Podcast: Download (Duration: 6:38 — 3.2MB)
Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Exodo 17, 8-13
Salmo 120, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8
Sa pangalan ng Maykapal
tayo ay tinutulungan.
2 Timoteo 3, 14 – 4, 2
Lucas 18, 1-8
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Twenty-ninth Sunday in Ordinary Time (Green)
Sunday for Cultures
UNANG PAGBASA
Exodo 17, 8-13
Pagbasa mula sa aklat ng Exodo
Noong mga araw na iyon, ang mga Israelita’y nasa Refidim at sinalakay sila ng mga Amalecita. Sinabi ni Moises kay Josue, “Pumili ka ng ilang tauhan natin at pangunahan mo sa pakikipaglaban sa mga Amalecita. Tatangnan ko naman ang tungkod na ibinigay sa akin ng Diyos at ako’y tatayo sa ibabaw ng burol.” Sinunod ni Josue ang utos ni Moises at hinarap niya ang mga Amalecita. Si Moises naman, kasama sina Aaron at Hur ay nagpunta sa burol. Kapag nakataas ang mga kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita; kapag nakababa, nananalo naman ang mga Amalecita. Nangawit na si Moises kaya sina Aaron at Hur ay kumuha ng isang bato at pinaupo roon si Moises habang hawak nilang pataas ang mga kamay nito hanggang sa lumubog ang araw. Dahil doo’y nalupig ni Josue ang mga Amalecita.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 120, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8
Sa pangalan ng Maykapal
tayo ay tinutulungan.
Sa gawi ng bundok, tumitingin ako,
saan manggagaling ang aking saklolo?
Ang hangad kong tulong, sa Diyos magmumula,
sa Diyos na lumikha ng langit at lupa.
Sa pangalan ng Maykapal
tayo ay tinutulungan.
Huwag sana akong bayaang mabuwal,
handang lagi siya sa pagsasanggalang.
Ang tagapagtanggol ng bayang Israel
hindi natutulog at palaging gising.
Sa pangalan ng Maykapal
tayo ay tinutulungan.
Ang D’yos na Panginoon, siyang magbabantay,
laging nasa piling upang magsanggalang.
Di ka magdaramdam sa init ng araw,
kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.
Sa pangalan ng Maykapal
tayo ay tinutulungan.
Sa mga panganib, ika’y ililigtas
nitong Panginoon, siyang mag-iingat.
Saanman naroon, ika’y iingatan,
di ka maaano kahit na kailan.
Sa pangalan ng Maykapal
tayo ay tinutulungan.
IKALAWANG PAGBASA
2 Timoteo 3, 14 – 4, 2
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo
Pinakamamahal ko, huwag mong tatalikdan ang mga aral na natutuhan mo at matibay na pinananaligan, yamang kilala mo ang nagturo nito sa iyo. Mula pa sa pagkabata, alam mo nang ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo Hesus. Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain.
Inuutusan kita sa ngalan ng Diyos at ni Kristo Hesus na hahatol sa mga buhay at mga patay: alang-alang sa kanyang pagparito at paghahari, ipangaral mo ang Salita ng Diyos, napapanahon man o hindi; hikayatin mo, pagsabihan, at patatagin ang loob ng mga tao sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Hebreo 4, 12
Aleluya! Aleluya!
Buhay ang salita ng D’yos,
ganap nitong natatalos
tanang ating niloloob.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 18, 1-8
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus ang isang talinghaga upang ituro sa mga alagad na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa. “Sa isang lungsod,” wika niya, “may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lungsod ding iyon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit nang malaunan ay nasabi nito sa sarili: “Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala – baka pa ako mainis sa kapaparito niya.” At sinabi ng Panginoon, “Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Biyernes, Oktubre 14, 2022
Linggo, Oktubre 23, 2022 »
{ 5 comments… read them below or add one }
REFLECTION: The Apostle Saint Paul exhorts us in his First Letter to the Thessalonians: “Pray without ceasing” (ch. 5 v. 17). This is theme of the Sunday liturgy for today, especially as we celebrate the Sunday for Cultures, we reflect on this culture of persevering faith. In the First Reading (Exodus 17:8-13), as they continue their journey towards the Promised Land, the Israelites struggle in battle against the Amalekites at Rephidim. The Amalekites are nomads who descend from Amalek, one of the grandsons of Esau, brother of Jacob and son of Isaac. So Moses instructed the Israelites what the Lord God has told him, and together with Joshua, they accepted the challenge. Meanwhile Moses, together with his brother Aaron and Hur, a priest, climbed up to the mountain. And everytime Moses would raise his hands and staff, the Israelites would advance. On the other hand, everytime he puts them down, the Amalekites advance. But because he is getting weary, Aaron and Hur had to held his hands up high until Joshua and the Israelites claim the victory against the Amalekites. Likewise, we too must not be weary when we pray to God and ask him to guide us in spite of our many trials and sufferings in life.
In the Gospel (Luke 18:1-8), Jesus tells his disciples a parable for them not to become weary in praying. Earlier before that in Luke 11:1-13 (Gospel last 16th Sunday in Ordinary Time), the disciples pleaded him to teach them how to pray, so he taught them the Lord’s Prayer (Our Father). And he presented two situations: (1) Would you care to wake up at the sound of your friend’s call for help and lend him the three loaves of bread he needs to feed hungry travelers who came from a very far land? and (2) If you were a father, would you hand your son a snake when he asks for a fish, or a scorpion when he asks for an egg? Now he tells us a Parable of the Persistent Widow. And during those times, widows are considered to be insignificant, for the Jews believed that women who are married will receive the blessings from their husbands and sons who will work for the family’s welfare. Otherwise if they lose their husbands yet they still have their sons, then the sons will receive the blessing. But if they lose both the husbands and the sons, then they cannot be helped anymore. In the parable, this widow persistently pleads the judge who is considered dishonest, unrighteous, and fearless to rule over the case of her stolen property from the lender/adversary. So this judged pondered on her request for days until he realised that he must give this widow what she wants, so that she may not bother her anymore. Likewise if the widow could continue bugging and calling the attention of the judge frequently, what more can we ask God to answer our prayers and requests? For God will always make sure he gives his people their requests in his time and by his will.
So my brothers and sisters, the culture of persistence strengthens our faith in the Lord especially when we make known to him our intentions. Therefore, we should not grow weary when we ask him to grant them. But sometimes, we often ask: “Why doesn’t God seem to care? Why doesn’t he answer my prayers right away?” So we tend to question the absence of God when we feel that our prayers and intentions are not being answered, or that it is taking too long for him to heed them. However we should realize that prayers and other devotions are not forms of magic and sorcery. That is the problem with some of us Christians, not only Catholics. We often think that in times of difficulties and problems, we should just hope and assume that the Lord will do something to resolve them without us. Let us be reminded of what the Youth Catechism tells us: “Prayer does not seek superficial success but rather the will of God and the intimacy with him. God’s apparent silence is itself an invitation to take a step farther—in total devotion, boundless faith, endless expectation. Anyone who prays must allow God the complete freedom to speak whenever he wants, to grant whatever we wants, and to give himself however he wants” (YouCat 507). So as we journey down this road, may we manifest the culture of persevering faith in God as we make known to him our prayers and intentions not only for ourselves, but for others as well, and he will answer them in his time and by his will.
PAGNINILAY: Sa ating buhay, marami tayong natanggap na mga pagpapala mula sa Panginoon. At minsan din, may mga inaasahan tayong bagay na ‘di naman yung ating hinihiling. Kahit nga minsan, may mga bagay na ‘di pa natin nakakamit. Pero anupaman yung ating sitwasyon tungo sa anumang nakalaan sa ating buhay, isa lang ang nakakasigurado tayo: naroon pa rin ang Diyos. At ang pinakamagandang pagpapala na kaya niyang ibigay ay ang ating buhay. Mula sa pagkatulog sa kama hanggang sa pagkamulat ng mata upang gumising, natuturing natin na panibagong buhay ang ibinigay sa atin ng Panginoon, kahit madalas ay kinakalimutan natin siyang pasalamatan. Kaya nga, mga kapatid, matapos tayong anyayahan na patatagin at isabuhay ang ating pananampalataya (tema noong Ika-27 Linggo) & magkaroon ng tunay na pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob (tema noong Ika-28 Linggo), ang mensahe ngayong Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon ay nakasentro tungkol sa ating pang-araw-araw na hakbang upang mas makilalanin pa natin ang Diyos: ang pananalangin.
Noong Ika-17 Linggo (Hulyo 24, 2022), narinig natin kung paano hiniling ng mga alagad kay Hesus na turuan silang manalangin. Kaya’t itinuro sa kanila ng Panginoon ang Ama Namin, at gayundin ang kanilang pagpapatibay tungo sa tunay na nananalangin, na kung ang isang tao na iyong minamakaawa ay magmamatigas na ibigay ang iyong kinakailangan, paano pa kaya ang Diyos Ama na ibibigay sa atin ang Espiritu Santo upang mas kilalanin pa atin na tunay na tagapagbigay ng mga biyayang ating natatanggap? Ngayong Linggo, ikinuwento ni Hesus ang Talinghaga tungkol sa isang Mapagtiising Balo at ang Mapagmatias na Hukom. Ito’y karugtong ng Ebanghelyo (Lc. 17:26-37) na kung saan hinikayat ng Panginoon ang mga alagad na magbantay at maging matalino tungkol sa tunay na Pagdating ng Anak ng Tao sa kahuli-huliang araw na kailanma’y ang Diyos lang ang makakapagsabi nito. Kaya habang tayo ay nabubuhay, inaasahan tayo na patuloy na umasa sa Panginoon at manalangin nang walang humpay. Ginamit ni Hesus itong talinghagang ito upang ipakita sa atin kung gaano talaga malakas ang kapangyarihan ng panalangin sa pamamagitan ng ating pagtitiis, katulad ng balong ito na paulit-ulit nangulit sa hukom na magbigay ng matuwid na hatol laban sa mga umaari sa kanyang lupain sa mga hindi ligal na paraan. Kaya ayon nga sa Parabula, napilitan man ang hukom na ibigay ang kagustuhan ng balo, mas higit pa ang kayang ibigay ng Diyos Ama sa bawat taong tunay na nananalangin at nagtitiis.
Ang panalangin ay pagpapalamas na walang imposible sa Panginoon. Narinig nga natin sa Unang Pagbasa ang labanan sa pagitan ng Amalec at kampo ng Israel. At nakita nga natin kay Moises, na kapag inaangat niya ang kanyang mga braso, nananalo ang mga Israelita. Ngunit kapag nakababa naman ang kanyang mga braso, mas maganda ang laban ng mga Amalecita. Ngunit narinig natin sa kahit sa puntong nangangawit na si Moises, tinutulungan na siya nina Aaron at Hur na ituloy ang pag-angat ng mga kamay, hanggang sa manalo ang hinirang bayan ng Diyos. Ito’y patunay na mangyayari ang ating hinihiling at ipinapanalangin sa buhay dahil sa mga taong tumutulong at nagiging instrumento natin. Gayundin sa ating pagiging Katoliko, na kailanma’y hindi natin sinasamba ang ating Mahal na Inang Maria at ang mga Santo, kundi hinihiling natin na sila’y mamagitan sa atin patungo sa Diyos na iisa, ngunit nasa presensiya ng Banal na Santatlo. Kaya ang ating debosyon sa mga Banal ay isang natatanging pagpapadama ng ating pagmamahal sa Diyos sapagkat mayroon tayong mga tagapamagitan na tumutungo sa atin patungo sa Panginoon hindi lang sa mga panalangin, kundi sa pamamagitan na rin ng kanilang buhay-kabanalan.
Mga kapatid, ang Diyos ay patuloy na kumakapiling sa atin at patuloy na nagpapakita ng kanyang presensiya. Marami tayong hinihingi sa kanya, at marami rin siyang ipinapagkaloob sa atin. Patuloy tayong nagtitiis at umaasa na balang araw, sasagutin niya ang ating mga panalangin. Kaya nga hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa, sapagkat ang Diyos ang siyang naghahangad kung ano ang ikabubuti hindi lang sa bawat dumudulog, kundi sa ikararami. At ganun din ay hinahamon tayo na maging instrumento tungo sa kasagutan ng panalangin ng ibang tao. Tularan natin ang ating Mahal na Ina at ang mga Banal na sa pamamagitan ng kanilang buhay na nakalaan sa kabanalan, tayo rin ay maging mapagmatiyag sa pananalangin at gayundin masipag sa paggawa ng kabutihan. Ito ang paalala ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, na nawa’y patuloy tayong maging tapat sa mensahe ng Panginoon na ating tinatanggap, sapagkat ang Kasulatan ay nailathala hindi lang para sundan natin ng literal, kundi upang makita sa ating halimbawa at matularan ang pagningning ng kaluwalhatian ng Diyos sa ating buhay.
“Dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa”
Inaanyayahan tayong makipag usap sa Diyos.
ito lamang ang PERPEKTO na magagawa natin para buhay natin.
Don’t miss to pray
sa umaga sa hapon at sa gabi.
God is good all the time
Peace be with you
Dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa”
Inaanyayahan tayong makipag usap sa Diyos.
ito lamang ang PERPEKTO na magagawa natin para sa buhay natin.
NAIS NI KRISTO NA MABABUTI ANG RELASYON NATIN SA AMA.
Don’t miss to pray
sa umaga sa hapon at sa gabi.
God is good all the time
Peace be with you
Halos lahat tayo ay familiar sa mga salitang “bato man ang puso ang lumalambot din na parang mamon, at kahit ang bakal ang napapalambot ng apoy”. Yan ang inilalarawan sa atin ng ebanghelyo sa araw na ito.
Gaano man katigas ang puso at paninindigan ng isang hukom na kahit sinasabi niya sa sarili niya na wala siyang takot sa Diyos at hindi gumagalang kaninuman, sapagkat siya ay may paninindigan at prinsipyo sa kanyang tungkulin, sa bandang huli lumambot pa rin ang kanyang puso’t kalooban sa isang babaeng balo na walang humpay sa kahihingi sa hukom, upang makamit at katarungan.
Ganyan din po ang ating pananampalataya, ‘wag po tayo agad agad panghihinaan ng loob sa kabila ng mga pagsubok sa ating buhya. Ipagpatuloy po natin ang paghingi ng awa, biyaya at patawad sa ating Panginoong Diyos, sapagka’t laganap ang kanyang kababaang-loob.
Minsa’y sa ating buhay di natin maiaalis ang mainip sa mga bagay na ating ipinapanalangin, para bang naiisip natin na bakit parang walang kasagutan sa aking mga panalangin. Maghintay lang po tayo ng tamang panahon, sapagka’t ang ating Painginoon Diyos ay laging nakikinig sa ating mga panalagin. Gaya ng babaing balo, hindi tumingil at hindi siya nainip hanggang makamit niya ang kanyang minimithi.
Sabi nga, In God’s perfect time.
Ang ating Diyos ay maawain at ipagkakaloob niya ang ating mga hinihiling sa paraang makabubuti sa atin, huwag lang po panghihinaan ng loob at buo ang pag-asa na darating ang ating mga minimithi sa tamang oras at panahon. Ganun din lagi tayong makikipag-usap sa Panginoon, hindi lamang sa mga pagkakataon na may kalian tayo sa kanya.