Sabado, Oktubre 15, 2022

October 15, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Ang Panginoon ang ating seguridad. Ipahayag natin ang ating tiwala sa kanya at manalangin tayo para sa lahat ng tao na kasama natin sa paglalakbay sa buhay na ito.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng mga anghel, ikaw ang aming tanggulan.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na ipahayag ang Salita ng Diyos sa harap ng maraming pagbatikos at paglaban, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang matutuhang magtiwala sa banal na pagpapala ng Diyos gaano man kabigat ang ating mga pasaning suliranin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang hanapbuhay nawa’y makakita ng trabaho at kumita ng kanilang ikabubuhay nang marangal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nabibigatan sa pagkakasakit nawa’y makatagpo ng kasiyahan sa pag-ibig at tiwala ng mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamo ng mahabaging hatol at walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming manatiling tapat sa iyong salita upang magkaroon kami ng lakas na magpatuloy pasanin ang mga kahirapan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 19, 2018 at 10:26 pm

From Fr. Beny Tuazon:
(Lk. 12:8-12) Saturday of the Twenty Eight Week in Ordinary Time

In today’s Gospel Jesus warns His apostles about the importance of recognizing Him. Not for any egoistic reasons but as a necessity for salvation. Recognizing Jesus means believing Him to be the Messiah and deciding to follow Him. It is not, however, without difficulty, but the Holy Spirit will be there to enlighten and inspire. It follows that when the Holy Spirit is blasphemed, recognition of the Messiah would be impossible. It also constitutes unforgiveness because the very agent for realizing one’s sins, repentance, had been rejected.

There was a time when this sin against the Holy Spirit was associated with suicide. It was thought that the decision to take one’s life was a sign of desperation. Those who commit suicide were believed to have lost all hope in life that they decided to take their lives with their own hands. God, the Holy Spirit, was considered useless or inutile. Thus, it was considered as a blasphemy against the Holy Spirit and therefore unforgivable. They were deprived of the sacrament.

Times have changed. The Church, on further reflection and study of theology, and for pastoral reason now allows funeral masses for those who commit suicide. While it is true that taking one’s life is a sign of hopelessness and a rejection of holy inspiration, it can never be concluded with certainty that the person possesses that state at the point of death. We can never discount that briefest moment before death maybe a moment of repentance. Thus, if treated a blasphemer, the person would have been deprived of the graces of the sacrament. Further, by doing so, the Church properly leaves to God the final judgment of the person.

But the point of Jesus was to take advantage of the presence and action of the Spirit. The Spirit is God’s abiding presence in us. The gifts it brings are very useful and relevant. Faith in action begins with believing that God gives us the graces we need to attain salvation and it is followed by recognizing the guiding presence of the Spirit. The lesson is not to abandon the Spirit so we will not abandon our chances to salvation.

Reply

Melba G. De Asis October 20, 2018 at 8:25 am

Nawa’y mapasaatin ang Ispiritu Santo sa lahat ng sandali para makamtan natin ang kaligtasan sa lahat ng masasamang magtatangka sa ating kapanatagan. Amen!

Reply

Reynald Perez October 16, 2020 at 9:33 pm

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ngayon ay isang magandang pahayag ni San Pablo sa kaloob ng kaligtasan ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo. Dahil sa kanyang pag-aalay ng buhay sa Krus para sa ating kaligtasan, tayong lahat ay nakamit ng pamanang makibahagi sa buhay na laan sa atin ni Kristo. Ang ating buhay dito sa lupa ay tinatawag ng Panginoon sa misyong makibahagi sa kanyang misyion, upang ang ating mga puso at isip ang kaliwanagan. Lahat tayo ay nararapat sa kagalakang hatid ng Kaharian ng Diyos sa Langit. Kung tayo ay magiging tapat sa ating gawain nang may kabutihan-loob sa Panginoon at sa kanyang nilalang, makakamit natin ang mga biyaya ng buhay na walang hanggan matapos ang ating buhay dito sa lupa.

Ang Ebanghelyo ngayon ay isang paalala ni Hesus tungkol sa mga biyaya ng Espiritu Santo. Sinabi niya na ang sinumang nag-aalipusta sa kanya ay mapapatawad, ngunit ang sinumang nanlalait sa Espiritu Santo ay hindi mapapatawad. Ang ibig sabihin nito ay ang pagsasabuhay sa mga kaloob at bunga ng Espiritu Santo. Noong kinumpilan tayo, binigyan tayo ng kapangyarihan ng Espiritu Santo na maging mga matatag na saksi ni Kristo para sa pananampalataya. Ang ikatlong persona ng Santatlo ang siyang tagapagtanggol natin, lalung-lalo na sa mga panahon ng kagipitan at pagsubok. Kaya sinasabi ng Panginoong Hesus na kapag tayo ay ihaharap sa bingit ng maling pagbibingtang, ang Espiritu ang siyang magpapatotoo sa ating pagiging makatotoong katauhan dahil tayo ay nasa tamang pamamaraan. Nawa hayaan natin ang Espiritu Santong maging gabay at lakas natin upang kilalanin at isabuhay natin ang mga pamamalakad at mensahe ng Panginoon.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: