Lunes, Enero 8, 2024

January 8, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon

Sa Binyag ni Jesus sa ilog ng Jordan, ipinaaalaala sa atin ang ating sariling Binyag kung saan ginawa tayong mga anak ng Diyos kaya’t natatawag nating Ama ang Diyos. Lumalapit tayo ngayon sa kanya habang sinasabi natin:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na aming Ama, malugod ka nawa sa amin.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y maging malinis sa Binyag upang magtamasa ng kalayaan at dignidad bilang mga anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang kalayaan at karangalan ng bawat mamamayan nawa’y pangalagaan at igalang ng bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang mag-aangat sa kalidad ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya at mga pamayanan nawa’y tunay na maranasan ang kanilang pagiging iisa sa pamamagitan ng kanilang buhay at pagpapahayag ng pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman at mga nagdurusa nawa’y makalaya sa panghihina ng kanilang katawan at pag-iisip, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalatayang namayapa na ay makabahagi nawa sa kaligayahan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, ginawa kaming mga tagapagmana ng iyong Kaharian sa pamamagitan ni Jesus na iyong Anak. Loobin mo na sa pananalangin namin para sa isa’t isa ay manahin namin ang Kahariang iyon kung saan ikaw ay nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez January 2, 2021 at 1:25 pm

Pagninilay: Ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon ay hudyat ng pagtatapos ng Panahon ng Pasko ng Pagsilang. Ang Pagbibinyag ni Hesus sa Ilog Jordan ay tanda ng pagsisimula ng kanyang Pampublikong Ministeryo. Kaya tayo ay papasok sa Karaniwang Panahon sa susunod na araw upang pagnilayan ang ordinaryong pamumuhay ni Kristo nang siya’y nangaral ng Mabuting Balita at gumawa ng mga kababalaghan. Bagamat si Hesus ay ang Anak ng Diyos at may kalagayan na pagka-Diyos, nagpakumbaba siya at nagpabinyag sa kanyang pinsang si San Juan Bautista. Itong pangyayaring ito ay nagpapahiwatig ng 3 punto:

1.) ANG KAHALAGAHAN NG BINYAG. Bininyagan si Hesus upang gawing banal niya ang gawaing ito, na ito’y magsilbi bilang Sakramento. Ang binyag ay tanda ng kanyang Pagkamatay at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan ng mga tubig ng pagbibinyag, ang ating mga kasalanan ay nililinis. Kung baga’y tayo ay nakiisa sa Pagkamatay ni Hesus sa paglilinis ng ating mga kasalanan, at tayo rin ay naipagkaloob ng grasya ng Diyos sa pamamagitan ng Muling Nabuhay na Panginoon.

2.) ANG PAKIKIBAHAGI SA PAMILYA NG DIYOS. Ang Sakaramento ng Binyag ay tinatawag na “pinto” patungo sa ating pananampalataya sa Panginoon. Tayo ay nakikibahagi sa pamilya ng Diyos, ang kayang Sambayanang kumakatawan sa Simbahan. Sinasabi ni San Pedro sa Ikalawang Pagbasa na walang sinumang itinatanggi ang Diyos Ama. Ipinahayag ng Apostol tungkol sa kaligtasang ipinahayag sinauna sa mga Israelita at ipinakita sa mga Hentil dahil kay Hesus na nagtupad ng kaligtasan. Ang pagbibinyag ay tanda na ang orihinal na kasalanan ay inilibing at ang grasya ng Diyos ay patuloy na nabubuhay.

3.) ANG MISYON NATING MGA KRISTIYANO. Ang Unang Pagbasa ay isa sa mga orakulo tungkol sa “Lingkod ng Panginoon”. Sinasabi dito sa propesiya na ang hinirang na Lingkod ng Diyos na si Hesukristo ng kapangyarihan ng Espiritu Santo upang ipamalas ang kanyang kapangyarihan, katuwiran, at kabutihang-loob. Kaya ang ating misyon bilang mga Kristiyano ay itinuturing na “Priestly, Prophetic, at Kingly”. Priestly sapagkat tayo ay inaanyayahang gumawa ng mga sakripisyo upang ipamalas ang ating kabutihan sa ibang tao lalung-lalo sa mga nangangailangan. Prophetic sapagkat tayo ay inaasahang ipahayag at ituro ang matuwid na pamumuhay ayon sa pamantayan ng ating Diyos. At Kingly sapagkat binigyan tayo ng kapangyarihan upang mamuno nang may kababang-loob at paglilingkod sa kapwa.

Nawa sa ating pagdiriwang ng Pagbibinyag kay Hesus, sariwain din natin ang mga pangako sa binyag na talikdan natin ang masasamang bagay na galing sa Diyablo at sumampalataya sa Panginoong Diyos at sa kanyang dakilang kalooban/magandang plano.

Reply

JesMar jose January 6, 2021 at 3:04 am

Maraming ang tinatawag para mabinyagan at maki bahagi sa “Bayan ng Diyos” at lahat ay maligtas. Ngunit kaunti lng ang pinili para dumaan sa “makipot na daan” upang maligtas.

Reply

Malou Castaneda January 7, 2024 at 8:01 pm

PAGNINILAY
Ano pa ang maaari nating hilingin? Sinasabi sa atin ni Hesus na ang lahat ng nagmamahal sa Kanya ay mamahalin Niya at ng Kanyang Ama. Ang pag-ibig ay ang pinakadakilang regalo. Maaari tayong magkaroon ng pera, impluwensya, mabuting kalusugan at iba pang mabubuting bagay. Ngunit kung hindi tayo minamahal, tayo ay kabilang sa mga pinakamahirap. Ang walang kondisyong pag-ibig ay ang pinakadakilang regalo na maibibigay at matanggap at kahanga-hanga na tayo ay maaaring umibig ng walang kondisyon. Ang pag-ibig ng magulang para sa kanilang mga anak. Sa pamamagitan ng mga pagsisikap at paghihirap, patuloy na minamahal ng mga magulang ang kanilang mga anak at gusto lamang ang pinakamabuti para sa kanila. Nakalulungkot, maaaring may mga oras na may mga kondisyon na nakapaloob ng ating pagmamahal. Ang kamangha-manghang bagay ay: sa Diyos, kay Hesus at sa Espiritu, mayroon lamang dalisay at walang kondisyong pag-ibig. Hindi mahalaga kahit ano ang ating ginagawa o ikinikilos, ang kanilang pagmamahal sa atin ay hindi kailanman nababawasan. Ang kanilang pag-ibig para sa atin ay dumadaloy ng walang tigil. Maaaring nahihirapan tayo sa walang kondisyon na pag-ibig. Ngunit sa mga sandali ng grasya, nakapsgbibigay tayo ng pag-ibig na walang kondisyon. Ito ay isang mahusay na regalo upang ibigay at matanggap. Sikapin nawa natin na tularan ang malaya at walang kondisyon na pag-ibig ng Diyos, ni Hesus at ng Espiritu. Maging mapagpasalamat tayo kapag natanggap natin itong mahusay na regalo at bigyan ng pasasalamat ang mga nagbigay! Pagkatapos ay humayo nawa tayo at ibahagi ang ating walang kondisyon na pag-ibig sa ating pamilya, mga kaibigan, kahit na mga estranghero, at sa lahat!

Ama, Anak at Banal na Espiritu, punan kami ng biyaya upang gawin ang iyong trabaho dito sa lupa. Amen.
***

Reply

RFL January 7, 2024 at 8:41 pm

Si Hesus bilang Mesiyas at Anak ng Diyos, ay inihayag noong Kanyang bautismo. At ito ay inihayag ng Makapangyarihang Diyos at ng Espiritu na nag-anyong kalapati kay San Juan Bautista. At si San Juan Bautista naman ay inihayag ang katotohanan nito sa mga tao.

Dalawang thought ang ating pagnilayan dito. Una ay si San Juan Bautista.

Noong una pa man, alam na ni San Juan Bautista ang tungkol sa pagdating ng Tagapagligtas ngunit base sa Scripture ay hindi pa nahahayag sa kanya kung sino nga ba ang Tagapagligtas, at ang dahilan ng pagbabautismo ay para maihayag Siya. Sa Mabuting Balita na ating narinig sinasabi ni San Juan na hindi sya ang Mesiyas at ni hindi karapat-dapat magtanggal ng tali ng Kanyang panyapak. Dito ay nagpakita siya ng kababaan ng loob at katapatan sa tungkulin dahil hindi naging hadlang ang kanyang kasikatan, pagbabautismo at pagkakaroon ng mga disipulo para lumaki ang ulo nya o dakilain ang kanyang sarili. Bilang Katolikong Kristiyano, marahil ay kilala natin ang Panginoong Hesu-Kristo, at maaari nga na isa tayo sa mga Tagapaglingkod sa Simbahan. Ang tanong na gusto kong pagnilayan natin ay ito: Inaagawan ba natin si Kristo ng spotlight sa pagiging Panginoon Nya? Pag ba may ginagawa tayong mabuti sa kapwa ay kino-congratulate ba natin ang ating mga sarili? Pag ba naging successful tayo sa isang bagay o umunlad ang ating kabuhayan o naging sikat tayo, ay dinadakila ba natin ang ating mga sarili at sinasabing, “Ang galing ko talaga, ako lahat ang may gawa nito.”? Mga kapatid, i-examine natin ang ating konsensya at kung may maliit na boses na nagbibigay ng credit lahat sa sarili mong gawa ay iwaksi natin ito at ihingi ng tawad sa Panginoon na Siyang source ng lahat ng mabubuting bagay.

Pangalawang magandang pagnilagayan ay: Tayo ay mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus, na Siya ang Mesiyas—ang ating Tagapagligtas, ang Anak ng Diyos. Ito ang mismong hinayag ng Diyos Ama sa pamamagitan ng isang tinig and through the Holy Spirit as symbolized by a dove. Ngunit tayo ba ay authentic na mga anak ng Diyos? Nananalig ba tayo ng buong puso, isip at kaluluwa sa Panginoong Hesus? At kung sakaling ang sagot natin ay “oo”, mahal ba natin ang Diyos? Sumusunod ba tayo sa Kanyang mga turo at utos? Mahal ba natin ang ating mga kapatid sa Panginoon? Mahal ba natin ang iba nating kapatid na hindi pa natatagpuan ang Panginoon?

Napakasarap sa pakiramdam na malaman na tayo’y mga anak ng Diyos. Dahil maraming nakakabit na pangako ng Panginoon ang katotohanan na ito: kasagaanan, kagalingan, kasiglahan ng katawan, proteksyon, kapayapaan, kapatawaran, buhay na walang hanggan, at marami pang iba. Ngunit bilang mga anak Niya, naipapakita at naipaparamdam din ba natin sa Diyos na mahal natin Siya? Sa Unang Pagbasa, inilahad ni San Juan na maipapakita natin sa Diyos ang ating pag-ibig sa Kanya kung tayo’y sumusunod sa Kanyang mga utos at turo.

Ang isa pang hamon ng pagninilay na ito: oras-oras nating ipakita ang ating pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos. At kung mayroon mang aspect na nahihirapan tayong sumunod, idirect natin ang ating puso kay Hesus na Siyang magbibigay sa atin ng tagumpay para makasunod sa mga utos ng Diyos.

Reply

Joshua S. Valdoz January 8, 2024 at 1:24 pm

Joshua S. Valdoz January 8, 2024 at 1:25 pm

Salamat Sa Diyos, Amen!!!!

Reply

Rosalinda M. Jubilado January 9, 2024 at 2:33 pm

who are the true followers of Christ?
who are the true faithful to Jesus Christ?
who are the true believers of Christ?declaring thst we are of Christ is not enough.
kasi yung mga Pariseo, Saduseo, at ang mga bihasa sa kasulatan ay naniniwala sila sa Diyos ng kanilang ninuno pero dumating ang ansk Diyos hindi nila pinaniniwalaan.
kaya mga kapatid huag tayong makampante kung ano ang nakikita na tin ngayon na may malaking pagkakaiba sa nakikita ng isang tunay na mananampalataya kay Kristo.
alalahanin natin na ang lahat meron tayong ga butil na faith ay mula sa Kanya.
ang kaisipan natin ay di tulad ng kaisipan ng ating Diyos, ngunit inaakap natin ang ating sariling pang unawa imbes ng hingin natin na dagdagan ang ating kaalaman sa Kanya.
ang susi nito ay kababaang-loob at pagpapasakop sa Kanya.
sinasabi natin na si Jesus ay Anak ng Diyos,.. nakita ba natin na si Jesus ay Diyos ngunit naging masunurin sa Kanyang Ama na nagpabinyag sa itinalaga ng Diyos Ama na magbinyag sa Kanya bilang tao?
sa palagay mo aakyat ba ang Anak ng Diyos na hindi nagtalaga ng magbibinyag sa Kanyang mga anak na nakasulat na sa Aklat ng Buhay bago pa nilikha ang sanlibutan?
dito natin malalaman ang naniniwala jay Jesus ngunit hindi naman sumusunod sa Kalooban ng Diyos.
kaya magkasama lagi ang paniniwala at pagsunod sa Diyos.

umakyat sa piling ng Ama si Jesus ngunit hindi Niya tayo iniwang ulila.
may KINATAWAN SIYA AT ITINALAGA NA MAGPATULOY SA KANYANG BANAL NA GAWAIN NA KUNG SAAN DAPAT TAYO AY MAGPASAKOP DITO.

Kaya nga sabi ni Jesus ang sinumang tumanggap sa akin at tatalima sa aking kalooban ay may buhay na walang hanggan.

may kongkreto tayong tatanggapin.
napakapalad natin sapagkat inalay ni Jesus ang Kanyang Buhay sa Krus upang makamtan natin ang kapatawaran at muling nabuhay upang makapiling natin Siya sa Buhay na Walang Hanggan
IMAGINE JESUSUS IS OFFERING HIMSELF IN HOLY EUCHARIST TO BE IN ONE WITH US IN SOUL, BODY, ANG SPIRIT but many despise it.
see God is with us till th end of time.GREAT IS THE LOVE OF GOD.
ALLELUIA! HALLELUIA!
I to ang pang unawa na ibig makita sa atin ng Diyos. That God is right here with us, in soul, body, and spirit.
Jesus is with us through these Sacraments that we have received because of faith na may gawa, that
Jesus has instituted for our times and for all generations to come.

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: