Linggo, Pebrero 19, 2023

February 19, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Patnubay sa Misa

Pinaaalalahanan tayo ni Hesus ngayon na ibigin ang bawat tao, pati na ang ayaw sa atin at nakasakit sa atin. Sa kahinaan nating makatugon sa hamon ng ganitong utos, hilingin natin ang tulong ng Diyos at manalangin:

Panginoon, turuan mo kaming magmahal na tulad mo!

Para sa Simbahan, na siyang sugo at kasangkapan ng pag-ibig na panlahat ng Diyos: Nawa manguna siya sa pagtataguyod ng kapayapaan at pakikipagtulungan sa lahat ng tao. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, mga Obispo, at lahat ng namumuno sa iba’t ibang Kristiyano: Nawa sila’y laging maging magagandang halimbawa ng pagkakasundo, pagpapatawad, at tapat na pagmamahal sa lahat. Manalangin tayo!

Para sa ating mga pinuno sa pamahalaan, lipunan, at edukasyon: Nawa tapat nilang itaguyod ang pakikipagtulungang mahalaga para sa isang mapayapa at maunlad na lipunan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng nahihirapang magpatawad sa mga nagkasala sa kanila: Nawa pagsumikapan nilang makapagpatawad at makatagpo ng lakas para rito sa grasya ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa kabataan ng ating bayan na sabik sa katarungan at kaunlaran: Nawa alalahanin nilang lagi na matatamo lamang ang tunay na kaunlaran at katarungan kapag mga plano natin ay itinataguyod ng pag-ibig at pagtutol sa karahasan at paghihiganti. Manalangin tayo!

Para sa ating mga mag-anak at pamayanan sa parokya: Nawa maging tapat ang ating pakikitungo sa lahat at handang magpatawad sa mga nagkasala sa atin. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Diyos ng pag-ibig at pagpapatawad, itulot Mo nawang huwag kaming mabuyo sa karahasan at paghihiganti, at lahat nawa ng aming isipan, plano, at gawa ay sunod sa inspirasyon ng pag-ibig na tulad ng kay Kristo. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 17, 2020 at 5:19 am

Pagninilay: Nang sakupin ng mga taga-Babilonia ang Fertile Cresent, pinatalsik nila ang mga taga-Akkad. Pinamumunuan sila ni Hammurabi, at itinatag niya ang kanyang batas na tinawag na Kodigo ni Hammurabi. Nakasulat din ang natatanging batas na ito: “Mata sa mata, at ngipin sa ngipin.” Ayon sa mga taga-Babylonia at ng mga pagano, ibig sabihin ay kung may taong nagkasala sa iyo, putulin mo ang kanyang mata, ngipin, o isang bahagi ng katawan, kaya ito ay isang paghihiganti. Ngunit sa pagdating ni Hesus sa mundo, binago niya ang batas ng kalupitan at pagdanak sa dugo sa mensahe ng pag-ibig at awa. Hinamon niya tayo na mahalin ang ating mga kaaway. Ang layunin ni Hesus sa mundo ay iligtas tayo mula sa kasalanan. Naparito siya para tawagin ang mga makasalanan at idulot sila sa kanyang pag-ibig. Nang siya ay ipinako sa krus, ipinalangin niya sa Ama ang ating kapatawaran sapagkat hindi natin alam ang ating ginagawa. Kaya nga nang siya’y muling nabuhay, napakita sa mga apostol at sinabi niya sa kanila, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Kung anumang mga kasalanan ay iyong pinatawad ay papatawarin sa langit at anumang mga kasalanan ay hindi ninyong pinatawad ay hindi patatawarin sa langit.” (Juan 20:22-23). Maraming mga santo ay nagpatawad sa kanilang mga kaaway kahit hindi sila martir gaya nina San Patrico at Santo Tomas More. Dapat natin mahalin rin ang ating mga kaaway, patawarin sila at ipagdasal sa Diyos ang kanyang pagpapatawad sa kanila. Ito ang dinadasal natin sa Ama Namin: “…at patawarin mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.” Sa aming paglakbay sa daang ito, dapat mahalin natin ang ating mga kapwa’t kaaway at gumawa nang mabuti sa kanila at mabuti ayon sa mata ng Diyos.

Reply

ruel arcega February 18, 2023 at 8:16 am

Ito ang huling linggo bago tayo pumasok sa panahon ng kuwaresma, sa myerkoles nadarating ay tinatawag natin abo de ceniza, na ang abo ay nagpapaalala sa atin ng ating buhay at kamatayan., Kaya sa linggo ito ay pina- paalalahanan tayo na maging banal at maging ganap tulad ng ating AMa.
nasa siyang lumikha sa atin. Tayo ay sisidlan ng Espiritu sa Diyos nag hingahan tayo ng Diyos, tayo ay nabuhay kayat ang ating hininga ay Espirtu ng Diyos kaya tayo nabubuhay, Kaya ang narinig natin,mula sa Unang pagbasa hanggang sa Ebanghelyo ay ang kalooban ng Diyos, at dito tayo nabubuhay at nagiging banal at ganap tulad ng Ama. Pero ang ating paggawa ng masama, at siyan pumapataya sa atin. Ang Buhay o kamatayan ba pagninilayan natin. Ang Diyos na umiiral sa ating ang nagbibigay buhay sa ating hanggang wakas ngunit ang pag gawa ng masama ay siyang pumpatay siyang dahilan nawawala ang Espirtu ng Diyos sa ating.

Reply

Joseph February 18, 2023 at 10:03 pm

Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: