Miyerkules, Oktubre 12, 2022

October 12, 2022

Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Galacia 5, 18-25
Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Lucas 11, 42-46


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Wednesday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Galacia 5, 18-25

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid, kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pangangalunya, karima-rimarim na pamumuhay, kahalayan, pagsamba sa diyus-diyusan, pangkukulam, pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, kasakiman, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi, pagkainggit, paglalasing, walang taros na pagsasaya, at iba pang tulad nito. Binabalaan ko kayo tulad noong una: hindi tatanggapin sa kaharian ng Diyos ang gumagawa ng gayong mga bagay.

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang utos laban sa ganitong mga bagay. At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Kristo Hesus ang likas nilang pagkatao, kasama ang masasamang pita nito. Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating mga buhay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos ng dakila.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 11, 42-46

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay niyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito nugnit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang mga iba.

“Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.”

Sinabi sa kaya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa sinabi mong iyan pati kami’y kinukutya mo.” At sinagot siya ni Hesus, “Kawawa rin kayo mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri’y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 8 comments… read them below or add one }

Reynald David Perez October 17, 2018 at 4:37 am

From Rev. Fr. Nongnong “Benny” Tuazon:
(Lk. 11:42-46) Wednesday of the Twenty-Eight Sunday in Ordinary Time

In today’s Gospel we continue with the admonition of Jesus of the Pharisees and those responsible for guiding the people in life and faith. He cited concrete examples reflecting their lack of witnessing to what they preach and teach. Amon them were using religion as a means to acquire riches, seeking seats of honour, and exacting things that burden the faithful but exempting themselves from the same. Religion comes across as only for the followers and not for the leaders. As they say, “What is sauce for the gander is sauce for the goose as well.”

This is a call to be witnesses to the faith. This has always been the hard part of any institution. Principles and doctrines are ideals which need to be believed and lived by the members. Unfortunately, members are wanting in their witnessing. It is aggravated by leaders who lip service their way throughout their ministry. The Catholic Faith is not free from it.

Our Faith teaches forgiveness, not only seven times but many times more. It is at the centre of the Faith. Yet we are guilty of unforgiveness or limited forgiveness. What happened to the Forgiveness Parables like the Parable of the Prodigal Son, Lost Sheep, and Lost Coin. How about the story of Zacchaeus and call of Matthew (Levi)? Or the repentance and forgiveness of the thief crucified with Jesus in Calvary? How about God’s constant forgiveness of our sins? We claim to be Catholics but we fail to witness to our Faith?

Jesus taught charity. Whatever we give to our poor, we give to the Lord. Yet, we tend to ignore the poor around us. The poor does not expect to be doled out with their basic needs. They, too, have dignity and pride. If given a livelihood or work, they are willing to earn their keep. How about charity in terms of understanding, patience, and compassion? Whatever happened to our world today? it seems that everyone is angry, impatient, and spewing vulgar words. We had become uncharitable in dealing with each others conditions and feelings. Needless to say, it is very unChristian! We maybe even worse than the Pharisees in Jesus’ time.

Belonging to a Faith does not mean we have options to follow or not the teachings and doctrines. We cannot claim to be a member and not behave like one at the same time. Our life of faith cannot only be external. God knows what are in our hearts and minds. We cannot hide it from Him. Authenticity is a mark of a true Christian. This is the challenge of today’s generation. The young cannot just be told “Follow what I say, not what I do.” They ache for credibility and witnessing. But more than the young people, God asks that of us. Authenticity is the antidote to hypocrisy.

Reply

Melba G. De Asis October 17, 2018 at 8:07 am

Mayroong akong mga katanungan na hindi ?o maintindihan, ang pagbibigay tulad ng ikapu, at ng iba pang klase ng pagtulong o pagbibigay, sinasabi kasi na kung nagbigay ang kanang kamay ay di na dapat malaman pa ng kaliwang kamay. Paano na kung ang pinagbigyan ang siya mismong nagsasabi na “ang buti ng taong yun kasi siya yung nagkaloob ng malaking halaga para maipagawa yung ating bahay dalanginan” Kailangan ba talaga na banggitin pa “specifically” yung pangalan ng mga taong nagbibigay ng malaking tulong, at ang nagbigay ng maliit lang na halaga ang sasabihin lang ” in general” ay salamat sa iba pang tumulong” wala ng banggit ng pangalan pag maliit ang tulong na ipinagkaloob. Ano ba talaga ang magandang paraan ng pagpapasalamat? Good day everyone!

Reply

Anthony G. Abanador October 17, 2018 at 9:21 pm

Para saakin ang magandang paraan ng pagpapasalamat ay yun pagpapasalamat ng personal at taos puso, hindi na kailangan bangitin kung gaano kalaki o kaliit ang ibingay na tulong. Kunghalimbawa may dalawang tao na nagbigay tulong, ang isa nag bigay ng 50pesos at ang isa naman nagbigay ng 1,000… pero yung nagbigay ng 1,000 pesos ay isa palang mayamang tao. Pero yung nag bigay ng 50pesos ay yun lang talaga ang mayroon siya… sino sa tingin ninyo sa kanilang dalawa ang nagbigay ng mas malaking tulong? Malinaw na ang anumang tulong ay hindi maaaring sukatin batay sa halaga o amount ng itinulong. Bagkus ay kung ano ang tunay na kakayahan o kalagayan ng tumulong.. meaning malaki o maliit na tulong ay hindi dapat sinusukat, basta bukal sa loob ang pagtulong at intension.

Reply

Elino October 14, 2020 at 7:12 am

Para sa akin di na kailangan malaman ng marami kung gaano kalaki ang iyong naitulong. Pero may pagkakataon di maiiwasan na i-paskel ng treasurer ang mga tumulong lalo na may project sa simbahan at kailangan ng transparency sa financial. Sa isang mananampalataya, ang mahalaga ay ilagay ang sarili na hindi naghahangad na sumikat at ipaalam sa marami ang iyong naiambag sa simbahan. Alam na ng Diyos ang iyong mga ginagawa.

Reply

Boyet Musa Penalosa October 11, 2022 at 7:09 pm

Sa ganang akin hindi na ito dapat malaman pa ng mga tao kung magkano ang ibinigay ng isang parokyano, kaya nga may mga supot na ipinapasa o iniikot ito ay palihim ang paglalagay dun .duon sa naman sa nagaabuloy na isinusobre at inilalay pa ang kanilang pangalan marahil silay mga naghahangad na mapasalamatan. nais nila sa silay papurian tulad nila ang mga pariseo. Tungkol naman sa pagbibigay ng ikapu, Sabi nga ni Hesus mabuti ang ginagawa mo, hindi tutol si Hesus sa gawaing ito. Bagamat hindi ito binibigyan ng katuruan ng Simbahan, Hindi rin nila ito tinututulan dahil itoy mabuting pagtugon ng isang kristyano upang makapagbigay sila para sa pangangailangan ng Simbahan. Ang Simbahan mag bigay ka ayon sa iyong puso ay sapat na ito barya man o buo pa ito. Kayat wag na tayong mag isip pa para tayo ay maguluhan pa tungkol dito, mag bigay ayun sa Puso. IBIGIN ANG DIYOS NG HIGIT SA LAHAT

Reply

Reynald Perez October 17, 2018 at 11:15 am

Mula kay Fr. Rey Anthony Yatco:
MAGANDANG BALITA NGAYON – MIYERKULES NG IKA-28 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

LUKAS 11:42-46 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay ninyo ang ikapu ang yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit kinakaligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito ngunit huwag ninyo kakaligtaang gawin ang mga iba.

Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo’y ang tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.”

Sinabi sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa sinabi mong iyan pati kami’y kinukutya mo.” At sinagot siya ni Hesus, “Kawawa rin kayo mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri’y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon.”

MAGNILAY: Ang puso ng relihiyon ay pag-ibig. Kung hindi, ang relihiyon ay nauuwi sa pagiging metikuloso sa pagganap ng mga ritwal na wala na sa lugar at wala na sa wisyo at hindi na tumitimo at nakapagpapabago ng kalooban. Nauuwi rin ito sa pagiging ipokrito at manhid sa paghihirap ng kapwa. Ang bunga ng tunay na relihiyon ay katarungan, habag, malasakit; sa madali’t-sabi ay pag-ibig!

MANALANGIN: Panginoon, huwag nawa kaming malihis sa tunay na layunin ng relihiyon.

GAWIN: Usisain kung sa relihiyon mo ay lumalago ka sa pag-ibig at pagtulad kay Hesus.

Mass Readings in English:
https://bearersofthecross.wordpress.com/2018/10/15/daily-message-october-17-2018/

Reply

Reynald Perez October 13, 2020 at 10:13 pm

PAGNINILAY: Sa ating Unang Pagbasa (Galacia 5:18-25), ipinaalala ni San Pablo na mamuhay ayon sa mga bunga ng Espiritu, at hindi sa mga hilig ng laman. Ang babala ng Apostol ay ang pagkahiwalay sa Diyos dahil sa mga hindi kanais-nais na gawain katulad ng imoralidad, kahalayan, inggit, pagtunggali, at iba pang bisyo. Sa halip, tayong lahat ay inaasahang mag-ani ng kabutihan, pagmamahal, kagalakan, kapayapaan, at iba pa. Ito ang diwa ng Espiritu sa paggabay sa atin tungo sa buhay na ibinigay sa atin ng Panginoong Diyos.

Sa ating Ebanghelyo (Lucas 11:42-46), muling tinuligsa ni Hesus ang mga Pariseo at eskriba. Ito’y dahil sa kanilang kapaimbabaw na sa labas ay akalang mabait, ngunit sa marumi ay may maruming budhi. Sila’y tinutuligsa ng Panginoon sa kanilang pansariling interes ng pagluklok sa mga matataas na upuan. Parang tingin nila na dahil nagbabanal-banalan sila, mas nais nilang sumikat sa harap ng publiko. Kaya ang pagmamataas nila ay hindi kinalulugdan ng Ama. Kaya naman ang reaksyon ng isang Saduseo na parang sila rin ay tinatamaan, na kinumpirma ito ni Kristo. Ito’y dahil sa kanilang pagpapabigat ng pasan ng kanilang kapwang Hudyo. Ito’y nanggaling sa kanilang isipan na mas mataas sila, samantalang mababa ang katauhan ng kanilang kapwa.

Ang hamon sa atin sa buhay ay maging mapagkumbaba at maging kapwa tao sa ibang tao. Kahit anumang antas natin sa buhay, tayong lahat ay pantay ayon sa mata ng Diyos Ama. Lahat tayo ay may obligasyon at kakayahang tulungan ang isa’t isa. Ipakita natin sa Diyos at sa kapwa natin kung ano ang ating tunay na katauhan nang walang pagkukunwari. Patuloy tayo sa pamumuhay at paggawa ng kabutihan.

Reply

Cai Villahermosa October 12, 2022 at 7:50 am

Sa unang pagbasa naglalarawan sa dalawang bahagi ng pagkatao ng tao ngunit kong ang tao ay nasailalim ng Espiritu Santo itoy mabubuhay ayon sa kautusan ng Diyos at sa gabay ng Espiritu Santo. Ang nabubuhay ng kaayusan ay hahantong sa buhay na walang hanggan. Gayudin ang sinasabi ni Hesus sa mga Paraseo kawawa sila alam nila ang kautusan ngunit ito’y pinagsawalangbahala.Marami ngayon alam ang katuruan ng ating Simbahan ngunit pikit mata silang namumuhay sa kasamaan dahil lamang makamit ang tugatog at tanyag na mamumuhay. Sana sa pangayayri sa ating panahon nawa’y dilat ang ating mga mata sa katotohanan at bigyan pansin ang nangangailangan para makantam natin ang buhay na walang hanggang. Mamuhay ng tama at sapat at sumunod ano ang karapatdapat

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: