Biyernes, Agosto 18, 2023

August 18, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Nakikilahok sa paglikha ng Diyos ng bagong buhay ang mga asawa at maybahay. Ialay natin ang ating mga panalangin ngayon para sa mga magulang at mga anak.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, punuin mo ng iyong pag-ibig ang aming mga tahanan.

Ang Simbahan nawa’y tunay na maituro sa kanyang mga miyembro ang totoong dangal ng kasal at tulungan ang mga mag-asawa na manatiling magkasama sa banal nilang buhay may-asawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng gobyerno at mga mambabatas nawa’y magpatupad ng mga batas at tuntunin na nagtatatag ng tahanan at hindi sumisira nito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dumaranas ng mga pagsubok sa kanilang buhay may-asawa nawa’y makatanggap ng biyaya na makapagsumikap isabuhay ang kanilang mga pangako, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilyang nasira dahil sa diborsyo at paghihiwalay nawa’y makatagpo ng suporta at pang-unawa sa kanilang kapwa tao sa kanilang komunidad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nating mga kamag-anak at kaibigan nawa’y magtamo ng kaligayahan at kapayapaan sa walang hanggang tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng pag-ibig, nilikha mo kaming lalaki at babae upang ipagpatuloy ang iyong gawaing lumikha. Ang pagmamahal namin sa isa’t isa nawa’y sumalamin sa iyong pananahan sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 5, 2021 at 5:28 pm

PAGNINILAY: Maraming kritiko ngayon ay natatanong: “Bakit ba di-sang-ayon ang Simbahang Katolika sa diborsyo?” Ang sagot ay makikita sa ating Ebanghelyo ngayon (Mateo 19:3-12). Tinanong ng mga Pariseo si Hesus kung naayon sa batas ang pagdiborsyo ng asawang lalaki sa kanyang asawang babae dahil inutuos nga raw ni Moises na bigyan ng isang kasalutan. Sinagot ni Hesus na ang diborsyo ay hindi plano ng Diyos, kundi kasal. Nangyari lang iyan dahil sa katigasan ng puso ng mga tao. Ang turo niya tungkol sa Sakramento na Kasal ay nilikha ng Diyos ang lalaki at babae, at mayroon espirituwal na pagsasama, at nagiging isa ang dalawa. At sinabi pa ni Hesus sa kanyang mga alagad na sinumang nagdiborsyo sa kanyang asawa at nagpakasal sa isa pa ay nakikiapid na.

Mga kapatid, napakalinaw ang mga salita ng Panginoon: ang plano ng Diyos ay kasal, at ang tao lang mismo ay nagplano ng diborsyo. Subalit may mga kasong inaabuso ang lalaki sa kanyang asawang babae, at pinipilitan ang babae na humiwalay sa kanyang asawang lalaki. Sa pananaw ng Simbahan, pinapayapagan naman ang pagpapawalang-bisa ang kasal (annulment) at paghihiwalay (separation), subalit hindi ang diborsyo. Pero may mga babae lalo na ang mga biktima ng pang-aabuso ng asawa ay sinasabing dapat pahayagan ang diborsyo sa bawat Estado ng mga bansa, lalo na hindi pa ito sinasabatas at inaaproba ng Tagapagpaganap at Pambatasan ng ating bansa. Kaya lang hindi ito kailanman papayapagan ng ating Simbahan.

Ang nais lang ipunto ng Ebanghelyo sa ating buhay-Kristiyano ay maging maayos at matapat ang relasyon sa isa’t isa. Dapat tingan muna ng magkasintahan kung magiging wasto ang kanilang sibil at espirituwal na pagsasama. At ang bawat pangako na binibigkas sa kasal ay kailangan wagas, at ang pamilyang ibubuo ay dapat ipatatag at ippagmalaki nang maayos. Kaya sa ating pamumuhay sa daang ito, nawa’y maging matatag, mabuti, at maayos ang bawat relasyon ayon sa mga mata ng Diyos at sa tamang landas ng pamumuhay.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 13, 2021 at 9:27 am

Bakit ba naghihiwalay? Yan ang dapat nating ungakatin, ang dahilan ng paghihiwalay, ang ugat, sapagkat wala tayo sa posisyon nila para husgahan sila kung bakit sila naghiwalay, hindi natin alam amg nangyayari sa kanilang pamamahay. Marami ang pwedeng dahilan, nananakit ang lalaki, maya ibang babae ang lalaki o may ibang lalake ang babae, long distance relationship, madalas na pag aaway, tamad amg lalake, bungangera ang babae, mayron naman dahil sa mga byenan… madaming dahilan. Pero ang lahat ng yan ay pwedeng maiwasan at magawaan ng paraan pwera na lamang sa lalaking nananakit. Kaya ang simbahan ay pumayag na din sa annulment ng dahil sa siguro sa pang aabuso ng kabiyak dahil maaring mapunta ito sa pagpatay. Pero kagaya ng sabi ko ang ibang dahilan nman kayang iwasan kung gugustuhin ng may katawan. Ang naghihiwalay ng dahil sa may napusuang iba ay ugaling makasarili, sariling kasiyahan lamang ang iniisip, kawawa ang mga bata, may epekto sa buhay nila ang hiwalay na magulang. Ang problema sa byenan ay madali lamang din solusyunan kung bubukod katulad ng sabi ni Hesus na iwanan ang iyong ama’t ina kung mag aasawa na. Loyalty naman ang kailangan sa long distance relationship. Maaari ang lahat kung nais mong maging maayos ang buhay pag aasawa mo, madali din sirain kapag ikaw ay marupok sa tukso ng laman. Maigsi lamang ang buhay, wag puro sarili ang isipin, mahalin mo ang iyong asawa at isipin mo ang kinabukasan ng mga anak mo. Ang pag aasawa ay may kasamang pagtitiis, pasanin mo ang krus at si Hesus na nasa langit ang bahala sa inyo.

Reply

Bobby Javier August 18, 2023 at 4:27 pm

Salamat panginoon saiyong banal na pangalan at mga Salita,, siya namin gabay at patnubay sa araw-araw namon buhay,,, AMEN….

Reply

Marz August 18, 2023 at 8:56 pm

Put God in the center of the relationship. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: