Biyernes, Enero 23, 2026

January 23, 2026

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Bilang Banal na Bayan na tinawag ng Diyos sa iba’t ibang pamamaraan upang ipalaganap ang Mabuting Balita ng kanyang Paghahari, iluhog natin ang ating mga pangangailangan sa Ama na nag-aaruga sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na tumawag sa amin,
ibahagi Mo sa amin ang Iyong kapangyarihan.

Ang mga tinawag sa Simbahan na mamuno sa Bayan ng Diyos nawa’y magkaroon ng tapang na ipalaganap ang Ebanghelyo ni Jesu-Kristo saanmang sulok ng mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghahanap sa Diyos nawa’y matagpuan nila ang kaliwanagan at buong kaloobang tumugon sa paanyaya ng Diyos na makasama niya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y marinig at makilala nila ang tinig ni Kristo na tumatawag sa kanila sa buhay na paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y tumanggap ng kasiyahan at lakas mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y makapahinga sa kapayapaan ni Kristo sa kanyang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama sa Langit, tinawag mo kami mula sa mga ordinaryong pagkakataon sa aming buhay; hayaan mo na bigyan kami ng iyong Espiritu ng lakas na bigkasin: “Panginoon, narito ako upang sundin ang kalooban mo.” Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 11 comments… read them below or add one }

Reynald Perez January 19, 2022 at 5:32 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang hidwaan sa pagitan ni Haring Saul at David dahil sa inggit ng hari tungo sa batang heneral na pinarangalan ng tao sa pagtalo ng mga Filisteo. Kaya’t silang dalawa kasama ang kani-kanilang kawal ay nagsilong sa isang yungib upang abangan ang isa. Nang si Saul ay nakatulog sa yungib, balak na sana na ipaslang siya ni David. Subalit nang maputol niya ang manta nito, hindi na niya itinuloy ang kanyang balak. Nang matunton nito ni Haring Saul, agad silang nag-usap, at umiyak pa ang una dahil nakilala niya ang presensiya ng Diyos kay David.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagtawag ng ating Panginoong Hesukristo sa 12 alagad. At ipinangalan niya sila bilang mga “Apostol”. Maraming tagasunod ang Panginoon, subalit tumawag siya ng 12 alagad upang maging mga Apostol. Sila ang magiging mga malapit at direktang saksi niya sa pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos.

Kung titignan po natin ang pinagmulang hanapbuhay ng mga Apostol, hindi sila mga hari, prinsipe, mayayaman, o pulitiko, kundi mga ordinaryong tao. Sila ay mga ordinaryong mamamayang naghahanap-buhay katulad ng pangingisda, pag-aanluwagi, pag-aaral ng batas ng Hudaismo, pag-aalsa laban sa imperyong Romano, atbp. Bagamat simple lang ang kanilang pinagmulan, pinili pa rin sila ni Hesus. Alam ng Panginoon sila ang magtatawag ng mga manghahasik para sa anihan ng Kaharian ng Diyos. At sa simbolismo ng Bibliya, ang 12 Apostol ni Kristo ay tumutupad sa 12 Tribo ng Israel sa Lumang Tipan.

Ang mga Apostol ay nagsisilbing 12 tribo ng panibagong Israel: ang Simbahan. Kaya ang Simbahan ay itinatag ni Kristo sa pundasyon ng pangnagaral at Tradisyong ipinamana ng mga Apostol. Kaya katulad nila, tayo rin ay tinatawag na maging mga saksi ng pagpapahayag ng Mabuting Balita sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño January 21, 2022 at 9:31 am

Ano ang mga hamon at aral ng mga pagbasa ngayon?

Sa Unang Pagbasa binaggit ni David ang kanilang matandang kasabihan na “Masamang tao lamang ang gumagawa ng masama”. Suriin mo ngayon ang iyong sarili. Masasabi mo ba na ikaw ay hindi masamang tao? Sinusunod mo ba ang mga kautusan? Wala ka bang nilalabag sa sampung utos ng Diyos? Kung ikaw sa palagay mo ay makasalang tao ay magsisi ka, humingi ng kapatawaran sa Diyos at sikapin ng matalikuran ang kasamaan, kamunduhan, paguging ganid at ang hindi pagpptawad sa kapatid o sa kaaway. At mapapanatag ang iyong kalooban sapagakat kalulugdan ka ni Hesus.

Ang atin nmang ebanghelyo ngayon ay ipinaalala na lahat tayo ay pari at propeta. Bukod sa pagsunod sa kalooban ng Diyos at pagmamahal sa kapwa natin ay may tungkulin din tayong ipalaganap ang Mabuting Balita katulad ng mga hinirang na apostoles. Paano? Nariyan ang social media na halos lahat ng tao ay nakatutok. Maraming online mass ma maaari mong ishare sa itong social media account. Bible verses na pwedeng ipost sa iyong account na sa palagay mo ay makakatulong sa mga nalulungkot at nawawalan ng pag-asa. Sa mga GC mo sa mga kaibigan ay maaari ka ding magpatotoo kay Hesus sa mga magandang nangyari sa iyo simula ng ikaw magbago.

Nakatatagal tayo ng ilang oras sa panunuod sa netflix, sa facebook, youtube, tiktok at iba pa. Ang misa ay isang oras lamang na maiintindihan mo kung ano isinasaad ng Mabuting Balita. Na sya mong magagamit sa png araw araw na buhay at maaari mong ibahagi sa mga kaibigan at kamag anak.

Tulungan natin ang Mabuting Pastol sa paghahanap ng mga nawawalang tupa at naliligaw ng landas.

Reply

RFL January 18, 2024 at 4:42 pm

Si David, ang tinaguriang a man after God’s own heart, ay nagbigay ng isang napakagandang example kung paano tayo maghandle ng kaaway. Bagamat ang kanyang buhay ay nasa bingit ng kamatayan dahil kay Saulo, hindi niya ginawan ng masama si Saulo kahit nagkaroon siya ng oportunidad nung mga oras na yon. Sa halip inisip niya na siya pa rin ang hinirang ng Diyos bilang hari, nanatili ang respeto, nanatili ang pagiging amahin ni Saulo, at higit sa lahat, ang kanyang pusong mahabagin at mapagpatawad ang nagtake-over sa sitwasyon na yon.

Ganito rin ang ginawa sa atin ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Kahit na tayo’y kayang paslangin at pahirapan ng Diyos, pinili Niyang tayo ay patawarin at iligtas sa ating mga kasalanan. Nanaig ang Kanyang pag-ibig, nanaig ang Kanyang awa, nanaig ang Kanyang kapatawaran, at ito ang Kanyang Hustisya. Tunay na isang napakabuting balita at tunay na dapat papurihan ang Panginoong Diyos!

Inilahad sa atin ng Ebanghelyo ngayong araw na noong andito pa si Kristo, naghirang siya ng 12 apostol para ihanda sila sa pagpapahayag ng Mabuting Balita na ito. At mula kay HesuKristo, na narinig at nasaksihan ng mga apostol at ng mga disipulo, pinasa sa mga sumunod na leaders ng Simbahan, mga misyonero, mga pari, hanggang makarating sa atin sa panahon natin ngayon. Tayong mga nakarinig at naniwala sa Mabuting Balitang ito ay lubos nga namang pinagpala. At tayo rin, bilang mga anak ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo, sana ay magkaroon tayo ng pusong magpahayag ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan gaano man kadilim ng mundong ating ginagalawan. At higit pa sa pagpapahayag, nawa’y magkaroon tayo ng pusong katulad ni Kristo, mahabagin at mapagpatawad upang tayo rin na katulad ni David ay maging, “man after God’s own heart”. Amen.

Reply

Rey Anthony I. Yatco January 19, 2024 at 4:56 am

MAGANDANG BALITA NGAYON – BIYERNES NG IKA-2 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON / Paggunita kay San Fabian, papa at martir at kay San Sebastian, martir

MARCOS 3, 13-19 Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa kaburulan, kasama ang kanyang mga pinili. Humirang siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol upang maging kasa-kasama niya, suguing mangaral, at bigyan ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. Ito ang labindalawang hinirang niya: Si Simon na tinagurian niya ng Pedro; Si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, sila’y tinagurian niyang Boanerges, na ibig sabihi’y mapupusok; sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, at Tadeo; si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo sa kanya.

MAGNILAY: Parang seremonya ng pagtatapos o graduation ang tagpo ng ating ebanghelyo ngayon. Nakapasa ang Labindalawa sa pagiging mga disipulo. Ang maging disipulo ay katumbas ng pagiging isang mag-aaral. Ang pagiging disipulo ay panahon ng paghuhubog sa kanila. Panahon ito ng pagkilala sa Panginoon nang mas malalim. Panahon ito upang makasama siya sa kanyang mga misyon. Panahon ito na sinasanay sila na gawin kung ano ang ginagawa ng Panginoon. Ngayon nga ay pormal nang pinili ng Panginoon ang Labindalawa. Sila ngayon ay hinihirang na mga Apostol – ibig sabihin, mga isinusugo. Pormal na silang gaganap bilang mga sugo ng Panginoon na magiging kanyang mga galamay at ekstensyon. Kapag ang Panginoon ay umakyat na sa langit sila na ang magpapatuloy ng kanyang misyon sa paggabay ng Espiritu Santo.

Gayunpaman, kahit sila ay isinusugo na ang pagiging disipulo ay hindi natatapos. Ang mag-aral at sanayin pa ay tuluy-tuloy. Walang perpektong apostol o isinugo ang Panginoon. Naroon at naroon pa rin ang kanilang pagkatao na may kakulangan at kapintasan. Kailangan pa ring hubugin nang tuluy-tuloy upang maging mas ganap sa kanilang pagkatao at sa kanilang komitment sa kanilang misyon.

Ang apostol ay marami pa ring kapintasan. Pinagkanulo nga ang Panginoon ni Judas. Itinatwa siya ni Pedro. Nag-aaway-away sila kung sino ang pinakadakila sa kanila. Nag-uunahan sila na malagay sa pinakamataas na posisyon kaya sina Juan at Santiago ay pumapapel sa Panginoon.

Maging tayo ay katulad nila na marami pang dapat baguhin sa sarili kaya’t ang paghuhubog ay hindi dapat natatapos. Hindi dapat tayo tatamad-tamad kapag pag-aaral sa Panginoon ang pinag-uusapan. Marami sa atin ay nagsisilbi lang nang nagsisilbi at hindi pinahahalagahan ang mga paghubog tulad ng mga seminar tungkol sa iba’t-ibang paksa ng pagiging Kristiyano, rekoleksyon, katesismo, pag-aaral ng Bibliya at iba. Kaya naman, nagsisilbi nga pero ang daming bagahe sa sarili. Inggitero, seloso, kulang sa pansin, sobrang balat-sibuyas, tsismoso at iba. Ito ay mga tanda na kailangan talaga nang tuluy-tuloy na paghubog upang lalong maging epektibong mga tagapagsilbi ng Panginoon. Tulad ng mga Apostol mga sinugo rin tayo. Pero nananatili ang ating pagiging disipulo. Tuloy ang ating paghubog.

MANALANGIN: Panginoon, palakasin mo sa aking puso ang paghahangad na lalo pang mahubog bilang iyong disipulo at apostol.

GAWIN: Huwag idahilan ang pagsisilbi para balewalain ang paghubog sa Panginoon.

Reply

Jess C. Gregorio January 19, 2024 at 1:32 pm

Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:

Wala tayong alam. Salat tayo sa karunungan. Mahina. Walang lakas. Puno ng takot at pangamba. Parati natin samahan sa Banal na Misa at tanggapin si Hesus sa Komunyon. Madalaw at kausapin siya sa Adoration Chapel araw-araw. Ito lang ang tanging paraan para tayo ay mabuhay ng mapayapa at may kasiyahan. Maikubli Niya sa masama at mabiyayaan. Mapalakas ng may buong kagalingan. Siya ang Daan, Katotohanan, at Buhay. Wala na tayong hihilingin pa.

Bagama’t labing dalawa lang ang pinili ni Hesus na mga apostoles sa simula, sinugo na mangaral ng may authority, hindi nagtatapos ang pag sugo sa mga apostoles, kaparian, at simbahan lamang. Ang bawa’t nilalang na tumanggap kay Hesus bilang tagapag-ligtas, born again in the Holy Spirit, at naging Templo ng Diyos sa kanyang Espiritu, ay isinugo na mangaral at magpahayag ng Mabuting Balita sa Ngalan ni Hesus, talino, kakayahan, kalakasan, at pamamaraan ng mismong Banal na Espiritung nananahan sa kanya. Ang bawa’t isa sa atin ay pinapalakas ni Hesus makagawa ng mga himalang kailangan gawin para maisalba ang buong sangkatauhan. Dalawin at kausapin natin si Hesus sa Adoration Chapel araw-araw at magiging normal sa atin ang mga kababalaghan.

Reply

Jovy Uy January 23, 2026 at 12:03 am

PAGNINILAY

Sa unang pagbasa, ipinakita ni David ang kanyang respeto, habag at pagibig kay Saul bilang kanyang hari na hinirang ng Dios at ama sa pagpigil niya sa kanyang mga tauhan na patayin si haring Saul. Dahil dito ay sinabi kay David ni haring Saul ang ganito:

“Pagpalain ka nawa ng Panginoon sa kabutihan mong ito sa akin. Ngayon, alam kong ikaw ay magiging hari ng Israel at natitiyak kong mapapanatag ang bansang ito sa ilalim ng iyong pamamahala.”

Sa Salmo, sinabi ni haring David ang ganito :

“Ihayag mo sa itaas, O Diyos, ang kabantuga’t
dito naman sa daigdig ay ang iyong karangalan!
Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan,
nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan.”

Sa gospel reading, ipinakita na si David ay anino ni Jesus na mahabagin at may pagibig sa kanyang bayan (Mateo 1:21) sapagkat hindi siya unang dumating upang hatulan ang suwail niyang bayan kundi upang palayain sila sa pagkakahawak ng mga demonyo.

“Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa kaburulan, kasama ang kanyang mga pinili. Humirang siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol upang maging kasa-kasama niya, suguing mangaral, at bigyan ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.”

Reply

Ruel Arcega January 23, 2026 at 6:33 am

Huwag Ming saktan ang pinili at hinirang nga Diyos. Ito marahil Ang magandang pagnilayan, Ang pinili Ng Diyos ay nasa kanyang Ang Espiritu Ng Diyos pingakaloob sa kanya . Isang natatamging kalooban ng Diyos kaya’t ito’y dapat pahalagayan ng tao na pinili na dala mo Ang Espiritu Ng Diyos. Hindi rin dapat natin pagbuhatan o gawan ng masama Ang hinirang Ng Diyos Tulad ng ginawa ng David Kay Saul . Dahil alam ni David na si Saul ay hinirang ng Diyos. Ito’y paalala sa atin na gawin natin dapat Ang Misyon itinalaga para sa ating upang gantipalaan tau at igalang natin Ang hinirang ng Diyos ,

Reply

Mel Mendoza January 23, 2026 at 10:00 am

PAGNINILAY:
(Alinsunod sa mga Pagbasa)

Tema: “Pagtawag, Pagpipigil, at Pananatili kay Kristo sa Gitna ng Tanda Panahon”

Ang mga Pagbasa sa araw na ito ay naglalantad ng isang mahalagang katotohanan:
ang tunay na kapangyarihan sa Simbahan at sa buhay ng mananampalataya ay hindi nasusukat sa kakayahang gumanti, kundi sa kakayahang magpigil at manatiling tapat sa Diyos.

Sa Unang Pagbasa, si David ay may lahat ng dahilan at pagkakataon upang patayin si Saul. Sa mata ng tao, ito na ang hustisya. Ngunit sa mata ng Diyos, ito ang sandali ng pagsubok ng puso.
Pinili ni David ang pagpipigil, sapagkat batid niyang ang kapangyarihan ay lehitimo lamang kapag ito’y nananatiling nasa ilalim ng Diyos. Ang kanyang konsensya ang naging tinig ng Panginoon—isang konsensyang hinubog ng malalim na pakikipag-ugnayan sa Kanya.

Ang Salmo 56 naman ay nagbibigay-boses sa panloob na disposisyon ni David: isang pusong umaasa hindi sa sariling lakas kundi sa katapatan at awa ng Diyos. Ito ang pananampalatayang hinuhubog sa gitna ng banta hindi nawawala ang takot, ngunit pinipiling manatili sa Diyos.

Sa Mabuting Balita, umahon si Hesus sa bundok at humirang ng Labindalawa. Hindi Niya sila pinili dahil sila’y banal na agad, kundi upang makasama Niya, hubugin, at kalauna’y isugo. Sa piling ng mga tapat at masigasig, sinadyang isama ni Hesus si Judas Iscariote—isang pagpiling may malalim na teolohikal na mensahe.

Ang presensya ni Judas sa Labindalawa ay paalala na ang pagtawag ng Diyos ay hindi garantiya ng pananatili, at ang awtoridad sa Simbahan ay hindi awtomatikong tanda ng kabanalan.
Hindi nagkamali si Hesus sa pagpili; sa halip, iginagalang Niya ang kalayaan ng tao—kahit pa ang kalayaang tumanggi sa biyaya.

Dito nagtatagpo sina David at Judas bilang dalawang larawan ng pagtugon sa tawag ng Diyos:
Si David—may pagkakataong gumamit ng kapangyarihan ngunit piniling magpigil at maghintay sa Diyos.
Si Judas—may pribilehiyong makasama si Hesus ngunit unti-unting piniling lumayo sa ugnayan.

Sa liwanag ng makabagong Simbahan, at sa tinatawag na “Universal Trend in the Church”—global, mabilis magbago, at minsan nahahati—nagiging malinaw ang hamon sa mga “bishop” at disipulong binuo ni Hesus sa Kanyang pangalan:
Maaaring nasa loob ng istruktura ang isang tao, ngunit wala sa komunyon kay Kristo.
Ang Simbahan ay nananatiling banal hindi dahil lahat ng kasapi nito ay tapat, kundi dahil patuloy itong tinatahak ang landas ng pagbabalik-loob. Ang tunay na pamumuno episkopal man, presbiteral, o lay ay nasusukat hindi sa impluwensiya, kundi sa pananatili kay Kristo, lalo na kapag may kapangyarihang magkanulo o gumanti.

Sa tanda ng ating panahon, ang tanong ay hindi na:
“Bakit may mga Judas sa Simbahan?”
kundi: “Sa aking pagtawag at paglilingkod, pinipili ko bang manatili kay Hesus, o dahan-dahang inuuna ang sarili, kapangyarihan, at trend ng mundo?”

Ang paanyaya ng mga Pagbasa ay malinaw:
•maging tulad ni David na marunong magpigil,
hindi tulad ni Judas na umatras sa awa at grasya ng Diyos.
•Manatili kay Kristo—sapagkat dito lamang nagiging totoo ang ating pagtawag.

Word of the Day: Pananatili
Pananatili – ang matapat at araw-araw na pagpiling makasama si Kristo,
lalo na kapag mahirap, tahimik, at walang papuri.
Ito ang sukatan ng tunay na disipulo at lingkod.

Panalangin:
Panginoon Hesus,
panatilihin Mo kaming tapat sa aming pagtawag. Huwag Mo kaming hayaang mailayo ng kapangyarihan, katungkulan, o takbo ng mundo.
Gawin Mo kaming mga lingkod na marunong magpigil, mapagkumbaba sa pamumuno, at matatag sa pananatili sa Iyo. Amen.

Reply

Joshua S. Valdoz January 23, 2026 at 10:02 am

PAGNINILAY: Ngayon po ay Ipinagdiriwang natin Ang Paggunita Kay San Ildefonso ng Toledo at Ang Unang Pagbasa ay ang hidwaan sa pagitan ni Haring Saul at David dahil sa inggit ng hari tungo sa batang heneral na pinarangalan ng tao sa pagtalo ng mga Filisteo. Kaya’t silang dalawa kasama ang kani-kanilang kawal ay nagsilong sa isang yungib upang abangan ang isa. Nang si Saul ay nakatulog sa yungib, balak na sana na ipaslang siya ni David. Subalit nang maputol niya ang manta nito, hindi na niya itinuloy ang kanyang balak. Nang matunton nito ni Haring Saul, agad silang nag-usap, at umiyak pa ang una dahil nakilala niya ang presensiya ng Diyos kay David.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagtawag ng ating Panginoong Hesukristo sa 12 alagad. At ipinangalan niya sila bilang mga “Apostol”. Maraming tagasunod ang Panginoon, subalit tumawag siya ng 12 alagad upang maging mga Apostol. Sila ang magiging mga malapit at direktang saksi niya sa pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos.

Kung titignan po natin ang pinagmulang hanapbuhay ng mga Apostol, hindi sila mga hari, prinsipe, mayayaman, o pulitiko, kundi mga ordinaryong tao. Sila ay mga ordinaryong mamamayang naghahanap-buhay katulad ng pangingisda, pag-aanluwagi, pag-aaral ng batas ng Hudaismo, pag-aalsa laban sa imperyong Romano, atbp. Bagamat simple lang ang kanilang pinagmulan, pinili pa rin sila ni Hesus. Alam ng Panginoon sila ang magtatawag ng mga manghahasik para sa anihan ng Kaharian ng Diyos. At sa simbolismo ng Bibliya, ang 12 Apostol ni Kristo ay tumutupad sa 12 Tribo ng Israel sa Lumang Tipan.

Ang mga Apostol ay nagsisilbing 12 tribo ng panibagong Israel: ang Simbahan. Kaya ang Simbahan ay itinatag ni Kristo sa pundasyon ng pangnagaral at Tradisyong ipinamana ng mga Apostol. Kaya katulad nila, tayo rin ay tinatawag na maging mga saksi ng pagpapahayag ng Mabuting Balita sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagtawag ng ating Panginoong Hesukristo sa 12 alagad. At ipinangalan niya sila bilang mga “Apostol”. Maraming tagasunod ang Panginoon, subalit tumawag siya ng 12 alagad upang maging mga Apostol. Sila ang magiging mga malapit at direktang saksi niya sa pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos.

Kung titignan po natin ang pinagmulang hanapbuhay ng mga Apostol, hindi sila mga hari, prinsipe, mayayaman, o pulitiko, kundi mga ordinaryong tao. Sila ay mga ordinaryong mamamayang naghahanap-buhay katulad ng pangingisda, pag-aanluwagi, pag-aaral ng batas ng Hudaismo, pag-aalsa laban sa imperyong Romano, atbp. Bagamat simple lang ang kanilang pinagmulan, pinili pa rin sila ni Hesus. Alam ng Panginoon sila ang magtatawag ng mga manghahasik para sa anihan ng Kaharian ng Diyos. At sa simbolismo ng Bibliya, ang 12 Apostol ni Kristo ay tumutupad sa 12 Tribo ng Israel sa Lumang Tipan.

Ang mga Apostol ay nagsisilbing 12 tribo ng panibagong Israel: ang Simbahan. Kaya ang Simbahan ay itinatag ni Kristo sa pundasyon ng pangnagaral at Tradisyong ipinamana ng mga Apostol. Kaya katulad nila, tayo rin ay tinatawag na maging mga saksi ng pagpapahayag ng Mabuting Balita sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Reply

BdKz January 23, 2026 at 8:01 pm

Magpatawad. Kung anong binibigay natin babalik ng mas marami pa.
Pagpapala sa iba babalik ng mas maraming pagpapala.
-Father Jowel Gatus
Amen
God is good sobra sobra
sobra sobra God is good
Thank You, Lord.
#GvFriday
Blessed2026

Reply

Kuya Dyun S January 24, 2026 at 4:12 am

Ngayon, alam kong ikaw ay magiging hari ng Israel at natitiyak kong mapapanatag ang bansang ito sa ilalim ng iyong pamamahala.”

sa unang pagbasa kung ating pagninilayan, bakit naging hari si David gayung wala naman siyang dugong bughqw, hindi siya anak ng dating hari. hindi siya tagapagmana ng isang kaharian pero nakikita ng Diyos ang kabutihan sa kaniyang puso sa kabila ng kaniyang mga kahinaan. Isang katangian hindi kayang makita ng mata ng tao pero batid ng Diyos.

Wanted : Housemaid
with good moral character
with pleasing personality
at least college level
no criminal bagkground

ganito tayo pagdating sa pag set ng standard sa mga tao na gusto nating makasama. may pamantayan, kapag wala sila nito hindi sila pasado sa atin.

Pero iba si Hesus, sa ating ebanghelyo, pumili na ng 12 apostol si Hesus na makakasama niya sa kaniyang pangangaral. Kung mapapansin natin, wala naman sa mga pinili ni Hesus ang may background sa pangangaral, wala din sa kanila ang may mataas na pinag aralan. wala din sa kanila ang mayaman o naka aangat sa lipunan. sa madalit sabi, hindi tumitingin sa Hesus sa galing, edukasyon o yaman bilang qualifications ng kaniyang magiging alagad bagkus tumitingin siya sa puso.

hindi niya ginawang requirement na kailangan mabuting tao simula sa una hanggang sa huli, bagkus ang tiningnan niya ay ang kahinaan na nandun pa din ang posibilidad na magkasala at magkamali pero handang humingi ng kapatawaran sa bandang huli. hindi sila hinusgahan ni Hesus base sa kanilang hanapbuhay o natapos, sa halip ipinagkatiwala ni Hesus ang napakabigat na responsibilidad sa kanila na maging kasama niya sa pamamalakaya ng tao

sa buhay natin madalas may imbitasyon si Hesus, samahan siya sa pamamalakaya. pero madalas ang ating pagtanggi, hindi tayo magaling, hindi tayo mayaman, mahiyain tayo, hindi natin kaya.

at ito ang gustong ipaunawa ni Hesus sa ating ebanghelyo. dalawang bagay. isang dapat isabuhay at isang dapat talikuran.

una…isabuhay ang pagkakaroon ng puso sa paglilingkod, yung walang inaasahan pero patuloy na nagtitiwala, walang pagdududa bagkus punong puno ng pananalig. yung committed hanggang huli at hindi magaling lang sa una, at yung paglilingkod na pagtatakda ng sarili na maglingkod ng tahimik at huwag umasa ng palakpak at papuri mula sa iba bagkus italaga ang sarili sa mga batikos, pintas, puna at galit ng hindi nagtatatanim ng galit pero nagbibigay ng pang unawa.

ikalawa talikdan ang yabang at pagmamalaki. hindi porket malapit sa Diyos, feeling Diyos ka na rin, hindi porket nasa loob ng simbahan, feeling banal k na din. hindi perpekto ang simbahan, hind perpekto ang mga nasa loob ng simbahan kaya huwag tayong mag feeling perpekto.

dahil iisa lang ang perpektong tao na namuhay dito sa lupa…. Si Hesus!

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: