Podcast: Download (Duration: 7:25 — 9.2MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Patnubay sa Misa
Tinitiyak ni Hesus na inaalagaan ng Diyos ang mga mapagpakumbaba at kanyang pinaghaharian ang namumuhay ayon sa “Mapapalad.” Idalangin nating maging tapat tayo rito:
Panginoon, pakinggan Mo kami.
Nawa ang Simbahan, sa gabay ng kanyang mga pinuno, ay pahalagahan ang pagtatangi sa moral at espirituwal kaysa sa pagkahilig sa kayamanang materyal.
Panginoon, pakinggan Mo kami.
Nawa ang mga nagdurusa para sa katarungan ay makatagpo ng lakas ng loob at kagalakan sa mga pamayanang Kristiyano.
Panginoon, pakinggan Mo kami.
Nawa ang mga nagtataguyod ng kapayapaan ay huwag panghinaan ng loob kahit mahirap ang kanilang ginagawa.
Panginoon, pakinggan Mo kami.
Nawa pahalagahan nating lahat ang Salita ng Diyos sa pamamamagitan ng pagbabasa’t pagsasabuhay nito.
Panginoon, pakinggan Mo kami.
Panginoong Hesus, Ikaw ang huwaran ng mga “Mapapalad.” Gabayan Mo kami sa pagsasabuhay ng mga ito hanggang makarating kami sa iyong Kaharian magpakailanman. Amen.
Pages: 1 2
« Sabado, Enero 31, 2026
Lunes, Pebrero 2, 2026 »




{ 11 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Magkaiba po ang “kapalaran” doon sa “pagpapala”. Alam po natin na ang Ingles ng kapalaran ay “luck”, samantala ang Ingles ng pagpapala ay “blessing”. Minsan tinatrato natin ang buhay na parang kapalaran na itinataya natin ang ating sarili sa iba’t ibang kultura. At sa tingin natin na madali lang ilarawan ang magiging kinabukasan natin. Ngunit kung tayo ay naniniwala sa pagpapala, alam natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay parang magtitiwala tayo sa salamangka. Kaya minsan iniisip natin ang Diyos ay parang “magician” na awtomatikong akala natin may himala. Subalit hindi ganyan ang pamamaraan ng Diyos sa pagkakaloob sa atin ng pagpapala.
Ang Ebanghelyo ngayon ay ang simula ng isang sikat na pagpapahayag ng ating Panginoong Hesus, na kung tawagin ay Pangangaral sa Bundok. Tatlong kabanata ang inilaan ni San Mateo para sa katuruan ni Hesus sa mga tao sa kabundukuan (Mateo 5-7) upang ipakilala sa atin si Kristo na bagamat Diyos ay nakisalamuha sa damdamin ng tao upang bigyang liwanag ang tunay na buhay na nais iparating ng Diyos Ama sa atin. At nagsisimula ang pangangaral na ito sa pamamagitan ng Walong Pagpapala o mas kilala bilang “Eight Beatitudes”. Dito ipinahayag ni Hesus kung sino ang mga tunay na mapalad, at ang nag-uugnay sa kanilang pagpapala ay ang katotohanang sila’y itinuturing na sawimpalad, o kaya mga naghihikahos sa buhay. Narinig natin sa Unang Pagbasa mula kay Sofonias itanong grupo ng mga tao na kung tawagin ay “anawim,” sapagkat sa kabila ng kanilang pagsubok at paghihirap, patuloy sila nagtitiwala sa Diyos at nagiging tapat sa kanya nang buong kababaang-loob. Kaya ito nga ang sinasabi ng Diyos na ititira niya sa mundong ito, na ang mga tao ay maging matuwid, mapagkumbaba sa kanyang paningin, at nagiging masunurin at matapat sa kanya. Kaya sila ang mga taong itinuturing ni Kristo na mapalad sapagkat ang kanilang kakapusan at kahirapan ay simbolo ng pagpapalang nakalaan sa kanila matapos ang kanilang pagsisikap sa kanyang kalooban. Ngunit tandaan natin na hindi taliwas ang Panginoon sa pagkakaroon ng karangalan, kapangyarihan, at kayamanan, sapagkat ito’y mga biyaya ng Diyos na inaasahan nating gamitin sa mundong ito. Subalit ang babala lang ni Hesus ay ang paggamit sa mga ito para lamang makapagsamantala sa buhay ng ibang tao at ganun na rin ang panganib ng pagtuturing natin sa mga makamundong bigay bilang kapalit ng Diyos na siyang dapat bukal ng bawat pagpapala na ating tinatanggap. Kaya ang paalala ng Panginoong Hesukristo ay ang pagiging tunay na mapalad ay siyang patuloy na magiging mapagkumbaba sa kabila ng mga tagumpay o kabiguan sa buhay.
Sa ating buhay, dapat itrato natin ito hindi bilang isang “kapalaran”, kundi bilang isang “pagpapala”. At ang pinakadakilang pagpapala ay bagong buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos Ama sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesukristo. Ayon kay San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, si Kristo ay naging karunungan ng Diyos para sa ating katubusan, pagpapabanal, at pagpapanibago. Kaya ang pagtawag ng Panginoon sa atin para sa misyong iniatas niya sa atin sa mundong ito ay pagkakaroon ng isang banal na pamumuhay tungo sa kanyang pagpapala. Sa kabila ng ating kahinaan at abang katauhan ay may mas higit pa na dahilan at hantungan ng ating pagmimisyon dito sa lupa, na nais makamtan natin balang araw sa kaluwalhatian ng langit. Kaya, mga minamahal, nawa’y tunay na mamuhay tayo bilang mga mapalad na nilalang ng Diyos, na ang lahat ng ating nakamit nang biyaya at ang mga nais pa nating makamit na tagumpay ay maging isang patakaran upang patuloy tayong mamuhay nang matapat at may kababang-loob na sundin ang kanyang kalooban at maging instrumento ng kanyang pagpapala para sa ibang tao.
isang malaking pagpapala po ang pagninilay na nabasa ko Fr. Perez makakabawas ng pagod ko and makakagaan sa aking mga sariling pag kukulang bsa aking sarili at pagkukulang ko sa aking kapwa ,sa aking PAMILYA ,GOD IS GOOD look at me sabi ng pari noong linngo hehe hindi daw all the time ,sa halip ay look at me GOD IS GOOD dahil kahawig or kamukha natin ang LORD
Marami na akong natanggap na pagpapala pero ni hindi ako ngpapasalamat. Marami na akong nalampasan na pagsubok pero hanggang ngayun sinusubok. Gusto kong magkasala pero iniiwas Mo ako. Mahina ang aking sarili. Pero pinapalakas Mo. Hindi ako mgsasawa kahit minsan lang ako umusal sa Iyo. Patawad dahil hindi ko maibigay ang best ko dito sa lupa. Alam Mo ang kailangan ko para maging matagumpay dito. Malapit ng sumuko ang katawan ko. Ikaw na lang ang nagpapahaba nito. Ayoko na sa ganitong hirap. Hindi masaya ang mabuhay sa lupa. Sana marating ko ang kasiyahan sa piling Mo. Sa kahariaan na kasama ang mga nagpupuri sayo. Walang kalungkutan at kapighatian. Ikaw lamang ang makakapagalis ng aking kalungkutan.
Sa ating ebanghelyo ngayon, umakyat si Hesus a bundok at tinuruan ang Kanyang mga alagad ng isang kakaibang listahan ng mga mapapalad. Kung susundin natin ang logic ng mundo, parang contradict ang ang listahan ni Kristo, parang mali. Sa mundo: mapalad ang may kilala na mataas, mapalad ang may impluwensya, mapalad ang may access kay parish priest. Pero kay Hesus: “Mapalad ang mga aba, pinag-uusig o yong mga nagiging daan sa kapayapaan. Ibig sabihin mapalad ung mga hindi laging nauuna, ung hindi kailangan mapansin at hindi kailangan patunayan ang sarili. Mga kapatid, isa sa realidad sa sa ating Parokya kung magiging tapat tayo, minsan kahit sa loob ng simbahan- kahit sa PPC – may tahimik na tanong sa puso: Sino ang mas malapit kay Father? Sino ang mas pinakikinggan? Sino ang may impluwensya? Hindi natin ito sinasabi sa malakas, pero ramdam ito sa kilos, sa salita at minsan sa katahimikan. Siguro maging sa ating pamilya, trabaho o maging sa school. Kung sino ang malapit kay teacher, kay mama at papa o di kaya kay boss. Mga kapatid, ang Parokya ay hindi paligsahan ng kung sino malapit sa pari. Ang kuro paroko ay Ama , hindi premyo. Ang kanyang atensyon ay hindi sukatan ng kabanalan. Kung ang paglilingkod natin ay nakadepende sa: kung napansin tayo, kung napuri, o kung nasuportahan ang ating ideya ay baka kailangan natin balikan ang ebanghelyo: ang tunay na mapalad ay yaong handa pa ring maglingkod kahit walang palakpak. Kaya nga sa ebanghelyo, hindi nagbigay si Kristo ng turo kung paano maging sikat Kundi kung paano maging tunay na alagad. Sa mundo, mapalad ang napapansin, kay Kristo mapalad ang tahimik na naglilingkod. May kilala akong isang Kabataan ng aming simbahan na nag-nangangalang Naida Liit, hindi siya palasalita, di rin palaging nasa harap. Kung titignan mo , aakalain mong maarte, masungit o suplada . Pero tuwing may feeding program sa aming Parokya, siya ay nagbabahay-bahay sa pinakamahihirap na pamilya. Hindi siya pumipili ng kalsada, maputik man, masikip o mabaho. Handa siyang madumihan para makarating sa mga nasa laylayan. Walang palakpak, walang litrato, walang nakakakita, at higit sa lahat walang reklamo. Ang kabataang ito ay hindi naglilingkod para mapuri kundi dahil mayroon siyang pusong marunong magpakumbaba. Hindi niya kailangan ipakita, sapat na alam ng Diyos ang kanyang nasa puso. Dumating ang panahon nanagkasakit siya ng TB,siguro marami ang nagsabi na huminto ka na, magpahinga ka na, delikado yan pero matapos ang gamutan bumalik sa sa paglilingkod. Hindi dahil pinilit siya, kundi dahil mahal niya ang ginagawa niya at ang mga mahihirap. Hanggang ngayon naglilingkod pa din- tahimik, tapat at tuloy tuloy. Sabi ni Hesus mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Hindi lahat ng pagdurusa ay may ingay, pero lahat ng pagdurusang inaalay sa Diyos ay may saysay. Mga kapatid sa ating buhay madali tayong matukso na ang sukatan ng paglilingkod sa kung sino malapit sa pari o sa may mataas na posisyon, sa dami ng nakakakita o sa laki ng papel na ginagampanan. Pero ang beatitudes ay malinaw : hindi lahat ng nakikita ay mapalad at hindi lahat ng mapalad ay nakikita. Ang kabataan sa kuwento hindi masyadong kilala ng marami pero kilala siya ng DIyos. Sa huli, hindi itatanong ng Diyos kung ilang palakpak ang narinig natin, kung ikaw pinagkatiwalaan ni pader, kung anong posisyon mo sa Simbahan Kundi ang itatanong ni Kristo, naglingkod ka ba kahit walang nakakakita? Nagmahal ka ba kahit may kapalit na sakit at pagod? At kung oo ang sagot ayon kay Hesus, mapalad ka tulad ng kabataan sa kwento.
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa, ipinakita dito ang paraan upang mapatawad at maligtas. Ito ay sa pagpapakumbabang hanapin ang katwiran ng Dios at pagsunod dito.
“..hanapin ninyo ang katwiran at iyon ang inyong gawin,
baka sakaling kayo’y patawarin at iligtas sa araw ng kanyang poot.
At ang iiwan ko roon ay mga taong mapagpakumbaba,
na lalapit sa akin upang pasaklolo.”
Sa ikalawang pagbasa, pinapatunayan ni apostol Pablo na si Jesus ang katwiran ng Dios na dapat sundin sa pamamagitan ng paniniwala sa kanya.
“Sa kanya mula ang ating pakikipag-isa kay Kristo Hesus, na ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan niya, tayo’y pinawalang-sala ng Diyos, pinapaging-banal at iniligtas. Kaya nga, tulad ng nasasabi sa Kasulatan, “Ang Panginoon ang dapat ipagmalaki ng may ibig magmalaki.”
Sa gospel reading, kung may ibinigay ng Dios kay Moses na 10 kautusan sa bundok Sinai ay meron din ibinigay ni Jesus sa kanyang “sermon of the mount”. Ilang beses sinabi ni Jesus ang mapalad (o magsaya/magdiwang)? May kakayanan kaya na masunod ng tao ang lahat ang mga “beatitudes”?
Tanging si Jesus lamang ang nakatupad ng lahat nito subalit kung nakay Cristo tayo ay nakasama na rin tayong nakatupad (Roma 8:1, Roma 5:1-2, Roma 10:3-4).
“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”
“Mapalad ang mga nahahapis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.”
“Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.”
“Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.”
“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya.”
“Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”
“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan.
Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.”
Kumusta naman tayo. Nahanap naba natin ang katwiran ng Dios (na si Jesus) at sinunod sa pamamagitan ng paniniwala sa kanyang walang hanggang pantubos na dugo (Juan 6:28-29)?
Kumusta naman tayo . Nahanap na ba natin ang katwiran ng Dios kay Jesus at nasunod siya? O gaya parin tayo ng mg Israelita hanggang ngayon ay hindi parin naniniwala sa pantubos na dugo ni Jesus sa kanilang mga kasalanan (Roma 9:4-5, Roma 10:1-21)?
PAGNINILAY: Magkaiba po ang “kapalaran” doon sa “pagpapala”. Alam po natin na ang Ingles ng kapalaran ay “luck”, samantala ang Ingles ng pagpapala ay “blessing”. Minsan tinatrato natin ang buhay na parang kapalaran na itinataya natin ang ating sarili sa iba’t ibang kultura. At sa tingin natin na madali lang ilarawan ang magiging kinabukasan natin. Ngunit kung tayo ay naniniwala sa pagpapala, alam natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay parang magtitiwala tayo sa salamangka. Kaya minsan iniisip natin ang Diyos ay parang “magician” na awtomatikong akala natin may himala. Subalit hindi ganyan ang pamamaraan ng Diyos sa pagkakaloob sa atin ng pagpapala.
Ang Ebanghelyo natin bukas ay ang simula ng isang sikat na pagpapahayag ng ating Panginoong Hesus, na kung tawagin ay Pangangaral sa Bundok. Tatlong kabanata ang inilaan ni San Mateo para sa katuruan ni Hesus sa mga tao sa kabundukuan (Mateo 5-7) upang ipakilala sa atin si Kristo na bagamat Diyos ay nakisalamuha sa damdamin ng tao upang bigyang liwanag ang tunay na buhay na nais iparating ng Diyos Ama sa atin. At nagsisimula ang pangangaral na ito sa pamamagitan ng Walong Pagpapala o mas kilala bilang “Eight Beatitudes”. Dito ipinahayag ni Hesus kung sino ang mga tunay na mapalad, at ang nag-uugnay sa kanilang pagpapala ay ang katotohanang sila’y itinuturing na sawimpalad, o kaya mga naghihikahos sa buhay. Narinig natin sa Unang Pagbasa mula kay Sofonias itanong grupo ng mga tao na kung tawagin ay “anawim,” sapagkat sa kabila ng kanilang pagsubok at paghihirap, patuloy sila nagtitiwala sa Diyos at nagiging tapat sa kanya nang buong kababaang-loob. Kaya ito nga ang sinasabi ng Diyos na ititira niya sa mundong ito, na ang mga tao ay maging matuwid, mapagkumbaba sa kanyang paningin, at nagiging masunurin at matapat sa kanya. Kaya sila ang mga taong itinuturing ni Kristo na mapalad sapagkat ang kanilang kakapusan at kahirapan ay simbolo ng pagpapalang nakalaan sa kanila matapos ang kanilang pagsisikap sa kanyang kalooban. Ngunit tandaan natin na hindi taliwas ang Panginoon sa pagkakaroon ng karangalan, kapangyarihan, at kayamanan, sapagkat ito’y mga biyaya ng Diyos na inaasahan nating gamitin sa mundong ito. Subalit ang babala lang ni Hesus ay ang paggamit sa mga ito para lamang makapagsamantala sa buhay ng ibang tao at ganun na rin ang panganib ng pagtuturing natin sa mga makamundong bigay bilang kapalit ng Diyos na siyang dapat bukal ng bawat pagpapala na ating tinatanggap. Kaya ang paalala ng Panginoong Hesukristo ay ang pagiging tunay na mapalad ay siyang patuloy na magiging mapagkumbaba sa kabila ng mga tagumpay o kabiguan sa buhay.
Sa ating buhay, dapat itrato natin ito hindi bilang isang “kapalaran”, kundi bilang isang “pagpapala”. At ang pinakadakilang pagpapala ay bagong buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos Ama sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesukristo. Ayon kay San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, si Kristo ay naging karunungan ng Diyos para sa ating katubusan, pagpapabanal, at pagpapanibago. Kaya ang pagtawag ng Panginoon sa atin para sa misyong iniatas niya sa atin sa mundong ito ay pagkakaroon ng isang banal na pamumuhay tungo sa kanyang pagpapala. Sa kabila ng ating kahinaan at abang katauhan ay may mas higit pa na dahilan at hantungan ng ating pagmimisyon dito sa lupa, na nais makamtan natin balang araw sa kaluwalhatian ng langit. Kaya, mga minamahal, nawa’y tunay na mamuhay tayo bilang mga mapalad na nilalang ng Diyos, na ang lahat ng ating nakamit nang biyaya at ang mga nais pa nating makamit na tagumpay ay maging isang patakaran upang patuloy tayong mamuhay nang matapat at may kababang-loob na sundin ang kanyang kalooban at maging instrumento ng kanyang pagpapala para sa ibang tao.
Mga aba ay Mapalad
Diyos ang Hari bilang Lahat
#feeling blessed
Ganito tayo mag caption sa ating selfie kapag may bagong cellphone, o alahas, o bagong bahay, o tumama sa lotto o natanggap sa trabaho o anumang bahay na nagpapasaya sa ating. Feeling natin sobrang mapalad tayo. Feeling natin winner tayo, feeling natin tayo lang ang anak ng Diyos.
Ganito tayo sa sarili nating pamantayan, tayong mga tao dito sa lupa, pero sa depinisyon sa ating Ebanghelyo ng salitang Mapalad. parang baligtad yata.
Para Kay Jesus Mapalad ang mga aba at mahirap
Sino ba naman ang magsasabing Mapalad tayo kung wala tayong sariling bahay. Kung sa bangketa lang tayo natutulog. Kung isang beses lang tayo kumain sa isang araw. Kung nabubuhay lang tayo sa pamamalimos. Mapalad ba yung ganun?
Para Kay Jesus Mapalad ang mga nahahapis
Masasabi mo bang Mapalad ang isang tao na hindi na tinantanan ng problema. Paano natin sasabihin sa ating kapwa na Mapalad siya dahil namatayan siya ng mahal sa buhay. Kung nasunugan, kung nanakawan, kung nagkaroon ng malubhang sakit. Mapalad ba yung ganun?
Para Kay Jesus Mapalad ang mga inuusig, inaalimura, pinagwiwikaan ng kasamaan na parang kasinungalingan
Matutuwa ba tayo kapag ginagawan tayo ng Mali maling kwento ng ating kapitbahay. Sinisira ang ating pagkatao, kung Binu bully tayo, kina kayan kayanan. Mapalad ba yung ganun?
Kapag Dinanas natin ang lahat ng Ito magpo,post ba tayo ng #feeling blessed? ngingiti PA ba tayo sa camera?
Mahirap tanggapin kasi nga ang pamantayan natin ay ang pananaw natin bilang tao, PERO kung ang susundin natin ay ang pananaw ng Mapalad sa mata ng Diyos Ito ang Tama at kailanman Ang Diyos hindi Niya tayo ililigaw.
Hamon ng Ebanghelyo
Igaya natin ang ating sarili sa isang ginto o Diyamante. Para mapalabas ang tunay na kilatis at halaga kailangang hukayin mula sa maruming lupa, idarang sa apoy ng paulit ulit. Kung tayo ay binabayo ng maraming problema wag magreklamo, wag magtanong, wag manumbat, huwag mag isip tumalikod at ng lumayo manalig lang tayo na ito ang Tamang proseso ng paging Mapalad. Ano ang mensahe? Habang nandiito tayo sa lupa, tiis tiis lang, kapit lang, Laban lang. dasal lang. manalig at maniwala sa proseso
basta Palaging isipin at isabuhay
Kung hindi tayo ang ikayayaman ng ating kapwa, Sana hindi tayo ang dahilan ng kanilang paghihirap
Kung hindi natin sila kaya pangitiin, Sana hindi tayo ang dahilan ng kanilang pagluha
Kung hindi natin sila matulungan sa pag unlad, Sana naman hindi tayo ang dahilan para sila ay bumagsak
Kung hindi tayo ang dahilan ng kanilang kagalingan, Sana hindi tayo maging dahilan ng kanilang pagkakasakit
Kung hindi natin sila kayang dalhin sa Kaliwanagan, Sana hindi tayo makapagdulot ng dilim sa kanilang buhay.
Maging tunay na Mapalad
Beautitudes wag bsta lang may attitude
Mahal tayo ng Diyos.
Amen..
Isang hamon Ang ibinibigay sa ting ng mga pag-bass . Una hanapin Ang Diyos . Sino Ang naghahanap sa Diyos? Anu uri sila ? Sila yung taong mga mabubuti, managing-loob . Mga may malinis na puso mga mahihirap dahil Ang mag taong itong naghahanap sa Diyos mga taong mga banal . Dahil Ang mga banal na Tao siya lamang naghahanap sa Diyos ay meron mga katangian ng Diyos kaya’t kung meron nito isa ka sa mapalad , o tinatawag na beatitude na ibig sabihin masaya ngunit meron isang pang root word Ang beatitude ay beauty maganda Hindi lng sa labas pati sa loob nasabihan ka na ba maganda Ang kalooban mo ?
PAGNINILAY:
Mateo 5, 1-12a
“Mapalad”
Sa Mabuting Balita ngayon, ipinakikilala ni Hesus ang isang radikal na teolohiya ng pagpapala. Sa halip na swerte o malas mga konseptong nakasentro sa tao at sa panlabas na pangyayari, sa Ebanghelyo itinuturo ni Hesus na ang pagiging mapalad ay kaloob ng Diyos na nakaugat sa ugnayan, hindi sa sitwasyon.
Sa orihinal na wika ng Ebanghelyo, ang mapalad (makarios) ay hindi emosyonal na saya o pansamantalang ginhawa. Ito ay eskatolohikal na pahayag—isang katiyakan na ang taong ito ay kasangkot na ngayon sa paghahari ng Diyos, kahit hindi pa ganap ang katuparan.
Ang 8 Beatitudes ay present grace with future fulfillment:
“sapagkat kanila ang Kaharian ng Langit.”
Hindi magiging kanila, kundi kanila na ngayon.
Nang umakyat si Hesus sa bundok, hindi Siya simpleng guro. Sa teolohikal na pagbasa, Siya ay ang bagong Moises, ngunit higit pa rito—Siya ang mismong Salita ng Diyos. Hindi na batas ang ibinibigay, kundi anyo ng buhay ng mga kabilang sa Kaharian.
Ang Sermon sa Bundok ay konstitusyon ng Kaharian ng Diyos. Hindi ito utos para maging mapalad; ito ay paglalarawan kung sino ang tunay na pinagpala.
Sa teolohiya ng Simbahan, ang Walong Mapalad ay larawan ng mismong buhay ni Kristo:
Dukha sa espiritu -“Kusang-loob Niyang hinubad ang Kanyang sarili”
Nahahapis -“Siya’y lalaking sanay sa pagdurusa”
Maamo at mapagpakumbaba – “Matuto kayo sa Akin sapagkat Ako’y maamo at mapagkumbaba”
Nauuhaw sa katuwiran -“Ang aking pagkain ay tuparin ang kalooban ng Ama”
Maawain – “Ama, patawarin Mo sila”
Malinis ang puso- “Ako at ang Ama ay iisa”
Tagapamayapa -“Sa pamamagitan ng Krus, pinagkasundo Niya ang lahat”
Inuusig -“Kung Ako’y inusig, kayo man ay uusigin”
Ang pagiging mapalad ay pakikibahagi sa buhay ni Kristo.
Ito ay TEOLOHIYA NG KRUS AT KAHARIAN
Dito malinaw ang kabalintunaan ng mundo:
Ang itinuturing ng mundo na malas—luha, kahinaan, pag-uusig ay daan patungo sa Kaharian.
Hindi dahil mahal ng Diyos ang pagdurusa, kundi dahil naroon ang Kanyang nagliligtas na presensya.
Ang Beatitudes ay hindi prosperity gospel; ito ay theology of the Cross. Ang pagpapala ay hindi kawalan ng krus, kundi katiyakang may Diyos sa gitna ng krus.
Kung tunay nating nauunawaan ang Beatitudes:
Hindi tayo madaling madidismaya sa hirap. Hindi natin isusukat ang pananampalataya sa ginhawa,
at hindi natin tatawaging malas ang mga panahong hinuhubog tayo ng Diyos. Ang pagiging alagad ay hindi paghahanap ng swerte, kundi katapatan sa biyaya.
Word of the day:
“MAPALAD”
Ang mapalad ay hindi ang laging panalo sa mundo, kundi ang nananatiling tapat sa Diyos hanggang wakas.
PANALANGIN:
Panginoong Hesus,
Salamat sa bagong pananaw na Iyong ibinigay. Turuan Mo kaming basahin ang aming buhay hindi ayon sa pamantayan ng mundo, kundi ayon sa lohika ng Iyong Kaharian. Gawin Mo kaming tunay na mapalad— nakikibahagi sa Iyong Krus, upang makibahagi rin sa Iyong Mulîng Pagkabuhay.
Amen.
HUMILITY.
Mapalad kung magpahawak palagi sa palad/kamay ng Diyos.
Tumingin ng mabuti, malinis na kalooban/puso makikita ang Diyos at biyaya.
Araw araw magpalinis sa banal sa Espirito.
Mapalad ang maniniwala na lahat na nararanasan sa buhay ay magpapabuti sa atin.
Magdasal palagi sa Diyos. Tulungan ang ibang nahihirapan sa pagpapala at grasya para sa atin at sa kapwa.
The Lord is close to the brokenhearted.
With the right belief, we will be blessed.
Amen
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good
Thank You, Lord
#GvSunday
Blessed2026