Miyerkules, Enero 7, 2026

January 7, 2026

PANALANGIN NG BAYAN
Miyerkules kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon

Hilingin natin sa ating Ama sa Langit na palakasin ang ating pananampalataya at tulungan tayong mapaglabanan ang ating mga takot. Sabihin natin:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, maging lakas ka namin.

Ang Simbahan sa buong mundo nawa’y magpakita ng malalim na pananampalataya sa Diyos na ating Ama na siyang nagpapatnubay sa mga pangyayari sa mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y lumago sa pananampalataya at sa gayon ay magtiwala tayo sa mga bagay na ating inaasam at nakatitiyak sa mga bagay na hindi natin nakikita, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naligaw sa landas ng buhay nawa’y makabalik nang ligtas sa kanilang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit nawa’y ipagkaloob ng Panginoon ang kagalingan at bigyang lakas ang mga nawawalan ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maranasan nang walang katapusan ang kaganapan ng mapanligtas na kapangyarihan ng Diyos na matagal nilang hinintay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, batid namin na ipagkakaloob mo ang anumang hilingin namin sa ngalan mo. Nawa ay maging bukas lagi ang aming mga tenga sa iyong Salita. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez January 2, 2022 at 9:58 am

PAGNINILAY: Ang epipaniya ay pagdiriwang tungkol sa pagpapahayag ng Diyos sa ating kalagayan bilang tao. Patuloy pa rin ang Kapaskuhan hanggang sa Kapistahan ng Pagbibinyag dahil inaalala natin ang Diyos na nagkatawang-tao sa katauhan ng kanyang Bugtong na Anak na si Hesukristo.

Ang ating Ebanghelyo ay makikita natin ang pagka-Diyos at pagkatao ng ating Panginoong Hesukristo. Matutunghayan natin dito ang Diyos na may kakayahang magkaisa sa ating kahinaan. Matapos ang pagpaparami ng mga tinapay at isda, pinauna ni Hesus ang kanyang mga Apostol na tumawid sa ibayo ng Lawa ng Galilea. At sa gitna ng isang malalakas na bagyo kasama ang mga malalaking alon, nakita nila si Hesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig, at inakala nila na siya’y isang multo. Ngunit maginahawa ang tono ng boses ni Hesus nang sinabi niya, “Huwag kayong matakot.”

Ang katagang “Huwag kayong matakot” ay mababasa sa Bibliya ng 365 beses, at 365 araw ay katumbas ng isang buong taon. Ibig sabihin na sa bawat araw ng isang taon, ang Diyos ay nasa piling natin, ang kanino pa tayo masisindak? Araw-araw kung kasama natin ang Panginoon, alam po natin na kaya nating palipasin ang anumang daluyong o pagsubok sa buhay. Ang kailangan po natin ay ang matatag na pananampalataya na may kasamang pagtitiis na mas malaki ang Diyos na sumaatin.

At nawa’y ipadala rin natin ang presensiya ng Panginoon sa ibang tao, lalung-lalo sa mga nabibigatan ng mga problema sa buhay.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño January 5, 2022 at 8:18 am

Matapos magpakain ng limang libong tao ay muling nagpakita si Hesus ng kababalaghan na ikinagilalas ng mga apostol, ito ay ang paglakad nya sa ibabaw ng tubig at pagpapayap ng hangin at alon sa dagat. At sinabi nyang “Huwag kayong matakot”

Napakaganda ng nilalaman ng mensahe sa atin ni Hesus na wag tayong matakot. Kung ikaw ay tunay na sumasampalataya kay Hesus at ibinibigay mo sa kanya ang buong tiwala ay kusa mong mararamdaman ang hindi pagkatakot. Kung ikaw nagsisi sa iyong mga kasalanan at humingi ng kaptawaran at nagsisikap na matalikuran na ang kasalanan ay hindi ka na matatakot sa anumang hamon ng buhay dito sa lupa. Sapagkat ang Diyos sa langit ang bahala sa iyong lahat ng pangangailangan. Ang iyong mga dalangin ay diringgin sapagkat kalulugdan ka ng Diyos sa iyong pagbabago.

Makararamdam ka ng takot kapag ikaw ay maksalanan at hindi tumitigil sa paggawa nito, hindi lmang takot ang iyong mararamdaman kundi pati kalungkutan at pangamba araw araw at wala ka din kapayapaan ng puso’t isipan.

Kaya’t ngayong bagong taon ay piliin natin ang mas masayang pamumuhay kapiling ang Diyos, “Huwag kang matakot, sundin mo lamang ang kalooban ko at ang mga kautusan ay ako na si Hesus ang mag aalaga sa iyo”

Reply

Mel Mendoza January 7, 2025 at 12:12 pm

PAGNINILAY:
“Huwag kayong matakot.”

Ang Ebanghelyong ito ay nagpapakita sa atin ng dalawang mahalagang mensahe: Una, ang Diyos ay laging naririto sa ating mga bagyo sa buhay.
Ang mga alagad ay natagpuan sa gitna ng isang bagyo habang si Hesus ay wala sa kanilang piling. Sa kanilang takot at kahinaan, dumating si Hesus sa kanila, hindi sa karaniwang paraan kundi sa pamamagitan ng isang himala—paglalakad sa tubig. Ganito rin ang ginagawa ng Diyos sa ating mga buhay. Sa gitna ng ating mga problema, takot, at pagsubok, maaaring hindi natin agad makita ang presensya Niya. Subalit tulad ng ginawa Niya sa mga alagad, Siya ay darating sa tamang oras upang bigyan tayo ng lakas at kapanatagan.

At ang pangalawa , ang pagtitiwala sa Diyos ang susi upang malampasan ang takot. Nang makita ng mga alagad si Hesus, hindi nila agad Siya nakilala dahil natakot sila. Ngunit sinabi ni Hesus: “Huwag kayong matakot. Ako ito!” Ang Kanyang presensya ang nagpawi ng kanilang takot at humupa ang bagyo. Sa ating buhay, kapag pinanghinaan tayo ng loob, inaanyayahan tayo ng Panginoon na magtiwala at manalig sa Kanya. Ang Kanyang presensya ang nagbibigay sa atin ng kapayapaan sa gitna ng kaguluhan. Sa kabilang banda, ang pananatili ng takot ito ay katumbas ng kaparusahan sapagkat ito ay nagpapatunay na hindi pa din tayo pinamamahayan ng Espiritu Santo. Hindi pa din tayong lubusan nagpapasakop sa kapangyarihan ng Tagapagligtas.

Ang mga salita ni Hesus na nabanggit sa Ebanghelyo, “Huwag kayong matakot,” ay nananatiling mahalaga at makapangyarihan sa ating panahon ngayon. Marami sa atin ang nakakaranas ng mga “bagyo” sa buhay—problema sa pamilya, kawalan ng trabaho, karamdaman, o kawalang-katiyakan sa hinaharap. Sa kabila ng lahat ng ito, ang paanyaya ni Hesus ay malinaw: huwag tayong matakot dahil kasama natin Siya. Sa araw araw nating paglalakbay sa mundong ito, araw araw din na binabanggit ang mga salitang “Huwag kayong matakot” na ang ibig sabihin na lagi natin kasama ang Diyos.

Kapag tayo’y natatakot, madalas itong nagpapahina ng ating pananampalataya. Ngunit ang takot ay naglalaho kapag nakikilala natin ang presensya ni Hesus. Kaya’t ang hamon sa atin ay magtiwala sa Diyos sa gitna ng mga unos. Nais ni Hesus na sa bawat takot natin, maunawaan nating Siya ang may kontrol sa lahat. Siya ang ating kalakasan, liwanag, at tagapagligtas.

Binhi ng Pananampalataya:
1. Ano ang mga takot na bumabagabag sa akin ngayon?
2. Paano ko higit na mapagkakatiwalaan ang Diyos sa gitna ng mga pagsubok?

Manalangin tayo. Panginoon, nawa’y matularan namin ang halimbawa ng mga alagad Mo, na kahit natakot noong una, ay natutong magtiwala sa Iyong kapangyarihan. Sa bawat bagyo ng aming buhay, nawa’y lagi namin tandaan na ang Diyos ay laging naririto. Na Siya ang nagbibigay ng kapayapaan na hindi kayang ibigay ng mundo.

Huwag tayong matakot. Ang Panginoon ay sumasaatin!

Reply

MArz January 8, 2025 at 1:35 pm

Wed Tv Mass – Fr. Jowel
Lumapit sa Diyos, alisin ang mga takot at pangamba na naninira sa ating buhay.
Hilingin ang awa at tulong ng Diyos.
Hindi tayo nag iisa andyan ang Diyos.
Emmanuel Diyos kasama natin.
Lord be with us, enter our hearts.
You become happy when you are not afraid don’t feed your fear.
Strengthen our faith.
God sees us.
God Loves us.
God commands us not to be afraid.
God is good all the time.
All the time God is good.
Amen.

Reply

BdKz January 7, 2026 at 3:00 pm

DO NOT FEAR, I AM, says the Lord.
Fear stills our strength.
Courage is fear that said its prayer.
Tumatapang at lumalakas kapag tayo ay nagdadasal.
What you focus on magnifies.
A tree does not fear strong winds if its roots are really embedded in the ground.
Lift our hands to God, always humble, and root our souls in God.
Receive courage from the Lord. We have to pray.
Prayer is power. No Power, no prayer.
Fear is a mind killer.
All we need is 20 seconds of crazy courage, and something great will happen.
Leap of faith.
Face our fear, we are not alone. God is with us.
God will not allow us to face our fear alone. will depend on and strengthen us.
Let God enter our hearts. Pray and have faith.
Sa oras ng takot, ang panalangin ang nagsisilbing sandata ng tunay na matapang.
Amen
God is good sobra sobra
Sobra sobra God si good
Thank You, Lord.
#GvWednesday
Blessed 2026

Reply

Jovy Uy January 10, 2026 at 10:52 am

PAGNINILAY

Sa unang pagbasa, sinasabi sa atin na kung natanggap o nabatid na natin ang dakilang pag-ibig ng Dios sa pamamagitan ng pakikinig natin sa mga salita Niya sa biblia, hindi na tayo kailanman matatakot sa paghuhukom ng Dios sa walang hanggang sa impiyerno dahil sa kasalanan sapagkat ang perpektong pag-ibig ng Dios (Paschal of Jesus) ay magtatakip ng lahat ng kasalanan.

“Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos. Ang pag-ibig ay nagiging ganap kung hindi natin kinatatakutan ang Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo’y tulad ni Kristo, kahit nasa daigdig pang ito. Walang kalakip na takot ang tunay na pag-ibig sapagkat pinapawi ng pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa.”

Sa gospel reading, ipinakita dito na takot parin sa puso ng mga apostol nang akalain nilang may nakita silang multo na naglalakad sa tubig kaya pinakitaan sila ni Jesus ng kapangyarihan magligtas sa kanila bilang Dios na nagkatawang tao at pinatigil ang malakas na hangin na nagpapahirap sa mga alagad na makapunta sa ibayo.

“nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila, ngunit nakita ng mga alagad na siya’y lumalakad sa ibabaw ng tubig, kaya’t napasigaw sila. Ang akala nila’y multo, at kinilabutan silang lahat. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, si Hesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin.”

Ang pagpapahinto ng hangin ni Jesus upang hindi lumubog ang bangka mga alagad ay anino ng pagliligtas ni Jesus sa paghatol at paglubog sa natin sa impiyerno dahil sa kasalanan kapag natanggap natin ang pag-ibig ng Dios na ibubuhos sa ating mga puso ng Espiritu Santa sa pamamagitan ng pakikinig sa salita ng Dios sa biblia (Roma 5:5-10, Efeso 1:13, Roma 10:17).

Kaya kung may takot ka parin sa iyong puso dahil hindi ka pa sigurado (duda pa) na mapunta sa langit dahil sa kasalanan, ito ay tanda na dahil sa takot na yan (takot mamatay) ang magdadala sa iyo sa parusang impierno (Pahayag 21:8). Pinakamasaya ang taong walang takot dahil nabatid nya ang pag-ibig ng Dios.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: