Podcast: Download (Duration: 5:52 — 4.2MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes
Bilang bayan na hinirang ng Diyos, iluhog natin sa ating Ama ang pangangailangan ng lahat ng tao:
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Amang humirang sa amin, pagpalain Mo ang aming buhay.
Ang mga pastol ng Simbahan na tinawag ng Diyos upang mamalakaya ng mga tao nawa’y makaharap sa mga hamon ng pagbabago sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga misyonero nawa’y maging mga mabisang tagapagpahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsaksi sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga hinirang ng Panginoon sa paglilingkod sa kanya nawa’y bukas-loob na makatugon sa kanyang tawag, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit, mga nalulumbay, mga nababagabag, at yaong mga naghihirap sa isip at kalooban nawa’y hipuin at pagalingin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga mahal na yumao nawa’y mabuhay sa kapayapaan ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, gawin mo kaming karapat-dapat na isakatuparan ang alinmang gawaing nais mong gawin namin sa pamamagitan ng lakas ng aming Panginoong Jesu-Kristo. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Enero 11, 2026
Martes, Enero 13, 2026 »

{ 9 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Matapos ang ating masayang pagdiriwang ng Pagkakatawang-tao ni Hesus bilang Sanggol noong Kapaskuhan, sinisimulan natin ngayon ang mahabang paglalakbay ng Karaniwang Panahon. Bagamat ordinaryo ang Pampublikong Ministeryo ni Hesus, mayroong mga espesyal na pagpapala na matutunghayan natin mula sa mga pangangaral at kababalaghan ni Kristo.
Ang Unang Pagbasa ay ang simula ng aklat ni Propeta Samuel, ang huling hukom ng Israel bago pa man napasailalim ang bayan sa paghahari ng isang hari. Nagsisimula ang kwento sa talambuhay na Ana, isang babaeng baog na mas kinalulugod pa ng kanyang aswang si Elcana kaysa kay Penina, ang isa pang asawa na nagdalang-tao ng dalawang anak na lalaki. Tuwing sila’y naglalakbay nang taimtim papuntang Silo, bibigyan ni Penina ng pagkain si Ana, subalit tumanggi lang ito. Kahit tanungin pa ni Elcana kung bakit hindi kumakain nito, wala mang isinasagot si Ana. Makikita natin sa kwento na parang kahihiayan sa mata ni Ana na siya’y baog at hindi pa manganganak. Subalit matutunghayan natin sa susunod na araw kung paano siyang naging matapat sa Panginoong Diyos sa kabila ng kanyang pinagdadaanang sakit. At si Ana ay magluluwal din ng isang batang sanggol, na kamakailang makalipas ay makikila bilang Samuel, ang huling hukom ng Israel.
Ang Ebanghelyo ngayon ay nagpapahiwatig ng unang ministeryo ni Hesus sa Galilea. Dito ipinahayag niya na ang Paghahari ng Diyos ay pumarito na, at ang paanyaya ay pagbabalik-loob mula sa mga kasalanan at pagsasampalataya sa Mabuting Balita. Makikita natin ang Paghahari ng Diyos na kapiling natin kapag lumalago ito sa pamamagitan ng pag-ibig, katarungan, at kapayapaan. At upang ipahayag ang mga values na ito, tayo’y tinatawag ni Hesus katulad ng mga unang 4 na alagad na maging mga “mamalakaya ng tao”. Madalas ito ay ginagawa ng SImbahan sa pamumuhay ng mga pastol at pastor sa pagpaparangal ng Mabuting Balita at pakikiisa sa mga pangangailangan ng mga tao sa bawat komunidad/parokya. Tayo rin ay inaanyayahang tumugon sa tawag ni Kristo na ipahayag ang Mabuting Balita sa ibang tao at maging mga saksi para sa kanya sa paggawa ng katuwiran at kabutihan sa ibang tao.
Ngayong nasa makabagong panahon tayo, may mga epektibong paraan upang ipalaganap ang Kaharian ng Diyos sa lahat. Kahit ang plataporma ng social media ay maaring gamitin upang ipalaganap ang mga tamang impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa paligid natin, at hindi ipagkalat ang mga pekeng balita upang makapagpanakit at makapanira ng ibang tao. Nawa’y alalahanin natin na ang Paghahari ng Panginoon ay patuloy na lalaganap kung tayo’y tutugon sa misyon ng “Evangelization” upang dumaloy ang pagmamahal, kapayapaan, at katarungan sa isa’t isa.
Panginoon ko sa lang araw araw kung paglalakbay, indi man ako naging pare o lemenester, naway makatugon ako sa iyong pagtawag, lalo n sa aking pamlya at sa aking kumunidad. Amen. Purihin ang Diyos. Dinggin mo ang aking panalangin at panalangin ng buong mundo. In the mighty name of your aon Jesus Christ our saviour. Amen
May biyaya sa ating pagtugon.
Natunghayan natin sa unang pagbasa ang pagkakaiba ng dalawang asawa ni Elcana na sina Penina at Ana. Si Penina ay may anak, samantalang si Ana naman ay wala. Kung kaya naman si Ana ay taun-taong tinutuya ng kanyang karibal na naging dahilan naman ng kanyang pagkalungkot sapagkat ito’y lubos nyang dinaramdam.
Ngunit hindi lang ito ang naging tugon ni Ana, bagamat siya ay nagdamdam, ay mas lumakas naman ang kanyang pagtitiwala at pananampalataya sa Diyos. Pagtitiwala na balang araw ay diringgin ng Panginoon ang kanyang dalangin na siya ay magkameron ng anak. Ito ang naging tugon ni Ana sa kabila ng pangtutuya sa kanya ng kanyang karibal. At di kalaunan naman, dahil sa kanyang pagtitiyaga, pananalangin at pagtitiwala, ay biniyayaan siya ng Diyos ng anak. Hindi lang basta anak, kundi isang propeta na kalugodlugod sa Panginoon.
Samantala, sa ating ebanghelyo naman ay nakita natin kung paanong tinawag ni Hesus ang mga alagad. Sa pagtawag sa kanila ng Panginoon ay hindi sila nag-atubili na sumunod dito. Iyan ang kanilang naging mabilis na pagtugon sa panawagan ng Diyos. Iniwanan nila ang kanilang bangka, lambat, maging ang kanilang ama upang sumunod kay Hesus. Ito ay nagpapaalaala sa atin na ang Diyos ay sapat na. Hindi na natin kailangan na isipin ang ating ikabubuhay kapag tayo ay sumunod sa Diyos. Sapagkat si Hesus ang tinapay ng buhay, at wala na tayong hahanapin pa. Sa Kanya nagmumula ang lahat ng biyaya at sa kanilang pagtugon ay sila naman ang naging mga biyaya sa iba.
May mga pagkakataon sa buhay natin na tayo rin ay tinatawag ng Diyos. Maaaring ito ay sa iba’t-ibang paraan at sa iba’t-ibang larangan. Nawa ay patuloy nating masuri ang ating sarili. Kapag ako ba ay tinawag ng Panginoon, ako ba ay agad na tumatalima sa Kanya? Paano ako tumutugon sa pagtawag sa akin ng Diyos? Ito ba ay may galak at kapayapaan sa aking kalooban? Nawa tulad ng mga alagad, tayo rin ay sumunod sa panawagan sa atin ng Diyos, upang tayo ay maging instrumento Niya sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita at sa iba tayo ay maging biyaya.
Ano ang aral at hamon ng ating ebenghelyo ngayon?
Tahasang sinabi ni Hesus na “Pagsisihan nyo at talikdan ang mga kasalanan at maniwala sa Mabuting Balita”.
Kamusta ang iyong pamumuhay ngayon? Naaayon ba sa kalooban ng Diyos? O tayo ay nanatiling walng takot sa Panginoon sa paggawa ng masama? Katulad ng: Katakawan sa laman at kamunduhan, pangangalunya, pakikiapid, pagnanasa sa hindi asawa o pag aari, pagiging ganid, mukhang pera, madamot sa mahihirap, naninirang puri o tsismosa, nagnanakaw, nandaraya, palamura, lulong sa bisyo, pala-away, mayabang, mapagmalaki at hindi marunong magpatawad ng kapatid, ng kapwa at ng kaaway.
Nanawagan sa atin si Hesus sa ebanghelyo ngayon, pagsisishan na natin ang mga gawaing ito, humingi ng kapatawaran at sikapin ng matalikuran ang gawang palalo. Matakot tayo sa Diyos, huwag tayong magmalaki porket tayo ay pera ngayon, hindi nagugutom, may ari arian, may posisyon, may kapanhyarihan, malakas at walang sakit. Sapagkat anumang oras at sa isang iglap lamang ay kayang bawiin ng Diyos kung ano ang meron ka ngayon maging ang buhay mo at mga mahal sa buhay.
Magbalik loob kay Hesus at magbago.
maraming salamat po panginoon araw na ito na muli mo pong ipinagkaloob sa amin,salamat po sa mga salita mo na patuloy naming nababasa,naway patuloy naming gabay ito sa araw araw naming buhay,salamat po panginoon,sa lakas at malinaw na pag iisip at malawak na pang unawa na patuloy mong ipinagkakaloob sa amin,panginoon ang araw pong ito at sa mga susunod pang mga araw patuloy ko pong ipapaubaya saiyo saan man kami magpunta anuman man ang gagawin. Amen
? Sa Unang Pagbasa, nakita natin ang kwento ni Ana na isang babaing walang anak at tinutuya ng kanyang karibal. Ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa at patuloy na nagtiwala sa Diyos. Ang kanyang pagtiwala at pananampalataya ay nagbunga ng isang dakilang biyaya – ang pagdating ni Samuel, isang propeta ng Diyos.
Sa Mabuting Balita, nakita natin si Hesus na tumatawag sa mga unang alagad, sina Simon, Andres, Santiago, at Juan. Sila ay mga simpleng mangingisda ngunit tinawag sila ni Hesus na maging “mamamalakaya ng tao”. Ito ay isang paalala na ang Diyos ay tumatawag sa atin na maging mga tagapaglingkod niya, anuman ang ating estado sa buhay.
Ang kwento ni Ana at ang pagtawag ni Hesus sa mga alagad ay nagpapaalala sa atin na ang Diyos ay may plano para sa bawat isa sa atin. Kailangan lamang tayong magtiwala at sumunod sa kanya. Kapag ginawa natin ito, makikita natin ang mga dakilang bagay na gagawin ng Diyos sa ating buhay.
Sa ating buhay, tayo ay tinatawag na magtiwala at sumunod sa Diyos, tulad ni Ana at ng mga alagad. Kapag ginawa natin ito, makikita natin ang kagalakan at kapayapaan na nagmumula sa kanya. ?
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa ay nalaman naton na may dalawang asawa si Elcana, sina Ana at Penina. May mga anak si Penina ngunit si Ana ay wala. Taun-taon, pumupunta si Elcana sa Silo upang sumamba sa Panginoon, sa lugar na pinaglilingkuran ng mga anak ni Eli na sina Ofni at Finees bilang mga saserdote.
Dahil sa regular na pagsamba sa Panginoon ni Eliana sa Silo at sa pangako ni Ana sa Dios na ialay ang magiging anak niya na maglingkod sa Silo ay biniyayaan sila ng anak na si Samuel na ginamit ng Dios upang pahiran maging hari ng Israel si David , ang anino ni Jesus na Hari ng mga hari.
Sa gospel reading, nang matapos nabautismuhan ni Juan si Jesus at kababaang ng Espiritu Santo bilang pagtatalaga kay Jesus na Tagapagligtas at Hari, nagsimula si Jesus ipangaral ang kaharian ng Dios at kumuha ng mga alagad niya na makakasamang maglingkod sa Dios upang maisakatuparan ang pagliligtas ng sangkatauhan mula sa kasalanan (fishers of men).
Ipinababatid sa atin ng mga pagbasa kung paano naman tayo sumamba at maglingkod sa Dios upang maisakatuparan ang pagliligtas ng mga kaluluwa upang dumating na kaharian ng Dios sa puso ng mga tao.
Absence vs Gratitude
Depression concentrates on what is lacking in life.
If we constantly focus on what we lack, it will never be sufficient.
Hindering your opportunities is like whining.
Have faith in the Lord; He will amaze us.
Value what we possess, and God will provide more to those who show gratitude.
Life may be flawed, but God is flawless. Although our lives might be difficult at the moment, God provides us with grace.
Thankful for all we have, you can notice how fortunate we are.
Pray quietly, and God will communicate with us. God communicates with us in quietude.
Concentrate on gratitude and on divinity.
Always express gratitude for every blessing.
Open our eyes; God provides us with all we require.
Let’s pray for a clear vision to recognize all the blessings, and grant us a kind heart to express gratitude to God. Wishing you a joyful day and a tranquil spirit today and always.
-Father Jowel Gatus
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good
Thank You, Lord.
#GvMonday
Blessed2026