Tagalog Catholic Resources
Tagalog Catechism • Tagalog Prayers

Mga Pagbasa – Lunes, Pebrero 24, 2020

by Jeric on February 24, 2020 · 5 comments

in Tagalog Mass Readings

Lunes ng Ika-7 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Santiago 3, 13-18
Salmo 18, 8. 9. 10. 15

Ating kabutiha’t lugod ay nasa loobin ng D’yos.

Marcos 9, 14-29

UNANG PAGBASA
Santiago 3, 13-18

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Mga minamahal, sino sa inyo ang marunong at nakauunawa? Ipakita ninyo ito sa pamamagitan ng wastong pamumuhay na bunga ng kapakumbabaan at karunungan. Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at makasariling hangarin, huwag ninyong pabulaanan ang katotohanan. Hindi galing sa Diyos ang ganyang karunungan, kundi sa diyablo – makasanlibutan at makalaman. Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, maghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa. Ngunit ang may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay may malinis na pamumuhay. Siya’y maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, at masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. At namumunga ng katwiran ang binhi ng kapayapaang inihahasik ng taong maibigin sa kapayapaan.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 8. 9. 10. 15

Tugon: Ating kabutiha’t lugod ay nasa loobin ng D’yos.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang,
ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay;
yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan,
nagbibigay ng talino sa pahat ang kaisipan.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Ating kabutiha’t lugod ay nasa loobin ng D’yos.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos,
liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod;
ito’y wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos,
pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Ating kabutiha’t lugod ay nasa loobin ng D’yos.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti,
isang banal na tungkulin na iiral na parati;
pati mga hatol niya’y matuwid na kahatulan,
kapag siya ang humatol, ang pasya ay pantay-pantay.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Ating kabutiha’t lugod ay nasa loobin ng D’yos.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Nawa’y itong salita ko at ang aking kaisipan,
sa iyo ay makalugod, Panginoon ko’t kanlungan,
O ikaw na kublihan kong ang dulot ay kaligtasan!
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Ating kabutiha’t lugod ay nasa loobin ng D’yos.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 9, 14-29

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Noong panahong iyon, habang bumababa si Hesus sa bundok, kasama sina Pedro, Santiago at Juan, ay nakita nila ang napakaraming taong nakapaligid sa mga alagad na naiwan, at ang mga eskriba na nakikipagtalo sa mga ito. Nagulat ang mga tao nang makita nila si Hesus. Sila’y patakbong lumapit sa kanya, at binati siya. Tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad, “Ano ba ang pinagtatalunan ninyo at ng mga taong iyon?” Sumagot ang isa mula sa karamihan, “Guro, dinala ko po rito sa inyo ang aking anak na lalaki, sapagkat siya’y inaalihan ng masamang espiritu, at hindi makapagsalita. Tuwing aalihan siya nito, siya’y inilulugmok; bumubula ang kanyang bibig at nagngangalit ang kanyang ngipin, at siya’y naninigas. Hiniling ko po sa inyong mga alagad na palayasin ang espiritu, ngunit hindi nila napalayas ito!” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Lahing walang pananampalataya! Hanggang kailan ako dapat manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!” At dinala nga nila ito sa kanya. Nang si Hesus ay makita ng espiritu, biglang pinapangisay nito ang bata, anupa’t napalugmok ito sa kanya, at gumugulong-gulong na bumubula ang bibig. “Kailan pa siya inalihan ng masamang espiritu?” tanong ni Hesus sa ama. “Mula pa po sa kanyang pagkabata!” tugon niya. “Madalas siyang ihagis nito sa apoy at sa tubig upang patayin. Kaya kung may magagawa kayo, mahabag po kayo sa amin at tulungan ninyo kami.” “Kung may magagawa!” ulit ni Hesus. “Mapangyayari ang lahat sa may pananalig.” Kaagad sumagot nang malakas ang ama ng bata, “Nananalig po ako! Tulungan ninyo ako bagamat ako’y nagkulang.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Nang makita ni Hesus na dumaragsa ang mga tao, pinagsabihan niya ang masamang espiritu, “Ikaw, espiritung nagpapapipi at nagpapabingi – iniuutos ko sa iyo: lumabas ka sa bata! At huwag ka nang papasok sa kanya!” Nagsisigaw ang masamang espiritu, pinapangisay ang bata, at saka lumabas. Naging mistulang bangkay ang bata, kaya’t ang sabi ng marami. “Patay na!” Subalit siya’y hinawakan ni Hesus sa kamay at ibinangon. At tumindig ang bata.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Nang pumasok na si Hesus sa bahay, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Bakit po hindi namin napalayas ang espiritu?” Sumagot si Hesus, “Ang ganitong uri ng espiritu ay hindi mapalalayas kundi sa pamamagitan ng panalangin.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Previous post:

Next post:

{ 5 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno January 22, 2020 at 4:31 pm

Ngayon ay Lunes sa ikapitong linggo ng karaniwang panahon.
Salamat sa Diyos at pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
Nawa’y pagpalain po tayo ng Panginoon sa buong linggong ito.

Reply

Reynald Perez February 24, 2020 at 12:11 am

Reflection: In the First Reading (James 4:1-10), Saint James the Less tells us to get rid of all evil and vices in the world and to submit ourselves humbly to God. If we humble ourselves before the Lord and do what is pleasing to him, then he will exult us. In the Gospel (Mark 9:30-37), Jesus predicts his Passion, Death, and Resurrection for the second tine, at which his disciples did not understand. They are arguing with one another on being the greatest in Heaven. He places a child in their midst and tells them to humble like children in order to be great. To practice humility is receiving Christ and God the Father who sent him. Both Jesus and Saint James the Less remind us of humility and faithfulness. Especially when we lead, we do it the Christian way, and that is through service. Even though we are great and in higher levels, still, we must stoop down to help those in the lower levels, especially those in need. We pray also for our newly elected leaders, that they may serve our country and all Filipinos by fulfilling their platforms they promised during these six years of administration. So as we journey down this road, let us practice humility and faithfulness, especially in servant leadership, because that is how greatness can be achieved. And the greatness the Lord gives is what we will receive after our earthly journey, and that is eternal life in Heaven.

Reply

Liberty C.Baligod February 24, 2020 at 5:23 am

Pinupuri ka namin, Panginoong HesuKristo!

Reply

Francisco Azupardo February 24, 2020 at 10:12 am

Salamat sa Diyos! Amen!

Reply

Jerry February 24, 2020 at 11:12 pm

Salamat sa Diyos.Pinupuri ka namin Panginoong Hesucristo.Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: