Huwebes, Enero 8, 2026

January 8, 2026

PANALANGIN NG BAYAN
Huwebes Kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon

Lumapit tayo ngayon nang may pagtitiwala sa Ama ng Anak na si Jesus na nagpahayag ng taon ng kabutihang-loob ng Panginoon sa sinagoga sa Nazaret.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng kagalakan, pagpalain Mo kami.

Ang buong Simbahan nawa’y patnubayan ng halimbawa at mga aral ni Jesu-kristo sa pangangaral ng Mabuting Balita, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nasa pamahalaan nawa’y pangatawanan ang kanilang tungkuling pangalagaan ang kapakanan ng mga dukha at mga pinabayaan ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng lakas ng loob na gawin ang mga nararapat na hakbang upang ang ating buhay ay maitugma ayon sa mensahe ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y madama ang nakapagpapagaling na ginhawang dulot ng Panginoon sa pamamagitan ng ating pangangalaga at pagkalinga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mahal natin sa buhay na pumanaw na ay magtamo nawa ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, isinugo mo ang iyong Anak na si Jesus upang mag-alay ng kanyang buhay para kami ay maging malaya. Iligtas mo kami alang-alang sa kanyang pagpapakasakit at ibalik mo ang kaayusan at kapanatagan ng aming mundo sa pamamagitan ng aming pakikipagkasundo sa iyo na aming Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez January 2, 2022 at 9:58 am

PAGNINILAY: Patuloy nating pinagninilayan ang pagpapahayag ng Diyos ngayong linggo ng epipaniya.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagbabalik ni Hesus sa Galilea patungo sa kanyang piangmulang bayan, sa Nazaret. At pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pamamahinga. At binasa niya ang propesiya ni Isaias tungkol sa misyon ng Mesiyas at ipinahayag sa buong kapulungan na ang propesiyang iyon ay tumutukoy sa kanya. Samakatuwid ang naganap dito ay ang pagpapahayag ng Diyos sa katauhan ni Hesus na dumating na ang Mesiyas sa mundo. At ayon nga sa propesiya, ang kanyang misyon ay ipadala ang Mabuting Balita sa mga dukha, palayain ang mga bihag, hilumin ang mga nasiraan ng loob, bigyan ng paningin ang mga bulag, at marami pang ibang mga mabubuting gawain.

Kaya itong epipaniyang ito ay nagpapakita sa atin ang isang Diyos na nagkatawang-tao, isang Diyos na pumiling makapiling tayo bagamat di kailanma’y nagkasala upang iako ang ating katauhan tungo sa kanyang kaligayan, na makamit natin balang araw ang kanyang kaluwalhatian sa kalangitan. Kaya habang pinagninilayan natin ang kadakilaan ng Panginoon sa Kapaskuhan, tayo rin ay inaanyayahan na gumawa ng kabutihan at katuwiran, lalung-lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

At ayon nga rin kay San Juan Apostol sa Unang Pagbasa na tayo ay magmahalan katulad ng Maykapal na patuloy na nagmamahal sa atin. Ang pagmamahal galing sa salita ngunit pinopoot ang isang tao ay sinasabing sinungaling. Ang tunay na nagmamahal ay hindi kailangan maglabas ng poot sa kapwa, kundi turuan ito kung ano ang tamang gawain at nakikipag-ayos ng kanilang relasyon sa isa’t isa.

Nawa’y tularan natin ang halimbawa ng ating Panginoong Hesukristo sa isang misyon na idala ang kagandahang-loob ng Ama sa ibang tao.

Reply

Arcie Mariamo January 8, 2026 at 7:56 am

Amen?

Reply

Ferdy Baetiong Pariño January 6, 2022 at 7:29 am

Ang Unang Pagbasa ngayon ay pagpapa alala sa atin na kung iniibig natin ang Diyos ay nararapat na ibigin natin ang ating kapwa.
Sa oangakasalukuyang panahon, marami ang nagsasabi lalo na sa social media na mahal nila ang Diyos, nagpopost ng Bible verses o quotes, mga imahe ng Poong Nazareno at ni Mama Mary, Naglalagay ng status na I love God. Pero makikita mo nman ang ugali na tsismosa, nakiki-apid, nangangalunya, may kabit, nandaraya, madamot, ganid, mapanglait, mayabang, matakaw sa kapangyarihan, puro pera ang iniisip, pala-away at hindi man lang mapatawad ang kaaway o ang kapatid na nagkasala sa kanya. Matatawag tayong mga mapag imbabaw, ipokrito, mapgkunwari at bulaan. Kung iniibig mo ang Diyos, ipadama mo ito sa iyong kapwa.

Ang ating ebnaghelyo ngayon ay ang pagbabalik ni Hesus sa Nazaret at pagbabasa ng Mabuting Balita sa sinagoga. Hilingin din natin na sumaatin ang Espiritu Santo katulad ni Hesus. Kapag sumaatin ang Espirutu Santo, ito ay magiging gabay natin sa lahat ng ating iisipin, sasabihin at gagawin. Maalala natin palagi na huwag gumawa ng masama, madali tayong makakapili sa tama o mali. Tutulungan din tayo nito na ipalaganap ang Mabuting Balita sa pamamagitan ng pagpapatotoo kay Hesus. Araw araw sa ating pg gising ay magpsalamat at hilingin na lukubin tayo ng espiritu santo upang tayo ay hindi maligaw ng landas ata mapahamak sa mundong ito.

Reply

Mel Mendoza January 8, 2026 at 10:03 am

PAGNINILAY
(Batay sa 1 Juan 4, 19 – 5, 4; Salmo 71; Lucas 4, 14–22a)

Sa mga Pagbasa ngayon, kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon, unti-unting inihahayag kung sino si Hesus at kung ano ang puso ng Kanyang misyon. Hindi ito panandaliang pagpapakita lamang, kundi isang pagbubukas ng Kanyang publikong pagmininisteryo, isang malinaw na pahayag na ang Diyos ay umiibig, at ang pag-ibig na ito ay may anyo, tinig, at pagkilos.

Ang sentro ng lahat ng mga pagbasang ito ay pag-ibig na nagiging misyon. Hindi pag-ibig na nananatili sa damdamin, kundi pag-ibig na ipinapahayag, isinasabuhay, at ipinagtatanggol lalo na para sa dukha, api, at sugatan.

Binigyan diin na ang Diyos ang Unang Umibig. Mula sa Unang Pagbasa (1 Juan), malinaw ang pundasyon ng pananampalatayang Kristiyano:
“Tayo’y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.”
Sa teolohiya ni San Juan, ang pag-ibig ay hindi bunga ng pagsisikap ng tao, kundi tugon sa inisyatiba ng Diyos. Ang Diyos ang unang kumilos; ang tao ay tumutugon. Kaya’t ang sinumang nagsasabing iniibig ang Diyos ngunit kinapopootan ang kapwa ay sumasalungat sa mismong kalikasan ng Diyos.
Ang pananampalataya kay Hesus bilang Mesiyas ay hindi hiwalay sa moral na pamumuhay. Sa halip, ito’y nagbubunga ng pagsunod, at ang pagsunod ay nagiging konkretong pag-ibig. Ang pananampalatayang ito ang “nagtatagumpay sa sanlibutan”—hindi sa lakas, kundi sa pag-ibig na nagmumula sa Diyos.

Sa Ebanghelyo (Lucas 4, 14–22a), makikita ang makasaysayang sandali ng unang publikong pahayag ng misyon ni Hesus. Sa sinagoga ng Nazaret, binasa Niya ang propesiya ni Isaias at buong tapang na sinabi:
“Natupad ngayon ang bahaging ito ng Kasulatan.” Ito ay higit pa sa sermon. Ito ay self-revelation—pagpapakilala Niya ng Kanyang sarili bilang katuparan ng pangako ng Diyos. Ang Mabuting Balita ay hindi lamang salita; ito ay pag-ibig na kumikilos:
Mabuting Balita sa dukha. Kalayaan sa bihag. Paningin sa bulag. Kaginhawaan sa sinisiil. Dito makikita na ang publikong pagmininisteryo ni Hesus ay pastoral at propetiko—nakatuon sa tao, lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan. Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ang nagbibigay-lakas sa Kanyang pagpapahayag.

Sa Salmo isinasaad nito ang pamumunong bunga ng pag-ibig.
Ito ay panalangin para sa isang haring namumuno nang may katarungan. Sa liwanag ni Kristo, Siya ang tunay na Hari hindi namumuno sa pamamagitan ng dahas, kundi sa paglilingkod at pag-aaruga. Ang Kanyang pamumuno ay bunga ng pag-ibig ng Diyos na umaabot sa lahat ng bansa.

PAGSASABUHAY:
Tayo ang Tinig ng Mabuting Balita ang malaking tanong sa atin ngayon:
Kung natupad ang Kasulatan kay Kristo noon, paano ito natutupad sa atin ngayon?
-Kapag pinipili nating umibig kahit mahirap;
-Kapag pinatatawad natin ang nakasakit;
-Kapag ipinagtatanggol natin ang inaapi;
-Kapag ang ating pananampalataya ay nagiging gawa;
Tayo ay nagiging buhay na pagpapahayag ng Mabuting Balita. Ang mundo ngayon ay hindi lamang naghahanap ng magagandang salita, kundi ng mga taong may pananampalatayang may laman at direksiyon.

WORD OF THE DAY
MISYON – Pag-ibig na isinabuhay at ipinahayag sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

PANALANGIN:
Panginoong Hesus, salamat sa pag-ibig na nauna Mong ipinagkaloob sa amin. Buksan Mo ang aming mga puso upang ang aming pananampalataya ay maging buhay at totoo. Turuan Mo kaming umibig hindi lamang sa salita, kundi sa gawa at katotohanan. Gawin Mo kaming mga daluyan ng Iyong Mabuting Balita, sa aming pamilya, sa aming pamayanan, at sa sanlibutan. Nawa’y sa aming buhay,
masabi rin ng mundo: “Natupad ngayon ang Salita ng Diyos.” Amen.

Reply

BdKz January 8, 2026 at 1:08 pm

Lord, give us the Grace purified from these evil thoughts.
Open ourselves to God to clean our minds and hearts.
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
Thank You, Lord.
#GvThursday
Blessed 2026

Reply

Jovy Uy January 10, 2026 at 10:47 am

PAGNINILAY

Sa unang pagbasa, ipinapaalam sa atin na sa pananampalataya tayo magtatagumpay na ibigin at paglingkuran ang Dios at kapwa.

Ang “faith’ ay hindi galing sa atin sa pagsasabing, “kailangan kong maniwala”, kundi kusang dumarating ito sa ating puso sa pamamagitan ng pakikinig ng salita ng Dios (Roma 10:17).

“Ito ang palatandaang iniibig natin ang mga anak ng Diyos: kapag iniibig natin ang Diyos at tinutupad ang kanyang mga utos, sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay yaong tumutupad ng kanyang mga utos. At hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos, sapagkat napagtatagumpayan ng bawat anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.”

Sa gospel reading, ipinakita ni Jesus na sa pagbabasa ng kasulatan ay makikilala at mapagtagumpayan natin siyang ibigin bilang Dios ayon sa mga propesiya ng nakatala sa kasulatan tungkol sa kanya .

“Gaya ng kanyang kinagawian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumindig siya upang bumasa; at ibinigay sa kanya ang aklat ni propeta Isaias. Binuksan niya ang aklat sa dakong kinasusulatan ng ganito:

“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon,
Sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.
Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila’y lalaya,
At sa mga bulag na sila’y makakikita;
Upang bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil,
At ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon.”

Kaya inaanyayahan tayo ng simbahan na magbasa at makinig ng mga daily mass readings nang sa ganoon ay magkaroon tayo ng matibay na “faith” at magtagumpay

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: