Podcast: Download (Duration: 6:05 — 4.4MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Huwebes
Nangako si Jesus: Humingi at kayo’y bibigyan. Lumapit tayo sa ating Amang nasa Langit nang may pag-asa at tiwalang katulad ng panalangin ng Panginoon.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Butihing Ama, tumugon ka sa amin.
Sa buong Simbahan sa daigdig nawa’y lumaganap ang mataimtim na pananalangin, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga taong nalululong sa masasamang bisyo at nakasadlak sa kasalanan nawa’y humingi ng kapatawaran, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawa’y manatili sa pananalangin kahit tayo ay pinanghihinaan ng loob dahil sa mga kabiguan sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y makita ang kahulugan ng kanilang pagtitiis sa kanilang karamdaman, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y mapatawad at muling mabuhay kasama ni Kristo sa walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa pagdinig mo sa aming mga kahilingan. Tulungan mo kami na laging magtiwala sa mga paraan ng iyong pagmamahal at tanggapin ang iyong kalooban sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Marso 6, 2022
Linggo, Marso 13, 2022 »
{ 4 comments… read them below or add one }
Sa Diyos tayo tumatawag sa mga panahon ng ating pangangailangan. Ayon sa utos gaein natin sa ating kapwa ang msbuti para ito rin ang ibabalik nila sa atin.
Patawad Panginoon sa psnahong hindi ko nabigysn ang taong humihingi .sa akin ng tulong at nawa’y mapatawad in nila ako sa aking nagawa.
PAGNINILAY: Ang panalangin ay isa sa mga mahalagang gawain na ating isinasabuhay ngayong Panahon ng Kuwaresma. Subalit ang tanong dito ay hanggang kailan natin kailangang magtiis upang ipagkaloob ng Panginoon ang ating mga panalangin?
Sa ating Unang Pagbasa (Ester 4:17 n. p-r. aa-bb. gg-hh), nagdasal si Reyna Ester nang buong pagtitiwala sa Diyos dahil sa nakahandang balak laban sa kanyang mga kababayang Hudyo. Ito ang madilim na balak ni Haman kung bakit ito’y naging personal na kalihim ni Hari Ahasuero. Kaya si Ester ay nabigla at nag-aalala sa kanila, lalung-lalo sa kanyang kapatid na si Ahasuero. At sa kanyang panalangin, hiniling niya sa Panginoon ng gabay at proteksyon para sa kanyang mga kababayan. At dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, ibinunyag ni Reyna Ester sa kanyang asawa ang balak ni Haman, at hindi hinayaan ni Ahasuero na saktan ni Haman ang mga kababayan ni Ester.
Sa ating Ebanghelyo (Mateo 7:7-12), nagbigay si Hesus ng magandang paalala kung paano tayo dapat manalangin. Kung noong nakaraang Martes ay narinig natin ang pagtuturo ng Ama Namin, ngayon naman ay nagbibigay siya ng mga praktikal na halimbawa ng kahalagahan ng dasal. Kung may taong naghihingi ng tinapay, bibigyan ba natin ito ng bato? O kaya may naghihingi ng isda, bibigyan ba natin ito ng ahas? Kaya ipinapakita dito na kung tayo’y nagbibigay sa ating mga anak na kanilang hinihingi, ang ating Diyos Ama ang nagbibigay ng mga bagay sa mga humihingi mula sa kanya. At ito’y mangyayari ayon sa kanyang kagustuhan at kalooban sapagkat ang ninanais niya ang kabutihan at kagandahang-loob ng isa.
At sa huli ay winika ni Kristo ang Ginintuang Patakaran na gawin natin ang tama at mabuti upang iyan din ang ibabalik sa atin ng ating kapwa. Kaya ang buhay-panalangin ay kailangang may kaakibat na mabuting aksyon.
Tinuturo sa atin kung paano tayo manalanging may pagtitiwala sa DIOS..Kung tayo’y humingi sa kanya ay Kailangan magtiwala at manalig upang kamtin ang ating mga minimithi. Mga mithiing kalugudlugud sa paningin ng DIOS.
Una buksan ang ating mga Puso’t isipan,Anyayahan ang DIOS na siyang manahan at maghari sa ating mga Puso upang itama ang.landas ng ating mga buhay.
2ND. SUNDIN ANG KANYANGMGA UTOS AT TUNTUNIN.DAHIL KAAKIBAT TAYO SA KANYANG MISSION.Inanyayahan tayong sumunod sa Kanya. Makiisa at humayo ipahayag ang mabuting balita ng kaligtasan.
3rd tayo ay may assurance na binigay ang DIOS kung susundin lamang natin siya…bibigyan tayo ng kapangyarihang magpagaling,magpalayas ng masamang Espiritu sa kanyang pangalan. Kaya tuloy lang ang buhay na .
At humingi ng gabay sa DIOS upang hwag mahulog sa bitag ng diablo.
Dahil sa habag niya tayo’y naging instrumento para sa ating kapwa at pamilya natin..
4th kaya patuloy nating gunitain at pagnilayan ang pag-ibig ng DIOS sa sanlibutan.
Manalangin Tayo:
Amang banal sa langit.tunay na ikaw ang dakilang DIOS na lumikha ng langit at lupa.ang DIOS na patuloy naghasik ng mga binhi sa aming mga Puso upang liwanag mo’y magningas sa aming mga buhay.at talikdan ang.mga masasamang nasa nito..Panginoon ko IKAW NA ANG BAHALA SA BUHAY NAMIN
.IPAGKATIWALA KONA SAYO ANG LAHAT
AT NANALIG NA KAMI’Y.IYONG HANGUIN SA MASADLAK NA KALAGAYAN AMEN
Sa Unang Pagbasa ay ipanpakita sa atin ang kapangyarihan ng panalangin. Na kung mgadarasal tayo ng taimtim at ibinibigay natin sa Panginoon ang buong tiwala ay pakikinggan tayo. Katulad ng Reyna Ester na sinabi nyang ang Diyos lang ang kanyang pag-asa at wala ng ibang maktutulong sa kanya. Kaya’t kung tayo mananalangin ay tanggalin natim ang pangamba at ibigay ang buo nating pagtitiwala, pananalig at pananampalataya.
Ang ating ebanghelyo ngayon ay pagapapliwanag sa atin na tayo nga mismong tao lang na makasalanan ay ibinibigay natin sa ating mga anak ang kanilang hinihiling, ang Ama na nasa langit pa kaya ay hindi?
Humingi ka at bibigyan ka, humanap ka makasusumpong ka, kumatok at siguradong pagbubuksan ka PERO wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sayo.