Huwebes, Agosto 10, 2023

August 10, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
San Lorenzo, Diyakono at Martir

Sa ating pagdiriwang ng kapistahan ng isang dakilang santo ng Simbahan ng Roma, ina ng lahat ng simbahan, makiusap tayo sa ating mapagmahal na Ama na ipagkaloob ang mga kahilingang sama-samang inilalapit natin sa kanya sa panalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Loobin mong maging matatag kami
sa paglilingkod sa iyo, O Panginoon.

Ang mga diyakono ng Simbahan nawa’y maging masigasig sa pangangaral ng Ebanghelyo sa salita at halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Magkaroon nawa ng sapat na Katolikong boluntaryong maglilingkod para sa mga mahihirap na pamayanan at bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga dukha nawa’y pahalagahan at pangalagaan natin bilang mga tunay na yaman ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng tibay ng loob sa mga panahong nasasaktan ang ating katawan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong mahal natin sa buhay nawa’y makapasok sa ipinangakong Kahariang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, sa tulong ng mga panalangin ni San Lorenzo, ang iyong martir, tanggapin mo ang mga kahilingang inilalapit namin sa ngalan ng iyong Muling Nabuhay na Anak na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 5, 2021 at 4:41 pm

PAGNINILAY: Sa ating Ebanghelyo (Juan 12:24-26), ginamit ni Hesus ang imahe trigo bilang kaugnayan sa ating mga buhay bilang Kristiyano. Nais niyang ipahayag sa atin kung ano ang kahalagaan sa pagiging mga alagad niya. Katulad ng pagkamatay ng isang trigo, pagkahulog nito sa lupa, at pagiging masagana ang bunga, si Hesus din mismo ay namatay sa Krus at muling nabuhay upang tayo’y iligtas mula sa kasalanan at makibahagi sa misyon ng Diyos.

Ang imahe ng trigo ay may kaugnayan sa buhay ng mga martir, lalung-lalo ngayon si San Lorenzo (hindi Ruiz). Siya’y isang diyakono noong ikatlong siglo, at naging bukas palad siya sa pagbenta ng mga mahaling kagamitan sa mga mahihirap. Kaya ito’y ginalitan ng Prefek ng Roma at iniutusan siyang ibalik ang mga kayamanan sa emperador. At dinala niya ang mga mahihirap bilang kayamanan ng Simabahan. Kaya hinatulan siya na patayin gamit ang gridiron. Bago siya pinatay, sinabi niya sa Prefek, “Hayaang nakatabingi ang katawan ko. Sapat na ang isang tagiliran ay maluto.”

Si San Lorenzo ay namatay para sa mga mahihirap dahil binuwis niya ang kanyang buhay sa pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan. Kaya’t totoo ang pahayag ni Tertuliano: “Ang dugo ng mga martir ay binhi ng mga Kristiyano.” At tayo din ay dadanas ng mga pahihirap at pagsubok sa ating buhay. Pero ang mahalaga dito ay nagtitis at nagtiyaga, ginawa natin ang mabuti at tama alang-alang sa Panginoon. Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa tayo’y maging mga alagad ni Kristo at iharap ang bawat hamon ng buhay nang may pananampalataya sa kanya at pagmamahal sa kapwa.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 10, 2021 at 9:27 am

Ang hamon ng ebenghelyo sa atin ngayon ay generosity at service. Ang pagnanais na maglingkod sa Diyos ay hindi lamang sa pgseserve sa simbahan, upang tayo ay makapaglingkod sa Diyos kailangan natin maglingkod sa ating kapwa, kahit na ikaw ay hindi gumagawa ng masama ngunit ikaw sarili mo lang ang iniisip mo ay hindi rin tayo kalulugdan ng Diyos, katulad ng isang mayamang nagtanong kay Hesus kung pano makakarating sa paraiso ng Ama, ang sagot ni Hesus ay sundin ang mga kautusan, sumagot ang lalaki na ginagawa nman nya lahat iyon, sumagot ulit si Hesus at sinabing kung gayon ay ipagbili mo lahat ang iyong aria arian at ipamahagi sa mahihirap, at tumalikod na ng lalaki. Be generous, sinabi nman sa unang pagbasa na ang naghahasik ng kaunti ay mag aani ng kaunti at ang naghahasik ng marami ay mag aani ng marami. Magbigay ka ng kusang loob at hindi napipilitan lamang, huwag ka ding matakot na maubusan sapagkat ang Diyos ay magbibigay sayo ng binhi at lalago ito ng walang hanggan.

Reply

Jose M. Javier August 10, 2023 at 5:05 am

This is what Paul means when he says, “You reap what you sow.” If you have just a small amount of land, then you will reap a small crop. But that is not his point. His point is this: Put down as many seeds as you can, and it will reap what you have put into it. Paul is talking about the abounding grace of God, that God is able to make all grace abound to you, in order that you may abound in every good work. He will supply all his sufficiency at all times in all things so that you may abound in all good work. This is the abounding grace of God to us.
Each man should give what he has decided in his heart to give, not reluctantly or under compulsion, for God loves a cheerful giver”. In light of these words of Scripture I want to urge everyone to do three things: to give generously; to give willingly; and. to give cheerfully. God is mentioned repeatedly, and His work is cause for rejoicing. When God is at the controls of our lives, He will care for those who share resources because they care for His cause.
Gospel:
God is mentioned repeatedly, and His work is cause for rejoicing. When God is at the controls of our lives, He will care for those who share resources because they care for His cause. The paradox presented in John 12:24 invites us to die to ourselves, to our selfish ambitions, and to our fears. By embracing this call, we find that it is only in dying to ourselves that we can truly live and experience the abundant life Jesus offers. Serve and honour. Jesus described the hour that had come as the hour of his glorification. He also said that whoever served him would be honoured by the Father. The hour that came for Jesus was the hour of his final suffering, crucifixion and death. In summary, John 12:25 highlights the paradoxical nature of true life and fulfillment, as it is found not in selfish pursuits or worldly attachments, but in surrendering our lives to God’s will and embracing a life of selflessness and service.

Reply

Dong August 10, 2023 at 12:10 pm

Salamat panginoong jesukristo AMEN

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: