Martes, Enero 6, 2026

January 6, 2026

Martes Kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon

o kaya Paggunita kay San Raymundo de Penyafort, pari

1 Juan 4, 7-10
Salmo 71, 2. 3-4ab. 7-8

Poon, maglilingkod sa ‘yo
tanang bansa nitong mundo.

Marcos 6, 34-44


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Tuesday after Epiphany (White)

or Optional Memorial of St. Raymond de Peñafort, Priest (White)

UNANG PAGBASA
1 Juan 4, 7-10

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Minamahal kong mga kapatid, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos, at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang suguin niya ang kanyang bugtong na Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos kundi tayo ang inibig niya at sinugo ang kanyang Anak upang maging handog sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 71, 2. 3-4ab. 7-8

Poon, maglilingkod sa ’yo
tanang bansa nitong mundo.

Turuan mo yaong haring humatol ng katuwiran,
sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya’y bahaginan;
upang siya’y maging tapat mamahala sa ‘yong bayan,
at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.

Poon, maglilingkod sa ’yo
tanang bansa nitong mundo.

Ang lupain nawa niya’y umunlad at managana;
maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa.
Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap
at ang mga taong wala’y pag-ukulan ng paglingap.

Poon, maglilingkod sa ’yo
tanang bansa nitong mundo.

Yaong buhay na mat’wid sa kanyang kapanahunan,
madama ng bansa niya at umunlad habang buhay.
Yaong kanyang kaharian ay palawak nang palawak,
mula sa ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat.

Poon, maglilingkod sa ’yo
tanang bansa nitong mundo.

ALELUYA
Lucas 4, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo ay sinugo
upang sa dukha’y magturo,
magpalaya sa bilanggo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 34-44

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nakita ni Hesus ang napakaraming tao; nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At sila’y tinuruan niya ng maraming bagay. Nang dapit-hapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at ang sabi, “Ilang ang pook ng ito at malapit nang lumubog ang araw. Payaunin na po ninyo ang mga tao sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain.” Ngunit sinabi niya, “Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.” “Bibili po ba kami ng halagang dalawandaang denaryong tinapay upang ipakain sa kanila?” Tanong ng mga alagad. “Ilan ba ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo,” wika niya. Pagkatapos tingnan ay kanilang sinabi, “Lilima po, at dalawang isda.”

Iniutos ni Hesus na ang lahat ay maupo nang pulu-pulutong sa damuhan. Kaya’t naupo sila nang manda-mandaan at lima-limampu. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa langit, at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. At pinaghati-hati niya ang dalawang isda at ipinamahagi rin. Ang lahat ay nakakain at nabusog. Nang tipunin ng mga alagad ang lumabis na hati-hating tinapay at isda, nakapuno sila ng labindalawang bakol. Sa mga nagsikain, limanlibo ang mga lalaki.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 9 comments… read them below or add one }

Reynald Perez January 2, 2022 at 9:57 am

PAGNINILAY: Patuloy tayo sa pagninilay ngayong “Epiphany week” tungkol sa pagpapahayag ng Panginoon sa ating katauhan. At ngayong araw na ito, tinutunghayan natin ang ating Diyos na marunong magbahagi.

Kaya nga ang Ebanghelyo ngayon ay nagpapakita sa ating Diyos bilang maawaain at mapagmalasakit. Pinapakain niya ang napakaraming tao ng kanyang mga salita at kababalaghan, at sa huli ng 5 tinapay at 2 isda na kanyang pinadami. Makikita dito sa salaysay na ito ang kapangyarihan ng Salita na magbigay-buhay tungo sa tamang pamumuhay ayon sa dakilang kalooban. At makikita din dito ang kapangyarihan ng Katawan na magbahagi sa mga nangangailangan.

Kaya ang “epipaniya”ay nakikita araw-araw sa Sakramento ng Eukaristiya dahil pinapabusog tayo ng maawaaing Panginoon ng kanyang Salitang buhay at Katawang banal. Ang Misa ay alaala ng kanyang paghahandog sa Krus upang tayo’y mailigtas at bigyan ng bagong buhay. Kung siya pa ay patuloy na nagbabahagi ng kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang presensiya sa atin, paano pa kaya kung mayroon din tayong mga biyaya at inaanyayahang ibahagi rin sa ibang tao ang mga natanggap na grasya?

Higit sa lahat, tayo ay inaanyayahan ni San Juan Apostol sa Unang Pagbasa na ibahagi natin ang ating pagmamahal sa kapwa, tulad ng ating Diyos na mapagmahal sa atin.

Reply

Ferdy Baetiong Parino January 4, 2022 at 12:15 pm

Ang Unang Pagbasa ay pagpapa-alala sa atin na ang Diyos ay Pag-ibig. Kung wala ang Diyos sa ating mga ouso ay wala ding Pag-ibig tayong maibibigay sa kapwa. Kung walang pag-ibig ay ano na lamang angbmangyayari sa ating mundo? Giyera, katakawan, Ganid, pagpatay, paninirang puri, kamunduhan, pagnanakaw, pagnanasa at iba pang kaguluhan. Ang pag ibig sa kapwa kagaya ng pagmamahal sa ating safili ang tanging susi ng kapayapaan at tunay na kaligayahan.

Ang ating ebanghelyo ay ang pagpapakain ni Hesus ng limang libong tao gamit ang limang tinapay at dalawang isda lamang. Ito ay isang pagpapatunay na walang imposible sa Panginoon.

Ang dala sa atin nito ay pag-asa. Humiling ka lamang at ipagkakaloob sa iyo basta’t sundin mo lamang ang hinihiling din sa atin ni Hesus… Ang sumampalataya sa kanya at sumunod sa kalooban nya. Walang hindi mapangyayari ang Diyos kunh ikaw lamang ay magtitiwala at tatalikdan ang kasamaan.

Reply

FRANCIS CHARLES ESTABILLO January 1, 2025 at 10:18 pm

Sa ating pagbasa ang paanyaya sa ating ay mag-ibigan tayo. Sa atin namang Ebanghelyo makikita natin na ipinamahagi nila ang tinapay at mga isda upang ang lahat ay makakain. Paalala sa atin na ang pag-iisip sa kapakanan ng iba ay isang uri ng pagmamahal. Ang pag-iisip natin para sa kanilang kalagayan ay isang uri ng pagmamahal, mapapansin natin kung tayo ay nakaranas ng mga nakikita nating mga tao na nagnanais na manghingi sa atin ng mga pangangailangan nila at binibigay natin yung maaari nating maitulong ang puso nilang sobra ang tuwa ay nakikita natin sa kanilang mga ngiti at mata. Paanyaya ito sa ating lahat na kung anuman ang natanggap natin sa Diyos ay atin ring ibalik sa pamamagitan ng pagtulong sa ibang taom isang paalala rin sa atin na hindi lang dapat tayo ang tumatanggap ng pagmamahal kundi kailangan rin natin itong ibalik at ibahagi sa nag bigay sa atin at sa ibang tao. Sa salita nga ngayon ay kung tawagin ay “Reciprocate” ireciprocate natin yung mga natatanggap natin, baka kaya ka walang natatanggap na pagmamahal kasi hindi mo inirereciprocate sa mga taong nagmamahal sayo, paalala sa atin na It’s okay to give in one way, it’s okay to love in one way because there is a God who will give his all on your way. AMEN

Reply

Marz January 7, 2025 at 1:17 pm

Choose to be happy every day and pray for joy always.
I am blessed.
I am blessed.
I am blessed.
We are blessed.
Appreciate the blessings always.
Gratitude is the greatest attitude.
Always give to others.
Love one another truly.
Lord help me to love just like You.
God is food all the time.
All the time God is good.
Amen.

Reply

Mabel Racal Macandog January 6, 2026 at 5:01 am

maraming maraming salamat po panginoon sa mga gabay at pagpapala mo sa amin sa araw araw at sa mga salita mo na araw araw naming nababasa nawa’y magsilbing gabay sa amin sa araw araw naming buhay patuloy nawa naming maintindihan ang mga salita mo patuloy kaming makasunod sa sayo.. Amen

Reply

Mel Mendoza January 6, 2026 at 9:11 am

PAGNINILAY:
Marcos 6, 34-44
“HABAG”

Patuloy po natin tinatahak ang Linggo ng Pagpapakita ng Panginoon. Sa Ebanghelyo ngayon sinasalaysay ng mga Pagbasa, ang pag-ibig ni Hesus ay hindi sentimental; ito ay konkretong pag-aalay ng sarili.
Bago Niya pinakain ang mga tao, tinuruan Niya muna sila ng maraming bagay.
Una. Ipinapakita dito na ang Salita ng Diyos ang unang pagkain, at ang tinapay ay kasunod na biyaya.
Nang sabihin ni Hesus, “Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain,” hinahamon Niya ang mga alagad at tayo rin—na makilahok sa Kanyang habag.
Pangalawa. Hindi Niya inalis ang kakulangan; ginamit Niya ang kaunting handog: limang tinapay at dalawang isda.
Sa panghuli, sa kamay ng Diyos, ang kaunti ay nagiging higit pa sa sapat, at ang sapat ay nagiging sagana.

Ang Mabuting Balita ay EUKARISTIKONG SAKRAMENTO.
Ang kilos ni Hesus, kinuha ang tinapay, tumingala sa langit, nagpasalamat, nagbahagi ay malinaw na paunang larawan ng Banal na Eukaristiya.

Ang multiplication of bread ay hindi lamang himala ng kapangyarihan, kundi sakramento ng presensya:
Si Kristo ang Tinapay ng Buhay
Ang Simbahan ang tagapamahagi.
Ang bayan ng Diyos ang pinakakain at binubuo bilang iisang katawan
Ang labindalawang bakol ng tira ay tanda na ang biyaya ng Diyos ay para sa buong sambayanan at hindi nasasayang.

KAPANGYARIHAN NG SALITA NG DIYOS.
Ang Salita ng Diyos ay:
nagpapakilos ng puso (habag),
nagpapalawak ng pananampalataya,
at nagpaparami ng biyaya.
Kung bukás ang puso, ang Salita ay nagiging tinapay;
kung handa ang paglilingkod, ang tinapay ay nagiging sakramento.

PAGSASABUHAY
-Sa pamilya at pamayanan:
Maging daluyan ng pag-ibig magbahagi kahit kaunti.
-Sa ministeryo at paglilingkod:
Huwag matakot sa kakulangan; ang Diyos ang nagpaparami.
-Sa pananampalataya:
Unahin ang Salita, sapagkat doon nagmumula ang tunay na kabusugan.

WORD OF THE DAY
“HABAG”
Pag-ibig na kumikilos, nagbabahagi, at nagpapabago.

PANALANGIN:
Panginoong Hesus,
Ikaw ang Pastol na may pusong mapagmahal. Turuan Mo kaming makakita ng pangangailangan ng iba
at magtiwalang Ikaw ang nagpaparami ng aming kaunting handog. Pakainin Mo kami ng Iyong Salita at gawing tinapay ng pag-asa ang aming buhay para sa mga gutom sa pag-ibig at katotohanan.
Amen.

Reply

BdKz January 6, 2026 at 1:44 pm

You cannot receive what you are ready for.
Being ready to bless is being prepared.
Position of our heart to receive God’s blessings and miracles by –
*Be close to God
*Be obedient to God.
No to obedience out of convenience.
*Be pateient
Hindi tayo nakakalimutan ng Diyos tayo inaayos nya ang ating kalooban.
Dahil ang biyaya ng Diyos ay isang misyon at tungkulin din.
Kapag tayo ay handa dun darating ang biyaya.
If we are ready to receive, God will freely give.
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
Thank You, Lord.
#GvTuesday
Blessed 2026

Reply

Jovy Uy January 10, 2026 at 11:01 am

New Year’s Resolution

PAGNINILAY

Sa unang pagbasa, pinaalalahanan tayo na ibigin ang ating kapwa subalit “we can’t give what we don’t have”.

Makakapagbigay lamang tayo ng pag-ibig kung nabatid o natanggap muna natin ang perpektong pag-ibig ng Dios mula sa pakikinig ng mga salita Niya na nagsasabing :

“Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang suguin niya ang kanyang bugtong na Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. Ito ang pag-ibig:

hindi sa inibig natin ang Diyos kundi tayo ang inibig niya at sinugo ang kanyang Anak upang maging handog sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan.”

Mapuno muna tayo ng mga salita ng Dios upang may maibahagi tayong pag-ibig sa iba.

Sa gospel reading, sapagkat si Jesus ay puno ng pag-ibig kung kaya’t nagawa niyang magbahagi ng pag-ibig nang pakainin niya ang 5k katao gamit lamang ng 5 tinapay at 2 isda at may natira pang 12 na basket.

Ang pagpapakain ni Jesus ay anino lamang ng mga salita niya na siyang tunay na pagkain na hindi napapanis at magbibigay ng buhay na walang hanggan kung mapaniwalaan o matanggap ito sa pamamagitan pakikinig ng mga salita ng Dios sa biblia (Juan 6:27-29).

Ang 5 tinapay ay simbolo ng 5 aklat ni Moises sa Old Testament habang ang dalawang isda ay anino ng gospel ni Jesus, ang kamatayan at muling pagkabuhay.

Ang natirang 12 na basket at anino ng mga salita ni Jesus na inihabilin sa 12 disciples niya na ipamahagi sa tao upang magkaroon din sila ng buhay na walang hanggan.

Ang 5k na pinakain ay simbolo ng 5k taon na kasaysayan ng Israel bago lubos na maibalik at maranasan nila ang restored Davidic Kingdom.

Noong 1900 ay nagsimulang nagbalikan ang mga Israelita sa kanilang bansa at hanggang ngayon ay sinisikap nila na maibalik ang dating katanyagan ng Israel tulad sa panahon ni David . Kaya nakikipagdigma sila sa mga bansa na ayaw silang makabalik sa lupang pangako ng Dios sa kanila.

Reply

Jovy Uy January 10, 2026 at 11:04 am

PAGNINILAY

Sa unang pagbasa ay inaanyayahan tayo huwag maging katulad ng sanlibutan na di nakakakilala kay Jesus.

Sa Salmo at sa Gospel readings, ipinakilala ng Dios ang kapangyarihang magligtas sa atin sa pamamagitan ng kordero ng Dios na si Jesus.

Upang mas lalo nating matunghayan ang dakilang kapangyarihan ng Dios na paraan ng kanyang pagliligtas ay alamin natin ang nakapaloob sa Mga Awit 24:3 .

Binabanggit ni haring David dito na ang paraan upang makapasok sa bundok ng Zion, ang banal na lungsod ng Dios (ang bagong Jerusalem o kaharian ng langit ) ay may 2 requirements:

1. Malinis na kamay, at

2. Malinis na puso (Mga Awit 24:3).

Ang pagtatayo ng templo ng Dios ay hindi kay David ipinagawa sapagkat narumihan ang kamay sa pakikidigma . Iniatas kay Solomon ang pagtatayo ng templo ng Dios (1 Coronica 22:6-10).

Naitayo nga ang tinatawag na Solomon temple subalit nasira ito dahil hindi malinis ang mga puso nila. Hindi nila sinusunod ang mga kautusan ng Dios sa moral na kaayusan ng pamumuhay nila, pag-aalay sa Dios at pagsangguni sa Kanya bago gumawa ng desisyon ang mga hari nila.

Paulit ulit silang nagkakasala kaya dalawang beses na pinasira ng Dios ang kanilang templo sa mga mananakop na bansa sa kanila.

Sa pangyayaring ito, ipinakita ng Dios sa Israel at sa mga Gentil na tulad natin na ang paglilinis ng puso ay hindi kayang mapangyari ng kahit sinumang tao maliban kay Jesus na bugtong na anak ng Dios na nagkatawang tao .

Kaya nang dumating si Jesus ay sinabi niya sa mga kababayan niyang Israelita na hindi siya dumating upang sirain ang kautusan kundi upang ganapin.

Tinuligsa ni Jesus ang mga Eskriba at Pariseo na sila ay maayos sa panlabas na tulad ng pinaputing nitso pero ang loob nito ay mabahong patay (Mateo 23:25-33). Sapagkat si David ay anino ni Jesus, ang sinabi ni David sa Mga Awit 24:3 ay ipinaalala ni Jesus ang paglilinis ng puso mula sa kasalanan. Sa Mateo 5:8, isa sa mga beatitudes, MAPALAD ANG MAY MALINIS NA PUSO, SILA LAMANG ANG NAKAKAKITA SA DIOS.

Pinaalalahanan sila ni Jesus sa Mateo 15:9 na ang pinag-uugatan ng kasalanan ang dapat maresolba muna sapagkat sa puso nanggagaling ang “aktuwal” na paggawa ng kasalanan. Subalit ano nga ba itong nasa puso ng tao na pinagmumulan ng aktuwal na kasalanan?

Sa Roma 5:12 at Mga Awit 51:5 na ang laman ng ating puso ay makasalanang dugo ni Adan na minana o naisalin sa atin sa pamamagitan ng pagbubuntis-buntis kaya nakarating at naisalin sa atin sa araw na pumasok ang binhi (sperm cell) na may makasalanang dugo ni Adan.

Ang lahat ng dugo natin ay dumadaan at pumupondo sa puso natin at binubomba ng puso ang dugo ni Adan sa ibat ibang parte ng ating katawan bigyan buhay sapagkat ang buhay ng laman ay nasa dugo (Levitico 17:14).

Ang 1/3 ng dugo natin ay binubomba ng puso sa upper portion ng ating katawan habang ang 2/3 ay sa lower portion ng ating katawan.

Sapagkat makasalanan ang minana nating dugo ni Adan kung kaya’t nauunawaan natin ngayon kung bakit hindi nakagawa ng perpektong bagay ang mga parte ng ating katawan.

Oras oras ay nagkakamali, nagkakasala, o natutukso tayo.

Pagpasok ng dugo sa utak natin ay nakakapag-isip na tayo ng hindi tulad ng paghihiganti dahil sa poot o mahalay na pagnanasa sa babae . Ayon kay Jesus, ang poot at pangmamaliit sa kapwa ay “murder” (Mateo 5:21-22) at ang mahalay na pagnanasa ay “adultery” (Mateo 5:27-30) na may parusang impiyerno.

Bagamat sinabi na ni haring David sa Mga Awit 24:3 ang paraan upang makapasok ang mga Israelita sa Kaharian ng Langit dito sa lupa sa loob ng isang libong taon na ipinaalala ni Jesus sa kanyang unang pagdating, hindi ito pinaniwalaan ng mga religious leaders ng Judaismo at nakipagsabwatan pa sila kay haring Herodes at sa romanong opisyal na si Pontio Pilato upang maipapatay si Jesus .

Sapagkat tinanggihan ng kababayan niya ang sinabi sa Mateo 1:21 na si Jesus ang inihulang ipinadala ng Dios na lulutas sa mga kasalanan ng bayang Israel upang matupad ang sinabi ni haring David sa Awit 24:3 na malinis na puso ay nailipat sa ating mga Hentil ang biyayang ito ba paglilinis ng puso sa pamamagitan ng dugo ni Jesus (Efeso 2:11-13, Hebreo 9:12).

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: