kanya. Hindi lang sapat na ang kanyang presensiya ay nasa atin na. Kailangan natin isabuhay ang kanyang turo at gawain bilang pagpaparangal sa Mabuting Balita sa pamamagitan ng mga mabubuting gawain sa isa’t isa at sa ating mga kapwa. Kapag ginawa natin ang mga ito, sa huli ng ating buhay, makakamtan natin ang buhay na walang hanggan sa kalangitan. Higit sa lahat, dito nakabatay ang ating paniniwala sa kanya bilang Anak ng Diyos.

Sa ating paglakbay sa daang ito, nawa’y isabuhay natin ang diwa ng Banal na Misa, ang ating Panginoong Hesukristo na nag-alay ng kanyang buhay para sa ating kaligtasan.

Reply

Alberto Calderon Jr. August 8, 2021 at 7:22 am

Ang tinapay ay nagbigay lakas , kay Elias , syang sugong likas . Ang Diyos syang dumakila, at patuloy si Elias sa kanyang paglakad, sa misyong sa Diyos tayo at dapat. Ano pat si Hesus ang syang bakas,ng umaga syang kumislap, o Hesus larawan ng tinapay, ikaw ang Syang lakas, upang kaluluway iligtas na wagas.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 8, 2021 at 9:43 am

Ngayong panahon ng pandemya, marami sa ating mga kababayan ang naghahanap ng ayuda o mga pagkaing bigay ng gobyerno. Inaabanangan, hinahanap kung saan meron nag uunahan, nagtutulakan at pinipilahan. Nawa’y ganito rin tayo sa Salita ng Diyos, Wala man misa ngayon ay napakaraming paraan upang makakain tayo ng salita ng Diyos, may mga live mass sa facebok at youtube, pwede mo ring isearch lang sa internet ang mga pagbasa katulad at kung walang internet at ay ang pagbabasa ng mismong bibliya. Sana’y ganundin tayo kasigasig katulad ng paghahanap ng materyal na pagkain. Matuto tayo sa mga aral ng Ama at manalig at tayo hindi na magugutom o mauuhaw.

Reply

drruelROMUALDO-sjc August 7, 2024 at 2:56 pm

Homilya sa Juan 6:44-51

Mga kapatid, sa ating Ebanghelyo ngayon mula sa Juan 6:44-51, naririnig natin ang mga makapangyarihang salita ni Hesus tungkol sa Kanyang pagiging Tinapay ng Buhay. Ang mga talatang ito ay puno ng kahulugan at pag-asa para sa ating lahat.

“Walang makakalapit sa akin kundi ang mga inilapit ng Ama na nagsugo sa akin, at sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”
Una, makikita natin ang kahalagahan ng grasya ng Diyos. Ang bawat isa sa atin ay tinatawag ng Diyos Ama upang lumapit kay Hesus. Ang ating pananampalataya ay isang regalo mula sa Diyos. Hindi tayo makalalapit kay Hesus sa ating sariling kakayahan lamang, kundi ito’y dahil sa Kanyang grasya na kumikilos sa atin.

“Nasusulat sa mga propeta, ‘At silang lahat ay tuturuan ng Diyos.’ Ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lalapit sa akin.”
Pangalawa, ang ating pakikinig at pagkatuto mula sa Diyos ay nagbubunga ng mas malalim na relasyon kay Hesus. Kapag tayo ay bukas sa mga aral ng Diyos at handang tumanggap ng Kanyang mga salita, tayo ay lalong mapapalapit sa Kanya. Ang pagiging malapit sa Diyos ay nangangahulugang handa tayong mag-aral, makinig, at sumunod sa Kanyang kalooban.

“Hindi sa ang sinuman ay nakakita sa Ama, maliban sa kanya na nagmula sa Diyos; ang taong ito ay nakakita sa Ama.”
Si Hesus lamang ang nagpakita sa atin ng tunay na mukha ng Ama. Siya ang nag-iisang daan upang makilala natin ang Diyos. Sa pamamagitan Niya, nalalaman natin ang kalooban ng Ama at nararanasan ang Kanyang pagmamahal.

“Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa inyo, ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan.”
Pangatlo, ang pananampalataya kay Hesus ay nagdudulot ng buhay na walang hanggan. Ang pangako ng buhay na walang hanggan ay hindi lamang sa hinaharap kundi nagsisimula na sa kasalukuyan. Sa bawat araw na tayo’y nananalig at sumasampalataya kay Hesus, tinatanggap natin ang buhay na walang hanggan na Kanyang iniaalok.

“Ako ang tinapay ng buhay. Ang inyong mga magulang ay kumain ng mana sa ilang at sila’y namatay. Ito ang tinapay na bumababa mula sa langit, upang ang sinuman ay kumain nito at hindi mamatay. Ako ang tinapay na buhay na bumaba mula sa langit. Kung ang sinuman ay kumain ng tinapay na ito, siya’y mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay para sa buhay ng mundo ay ang aking laman.”
Si Hesus ang ating Tinapay ng Buhay. Sa Lumang Tipan, ang mana ay ipinagkaloob ng Diyos upang magbigay-buhay sa mga Israelita sa ilang, ngunit ito ay pansamantalang buhay lamang. Ngayon, si Hesus ang nagbibigay sa atin ng tunay at walang hanggang buhay. Ang Kanyang katawan na inialay sa krus ay nagiging pagkain na nagbibigay-buhay sa atin.

Mga kapatid, tinatawag tayo ni Hesus na lumapit sa Kanya, tanggapin ang Kanyang aral, at manampalataya sa Kanya. Siya ang Tinapay ng Buhay na nagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan. Huwag nating sayangin ang pagkakataong ito. Lumapit tayo kay Hesus, tanggapin Siya sa ating mga puso, at hayaang ang Kanyang buhay at pagmamahal ang maghari sa atin.

Reply

Bro. NSP August 8, 2024 at 10:04 pm

Kapag naririnig kong pinag-uusapan ako ng maraming tao dahil sa mga issues o gawa-gawang kwento, napapaisip ako ‘Paano kaya kung alam rin nila ang mga kabutihan ko? o Paano kaya kung kilala nila ang tunay na ako?’ Kapag naman binabati o napapansin ako ng mga tao dahil sa galing o mabuting nagawa ko napapatanong ako sa aking sarili na ‘Paano kaya kung alam rin nila ang mga problema at kahinaan ko?’

Madalas hindi natin nakikita ang buong kwento, kaya’t agad ay humuhusga tayo tulad ng mga Judio sa ebanghelyo na sa tingin nila ay kilalang kilala na nila ang buong pagkatao ni Hesus dahil lamang kilala nila ang pamilyang pinagmulan nito.

Naiisip mo ba ang buhay kung wala ang pagkain? Naiisip mo ba ang buhay kung wala ang Diyos sa atin? Muli nating nasaksihan sa ebanghelyo sa linggong ito kung paanong ipinakikilala ni Hesus ang kanyang sarili bilang TUNAY NA PAGKAING NAGMULA SA LANGIT. Ipinakikita sa atin na tulad ng pagkain ay kailangan natin ang Diyos sa pang araw-araw ng ating buhay. Hindi tayo mabubusog ng mga biyayang ating natatanggap kung wala tayong kinikilalang Diyos. Magugutom tayong lahat sa lahat ng bagay at pangangailangan kung wala ang Diyos sa ating buhay. Kailangan natin ang Diyos tulad ng kung paanong kailangan natin ng pagkain araw-araw.

Itinuturo sa atin sa linggong ito na kilalanin nating lubos ang Diyos bilang ating pagkain. Hindi tayo napapansin sa tuwing gumagawa tayo ng kabutihan subalit sa tuwing ang tao ay makagagawa kahit munting pagkakamali ito’y kaagad na mapapansin at huhusgahan ng karamihan. Ganito rin madalas ang trato natin sa Diyos, hindi natin siya makita bilang Diyos na nariyan sa lahat ng oras. Nakikita lamang natin siya sa tuwing tayo ay may mga pangangailangan.

Nawa’y tulad ng pagkain, piliin natin palagi ang Diyos. Sa almusal, tanghalian, meryenda at hapunan. Piliin natin ang Diyos oras-oras, Pasalamatan natin ang Diyos minu-minuto, Purihin natin ang Diyos araw-araw, at Piliin natin ang Diyos maulan man o maaraaw, malungkot man o masaya, maginhawa man o may problema sapagkat ang mahalaga MAY DIYOS NA KASAMA KA!

-Pagninilay sa ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon. Taon B (Juan 6, 41-51)

Reply

Bro. Danilo Dayao, O.P. August 8, 2024 at 11:42 pm

Sa Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (B), ang mga pagbasa ay nagtuturo ng mahalagang mensahe tungkol sa pagtanggap, lakas, at pagmamahal na nagmumula sa Diyos.

**1 Hari 19, 4-8**:
Ang pagbasa ay nagkukuwento kay Elias na nagtatago sa isang disyerto, pagod at nag-aalala. Siya ay pinalakas ng isang anghel sa pamamagitan ng pagkain at tubig, na nagbigay sa kanya ng lakas upang magpatuloy sa kanyang misyon. Ang mensahe dito ay nagbibigay diin sa pangangailangan ng Diyos sa bawat isa sa atin, lalo na sa mga oras ng pagdududa at kahirapan. Ang espirituwal na lakas na kailangan natin upang magpatuloy ay nagmumula sa Diyos, at sa Kanyang tulong, magagawa natin ang ating mga misyon sa buhay.

**Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8. 9**:
Ang salmo ay isang papuri sa Diyos na may kapangyarihan at kabutihan. Ang Diyos ay tapat sa Kanyang mga pangako at nagbibigay sa mga tapat sa Kanya ng seguridad at proteksyon. Ang pagbabalik-loob sa Diyos at pagkilala sa Kanyang kabutihan ay isang paalala na dapat tayong magtiwala sa Kanyang plano at mga biyaya, kahit sa gitna ng mga pagsubok.

**Efeso 4, 30 – 5, 2**:
Sa pagbasa mula sa Efeso, itinuturo sa atin na ang pagiging tapat sa Diyos ay nangangahulugan ng pagtanggal sa mga kasalanan at pagsunod sa Kanyang mga utos, lalo na ang pagmamahal sa kapwa. Ang buhay na ayon sa mga aral ni Kristo ay nagdadala sa atin sa tunay na pag-unlad at kaligayahan. Ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa ay nagsusulong sa ating espirituwal na pag-unlad at nagbibigay ng tunay na kapayapaan.

**Juan 6, 41-51**:
Sa ebanghelyo, ipinakikita ni Jesus ang Kanyang sarili bilang “Tinapay ng Buhay.” Ang pagtanggap sa Kanya at sa Kanyang turo ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ang panggagap sa Kanya bilang tinapay ng buhay ay nagsasaad ng ating pagkakaugnay sa Diyos at ang pangakong buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya.

**Pagninilay**:
Ang Linggong ito ay nagpapalakas sa ating pananampalataya at nagbibigay diin sa importansya ng pagtanggap kay Jesus bilang ating espirituwal na pagkain. Tulad ng pagtulong sa ating lakas sa mga panahong mahirap, ang Diyos ay nagbibigay sa atin ng kinakailangang sustansya upang magpatuloy sa ating paglalakbay. Ang mga pagbasa ay nagtuturo sa atin na ang tunay na buhay ay matatagpuan sa pamamagitan ng malalim na relasyon sa Diyos at sa pagtanggap sa Kanyang mga biyaya. Sa pamamagitan ng buhay na ayon sa Kanyang mga utos at pag-ibig, tayo ay nagiging mas malapit sa tunay na kahulugan ng buhay.

Reply

Arnold Paolo Ablao August 9, 2024 at 4:03 pm

Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Noong nakaraang dalawang Linggo ipinahayag ng ating Panginoon na Siya ang Tinapay ng Buhay. Pinakain Niya at binusog ang mga tao, sinabi Niya na Siya ang Tinapay na mula sa Langit, Siya ang Tinapay na nagbibigay buhay. At sa Linggong ito patuloy parin ang Panginoon sa pagpapahayag na Siya ang Tinapay ng Buhay. Ngayong Linggong ito, sa ating Ebanghelyo narinig natin na iba ang naging reaksyon ng mga tao pagkatapos ipahayag ng Panginoon na Siya ang Tinapay na mula sa langit na nagbibigay buhay. Sila’y nagduda at nagbulungan at para bang hindi nila matanggap ang katotohanang ito.
Maaaring ganito rin ang karamihan sa atin, may mga pagdududa sa pananampalataya. Ang iba sa atin ay maaaring narito, nagdadasal subalit maaaring may mga pagdududa at pag- aalinlangan sa Diyos. Lalo na kung dumaranas tayo ng matinding pagsubok at problema sa buhay. Minsan tinatanong natin ang Diyos sa mga panahong hirap na hirap na tayo. “Kung totoong may Diyos bakit ako dumaranas ng ganito, kung totoong mahal tayo ng Diyos bakit tayo nahihirapan.” Ang mga tao sa Ebanghelyo ay puno ng pagdududa at pag- aalinlangan. Subalit ang paanyaya sa atin ng Panginoon sa Linggong ito ay pananalig sa Kanya bilang Tinapay ng Buhay. Kaya nga sa kabila ng pagdududa na meron tayo dahil sa mga nararanasan natin sa buhay. May tatlong bagay na magandang pagnilayan natin para sa Linggong ito.
Una, PAKIKINIG. Upang mapawi ang ating pagdududa mahalaga na making tayo sa mensahe ng Diyos sa ating buhay. Sa bawat pangyayari sa ating buhay laging may ipinababatid sa atin ang Diyos. Kahit sa kabila ng ating pagdurusa, paghihirap at problema laging may mensahe ang Diyos sa atin. Ang kailangan lang ay makinig tayo sa Kanyang tinig. Huwag sana tayong matulad sa mga tao sa ating Ebanghelyo na sa halip makinig sa sinasabi at ipinapahayag ng Panginoon sila ay nagduda. Kaya nga sinabi ng ating Panginoon sa ating Ebanghelyo, “Nasusulat sa aklat ng mga propeta, ‘At silang lahat ay tuturuan ng Diyos.’ Ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lalapit sa akin. Hindi ito nangangahulugang may nakakita na sa Ama; yaong nagmula sa Diyos ang tanging nakakita sa Ama.” Ang pakikinig ay nangangahulugan ng pagbubukas at pagtanggap sa ating Panginoon.
Ikalawa, PANANALIG. Ang pakikinig natin sa tinig ni Hesus ay dapat magdala sa atin sa pananalig sa Diyos. Ito ang panawagan ng ating Panginoon sa lahat ng mga taong nagdududa sa Kanyang mga salita. Kaya nga sinabi ng ating Panginoon sa Ebanghelyo, “Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay may buhay na walang hanggan. Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.” May mga panahon po talaga sa buhay natin na minsan nagkakaroon tayo ng pagdududa sa Diyos. Lalo na sa panahon na tayo ay nahihirapan, sa panahon na parang wala ng katapusan ang problema. Minsan gusto na natin bumitaw at umayaw, nakakapagod at nakakapagduda kung talaga bang dinidinig ng Diyos ang ating daing at dalangin. Pero ito ang sagot o tugon ng ating Panginoon sa Ebanghelyo, “Kaya’t sinabi ni Hesus, “Huwag kayong magbulung-bulungan. Walang makalalapit sa akin malibang dalhin siya ng Amang nagsugo sa akin. At ang lalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw.” Para bang sinasabi Niya sa atin na huwag na kayong magduda lumapit lang kayo sa akin at manalig di ko kayo bibiguin. Ang Pananalig ay nangangahulugan ng paniniwala, pagtitiwala at pagtalima sa Diyos.

Ikatlo, PAGSUSUMIGASIG. Ang pagsusumigasig ay malalim na salitang nangangahulugan ng pagsusumikap, pagtitiyag o pagtitiis. Ito ang panawagan sa atin ng Unang Pagbasa mula sa Unang Aklat ng mga Hari, ng si Elias ay gusto ng sumuko, umayaw at bumitaw. Subalit makikita natin kung paano siya binigyan ng lakas ng Diyos sa pamamagitan ng tinapay na dala ng anghel. Ito rin ang wika ng ating Salmo “Magsumikap tayong kamtin ang Panginoong butihin.” At ito rin ang panawagan ni San Pablo sa sulat sa mga taga- Efeso patungkol sa pagtitiis, “Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit at poot; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait, at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isa’t isa, at magpatawaran, tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo.” Ito rin ang ginawa ng ating Panginoon na kahit marami ang nagdududa sa Kanya ito ay Kanyang pinagtiisan at pinagsumasigan na dalahin ang lahat sa kaligtasan. Marahil marami sa atin dito ay pagod na, hirap na hirap na at gusto na bumitaw katulad ni Elias. Pero tinatawag tayo ng ating Panginoon na magtiis at lumapit sa kanya.
Kaya hinahamon tayo sa Linggong ito na sa kabila ng ating mga pangamba at pagdududa dala ng mga paghihirap at suliranin sa buhay, nawa tayo ay maging bukas upang tanggapin si Hesus bilang Tinapay ng Buhay sa pamamagitan ng pakikinig sa kanyang tinig, sa pamamagitan ng pananalig at pagsusumigasig sa kabila ng lahat ng hirap sa buhay. Dahil tanging si Hesus lamang ang sagot sa lahat ng ating kagutuman at pangangailangan.

Reply

Malou Castaneda August 10, 2024 at 5:32 pm

PAGNINILAY
Sa mga oras ng pag-aalala, pagkabalisa, o puno na iskedyul, madalas ay wala tayong ganang kumain. Nakikiusap si Hesus sa atin na kainin ang Buhay na Tinapay (naratamdaman man natin ito o hindi) upang ating kainin ito at mabuhay magpakailanman. Sa kasamaang palad, ang tingin natin sa Eukaristiya ay mababaw lamang. Iniisip natin sa ating sarili, ang Eukaristiya ay parang tinapay lamang, ito ay ostiya, at hindi man lang masarap. Sa ibang pagkakataon masasabi nating, naniniwala tayo na si Hesus iyon ngunit may abalang araw tayo. Gaano ba talaga kalaki ang maidudulot ng pagpunta natin sa araw-araw na Misa, o kung gaano kasama kung gumawa tayo ng iba ngayon sa halip na pumunta sa Sunday Mass. Naghuhusga tayo sa pamamagitan ng hitsura at minamaliit natin ang pagbabagong kapangyarihan ng unyon kasama ang Diyos na Nagkatawang-tao. Ang pagsasabi na ang pagpunta sa Misa ay hindi makadaragdag sa ating araw o linggo ay ang pagsasabi na ang makita ang pinakamamahal nating asawa o kaibigan ay hindi makakabuti sa ating araw. Kung minsan ay nahihirapan tayo sa mga kaisipang ito tungkol sa Misa, lalo na kung kailangan nitong gumising ng maaga, ngunit sa ating “natikman at nakita,” may kumpiyansa tayong masasabi na ang ating araw ay kapansin-pansing iba kapag tinanggap natin ang Eukaristiya. Nakatanggap tayo ng napakaraming lakas at kapayapaan kay Hesus at mas madaling madama ang pagiging malapit sa Diyos o isagawa ang mga birtud (lalo na ang pasensya!). Kung mas namumuhunan tayo sa ating pakikipagkaibigan kay Hesus, lalo tayong lumalapit sa Kanya sa pagkakaisa ng Eukaristiya, mas matitikman natin ang kasiyahan ng Kanyang pag-ibig at makikita ang pagbabago sa ating buhay. Ang Eukaristiya ay ang ating Komunyon, o ang matalik na pagkakaisa ng ating puso sa puso ng Diyos.

Panginoong Hesus, ang Iyong Katawan at Dugo ang nagbibigay sa amin ng lakas sa aming paglalakbay sa buhay. Amen.
**

Reply

Joshua S. Valdoz August 10, 2024 at 8:47 pm

PAGNINILAY
Sa mga oras ng pag-aalala, pagkabalisa, o puno na iskedyul, madalas ay wala tayong ganang kumain. Nakikiusap si Hesus sa atin na kainin ang Buhay na Tinapay (naratamdaman man natin ito o hindi) upang ating kainin ito at mabuhay magpakailanman. Sa kasamaang palad, ang tingin natin sa Eukaristiya ay mababaw lamang. Iniisip natin sa ating sarili, ang Eukaristiya ay parang tinapay lamang, ito ay ostiya, at hindi man lang masarap. Sa ibang pagkakataon masasabi nating, naniniwala tayo na si Hesus iyon ngunit may abalang araw tayo. Gaano ba talaga kalaki ang maidudulot ng pagpunta natin sa araw-araw na Misa, o kung gaano kasama kung gumawa tayo ng iba ngayon sa halip na pumunta sa pang-araw-araw na Misa. Naghuhusga tayo sa pamamagitan ng hitsura at minamaliit natin ang pagbabagong kapangyarihan ng unyon kasama ang Diyos na Nagkatawang-tao. Ang pagsasabi na ang pagpunta sa Misa ay hindi makadaragdag sa ating araw o linggo ay ang pagsasabi na ang makita ang pinakamamahal nating asawa o kaibigan ay hindi makakabuti sa ating araw. Kung minsan ay nahihirapan tayo sa mga kaisipang ito tungkol sa Misa, lalo na kung kailangan nitong gumising ng maaga, ngunit sa ating “natikman at nakita,” may kumpiyansa tayong masasabi na ang ating araw ay kapansin-pansing iba kapag tinanggap natin ang Eukaristiya. Nakatanggap tayo ng napakaraming lakas at kapayapaan kay Hesus at mas madaling madama ang pagiging malapit sa Diyos o isagawa ang mga birtud (lalo na ang pasensya!). Kung mas namumuhunan tayo sa ating pakikipagkaibigan kay Hesus, lalo tayong lumalapit sa Kanya sa pagkakaisa ng Eukaristiya, mas matitikman natin ang kasiyahan ng Kanyang pag-ibig at makikita ang pagbabago sa ating buhay. Ang Eukaristiya ay ang ating Komunyon, o ang matalik na pagkakaisa ng ating puso sa puso ng Diyos.

PANALANGIN: Mahal na Poong Hesus Nazareno, ang Iyong Katawan at Dugo ang nagbibigay sa amin ng lakas sa aming paglalakbay sa buhay. Amen.

Reply

Group of Believer Poblite August 11, 2024 at 6:59 am

MAGNILAY: Iniisip siguro ng mga tao karne sa palengke nang sabihin ni Hesus na laman niya ang ipakakain sa kanila kaya ganun na lang ang reaksyon nila. Buhay at pagmamahal ang ibibigay niya para mabuhay ang lahat. Isasakripisyo niya sarili niya hanggang krus para mailigtas lahat. Ito ang kahulugan ng laman. Pagkain pa rin ng tiyan ang nasa isip nila. Pagkain na ng puso’t kaluluwa ang tinutukoy ng Panginoon. Ginawang sakramento ang katotohanang ito. Sa Eukaristiya na buhay at banal na tanda ng sakripisyong ito’y tinatanggap natin si Hesus sa anyong tinapay bilang pagkain ng puso nati’t kaluluwa. Ang pag-ibig niyang handang magdusa ang bumubuhay sa atin.

MANALANGIN: Panginoon, salamat sa buhay mong kaloob sa amin.

GAWIN: Busugin ang mga mahal mo ng pag-ibig na handang ialay ang buong sarili

Reply

Rosalinda panopio August 11, 2024 at 10:06 am

pinupuri kita Panginoon Hesus pinasasalamatan kita Panginoong Hesus

Reply

Celine loveko August 11, 2024 at 1:16 pm

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA!

Reply

Marz August 11, 2024 at 1:43 pm

A little knowledge is a dangerous thing.
Gaya ng ginawa ng mga Hudyo kay Hesus.
Sumampalataya tayo ng maranasan natin ang misteryo ng Paginoon.
Si Kristo na tinapay natin kailangan natin sya sa ating paglalakbay sa buhay na ito.
Ang Diyos ay maunawain alam nya na pagod at nahihirapan tayo,
Renew natin ang pagdarasal at pagsisimba.
Alleluia. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: