Linggo, Disyembre 28, 2025

December 28, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Kapistahan ng Banal na Mag-anak, Hesus, Maria at Jose (A)
Patnubay sa Misa

Taglay ang pananalig sa Panginoong humirang sa ating maging kasapi ng isang Kristiyanong mag-anak at ng Simbahan, tayo’y manalangin para sa lahat ng mag-anak sa sanlibutan habang sinasabi
nating:

Panginoon, gawin Mo kaming isang pamilyang tapat sa Iyo.

Para sa malaking mag-anak ng Simbahan: nawa magtamasa ang kanyang mga pinuno at mga kasapi ng pagkalinga nina Hesus, Maria, at Jose. Manalangin tayo.

Para sa mga mag-anak ng sangkatauhan: nawa matutong mamuhay ang mga tao ng lahat ng lahi at kultura nang may paggalang sa isa’t isa. Manalangin tayo.

Para sa mga Pilipinong mag-anak: nawa ang kanilang Kristiyanong pananampalataya at pagtulong ng buong pamayanan ay magpapanatili sa kanilang pagkakaisa at pagkakasundo. Manalangin tayo.

Para sa mga pamilya ng mga nangibang bayan: nawa mapahalagahan ng kanilang mga kamag-anak ang kanilang pananampalataya at pagkakaisa, sa kabila ng kanilang pagkakalayo sa isa’t isa. Manalangin tayo.

Panginoong Diyos, pagpalain Mo ang lahat ng mag-anak sa sanlibutan. Tulutan Mong mapalapit sa Iyo at sa isa’t isa ang lahat ng kasapi ng bawat mag-anak at ingatan Mo sila sa Iyong kapayapaan at pagmamahal sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez December 29, 2022 at 1:18 pm

PAGNINILAY: Ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Banal na Mag-anak tuwing Panahon ng Pasko ng Pagsilang. Sa pagdiriwang na ito, matutunghayan natin kung paano niloob ng Diyos Anak na magkatawang-tao at manganak sa isang pamilya. Ang imahe ng Banal na Mag-anak ay bumubuo kina Hesukristo, Birheng Maria, at San Jose. Maraming bagay ang nangyari sa pamilyang ito, maganda at hindi maganda. Ngunit sa kabila ng mga ito, naging matapat ang tatlo sa pagsunod sa kalooban ng Ama para sa isa’t isa. At ang Panginoong Diyos ay hindi lang Pangkalatahang Pinuno ng Banal na Mag-anak, kundi pati rin ang lahat ng mga pamilya sa buong mundo. Kaya ang konsepto ng pamilya para sa bawat indibiduwal, lalo na sa ating Inang Simbahan, at ang ating tungkulin at bokasyon ay ipagtanggol ito para sa mabuting kinabukasan.

Noong Enero 16, 2015, isa sa mga gawain sa Apostolikang Pagdalaw ni Papa Francisco sa ating bansa ay ang Pagtitipon ng mga Pamilya sa SM MOA Arena, Pasay. Sa kanyang mensahe, ipinahayag ng Santo Papa na ang bawat pamilya ay kailangang managinip. Kaya nga sabi niya: “When you lose this capacity to dream you lose the capacity to love, and that capacity of love is lost.” Ipinahayag din niya na dapat tularan ng bawat isa ang halimbawa ng Banal na Mag-anak. Kaya nga ibinigay niya ang tatlong bagay para pagnilayan natin: (1) paghihinga sa Panginoon, (2) pagbangon kasama sina Hesus at Maria, at (2) maging mga boses na mala-propeta (prophetic voices).
Napakaraming problema ngayon ukol sa buhay-pamilya. May mga ilang mag-asawa ay gustong makipaghiwalay dahil sa mga alitan sa isa’t isa. Kung ganyan ang sitwasyon, maaapekto nang higit ang mga anak-anakan ng mga pamilyang iyon. Kaya nga tutol ang Simbahan sa isyu ng diborsyo. Hindi nakapagtataka na maraming mga di-Katoliko at di-Kristiyano ang nagsasabi na kaya pala hindi pa legal ang isyung ito sa ating bansa, kaya nga the stand of the Catholic Church particularly CBCP is being questioned and destructively criticized. Pero kung ating babalikan ang Banal na Kasulatan, wika nga ng Panginoong Hesus mismo: “Ang sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay gumagawa ng masama sa kanyang asawa—siya’y nangangalunya. At ang babaing himiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nangangalunya rin” (Cf. Marcos 10:11-12).

Mga kapatid, napakahalaga ang konsepto ng pamilya at napakabanal ang buhay na ito. Sana po ay patuloy na mamunga ang kabutihan sa bawat nating mga pamilya, kahit sa mga panahon ng pagsubok, dahil dito’y nakasalalay ang kinabukasan hindi lang ng pamilya, kundi pati rin ang bawat indibiduwal. Kaya nga ang ating mga Pagbasa ngayon ay para sa lahat, at bawal ang palusot. Sa mga magulang, sana po turuan ninyo ng tama ang iyong mga anak para sila’y lumaki nang husto at may natutunan mula sa ‘yo. Nawa’y maging matapat kayo sa iyong mga asawa at sa mga pangako ninyo noong kayo’y ikasal. Sa mga kabataang katulad ko, sana po ay igalang ninyo hindi lang ang inyong mga magulang, kundi pati rin ang lahat ng mga taong nasa awtoridad. Kung mali ang tinuturo nila sa atin, sabihin sa kanila kung ano ang dapat tama, ngunit huwag kalimutang respetuhin sila. At para sa lahat, kahit wala na ang isang indibiduwal, patay na, o kaya umalis kayo para magtrabaho sa ibang bansa, huwag po nating kalimutan ang mga alaalang kasama sila, at nawa’y isabuhay ang mga natutunan natin sa mga karanasang ito. Higit sa lahat, huwag nating kalimutan na magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya niya sa atin, at maging mga biyaya rin sa ating mga kapwa, hindi lang tuwing Kapaskuhan, kundi sa ating araw-araw na pamumuhay.

Sa ating paglalakbay sa daan ng Pasko ng Pagsilang, tularan natin ang Banal na Mag-anak na sa gitna ng mga pagsubok, napahalaga ang imahe ng konsepto ng pamilya, at ang kalooban ng Diyos ay nasundan.

Reply

Meleriza Marcelo December 28, 2025 at 7:26 pm

Thank You so much and Praise to You Father God and Lord Jesus Christ Hallelujah! Hallelujah!!! Amen!

Reply

Joshua S. Valdoz December 27, 2025 at 5:58 pm

BdKz December 28, 2025 at 3:29 pm

Holiness stars with our Family.
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
Thank You,Lord.
#GvSunday

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: