Podcast: Download (Duration: 5:26 — 3.9MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Agosto 24
San Bartolome
Sa ating pagpaparangal sa Apostol na isang lalaking hindi makagagawa ng panlilinlang, lumapit tayo sa Ama nang may pagtitiwala, binubuksan sa pamamagitan ng panalangin ang ating mga puso.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, basbasan mo kami na iyong hinubog sa pamamagitan ng pananampalataya ng mga apostol.
Ang Simbahan nawa’y maging bukas sa mga pagkilos ng Espiritu lalo na sa mga samahang pinagyayaman ang pananampalataya ng Bayan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y maging karapat-dapat sa karangalan at dignidad sa pamamagitan ng kanilang tapat at ulirang pagtupad sa tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.
Magkaroon nawa ng mga programa para sa paghubog sa mga kabataan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng tulong sa paglilingkod ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y makabahagi sa kaluwalhatian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama, habang ipinararating namin sa iyo ang mga panalanging ito sa tulong ni San Bertolome, tulungan mo kaming magmahal sa iba at magtiwala sa iyong mga pagpapala sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Agosto 20, 2023
Linggo, Agosto 27, 2023 »




{ 2 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ni Apostol San Bartolome.
Sa ating Ebanghelyo (Juan 1:45-51), kilala siya bilang Natanael. Napakaganda ang paraan ng kanyang pagtawag sa pagiging Apostol. Una ay ang pagkwento sa kanya ni Felipe tungkol sa Panginoon na nagmula sa Nazaret. Kaya tinanog niya, “May mabubuting bagay ba na nagmula sa Nazaret” (Juan 1:46)? At inaanyayahan siyang sumunod. Ikalawa ay ang pagtawag sa kanya ni Hesus mula sa puno ng igos. Dahil dito, buong pananampalatayang sinabi niya: “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel” (Juan 1:49)! Ang pagtawag kay San Bartolome bilang Apostol ay isang panawagan ng pananampalataya sa Panginoon. Dahil dito, ipinangako sa kanya ni Hesus na makakamit niya ang buhay na walang hanggan kasama siya.
Siya ay nangaral sa Armenia at India. Doon sa India siya’y tinanggal ng balat at pinugutan ng ulo. At si Kristo ay nasa piling nila sa kanilang pagpaparangal ng Mabuting Balita sa Simbahan. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y makilala natin ang Panginoon nang may buong pananampalataya katulad ng pagtawag ni San Bartolome. Nawa’y ipahayag din natin ang kanyang mensahe sa isip, salita, at gawa.
Ano ang aral sa atin ng ebnghelyo ni Hesus ngayon?
Maya mga taong hindi nanampalataya o humihina ang pananalig sa Diyos dahil sa kahirapan ng buhay, dahil sa kamalasang inaabot sa buhay, dahil sa mga pighati at suliranin na kinakaharap sa buhay. May mga tao pang nakapagsabi na “nasaan ang Diyos!?. Kapatid, ang buhay ng tao ay hindi kapighatian at hindi rin puro kaligayahan. Manmapalataya tayo kay Hesus ano man ang ibigay ng buhay, maging tagumpay o kapighatian. Ang lahat ng tao dumaranas ng kalungkutan hindi lamang natin alam ang istorya ng lahat, ngunit sila ay hindi bumitaw sa Panginoon, tinanggap nila ang dumating na dagok, pinasan nilang krus at nanatili sa pananampalataya. Ano ang ibig kong sabihin? Kung ano man ang dumating sa atin ay hindi tayo pababayaan ni Hesus sigurado yan aahon tayo makakaramdam ulit ng kaligayahan at kung may dumating mang muling pagsubok ay tatawanan na lamang natin, yan ay kung tayo ay hindi bibiraw sa Diyos at patuloy na mananampalataya, wag nating iwan ang pananalig sapagkat hindi tayo kailanman iiwanan ni Hesus. Manalig ka.