Martes, Agosto 29, 2023

August 29, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Agosto 29
Ang Pagpapakasakit ni San Juan Bautista

Marami ang nagpatotoo sa kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang buhay. Dahil sa pagkabatid natin na ang ating misyon sa mundo ay maging mga propeta, manalangin tayo sa ating mapagmahal na Ama na gawin tayong tapat sa ating bokasyon.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sumaamin nawa ang Iyong lakas, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y may tapang na tuparin ang kanyang propetikong misyon na ipahayag ang Ebanghelyo nang walang takot o kompromiso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa pamahalaan nawa’y magkaroon ng budhing matatag na nakabatay sa katapatan at moralidad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating pamayanan nawa’y manindigan at magsalita para sa katarungan at dignidad ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi panghinaan ng loob dahil sa mga pagsubok sa buhay bagkus higit na maging matatag sa pananampalataya sa pamamagitan ng mga ito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nasa bingit ng kamatayan nawa’y pukawin ng sigla ng pangaral at halimbawa ni San Juan Bautista, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos naming makapangyarihan, pinagpala mo kami ng pangaral at halimbawa ni San Bautista. Maialay nawa namin ang aming buhay sa paglilingkod sa iyo sa pamamagitan ng aming pangangaral at buhay. Hinihiling namin to sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 26, 2019 at 12:15 am

PAGNINILAY: Kung tuwing ika-24 na Hunyo ay ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista, ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang Paggunita sa kanyang Pagpapasakit. Si San Juan Bautista, anak nina Zacarias at Elisabet at pinsan ng Panginoon, ay tinawag ng Diyos na ipahayag sa mga tao tungkol kay Kristo, at ihanda ang daan para sa Pagdating ng Panginoon. Pagkatapos ang Pagbinyag ni Hesus sa Ilog Jordan, natatapos na ang panungkulan ni Juan, at siya’y dinakip ni Haring Herodes Antipas ng Galilea mula sa utos ng ikalawang asawang na nakipag-apid sa kanya na si Reyna Herodias, dating asawa ng kapatid ng hari na si Felipe ng Samaria. Kitang-kita na idinakip siya, at mismong hari ay natuwa sa kanyang mga sinasabi kahit pinagsasabihan siya nito, ngunit ang reyna mismo ay may balak na ipuksa si Juan. Kaya nangyari sa kaarawan ng hari, ang anak ni Reyna Herodias na si Salome ay nagsayaw, at binigyan ng bilin na pwede siyang humiling kung ano man gusto, kahit ito ay magiging sakripisyo. At dito nabunyag na pugutan ang ulo ni San Juan Bautista. Kahit nalulungkot si Haring Herodes sa ganitong hiling, kinailangan niya ito tuparin sapagkat nagpayo na siya sa dalagita. Kaya isinugo niya ang isang bergudo na pugutan ang ulo ni Juan, inilagay sa platito, at ibinigay sa dalagita, na ibinigay rin sa ina. Sa Pagka-martir ni San Juan Bautista, inihanda rin niya ang Misteryong Paskwal ng ating Panginoong Hesukristo, dahil sa Paghahandog ni Kristo, ibininyag tayo ng Espiritu Santo. Kitang-kita rin na si San Juan Bautista ay kinakatakutan ni Haring Herodes ngunit binabalewala ni Reyna Herodias, kaya natupad ang mga wika ni Hesus na walang propeta ay tanggap sa sariling bayan at sa sariling bahay, at ito ay tinutukoy sa mga matataas na opisyal ng Galilea na hindi tanggap sa propeta. Sa ating paglakbay sa daang ito, tularan natin ang halimbawa ni San Juan Bautista na naghanda, nagpahayag at nagpakasakit para sa Panginoon.

Reply

Jose M. Javier August 29, 2023 at 5:11 am

He prays that their hearts would be strengthened, so that they will be blameless when Jesus returns. He wants them to grow in love and in holiness, with an eye to the coming return of Jesus. All in all, he wants to supply what is still lacking in their faith, that is increasing love and increasing holiness. The text is about Paul sending Timothy to check out the condition of Thessalonian believers, as we know Paul didn’t spend much time with Them because of persecution. He was concern and curious about them. Timothy brings good news that they are growing in faith and growing in love. Helps Us Love One Another. So God we ask that you would make us increase and abound in love for one another. God, we pray for that. Please help us to increase today, to abound today in our love for one another specifically as brothers and sisters in Christ.
For Gospel;
Mark wants us to prepare for the worst. He wants those believers who are weak to be prepared for the passion of Jesus. There is a need for the followers of Christ to become strong in midst of the evil in the world. Like John in the gospel, who are the innocents and voiceless whose heads are cut off these days?

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: