Linggo, Oktubre 9, 2022

October 9, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Patnubay sa Misa

Gaya ng mga ketongin sa Ebanghelyo ngayon na napagaling ng kanilang pananampalataya, pakumbaba’t nananalig tayong dumulog sa Panginoon kasama ng ating mga kahilingan:

Panginoon, pinupuri Ka namin!

Para sa Simbahang pamayanan ng mga sumasampalataya: Nawa, manatili siyang maningning na halimbawa ng pananampalataya’t pagpapasalamat. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, mga Obispo, at lahat nating mga pinunong espirituwal: Nawa, lagi silang maging tanda at kasangkapan ng kahandaan ni Hesus na tumulong sa mga maysakit at mahihirap. Manalangin tayo!

Para sa ating mga pinunong pambaya’t pampamahalaan: Nawa, dinggin nila ang pangangailangan ng bayan at maagap nila itong tugunan bilang pagtupad sa kanilang tungkuling maglingkod. Manalangin tayo!

Para sa mga magulang at lahat ng may kinalaman sa edukasyon at Kristiyanong paghubog ng kabataan: Nawa, maikintal nila sa bagong henerasyon ang isang matibay na pananalig at tunay na pagpapasalamat sa salita at sa gawa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng taong katutubo: Nawa, maipagtanggol nila ang lupa ng kanilang mga ninuno, mayamang pamanang pangkalinangan, at ang kanilang mga karapatan sa tulong ng pamahalaan at ng kanilang mga kababayan. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat na natitipon dito para magpasalamat sa Panginoon sa Kanyang kabutihan sa atin: Nawa, lagi nating patu- nayan ang ating utang na loob sa pamamagitan ng pamumuhay na naglilingkod sa Kanya at sa ating kapwa. Manalangin tayo!

Para sa mga kapatid natin na salat at naghihirap: Nawa, makalasap sila ng ginhawa sa buhay sa tulong ng pamahalaan at mga pribadong sektor. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumahimik sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong bukal ng lahat ng kabutihan at lakas, pinasasalamatan Ka namin sa Iyong pagiging mapagbigay at sa pagtanggap Mo sa amin gayong di kami karapat-dapat. Patuloy Mo kaming tulutang maglingkod sa Simbahan bilang mga kapatid ni Hesus, na Iyong Anak na nabubuhay at naghahari nang walang hanggan. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 11, 2019 at 7:48 am

REFLECTION: In the First Reading (2 Kings 5:14-17), Naaman the Syrian Commander has been convinced to plunge himself seven times into the Jordan River. This is after he has refused to obey Elisha’s instructions that can cure his leprosy. After doing so, he is fully cleansed from the leprosy, so he goes to the prophet to thank him, to whom he is directed to thank the Lord for the gift of healing. Despite being a Gentile, considered an “outsider” at that time, Naaman is an example of how God’s grace is shown to everyone who asks for it and in return who is grateful for that blessing. In the Gospel (Luke 17:11-19), we see how Jesus cleanses ten lepers. Here, we can see that it is not a direct action of our Lord. He tells them to show themselves to the priests for the ritual cleansing. But on their way, they noticed that they were immediate cleansed, and they were happy. In life, there are many times we experience good things happening to us. So it is fitting that we should be grateful for them, especially to those who give them. Going back to the Gospel passage, only one leper returned to thank Jesus. The Lord was amazed that only one went back, but not the other nine, and this man was a Samaritan. But why a Samaritan, for in fact, the Jews hated the Samaritans because of the pagan rituals? It is because gratitude comes from the heart, regarding the race, religion, etc. That is why Christ commends the Samaritan for having faith, which is applying the miracle. Likewise, we should be grateful to God and to others for all the good things, gifts, and blessings they gave us. And the best way to do that is to devote ourselves in service to them. This is what gratitude should mean, that as we express our thanks for good things, we also become blessings for other people.

Reply

ruel arcega October 7, 2022 at 10:52 am

Ang tema ng mga pagbasa at ng ebanghelyo ay ukol sa pagsasalamat. Dahil meron silang natanggap na pagpapalaya at itong kanilang pinasasalamatan ang Diyos ang nagbigay noon at sa Diyos nagmula ang lahat ng pagpapala. Ibinabalik hindi yun ibigay nila uli sa Diyos o at sabi ng nagbabalik tayo Diyos at napapasalamat upang kilalanin at sambahin ang Diyos na pinamumulan ng lahat, Ang bumabalik sa Diyos na nagbigay nang pasasalamat ay mga taong nais muili makipagunayan sa Maylikha at pinamumulan ng lahat. Hindi hangad ng Diyos ay pasalamatan dahil siya’ Diyos nabukal ng kabutihan, Ang Pasasalamat na ibinibigay natin ay hindi para sa Diyos kundi para sa atin dahil ang taong nagpapasalamat ay taong napapakita at napapahiwatig nang kabutihan nang kalooban ng Tao, at kinikilala at tinatanggap ang Diyos muli, dahil muli itong ipagkakaloob ng Diyos sa atin sabi nga ang taong marunong magpasalamat at napupuno ng salat. ibig sabihin hindi siya maghihikayos. Amen kaya ng sabi ni Hesus nasaan yung siyam napinagaling bakit isa lang ang nagbalik para magpuri sa Diyos.

Reply

Reynald Perez October 8, 2022 at 2:55 pm

PAGNINILAY: Sa buong kasaysayan ng kaligtasan na nakatala sa Kasulatan, pinatunayan ng ating Diyos kung paano siya naging mabuti at naghangad ng ikabubuti ng sangkatauhan. Bagamat may mga pagkakataong sumuway ang mga tao sa utos ng Diyos at pinili na tumalikod sa kanya, patuloy pa rin siya ng paghangad ng anumang ikakaganda ng kanyang kalooban upang mas kilalanin natin siya sa ating buhay at maging tapat sa kanya. Kaya sa lahat ng pagkakataon na siya’y naging mabuti sa atin at sa kanyang kalooban bagamat may mga konting pagsubok, nararapat lang na ibalik natin sa kanya ang pagtatanaw ng utang na loob sa pamamagitan ng pagpapasalamat. Kaya iyan nga ang paalala ng ating bersikulo sa Aleluya mula kay San Pablo, na sa lahat ng mga pagkakataon ay magpasalamat sapagkat ito ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesus.

Ang Unang Pagbasa ay ang pagtatagpo ni propeta Eliseo sa isang hepe ng mga taga-Siria na nangangalang Naaman. Isang araw, bigla siyang nagkasakit na ketongin, at humiling sa hari ng Aram na sumulat sa hari ng Israel upang pumunta doon at gumaling (bagamat nagalit mismo ang hari ng Israel, ngunit pinahinahon nito ni Eliseo). Sa lumang kapanahunan ng Israel ayon sa lumang Kautusan, ang itinuturing na ketong ay dapat itsapwera upang hindi mahawa ang sinumang ordinaryong malusog na tao, kaya ang ketong ay kinakailangang magsenyales ng babala. At isa pa: ang hepeng ito ay taga-labas, na pinaniniwalaan ng mga Hudyo na hindi maliligtas. Subalit patuloy pa rin ang paglalakbay ni Naaman papuntang Israel. Doo’y sumasakay siya sa kanyang karwahe at huminto sa pintuan ng bahay ni Eliseo. Hiniling niya sa propeta na pagalingin siya mula sa sakit na ketongin, at ang tugon naman ay ilublob niya ang kanyang sarili sa Ilog Jordan ng pitong beses. Subalit hindi sinunod nitong una ni Naaman ang utos, ngunit namagitan ang kanyang mga lingkod, na ang utos ni Eliseo ay mensahe ng Panginoong Diyos ng Israel tungo sa kanyang kagalingan. Kaya’t sinunod na ni Naaman ang utos ng Panginoon, at lumusong sa ilog ng pitong beses, hanggang sa nawala ang langib mula sa kanyang katawan. Nang makita niya si Eliseo, nagpasalamat siya sa kanya at nais sanang ibigay sa propeta ang kanyang handog na pangpalit. Subalit hindi ito tinanggap ni Eliseo, at natuntunan nga ng hepe na tanging ang Panginoong Diyos lamang ang kanyang susundan at sasambahin.

Ang Ebanghelyo ay ang pagtatagpo ni Hesus sa Sampung Ketongin. Si Hesus ay patungo sa Jerusalem at dumaan sa mga teritoryo ng Samaria at Galilea. At doo’y natagpuan niya ang sampung ketong, at kapansin-pansin na hindi kailanma’y nandiri siya nang sila’y nakita niya. Sa kanilang hiling na pagalingin siya, inutuos niya sa kanila na humayo at pumunta sa mga saserdote para sa ritwal na paglilinis. Subalit narinig natin na samantala sila’y lumalakbay, biglang gumaling sila mula sa pagkaketongin. Ngunit sa sampung gumaling, isa lang ang bumalik kay Hesus upang magpasalamat, at siya nga ay isang Samaritano, na noo’y itinuturing na kaaway ng mga Hudyo. Kaya natanggap ng taong ito ang biyaya ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya na may tunay na pagtatanaw na utang na loob sa pagpapasalamat.

Maraming bagay na ang nangyari at mangyayari pa sa ating buhay. Kapwa mga kaginhawahan at pagdurusa ay maaaring dumating upang subukan ang katatagan ng ating pananampalataya. Ngunit ang mahalaga ay anumang mangyari, huwag natin kaligtaan na magpasalamat pa rin sa Diyos lalo na sa kanyang pinakamagandang regalo, ang buhay natin. Sa kabila ng ating mga pinagdadanan, naroon pa rin ang ating buhay. Bawat bagong paggising ay pasimula na ng bagong araw ng mga biyaya at pagpapala. Ito ang pagtatanaw na utang na loob na tanging pag-ibig lamang ang makakapagmalas ng ating tunay na pagpapasalamat. Tanging pag-ibig lamang ang maari nating ibalik sa Diyos sa pamamagitan ng pagiging mabuti at paghangad ng magandang kalooban para sa ating kapwa. Kaya’t magpasalamat at maging mga inspirasyon ng pag-ibig bilang tanda ng ating tunay na pagtanaw ng utang na loob sa mga biyaya na kanyang kaloob sa atin.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: