Martes, Agosto 1, 2023

August 1, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Tinuruan tayo ni Kristo kung paano tayo makapapasok sa Kaharian ng Langit. Idalangin natin ang pagdating ng Kaharian ng Langit dahil nababatid nating sumasaatin ang Espiritu Santo na nagpapatnubay sa ating mga panalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng kabutihan, gawin mo kaming ganap sa iyong pamamaraan.

Ang mga lingkod ng Simbahan nawa’y tumalima sa kalooban ng Diyos at asamin ang kabutihan ng kanilang pinaglilingkuran, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinagkatiwalaang magdulot ng katarungan at maisakatuparan ang mga batas nawa’y tumingin kay Kristo bilang bukal ng karunungan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maghintay sa panahon ng pag-aani ng Diyos at huwag tayong manghusga ng ating kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda nawa’y ating maalalayan sa pamamagitan ng ating pagiging maalalahanin at palakaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y tipunin ng Diyos bilang ani ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng Langit at lupa, pakinggan mo ang mga hinaing ng iyong bayan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 23, 2021 at 1:02 am

PAGNINILAY: Ipinapakita ng ating mga Pagbasa na dakila ang awa at pagmamahal ng Panginoong Diyos sa atin lahat. Ito yung ipinapahayag ni Moises sa Unang Pagbasa, na ang maawain at matuwid na Diyos ay nagmamagandang-loob. Kahit nagreklamo ang mga Israelita, sinubok ang Panginoon, at sumamba sa gintong guya, patuloy siyang gumagabay sa kanila. Subalit hindi ito’y nangangahulugang pumapayag siyang maghari ang kasamaan sa daigdig. Kaya sa mga nakatandang oras, isinugo niya ang kanyang Anak na si Hesukristo upang tayo’y iako mula sa ating pagkakasala sa pamamagitan ng kababang-loob at kabutihan hanggang sa pag-aalay ng buhay ng ating Panginoon sa Banal na Krus.

Ang Ebanghelyo ay ipinahahayag ang paliwanag ni Hesus tungkol sa Parabula ng mga Masasamang Damo at ang mga Trigo. Ipinaliwanag dito na katulad ng pagsusunog ng mga masasamang damo sa apoy at pag-iimbak ng mga trigo sa kamalig, ang katapusan ng sanlibutan ay ang Huling Paghuhukom ng Diyos sa mga tao. Dito tayo’y ihahatol niya hindi ayon sa mga katangian natin, kundi ayon sa mga kabutihan at pagmamahal natin sa kapwa-tao. Habang hindi pang nangyayaring iyon, may panahon pang mamuhay tayo nang masagana ayon sa paninigin, katapatan, at kalooban ng Diyos. Katulad ni Moises, itinuturo din ni Hesus ang bagong Moises na ang Ama ay matuwid at maawaain.

Ang Panginoon ay mapagtiiis sa atin mga pagkukulang at pagkakasala. Subalit habang tayo’y nabubuhay sa daigdig na ito, kailangan nating yakapaing buong higpit ang kanyang awa at pag-ibig sa atin upang maranasan natin ang tunay na pagbabago mula sa ating mga puso. At ganun din, kailangan natin iparamdam at ipakita ang kadakilaang iyon sa ating kapwa-tao, lalung-lalo sa mga nangangailangan at makasalanan.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 27, 2021 at 9:46 am

Ang mga apostol ay lumapit kay Hesus at humiling na ipaliwanag nya sa kanila ang inig sabihin ng talinghaga ng masamang damo. Tularan natin ang mga apostol, alamin natin ang inig sabihin ng ebanghelyo sa araw araw, maari nating gawin ito sa pagdalo sa mga misa, dito ipinaliliwanag ng ating mga kaparian ang hamon sa atin ng bawat ebanghelyo sa pamamagitang ng homilihiya. Sa pangkasalukuyang panahon madami ng paraan upang makapakinig at makapanuod ng misa kung walang panahon dumalo sa pagdiriwang sa simbahan, nariyan ang mga live mass sa facebook at youtube, maari mo ding balikan ang mga araw o linggo na hindi napakinggan ang ebanghelyo at ang paliwanag ng pari patungkol dito. Masarap sa pakiramdam at maganda ang iyong araw kung ikaw ay makakapakinig ng Mabuting Salita tuwing umaga, Ang may pandinig ay makinig.

Reply

Jose M. Javier August 1, 2023 at 5:22 am

Individual agency is so sacred that Heavenly Father will never force the human heart, even with all His infinite power. Man may try to do so, but God does not. To put it another way, God allows us to be the guardians, or the gatekeepers, of our own hearts.
The Gospel presents to us the idea that the weeds and the wheat are growing together. However, during harvest they are separated. Yes, we do have our strengths and weaknesses. We are created in the image of God and yet we are also sinners.
The harvest is the judgment at the end of the age. Then the reapers, God’s angels, will gather all the wicked and all forms of sin and throw them into the fiery furnace. The righteous, though, will shine in the kingdom of their Father.

Reply

Michael August 1, 2023 at 7:21 pm

Sa ebanghelyo ipapakita na ang ating buhay sa mundo ay meron talagang hangganan. Lingid sa ating isipan na mula nang ating pagka panganak naka takda narin ang wakas sa mundong ating ginagalawan. At walang nakaka-alam kung kelan itong pagbaballik natin sa ating Ama. Binabanggit na meron hantungan ang sinuman, sa gumagawa ng kabutihan ang mismong mga anghel ang sasalubong sa kalangitan. Subalit ang gumagawa ng kasamaan ay maningas na apoy ang kahihi-natnan. Salamat Panginoon Diyos sa pag papaala-ala sa buhay na ito, na meron langit sa mga sumusunod nang iyong kautusan. Pinupuri ka namin Panginoong Aming Diyos.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: