Martes, Enero 9, 2024

January 9, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Kapistahan ng Nuestro Padre Hesus Nazareno

Minamahal kong mga kapatid, ang pag-ibig ni Kristo ay nagbibigay ng buhay at kaligtasan. Sa bawat kahilingan, ating itutugon:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Upang ang mga mahihina at makasalanan ay makita ang Simbahan bilang tahanang bukal ng kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Upang ang mga kabataan ay maturuang magmalasakit at magpakasakit para sa kapakanan ng bayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Upang matuto tayong magtiis ng anumang kahirapan, at umiwas sa mga bagay na ikapagdurusa ng kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Upang ang mga deboto ng Poong Nazareno ay maging maibigin sa kanyang Salita at Tinapay ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Upang sa lahat ng bansa’y umiral ang kapayapaan ni Kristo, bunga ng kanyang pag-ibig na mas malakas kaysa kamatayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Upang ang mga taong nabubuhay sa pagkakasala ay ituring natin nang may habag at pag-unawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Upang ang mga maysakit, mga nalulumbay, at mga may kapansanan ay makatagpo ng lakas at kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Upang ang mga namatay ay makadama ng mapagligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming mapagmahal, nahayag sa salita, gawa, buhay at kamatayan ng iyong Anak na ang Diyos ay pag-ibig. Maipahayag din nawa namin ang katotohanang ito sa pamamagitan ni Hesus Nazareno, Panginoon namin magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

RFL January 9, 2024 at 10:15 am

Ano ang tunay na pananampalataya?

Jesus of Nazareth o Jesus the Nazarene. Yan marahil ang pagkakakilala ng mga Hudyo sa ating Panginoon Hesus noong Siya’y namuhay bilang tao dalawang libong taon na ang nakakaraan. In fact, may pelikula pa nga na madalas nating panuorin kapag Holy Week na may pamagat na Jesus of Nazareth. At ngayong araw ay ipinagdiriwang ng Kristiyano Katolikong Pilipino ang Kapistahan ng Panginoong Hesus na Nazareno. Marahil ay napakadaming dadalo sa kapistahang ito para mapagaling sa kanilang karamdaman, matupad ang kanilang hinihiling o yung iba naman ay may panata na kailangan nilang gampanan.

Ano ba ang dapat na meaning sa pagsasabing kinikilala natin si Hesus bilang Nazareno? Sa ikalawang pagbasa ay sinabi ni Apostol San Pablo na si Hesus, bagamat Siya ay Diyos ay hindi piniling maging kapantay ng Diyos. Bagkus ay hinubad Niya ang pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay bilang alipin. Tayo bilang mga tao, gaano natin kayang talikuran ang ating position sa lipunan o kahit sa ating tahanan, para mamuhay bilang isang tapat na tagapaglingkod? Si Hesus ay higit pa sa V.V.I.P., Siya po ang Panginoon, ang Salita ng Diyos na lumikha sa atin at sa mundong ginagalawan natin. Siya po ay Hari ng lahat, sinasamba ng mga milyong-milyong mga anghel sa kalangitan bente-kwatro oras. Ngunit dahil sa pag-ibig sa Ama at pagsunod sa Kanya, at ang dakilang pag-ibig sa atin, bumaba Siya mula sa langit at nakipamuhay sa gitna natin.

At pano nga ba makadanas ng mamuhay na kasama ng tao? Oo, may mga masasayang sandali, may katuwaan, kagalakan, pagkakaisa, pagmamahalan, pagbibigayan. Yan siguro ang perfect scenario ngunit dahil tayo’y nandito sa mundo, meron ding pag-aawayan, pagmamataasan, kasakitan, nakawan, pagmamalupit, at kamatayan. Mula sa perfect Heaven ay bumaba si Kristo para maranasan lahat ng kadumihan sa mundo. At higit sa lahat ng kanyang mga naranasan, ang Hari ng Sanlibutan ay piniling magpakasakit at ialay ang sarili para sa pag-ibig Niya sa Diyos at sa atin.

Ang sabi pa nga mula sa Aklat ni Propeta Isaias, “Marami ang nagulat nang siya’y makita, dahil sa pagkabugbog sa kanya, halos hindi makilala kung siya ay tao.” Sa palagay ko, ito ang gustong ipahatid na mensahe ng Panginoong Hesus na Nazreno. Na ang Diyos na ating sinasamba, ang Hari ng Sanlibutan, ang may gawa ng langit at lupa, ay piniling magpakasakit para sa ating lahat, kahit hindi na Siya makilala ng tao. Marahil ay nagkabasag-basag na ang Kanyang katawan at mukha. Marahil kaya itim ang kulay ng Poong Nazareno ay upang ipakita na Siya ay duguan beyond comparison. Di ba’t ang dugo ay nangingitim pag namumuo o natutuyo?

Mga kapatid, tunay ba nating nalalaman ang totoong pagsamba sa Diyos at sa ating Panginoong Hesus? Tunay ba nating naiintindihan ang pagpapakasakit at kamatayan Niya para tayo ay mailigtas? I pray that we will always bear it to our hearts and mind, body and soul: ang walang kapantay na pag-ibig ng Diyos at ni Kristo Hesus sa atin. I pray na ang pag-ibig ng Diyos na ating nalaman at pinapaniwalaan ay maghantong sa pag-iwas natin sa kasalanan, at pagbibigay ng pag-asa sa iba lalo na sa mga hindi naniniwala o mahina ang pananampalataya. Oo, ang pananampalataya kay Kristo ay maaring makapagbigay ng kaginhawaan sa ating buhay dito sa mundo, o di kaya nama’y mapagaling ang ating mga karamdaman. Pero higit sa lahat, at ang pinakaimportante sa lahat, ang pananampalataya kay Kristo ay magdudulot sa atin ng buhay na walang hanggan.

Si Hesus mismo ang nagsabi, ang pananampalataya Anak ng Diyos ay may kalakip na pangako: “Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Manampalataya tayo sa Panginoong Hesus. Ang pananampalataya ay nasa puso ng tao at wala sa mga bagay na nakikita at nahahawakan. Ang sabi nga ng Panginoon kay St. Thomas: “Pinagpala silang hindi nakakita gayunma’y naniniwala.”

Amen.

Reply

Joshua S. Valdoz January 9, 2024 at 1:12 pm

Amen. ¡Viva! Poong Hesus Nazareno!

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: