Podcast: Download (Duration: 6:23 — 4.6MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Lunes Kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon
Lumapit tayo ngayon sa Ama na tumupad sa kanyang pangako nang isugo niya sa atin ang kanyang Anak upang ihatid ang Kaharian ng Diyos dito sa lupa.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng Liwanag, sumikat ka nawa sa amin./strong>
Ang Santo Papa, ang mga obispo, at ang kaparian nawa’y maipahayag sa kanilang salita at gawa ang presensya ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y magbigay ng liwanag sa “mga taong nabubuhay sa dilim” sa pamamagitan ng kanilang tapat na paglilingkod sa mga ito, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang tanggapin ang presensya ng Diyos sa ating piling sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagpapatawad sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mensahe ng pag-ibig ng Diyos nawa’y patuloy na maramdaman sa buhay ng mga dukha at maysakit sa kabila ng mga paghihirap na kanilang dinaranas, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat sa Panginoon na yumao na ay makatagpo nawa ng walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.
Diyos na aming Ama, ang pagdating ng iyong Anak ay nagbigay sa amin ng liwanag at pag-asa. Gawin mo kaming mga kasangkapan upang ang liwanag na iyon ay sumikat din sa iba sa pamamagitan ng aming mga salita at gawa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Enero 4, 2026
Martes, Enero 6, 2026 »




{ 7 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Tayo ngayon ay nasa “linggo ng Epipanya” o tinatawag na “Epiphany weeks”. Patuloy nating ipinagdiriwang ang kadakilaan ng Diyos ngayong Kapaskuhan sa pagkatawang-tao ng kanyang Anak na si Hesukristo hanggang sa pagtatapos nito sa Kapistahan ng Pagbibinyag (Enero 10, 2021). Ngunit kung titignan natin ang mga Ebanghelyo, hindi na ito tungkol sa pagsilang o kaya sa pagiging bata ng Sanggol, kundi ito ay ang Pampublikong Ministeryo ng ating Panginoong Hesukristo. Subalit may kaugnayan ito sa Pasko at Epipanya sapagkat ipinapakita dito ang katuparan ng plano ng Diyos nang mangaral si Kristo at gumawa ng iba’t ibang kababalaghan.
Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagsisimula ng ministeryo ni Hesus sa Galilea. Una niyang ipinahayag ang pagbabalik-loob sapagkat narito na ang Kaharian ng Diyos. Ito ay tumutukoy sa Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos sa ating buhay, na dapat ang maghari sa atin ay kapayapaan, katarungan, at pag-ibig. Kaya si Hesus ay ang Liwanag ng mundo na nagpapalibot sa bayang naninirahan sa kadiliman.
Ang ilaw ng Pagsilang ni Kristo ay siyang naging ilaw ng kanyang pakikimayan sa buhay ng tao upang turuan ito tungkol sa Paghahari ng Diyos Ama. Kaya si Hesus ay nangaral tungkol sa kanyang Ama at gumawa ng mga kababalaghan ng pagpapagaling sa mga maysakit. Kaya ito ang kaharian nais ipakita ng Panginoon na kung saan naroroon ang pagmamahalan, pagiging mapayapa, at matuwid na pamumuhay.
Kaya si San Juan Apostol sa Unang Pagbasa ay naghihikayat sa atin na magmahalan at manalig kay Kristo upang hindi tayo kailanma’y maligaw ng landas. Kung gagawa natin ang tama at mabuti, hindi mananaig ang kasamaan sa ating mga buhay. Tayo ngayon ay bumabalik na sa kanya-kanyang trabaho at ordinaryong gawain matapos ang mahabang bakasyon noong Pasko at Bagong Taon. Ngunit patuloy nating isinasariwa ang diwa ng Kapaskuhan sa pagdaan sa liwanag ng Panginoon at pamumuhay ayon sa turo at aral niya.
Sa ating ebanghelyo ngayon ay naglinot si Hesus, nangaral at nagpagaling ng mga maysakit. Ang sakit ay hindi lamang literal na karamdaman. Sinabi nga ni Hesus na na hindi nangangailanagn ng manggagamot ang walang sakit. Ang ibig sabihi’y hundi lamang ang mga banal ang ipinunta ng Diyos dito. Ang mga makasalan ang sadya ni Hesus. Kinalulugdan ng Diyos ang taong nagbabalik loob sa kanya na dating naligaw ng landas. Matatandaan na iniwan ng Mabuting pastol ang 99 na tupa upang hanapin ang isang nawawala. At nang matagpuan nya ito ay nagdiwang sya.
Nais iparating ng Mabuting Balita na hindi pa huli ang lahat para sa mga makasalanang tao. Sinabi ni Hesus sa ebanghelyo ngayon na: “Pagsisihan nyo na at talikdan ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit ng maghari ang Diyos”. Ang Diyos ay mahabagin at mapagpaptawad, binibigyan tayo ng pagkakataon na magbago at sikapin ng matalikuran ang kasamaan.
Samantalahin natin ang panibagong taon na ito upang masimulan ang pamumuhay alinsunod sa kautusan ng Diyos at gawin nating gabay ang mga aral ng Mabuting Balita, sa ganitong paraan ay hinding hindi tayo maliligaw at mapapahamak, pawang kapayapaan at tunay na kaligayahan lamang ang ating mararamdaman.
Sadyang mapanlinlang ang Mundo! at tanging Diyos lang ang kaagapay natin sa lahat ng umaalipusta sa atin. Mapagpatawad and Diyos! Mabuti ang Diyos at maawain ang Diyos sa mga taong tumatawag sa kanyang Pangalan. Nababatid nya sa kaibituran ng kanyang puso ang tunay na pangangailangan ng kanyang mga anak. Tumawag sa kanya dahil naghihintay lamang sya kung kelan mo sya tatawagin at handa na tyong tupdin sya.
PAGNINILAY:
Sa pagtatapos ng ating pagdiriwang ng Oktaba ng Pasko at Epipanya, ngayon ay nakatuon tayo sa pampublikong ministeryo ni Kristo. Ang Ebanghelyo sa araw na ito ay nagbibigay-diin sa pangunahing aral ni Hesus: “Magsisi, sapagkat ang Kaharian ng Langit ay nalalapit na.” Ang panawagan sa pagsisisi ay mahalaga sapagkat ang Kaharian ay malapit na.
Si San Ignacio ng Loyola, sa The Spiritual Exercises, ay nagtuturo na ang pangunahing layunin natin ay luwalhatiin ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kaharian ng Langit. Ito ay nangangailangan ng konkretong pagtalikod sa kasalanan at ang radikal na pagbabago at gawing Diyos ang tanging sentro ng ating buhay. Ang pagbabagong ito ang pinakadiwa ng pagsisisi.
Kung ating pagninilayan, sa panahon ng Pasko ng Pagsilang ay ang pagdiriwang ng pagsilang ni Hesus, ang Liwanag ng sanlibutan. Sa katauhan ni Kristo, ang Diyos ay naging Emmanuel—“Diyos na sumasa atin.” Sa Kanyang pagsilang, ang nagbigay ng liwanag, pag-asa at kaligtasan ito ang umiral sa mundo. Ito ay sagot sa madilim na realidad ng kasalanan, kahirapan, at kawalan ng pag-asa.
Ang Ebanghelyo ngayon ay nagpapakita ng layunin ng Kanyang pagsilang, upang dalhin ang liwanag na ito sa bawat isa, lalo na sa mga nasa kadiliman. Tulad ng sinabi ni Isaias, ang mga taong nasa lilim ng kamatayan ay makakakita ng dakilang liwanag. Ang hamon sa atin ng Pasko at ng Epipanya ay yakapin ang liwanag ni Kristo at hayaang baguhin tayo nito mula sa loob ng ating pagkatao.
Ang paanyaya ni Hesus sa “magsisi” ay nag-uugat sa kapanganakan Niya. Sa Kanyang pagsilang, binigyan tayo ng Diyos ng bagong pagkakataon upang magbago at lumapit sa Kanya. Ang Kanyang paghahari ay nagdadala ng kagalakan, pagmamahal, at kapayapaan, at ang Pasko ay paanyaya upang tayo ay muling makibahagi sa buhay na ito.
Habang papalapit tayo sa Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon at pagsisimula ng Karaniwang Panahon, ating pagninilayan ang pampublikong ministeryo ni Hesus at ang Kanyang mga turo, mga pagpapagaling ng inaalihan ng masamang espiritu at mga pagpapagaling sa mga may sakit, na siyang sinasabi sa Ebanghelyo. Ang lahat ng mensahe Niya ay naglalayong akayin tayo na magsisi, talikuran ang kasalanan, at magbalik-loob sa Diyos.
Hinihikayat tayo na sa ating buhay, bigyang-priyoridad ang panawagan sa pagsisisi. Patuloy na pakinggan ang paanyaya ni Hesus: “Magsisi, sapagkat ang Kaharian ng Langit ay nalalapit na.” Huwag lamang tandaan ang Kanyang mga salita mula sa nakaraan; hayaang ito’y tumimo sa ating puso araw-araw. Lagi nating kailangan ang pagsisisi, sapagkat ang kasakdalan ay di natin maaabot sa buhay na ito. Gawin ang pagsisisi na bahagi ng ating buhay sa araw-araw na pangako.
Ngayong araw, magnilay tayo sa taos-pusong panawagan ni Hesus na magsisi. Regular na suriin ang ating ng mga salita at gawa at talikuran ang mga bagay na naglalayo sa atin sa Diyos, at yakapin ang Kanyang mahabaging mga gawa sa ating ng buhay. Lumapit tayo sa Panginoon ng buong kababaang loob na laging may pagsisisi. Ito ang mensahe ni Kristo para sa ating lahat ngayon.
Manalangin tayo. Panginoon, salamat sa liwanag na Iyong dinala sa aming mundo sa pamamagitan ng Iyong pagsilang, pagpapakita at ministeryo. Tulungan Mo kaming tumugon sa Iyong paanyaya ng pagsisisi at magbagong-buhay. Nawa’y maging daluyan kami ng Iyong liwanag at ng Iyong presensya upang ang aming buhay ay maging patotoo ng Iyong pag-ibig at kaligtasan sa iba. Amen.
Ang palagian pagsusuri sa ating sarili lalo na sa ating mga kakulangan at kasalanan ay mas higit natin kailangan sa panahon na ito.
Pagsisihan natin at unti-unting talikdan ang paggawa ng kasalanan. Magtiwala tayo sa proseso ng Diyos para sa buhay natin. Hindi natin kakayanin ang biglaan dahil kahit gaano tayo lumapit may mga pagudyok amg kalaban sa paligid natin na susubok sa tatag ng ating pananampalataya sa Diyos.
Lumapit tayo ng may kababaang loob upang maisabuhay natin ang kagustuhan ng Panginoon para sa hiram na buhay na ito. Ang kasalanan ay nasa paligid lamang dahil tayo ay MAKAMUNDO pa rin, kaya sa tuwinanararapat lang na magsisi tayo bago matulog at magpasalamat. Ihingi natin ang tunay na kaloob ng Diyos para sa atin.
Ang kalungkutan ay hindi masama dahil ang Diyos ay nalungkot din
Yakapin ang lungkot at matutong makinig sa pgdadalamhati ng iba.
Wag manirahan sa lungkot magbigay ng oras sa ating nararamdaman at magdasal sa Diyos. Kausapin at hayaan ang Diyos na gawin ito na maging pundasyon ng ating buhay.
Hilingin sa Diyos ang grasya na malagpasan ang mga pagsubok
Ang pag iyak o pagkalungkot ay paglilinis ng ating puso at kalooban para magkaroon ng lugar makatanggap ng bago sa Diyos.
San tayo tinatawag ng Diyos ngayon. Ano ang misyon na pinapgawa ng Diyos sa atin.
Ano mang hirap may pinapagawang misyon sa atin.
Gawin ang pinapagawa ng Diyos
Pinagkalooban nya tayo ng pagpapala maging pagpapala sa iba.
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God si good
Thank You, LOrd.
#GvMonday
Blessed 2026
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa, ipinapaalam na sa atin na malalaman natin kung sino ang meron Espiritu ng Dios.
“Ito ang pagkakakilanlan kung sino ang kinaroroonan ng Espiritu ng Diyos: ang nagpapahayag na si Hesukristo ay naging tao ay siyang kinaroroonan ng Espiritung mula sa Diyos.”
Makapagpahayag (acknowledge, assent/agree) lamang tayo na si Jesus, na siyang Verbo o Salita ng Dios nang pasimula (Juan 1:1), ay nagkatawang tao kung naaral o napakinggan natin ang love letters ng Dios (Biblia).
Sa gospel reading, pinatunayan na ang Dios Anak ay naging tao nga at nakisalamuha, nangaral at nangpagaling ng mga maysakit,v una sa mga nangangailangan sa kaniya na pinakamakasalanang lugar sa Israel, ang Neptali at Zebulon sa Galilea, upang manumbalik sila sa Dios at makapasok sa Kaharian ng Langit.
Kapag ang Espiritu ng Dios (Holy Spirit) ay na sa atin sa pamamagitan ng pakikinig sa Salita ng Dios (Efeso 1:13), matatanggap natin ang faith at love ng Dios (Roma 10:17, Roma 5:5) kung kaya’t magagawa na nating masunod ang utos ng Dios na manampalataya at umibig nang sa ganun ay matatanggap natin ang lahat ng kahilingan sa Dios.
“Minamahal kong mga kapatid, tinatanggap natin ang anumang ating hingin sa Diyos sapagkat sinusunod natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya. Ito ang kanyang utos: manalig tayo sa kanyang Anak na si Hesukristo, at mag-ibigan, gaya ng iniutos ni Kristo sa atin. Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos. At sa pamamagitan ng Espiritung ipinagkaloob niya sa atin ay nalalaman nating nananatili siya sa atin.”