Miyerkules, Agosto 9, 2023

August 9, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
San Juan Maria Vianney

Bihira nating naaalala ang mga paring tumutulong sa atin sa bawat araw sa ating mga pangangailangang espiritwal. Sa kapistahang ito ni San Juan Maria Vianney, alalahanin natin sila sa ating mga panalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na pastol, basbasan mo ang iyong kawan.

Ang ating mga pari nawa’y patnubayan ng Banal na Espiritu sa pag-akay nila sa atin sa daan ng kabanalan. Magkaroon nawa sila ng tunay na sigasig sa pagliligtas ng mga kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kura paroko nawa’y bukas-loob na maglingkod sa Simbahan at maging saksi sa Mabuting Balita na kanilang ipinahahayag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga laykong mananampalataya nawa’y makipagtulungan sa iba’t ibang programa at pagkilos sa parokya, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa kanilang kabutihang-loob, ang mga Kristiyanong magulang nawa’y maalagaan ang bokasyon sa pagpapari sa kanilang pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nating pari at obispo nawa’y gawing karapat-dapat na makisalo sa Hapag ng Guro, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, sa tulong ng mga panalangin si San Juan Maria Vianney, gabayan at pangalagaan mo ang aming mga kura paroko. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 29, 2021 at 7:23 pm

PAGNINILAY: Ang tunay na pananampalataya at pananalig sa Diyos ay nababatay sa kalakihan ng puso ng isang tao kahit anong lahing pinagmulan siya. Ito ang nagpapatunay na kumakatok siya sa ating mga puso para buksan natin ang mga ito, at maniwala sa kanyang malasakit na gawain.

Sa ating Ebanghelyo (Mateo 15:21-28), narinig natin ang isang kwento ng pananampalataya. Noong mga lumang panahon, naniniwala ang mga Hudyo na sila lang at ang bayang Israel ay maliligtas niya dahil sila’y pinagpala at hinirang. Ngunit, narinig natin kung paanong tinulong ni Hesus ang isang Hentil na babaeng taga-Cananea, na ayon sa kanila, ay isang lapastangan sa batas ng Panginoong Diyos. Pero sa kabila ng mga ito, nakita pa rin natin ang isang kwento ng awa at habag.

Nais kong bigyang pansin ang tatlong magkasalungat ngunit makabuluhang mensahe. Una, lumapit ang babae kay Hesus. Humingi siya ng tulong sa kanya para sa kanyang anak na babaeng sinasapian ng isang masamang espiritu, kahit kinasasangkutan siya sa isyu ng kanyang lahi, ngunit pinapapigil ng mga Apostol dahil alam nila na nandito si Hesus para sa mga nawawalang tupa ng Israel, gaya ng kanyang sinabi sa babae. Pero patuloy pa rin ang kanyang pagmamakaawa ni Hesus.

Ikalawa, ang pagsubok ni Hesus. Sinabi niya na naparito siya para sa mga nawawalang tupa ng Israel, ngunit alam niya na ito ay isang pagsasanay lamang. Sinubukan niya ang pananampalataya ng babae sa pagsasabi ng hindi nararapat na itapon ang mga magagandang pagkain ng mga bata sa mga aso. Ikatlo at huli, ang pananampalataya ng babaeng taga-Cananea. Sumagot ang babae na ang mga aso lamang ang nagpupulot sa mga tirang humuhulog sa ilalalim ng mesa. Kaya namangha si Hesus sa dakilang pananampalataya ng babae, at sinabihan ang katuparan ng kababaglaghang malaya ang anak na babae. At ganun din ay binaklas niya ang mga hadlang sa pagitan ng mga Hudyo at mga Hentil.

Sa ating buhay, dumadaranas tayo ng mga pagsubok at paghihirap. Parang ramdam natin na sumuko na tayo. Subalit, nakita naman natin sa Ebanghelyo kung paano hinarap ng babaeng taga-Cananea ang kanyang pagsubok ng pananampalataya kay Kristo. Ganito rin ang binibigay ng Diyos sa atin dahil ikinalulugod natin siya bilang ating Panginoon at Hari, at sa kabilang banda, siya ay maawaain at mahabagin.

Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y magkaroon tayo ng pananalig sa Diyos sa gitna ng mga kapighatian sa ating buhay, at patuloy na maging mapagmalasakit sa ating mga kapwa.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 4, 2021 at 9:28 am

Ako ay may kaibigang mahigit sampung taon namg mag asawa ay hindi pa rin nagkaka-anak. Ginawa na nila ang lahat, nagpatingin sa mga espesyalista, nagsayaw sa obando, uminom ng mga bitamina, nagsisimba tuwing linggo ngunit wala pa rin. Ngunit hindi sila kailanman nagtampo sa Panginoon, ang kanilang katwiran ay ipagkakaloob ito sa kanila sa panahon na gusto ni Hesus at hindi sa oras na gusto nila, ipinagpatuloy nila ang pagawa mg mabuti sa kapwa at nagdasal ng mga nobena, hindi kalaunan ay biniyayaan sila ng isang napakagandang bata. Sa buhay natin minsan ay sinusubok ng Panginoon ang ating pasenya, paghihintay at ang pananampalataya sa kanya, kapag nakita ni Hesus na tayo ay lubos na nananalig sa kanya at hindi basta basta nagpapadala sa mga kasarapan sa buhay na alok ni satanas, tayo ay pagkakalooban nya ng ating kahilingan, hindi man ngayon o sa oras na gusto mo pero siguradong darating,,, in His time… in His sweet time… if only you believe.

Reply

Mel Mendoza August 3, 2023 at 3:13 pm

Sa ebanghelyo na ating napakinggan ay may kasamang talinghaga sinabi si Hesus sa babaing Hentil na Cananean, “Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.” “Tunay nga po Panginoon,” tugon ng babae, “Ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon.”
Bilang isang babaing Hentil angmga lahing hindi naniniwala kay Hesus at sa kanyang ipinangangaral ang tinatakbo ng himig ng pagbasa ay hindi kabilang ang mga ito sa mga pagmimisyon ni Hesus at nakatuon ang kanyang pagmiministeryo sa mga nawawalang tupa ng Israel. At ang isang pkikitungo ng maayos sa mga pagano’t Hentil ay isang paglabag sa panukala ng Panginoong Diyos. Ang tratamento at salitang binitawan ni Hesus ay naayon lamang sa mga taong katulad nila pero sa likod nito ay isang matinding pagsubok lamang sa babaing Cananean kung hanggang saan siya dadalhin ng kanyang pananampalataya na mapapagaling ni Hesus ang inaalihan ng demonyo na anak.

Ang pinaka-importanteng mensahe ng Mabuting Balita para sa ating mga mananampalataya ay ang isang malaking hamon kung saan ang hangganan ng ating pananampalataya kung sakali man dumating ang matitinding pagsubok sa ating mga buhay. Alalahanin na kahit nga ang isang Hentil na wala ng masulingan sa hirap na dinaranas ng kanyang anak ay magkakaroon ng isang talos na pananalig kay Hesus sa kabila ng mga salitang binitawan sa kanya na pagkumparahin ang pagkatao nya sa isang tuta pero hindi bumitaw ang babae sa paniniwalang mapapagaling ni Hesus ang kahilingan nya para sa kanyang anak.

Ang inilalarawan ng ebanghelyo ay isang mapagmahal, mahabagin, at puspos na mapagkalingang Panginoong Diyos ang mayroon tayo na walang kinikilinga’t itinatangi na kahit pa sa pinaka-masamang nilalang nandoon pa din ang kanyang pagpapahalaga. Dito din ipinapakita kung paano nalalaman ng Diyos ang ating mga pangangailangan, ang laman ng ating mga puso, ang kung papano nito mapapabuti ang ating mga buhay. Gayundin naman pinakikita din ng pagbasa ang kahalagahan ng isang paghiling na may kaakibat na lubos na paniniwala at kababaan ng loob.

Ang panawagan ng pagbasa na sa ating mga kahinaan na minsan ay nagtutulak sa atin upang mawalan ng pagasa mahikayat tayong patuloy na magtiwala na walang hindi ipagkakaloob ang ating mahagin at mapagmahal na Panginoong Hesus na kahit pa doon sa hindi mananampalataya kung sila’y taos pusong at maninikluhod at magbabalik sa Diyos tulad ng babaing Cananean ang mga panalangin at pagsamo natin ay kanyang didinggin. Nawa’y marami tayong maakit, maakay at maisama na mga tao sa paglalakbay patungo sa kaharian ng Diyos Amang nasa langit. Amen!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: