Podcast: Download (Duration: 7:13 — 8.1MB)
Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon (A)
Isaias 42, 1-4. 6-7
Mga Gawa 10, 34-38
Salmo 28, 1a at 2. 2ak-4. 3b at 9b-10
Basbas ng kapayapaa’y
sa bayan ng Poong mahal.
Mga Gawa 10, 34-38
Mateo 3, 13-17
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Feast of the Baptism of the Lord (White)
UNANG PAGBASA
Isaias 42, 1-4. 6-7
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Sinabi ng Panginoon, “Ito ang lingkod ko na aking itataas,
na aking pinili at kinalulugdan;
ibubuhos ko sa kanya
ang aking Espiritu,
at sa mga bansa ay
siya ang magpapairal ng katarungan.
Mahinahon at banayad kung siya’y magsalita,
ni hindi magtataas ng kanyang tinig.
Ang marupok na tambo’y hindi babaliin,
ilaw na aandap-andap di n’ya papatayin,
at ang katarungan ang paiiralin.
Di siya mawawalan ng pag-asa
ni masisiraan ng loob,
paghahariin niya ang katarungan sa daigdig.
Ang mga bansa sa malayo ay buong pananabik
na maghihintay sa kanyang mga turo.
Akong Panginoon, tumawag sa iyo,
binigyan kita ng kapangyarihan
upang pairalin ang katarungan sa daigdig.
Sa pamamagitan mo ay gagawa ako
ng pakikipagtipan sa lahat ng tao
at magdadala ng liwanag sa lahat ng bansa.
Ikaw ang magpapadilat sa mga bulag
at magpapalaya sa mga bilanggo ng kadiliman.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 28, 1a at 2. 2ak-4. 3b at 9b-10
Basbas ng kapayapaa’y
sa bayan ng Poong mahal.
Purihin ang Panginoon ninyong banal na nilalang,
pagkat siya ay dakila’t marangal ang kanyang ngalan;
ang Poon ay dakilain, purihin ang Diyos na Banal,
yumuko ang bawat isa kapag siya ay dumatal.
Basbas ng kapayapaa’y
sa bayan ng Poong mahal.
Sa gitna ng karagatan tinig niya’y naririnig.
Sa laot ng karagata’y hindi ito nalilingid.
Pag nangusap na ang Poon, tinig niya’y ubod-lakas,
ngunit tinig-kamahalan, kapag siya’y nangungusap.
Basbas ng kapayapaa’y
sa bayan ng Poong mahal.
Ang tinig ng dakilang Diyos, parang kulog na malakas,
kaya’t mga nasa templo’y sumisigaw, nagagalak,
“Panginoo’y papurihan!” ganito ang binibigkas
siya rin ang naghahari sa dagat na kalaliman,
namuno siya roon bilang hari, walang hanggan.
Basbas ng kapayapaa’y
sa bayan ng Poong mahal.
IKALAWANG PAGBASA
Mga Gawa 10, 34-38
Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol
Noong mga araw na iyon, nagsalita si Pedro, “Ngayon ko lubusang natanto na walang itinatangi ang Diyos. Nalulugod siya sa sinumang may takot sa kanya at gumagawa ng matuwid, kahit saang bansa. Ibinigay ng Diyos ang kanyang salita sa mga Israelita. Sa kanila niya ipinahayag ang Mabuting Balita tungkol sa pakikipagkasundo sa pamamagitan ni Hesukristo. Ngunit siya’y Panginoon ng lahat! Alam ninyo ang nangyari sa buong Judea na nagsimula sa Galilea nang mangaral si Juan tungkol sa binyag. Ang sinasabi ko’y tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang Diyos, saanman siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diyablo.”
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Marcos 9, 6
Aleluya! Aleluya!
Nagsalita ang D’yos Ama:
“Ang Anak kong sinisinta
ay narito, dinggin n’yo s’ya!”
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 3, 13-17
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, si Hesus ay dumating sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan upang pabinyag. Sinansala siya ni Juan na ang wika, “Ako po ang dapat binyagan ninyo, at kayo pa ang lumalapit sa akin!” Ngunit tinugon siya ni Hesus, “Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.” At pumayag si Juan. Nang mabinyagan si Hesus, umahon siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos, bumababa sa kanya, gaya ng isang kalapati. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Sabado, Enero 10, 2026
Lunes, Enero 12, 2026 »




{ 8 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon ay hudyat ng pagtatapos ng Panahon ng Pasko ng Pagsilang. Ang Pagbibinyag ni Hesus sa Ilog Jordan ay tanda ng pagsisimula ng kanyang Pampublikong Ministeryo. Kaya tayo ay papasok sa Karaniwang Panahon sa susunod na araw upang pagnilayan ang ordinaryong pamumuhay ni Kristo nang siya’y nangaral ng Mabuting Balita at gumawa ng mga kababalaghan. Bagamat si Hesus ay ang Anak ng Diyos at may kalagayan na pagka-Diyos, nagpakumbaba siya at nagpabinyag sa kanyang pinsang si San Juan Bautista. Itong pangyayaring ito ay nagpapahiwatig ng 3 punto:
1.) ANG KAHALAGAHAN NG BINYAG. Bininyagan si Hesus upang gawing banal niya ang gawaing ito, na ito’y magsilbi bilang Sakramento. Ang binyag ay tanda ng kanyang Pagkamatay at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan ng mga tubig ng pagbibinyag, ang ating mga kasalanan ay nililinis. Kung baga’y tayo ay nakiisa sa Pagkamatay ni Hesus sa paglilinis ng ating mga kasalanan, at tayo rin ay naipagkaloob ng grasya ng Diyos sa pamamagitan ng Muling Nabuhay na Panginoon.
2.) ANG PAKIKIBAHAGI SA PAMILYA NG DIYOS. Ang Sakaramento ng Binyag ay tinatawag na “pinto” patungo sa ating pananampalataya sa Panginoon. Tayo ay nakikibahagi sa pamilya ng Diyos, ang kayang Sambayanang kumakatawan sa Simbahan. Sinasabi ni San Pedro sa Ikalawang Pagbasa na walang sinumang itinatanggi ang Diyos Ama. Ipinahayag ng Apostol tungkol sa kaligtasang ipinahayag sinauna sa mga Israelita at ipinakita sa mga Hentil dahil kay Hesus na nagtupad ng kaligtasan. Ang pagbibinyag ay tanda na ang orihinal na kasalanan ay inilibing at ang grasya ng Diyos ay patuloy na nabubuhay.
3.) ANG MISYON NATING MGA KRISTIYANO. Ang Unang Pagbasa ay isa sa mga orakulo tungkol sa “Lingkod ng Panginoon”. Sinasabi dito sa propesiya na ang hinirang na Lingkod ng Diyos na si Hesukristo ng kapangyarihan ng Espiritu Santo upang ipamalas ang kanyang kapangyarihan, katuwiran, at kabutihang-loob. Kaya ang ating misyon bilang mga Kristiyano ay itinuturing na “Priestly, Prophetic, at Kingly”. Priestly sapagkat tayo ay inaanyayahang gumawa ng mga sakripisyo upang ipamalas ang ating kabutihan sa ibang tao lalung-lalo sa mga nangangailangan. Prophetic sapagkat tayo ay inaasahang ipahayag at ituro ang matuwid na pamumuhay ayon sa pamantayan ng ating Diyos. At Kingly sapagkat binigyan tayo ng kapangyarihan upang mamuno nang may kababang-loob at paglilingkod sa kapwa.
Nawa sa ating pagdiriwang ng Pagbibinyag kay Hesus, sariwain din natin ang mga pangako sa binyag na talikdan natin ang masasamang bagay na galing sa Diyablo at sumampalataya sa Panginoong Diyos at sa kanyang dakilang kalooban/magandang plano.
pwede pa nam,ang mamasko sa araw na ito hindi lamang ito ang pagtatapos ng pasko sa celebration ng simbahan dapat patuloy pa rin ito sapagkat ito ang nagpapasaya sa tin sa ebanghelyo natin sa araw na ito pinadadama ng malakas ng Diyos ang pagmamahal nya sa atin HINDI Nagtatago ang Diyos Hindi natutulog ang Diyos gaya ng sinabo ng kapistahan ng Ephipany ang Diyos ay laging lumalapit . Sa pagkakataong ito tunay na ang Diyos sa katahuhan ni HESUS nagpapadama pa ng pagmamahal nakiisa sa tao nmagpabinyag tanda ng pagpapabanal nya pa dito sa lupa . Eh Diyos na nga sya pero pinili pa rion nya ang magpabinyag kay Juan at ito narin ang umpisa ng kanyang ministeryo dito sa muno ang misyon hindi lamang magpagaling sa mga maysakit magpahayag ng mabuting balita kung hindi maghatid ng pag-asa na dapat tayong manalig pa sa Diyos na ang Diyos ay Buhay at nawa maipagpatuloy ng bawat binyagan ang misyon na ito ng dahil sa binyag tayo aty naging kapatid ni hesus at kabahagi na tayo sa pamilya ng Diyos
Pagninilay: Ang pagdiriwang bukas ng Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon ay hudyat ng pagtatapos ng Panahon ng Pasko ng Pagsilang. Ang Pagbibinyag ni Hesus sa Ilog Jordan ay tanda ng pagsisimula ng kanyang Pampublikong Ministeryo. Kaya tayo ay papasok sa Karaniwang Panahon sa susunod na araw upang pagnilayan ang ordinaryong pamumuhay ni Kristo nang siya’y nangaral ng Mabuting Balita at gumawa ng mga kababalaghan. Bagamat si Hesus ay ang Anak ng Diyos at may kalagayan na pagka-Diyos, nagpakumbaba siya at nagpabinyag sa kanyang pinsang si San Juan Bautista. Itong pangyayaring ito ay nagpapahiwatig ng 3 punto:
1.) ANG KAHALAGAHAN NG BINYAG. Bininyagan si Hesus upang gawing banal niya ang gawaing ito, na ito’y magsilbi bilang Sakramento. Ang binyag ay tanda ng kanyang Pagkamatay at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan ng mga tubig ng pagbibinyag, ang ating mga kasalanan ay nililinis. Kung baga’y tayo ay nakiisa sa Pagkamatay ni Hesus sa paglilinis ng ating mga kasalanan, at tayo rin ay naipagkaloob ng grasya ng Diyos sa pamamagitan ng Muling Nabuhay na Panginoon.
2.) ANG PAKIKIBAHAGI SA PAMILYA NG DIYOS. Ang Sakaramento ng Binyag ay tinatawag na “pinto” patungo sa ating pananampalataya sa Panginoon. Tayo ay nakikibahagi sa pamilya ng Diyos, ang kayang Sambayanang kumakatawan sa Simbahan. Sinasabi ni San Pedro sa Ikalawang Pagbasa na walang sinumang itinatanggi ang Diyos Ama. Ipinahayag ng Apostol tungkol sa kaligtasang ipinahayag sinauna sa mga Israelita at ipinakita sa mga Hentil dahil kay Hesus na nagtupad ng kaligtasan. Ang pagbibinyag ay tanda na ang orihinal na kasalanan ay inilibing at ang grasya ng Diyos ay patuloy na nabubuhay.
3.) ANG MISYON NATING MGA KRISTIYANO. Ang Unang Pagbasa ay isa sa mga orakulo tungkol sa “Lingkod ng Panginoon”. Sinasabi dito sa propesiya na ang hinirang na Lingkod ng Diyos na si Hesukristo ng kapangyarihan ng Espiritu Santo upang ipamalas ang kanyang kapangyarihan, katuwiran, at kabutihang-loob. Kaya ang ating misyon bilang mga Kristiyano ay itinuturing na “Priestly, Prophetic, at Kingly”. Priestly sapagkat tayo ay inaanyayahang gumawa ng mga sakripisyo upang ipamalas ang ating kabutihan sa ibang tao lalung-lalo sa mga nangangailangan. Prophetic sapagkat tayo ay inaasahang ipahayag at ituro ang matuwid na pamumuhay ayon sa pamantayan ng ating Diyos. At Kingly sapagkat binigyan tayo ng kapangyarihan upang mamuno nang may kababang-loob at paglilingkod sa kapwa.
Nawa sa ating pagdiriwang bukas ng Pagbibinyag kay Hesus, sariwain din natin ang mga pangako sa binyag na talikdan natin ang masasamang bagay na galing sa Diyablo at sumampalataya sa Panginoong Diyos at sa kanyang dakilang kalooban/magandang plano.
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa ay inihula ni propeta Isaiah ang pagdating ni Jesus sa lupa upang pairalin at pagharian ng katarungan ang lahat ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay liwanag sa bulag nilang mga mata sa katotohan at pagpapalaya sa kanila sa kadiliman ng kasalanan na dulot ng Diablo upang magkaroon muli ng pagkakasundo, ugnayan o relasyon ang Dios at ang tao.
Sa ikalawang pagbasa, natupad ang hula ni propeta Isaias na lahat ng mga bansa ay maliliwanagan sa pagdating ni Jesus na kung dati ay para sa mga Israelita lamang ang biyaya ng Dios na katubusan ng kasalanan, ipinaalam ng Dios kay Pedro na ibinigay din ang biyaya sa mga Hentil na katulad natin matapos tanggihan ito ng Israel. Sapagkat kay Pedro ibinigay ang mga susi sa langit, inutusan siya ng Dios na buksan din ito para sa mga Hentil sa pamamagitan ng pakikinig ng magandang balita na naisama din tayo sa pantubos na dugo ni Jesus at dahil dito ay pinagharian niya ang mga puso lahat ng mga tao na naniwala sa kanyang pantubos na dugo (Roma 14:17). Gumaling, napalaya at nagkaroon tayo ng kalayaan mula sa kasalanan at parusang kanyang ng walang hanggan sa impierno.
Sa gospel reading, naganap ang propesiya ni Isaias kay Jesus nang siya ang babaan ng Espiritu Santo sa anyong kalapati nang mabinyagan siya ng tubig ni Juan Bautista at sa tagpong ito ay ipinakilala mismo ng Ama na si Jesus ang kinalugdan niyang Anak .
Thankyou for Posting Mass info daily Mass
Merry Christmas!! Ngayong linggo na ito ay natatapos ang pagdiriwanf ng Pasko sa kalendaryo ng simbahan. Nawa’y ang diwa ng Pasko whicj is ang pagmamahalan ay madala natin buong taon.
Ang ebanghelyo ngayon ay pagbibinyag ni Juan sa Panginoong Hesus sa ilog Jordan, at matapos sya binyagan ay dun nagsimula ang kanyang misyon ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita.
Tayong lahat ay may misyon din na ganyan sa buhay na ito. Hindi sapat ang hindi ka gumagawa ng masama. May misyon din tayong magpakalat ng Mabuting Balita katulad ng mga apostol. Paano?
Magagawa natin ito sa maraming paraan:
Sa tulong ng teknolohiya o ng social media, maaari tayong mag share ng mga live mass, nagagawa nga natin mag share ng mga kalokohan eh. Maari din tayong magpost ng mg bibile qoutes na sa palagay natin at magagamit ng kapwa natin sa pang araw araw na buhay. Maari din tayong magpatotoo sa ating mga nakaka usap, ikwento mo ang pagkakaroon mo ng kapayapaan at biyaya simula ng magkaroon ka ng relasyon sa Diyos. At pinakamahalaga sa lahat ay umpisahan mo ito sa iyong pamilya,
Baptismal is not a social event.
But a religious experienced it is a sacrament of incorporation that comes with responsibility. Experience of faith.
The only things you can keep is the things you given away – St Augustine.
What have you given up for your faith.
Everything is start in baptism.
If Jesus has to be Baptist we have to be Baptist.
But we all know at the end of Jesus was in the cross the cross so that we will be given entry to heaven but that life demands the Corporal works of mercy.
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good
Thank You, Lord.
#GvSunday
Blessed2026
Let us celebrate and observe the Feast Day of the Baptism of the Lord. Thank You so much and Praise to You Father God and Lord Jesus Christ We love You, Lord Hallelujah! Hallelujah!!! Amen!