Podcast: Download (Duration: 7:11 — 7.0MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Martes
Ang Panginoon ang ating Pastol na nakakikilala sa bawat isa sa atin. Ialay natin ang ating mga panalangin sa Diyos nang may pagtitiwala sa kanyang pag-ibig para sa atin.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Pastol, dinggin mo kami.
Ang Simbahan nawa’y maging isang buhay na tanda ng tunay na malasakit at lubos na pangangalaga para sa mga itinakwil ng ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nalihis sa landas ng kabutihan nawa’y marinig ang tinig ni Kristo, ang Mabuting Pastol, na tumatawag sa kanila upang magbalik sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga kabataan nawa’y marinig ang tinig ng ating Panginoon na tumatawag sa kanila para sa pagbabagong-loob at pagtatalaga ng buhay para maglingkod, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang lahat ng nagdurusa at maysakit nawa’y makaunawa na mahal sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagkalinga at paglingap na ibinibigay natin sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pumanaw na ay makapasok nawa sa “pintuan ng kulungan” at magdiwang na kasama ng Pastol at bantay ng kanilang kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.
Pinakabutihing Ama, gabayan mo kami sa matuwid na landas. Dinggin mo ang aming mga panalangin at pagpalain mo ang bawat isa sa amin sa paraang ikaw ang higit na nakaaalam. Nawa’y makasunod kami kung saan mo kami akayin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Lunes, Disyembre 8, 2025
Miyerkules, Disyembre 10, 2025 »




{ 6 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Ebanghelyo ay tungkol sa misyon ng Simbahan na iakay ang tao tungo sa kaligtasan ng Diyos. Ang Talinghaga tungkol sa Nawawalang tupa ay patunay na ang Diyos ay maawaain sa kabila ng ating pagsusuway sa kanya. Kung ang isang pastol ay gumagamit ng tungkod upang ipukpok ang isang tupa para madisiplina, ang disiplina naman ng Panginoon para sa mga nagkasala ay awa at habag. Siya ang dakilang pastol na lalabas mula sa 99 tupa upang hanapin ang nawawalang tupa. At kapag ito’y natagpuan niya, magagalak siya at iimbitahan ang mga kaibigan na magsaya dahil nahanap niya ang nawawala.
Kaya nga ngayong Panahon ng Adbiyento, inihahanda natin ang ating sarili para sa pagdating ng Panginoon. Ang Unang Pagbasa ay isang propesiya ni Isaias tungkol sa darating na aliw para sa bayang Israel na nagdurusa sa panahon ng pagkatapon sa Babilonia. At makikita dito ang isang pahayag tungkol sa misyon ni San Juan Bautista, na siyang mismong magpapahayag ng pagbibinyag, pagpapanumbalik-loob at paggawa ng kabutihan bilang paghahanda sa pagdating ng Panginoon.
Kaya patuloy tayong minamahal ng Diyos sa kabila ng ating mga pagkukulang at pagkakasala. Ngunit tayo ay inaanyayahan lalung-lalo na ngayong Adbiyento na magbalik-loob sa kanya at mamuhay nang marangal sa paggawa ng tama at mabuti. At ganyan rin ang gawin natin sa ating kapwa lalung-lalo na sa mga matagal nang sumuway sa Diyos na ipadama natin sa kanila na patuloy nagmamahal ang Diyos sa kanila upang sila rin ay bumalik sa kanya at gumawa ng katuwiran at kabutihan.
May mga taong makasalanan na nag aakalang wala na silang pag-asa, kaya’t lalo na lamang silang nagpapakasama. Iniisip nila na sa bigat ng kasalanan nila ay hindi na sila mapapatawad ng Diyos. Kaya’t ipinagpqpatuloy na lamang ang pagawa ng masama hanggang sa mapahamak at mahantong sa parusa ng karamdaman, pagkabilanggo, magulong buhay at kamatayan.
Kapatid sa ating ebanghelyo ngayon, ang pastol ay si Hesus at tayo amg mga tupa. Mahabagin si Hesus at mapagpatawad, iiwanan nya ang 99 na tupa pra hanapin ang isang naliligaw, at kapg natagpuan ay magdidiwang sya. Kinalulugadan ng Diyos ang nagbabalik loob sa kanya. Gusto ni Hesus yun, yung mga makasalanang tao na nagsisi, humihingi ng kapatawaran at nagsisikap ng matalikuran ang mga maling gawa.
Samantalahin natin ang panahon ng Adviento, ngayon na kapatid, huwag na tayong magpatumpik tumpik pa at wag na tayong mag alinlangan lumapit sa kanya. Babaguhin nya ang buhay mo, bibigyan ka nya ng tunay na kaligayahan, kapayapaan, peace of mind at wagas na kasiyahan na hindi mabibili ng kahit gaano kalaking salapi. Hindi na tayo matatakot sapagkat pg nagtiwala ka sa kanya ay sya ang bahala sa atin.
Ako ay isang makasalang tao, sumusuway ako sa sampung utos ng Diyos at ang buhay ko ay walang katahimikan, puro kaguluhan, puro panandaliang sarap lamang, hindi maktaulog ng mahimbing at walang kapayapaan. Subalit ng hinanap ko si Hesus at matagpuan sa kanyang mga Salita, isinabuhay ko ito, paunti unti, dahan dahan hanggang sa mgakaroon na ako ng relasyon sa Diyos. Hindi ko na alintana ang anumang suliranin, lagi mya akong tinutulungan, walang ng kalungkutan, pagkagutom, pagkauhaw, pangamba at takot. Dahil kakampi ko ang Ama, mahal na mahal nya tayo. Iniintay nya lamang na lumapit tayo at magbalik loob at yayakapin nya tayo ng buong higpit at hinding hindi na pababayaan.
Salamat Panginoon saiyong banal na salita at pangalan,, na gabay namin sa araw-araw,,,AMEN,,,.
Higit na ikinagagalak ng Panginoon ang isang naligaw at nagbalik loob sa Kanya, kaysa sa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw ng landas. Gayun din naman, hindi kalooban ng ating Panginoon na mapahamak ang isa sa naliligaw ng landas sa buhay, amen.
PAGNINILAY:
“Ano sa palagay ninyo kung ang isang tao ay may isandaan na tupa at naligaw ang isa, hindi ba niya iiwan ang siyamnapu’t siyam sa kaburulan at hahanapin ang naligaw?” Ang talinghagang ito ay nagpapahayag ng walang hanggang pagmamahal ng Diyos sa bawat isa sa atin. Ipinapakita rito ang larawan ng Diyos bilang isang Mabuting Pastol na handang iwan ang marami upang hanapin ang nawawala. Ang bawat isa ay mahalaga sa Kanya, kahit na tayo’y nagkamali o naligaw ng landas.
Ipinapakita sa Ebanghelyo ang halaga ng bawat kaluluwa sa paningin ng Diyos. Sa mata Niya, ang bawat tao ay may natatanging halaga, kung sa mata ng mundo, ang nawawalang tupa ay maaaring ituring na maliit o hindi mahalaga, sa Diyos, kahit ang isa man nito ay hindi kailanman pababayaan na mawalay sa Kanya. Ganito ang pagmamahal ng Diyos sa atin—hindi Niya tayo kayang iwanan sa kabila ng ating mga pagkukulang kung tayo man ay malihis ng landas.
Dama sa Mabuting Balita ang inisyatibo ng Diyos. Makikita ang pagkakaiba ng bayarang pastol sapagkat wala ito malasakit sa kanyang kawan. Ang Panginoong Hesus bilang Mabuting Pastol ay nagbibigay sa atin ng halimbawa ng isang tunay na lider na nagmamalasakit, naglilingkod, at nagsasakripisyo para sa iba. Tinatawagan tayong tularan ang Kanyang halimbawa, maging sa ating mga pamilya, komunidad, at simbahan. Huwag tayong tumulad sa bayarang pastol na inuuna ang pansariling interes kaysa sa kapakanan ng iba na walang pakialam o naghihintay na ang nawawalang tupa ang bumalik. Si Hesus bilang mabuting pastol—Siya ang gumagawa ng paraan upang maibalik tayo sa Kanyang piling. Ito’y paalala sa atin na ang kaligtasan ay biyaya at inisyatibo ng Diyos, at hindi ito nakasalalay sa ating sariling kakayahan.
Ang kwento ng talinghaga ay maihahambing sa kagalakan ng Diyos sa kahit isang nagsisisi. Kapag natagpuan ang nawawalang tupa, nagkakaroon ng malaking kagalakan na nagaganap sa langit tuwing may isang makasalanan na nagsisisi. Ang Diyos ay nagagalak kapag bumabalik tayo sa Kanya, anuman ang ating nakaraan o pagkakamali. Kung tayo man ay nasa lugar ng nawawalang tupa, huwag tayong matakot dahil ang Diyos ang gumagawa ng lahat upang tayo’y maibalik sa Kanyang kawan.
Binhi ng Hamon:
1. Tayo ba ay handang tumugon sa tawag ng Diyos na bumalik sa Kanyang piling?
2. Handa ba tayong magpatawad tulad ng pagpapatawad na ipinapakita ng Diyos?
Panalangin:
Manalangin tayo. Panginoon, salamat sa Iyong pagiging Mabuting Pastol. Nawa’y matularan namin ang Iyong pagmamalasakit at sakripisyo, at maging tunay kaming tagapaglingkod sa aming kapwa. Amen.
God knows us.
Don’t judge others.
Love our neighbors like ourselves as followers of God.
No one is perfect only God.
Open our weaknesses to God, he sees our difficulties.
We have a good, patient, and loving God.
-FR. JOWEL JOMARSUS GATUS
God is good all the time.
All the time God is good.
Amen