Linggo, Disyembre 7, 2025

December 7, 2025

PANALANGIN NG BAYAN

Patnubay sa Misa

Sa hamon ni San Juan Bautistang patunayan natin ang hangad nating higit na magpakabuti, kailangan natin ang tulong ng Panginoon sa ganitong mahalagang pagsisikap. Buong kababaang-loob at katapatan tayong manalangin:

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Nawa ang buong Simbahan ay magpatuloy sa diwa ng pagbabagong loob at katapatang makabawi sa mga nagawang kasalanan ng kanyang mga kasapi. Manalangin tayo.

Nawa lahat ng pinuno ng Simbahan ay magtamo ng kagitingan at kababaang loob ni Juan Bautista sa pangangaral sa kanilang mga kawan at gabayan tayo ng kanilang ulirang pamumuhay. Manalangin tayo.

Nawa lahat ng may kapansanang pisikal ay palakasin ng kanilang pananalig sa pag-ibig ng Diyos at maging inspirasyon sila sa iba kung paano magpasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang natatanggap mula sa kanya. Manalangin tayo.

Nawa ang mga may HIV/AIDS ay patuloy na umasa kay Hesus sa kabila ng kanilang karamdaman, at sila nawa ay bigyan ng pangangalagang tulad ng kay Kristo, ng mga taong nagmamalasakit sa kanila. Manalangin tayo.

Nawa bawat isa sa atin, ang ating mga mag-anak, at mga pangkat na kinabibilangan ay makaiwas sa anumang makahahadlang sa ating pagtanggap kay Hesus. Manalangin tayo.

Diyos Ama, bukal ng lahat ng buti at biyaya, dalisayin ang aming mga layunin at tibayan ang aming mga kalooban upang lahat ng aming gawin sa Adbiyentong ito ay maging para sa higit Mong kaluwalhatian at ikabubuti ng aming mga pamayanan. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Jose M. Javier December 4, 2016 at 4:32 am

In preparation for the coming of our , dapat po ay malinis ang ating sarili o we must be pure to welcome the Holy Spirit in our lives. Hindi po kasi tumtugon ang banal na espiritu kung tayo ay makasalanan. “The world is fading away, along with everything it craves. But if you the will of God, you will live forever (1 John 2:17).

Reply

Reynald Perez December 2, 2019 at 1:38 am

REFLECTION: I remember last 2014 when a certain stray cat used to stay outside our house. The first time he came (last December 2013), I noticed that he was bothering me every time I go out of the house, meowing for food. And every time I would go inside the house, he seem like to follow me inside. One time, my pet Japanese spitz Angel tried to chase that cat, but soon afterwards, it was running away anymore. It would go outside the gate and meow angrily, then Angel would just bark at it. At first, I thought I had to endure the cat’s tactics by giving food and allowing myself to be annoyed. But eventually, my family and I enjoyed the cat so well. It died about the third-fourth week of July, 2014. To be honest, I still miss that stray cat, wishing that he had stayed long in our garden and backyard. I could have given more time and attention with it, the same things I do with Angel. But I am assured that it is now happy in heaven, and I know and feel that it will never forget us for spending 9 months of our time with it.
The Second Week of Advent focuses on the theme of peace, wherein the second candle is lit (violet). Peace is not just the absence of war, violence, and hatred, but it is also calmness, order, harmony, unity, and most especially immersing and being in solidarity to build and strengthen love among one another. Isaiah and Saint John the Baptist are two prophets who proclaimed the messages of this Messiah who brings us these concepts. Isaiah would speak of a Virgin giving birth to Emmanuel, God-with-us, and the Child Emmanuel is called Prince of Peace. The prophet speaks of the Messiah coming from Jesse, the father of King David. Just as David brought justice, peace, and unity in Israel and Judah, so it will with the descendant of the king and Jesse that he’ll bring the same message this time throughout the world. Edward Hicks interprets Isaiah 11:6-8 in his painting “Peaceable Kingdom” (1812). The paradoxical meaning of this is that Jesus is the foretold Messiah who will bring harmony, justice, and faithfulness to all creation, since he is the firstborn of them all, wherein God the Father made everything through him. He is that Word that became man in order to live like us except the corruption of sin and show us the way by his spiritual poverty and humility. That is why Saint John the Baptist goes before the Lord to prepare a people fit for the coming. John, whose name means “God is gracious”, isI a blessing to Elizabeth and Zechariah after many years of having no children. But more than that, he is the prophet who would proclaim the message of repentance and conversion, which is two ways to experience the greatness of God and prepare for that coming into the lives of people. The greatness of God is fulfilled through Jesus Christ, wherein there is peace, justice, and harmony. John baptised people with water from the Jordan River, but this element would soon later be the matter of a Sacrament that Christ will institute before his Ascension into heaven (Cf. Matthew 28:19), wherein the Holy Spirit will dwell in us, making us right to be called adopted children of God. Even John the Baptist proclaimed repentance when he denounced the hypocrisy of the Pharisees and Sadducees who were spying on him. Although it is not mentioned in this passage but in another one, the prophet denounced King Herod Antipas of Galilee for divorcing his wife, a Nabothean princess, and married Herodias, wife of his brother Philip, terarch of Ituraea and Tranchonitis. Nevertheless, the message of John the Baptist to repentance and conversion is actually a foretaste of the Lord’s message of justice, peace, unity, harmony, love, and mercy.
My dear brothers and sisters, Advent is the Season of preparation for the Lord’s coming. What should be focused on our mindset is not just the celebration of Christmas and the Last Judgment at the Parousia, but also the everyday manifestation of the Lord in the signs of the times when we recognise his presence among us. I think perhaps that stray cat is one of those signs in my life that strengthened my preparations on what does God want me to do with it. I spent my time by feeding it and going outside for awhile to stay with it. Eventually, my family and I were able to do these things before it passed away two years ago. Likewise, this is what Advent is all about: our inner preparations for the Lord’s coming. So as we journey down this Advent road, let us prepare well for the coming of the Lord by accepting his message of justice, love, peace, mercy, and faithfulness. Let us straigthen the crooked paths of our vices, sins, failings, and spiritual disabilities, repent from then, and have an inner conversion not only of our personality, but also of our own mindsets and attentions in life based on the will of God.

Reply

Reynald Perez December 7, 2019 at 11:29 am

Pagninilay: Ang Ikalawang Linggo ng Adbiyento ay nakapokus sa katauhan ni San Juan Bautista, ang anak nina Zacarias at Elisabet at pinsan ng ating Panginoong Hesukristo. Ang kahulugan ng kanyang pangalan sa wikang Hebreo ay “Ang Diyos ay mapagbigay-loob” o “Ang Diyos ay mapagbiyaya”. Si Juan ay biyaya sa kanyang mga magulang na sa kabila ng kanilang katandaan at pagiging baog ni Elisabet, pinagpala pa rin sila na magkaroon ng isang anak. Si Juan rin ay biyaya sa sambayanan ng Diyos sapagkat ayon sa Ebanghelyo, siya ang naging tinig na sumisigaw sa disyerto ng Ilog Jordan ng pagsisisi at pagbabalik-loob patungo sa Panginoong Diyos. Ang misyon ni San Juan Bautista ay ipaghanda ang isang bayan para sa pagdating ng Manunubos, kaya ang pahayag niya ay ang pagtutuwid ng mga landas, pagpapatag ng mga bundok at burol, at pagpupuno ng mga lambak. Ang dalang mensahe ni Juan ay kapayapaan at katarungan. Ito ang naging propesiya ni Isaias sa Unang Pagbasa tungkol sa ginhawa at payapang kaharian na mararanasan ng lahat ng nilalang ng Diyos dahil sa batang sanggol na gagabay sa kanila. Kaya itong pagbasa ay naging batayan ni Edward Hicks upang ilikha ang kanyang sining na pinamagatang “Peaceable Kingdom”. At tulad ng awit ng Salmong Tugunan, mabubuhay ang tao ng marangal at sasagana kailanman. Kaya si Hesus ay ang Prinsipe ng Kapayapaan at Araw ng Katarungan upang ang lahat ng tao ay makatanggap ng mga biyaya ng Diyos Ama. At ito ang plano ng kaligtasan na ipinahayag ni San Juan Bautista na tatanggapin ng lahat ng tao. Sabi nga ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na ang salita ng Diyos ay ipinahayag sa mga Hudyo upang ang mga Hentil ay makarinig din ito at sila’y magpupuri sa Panginoon. Kaya ito yung naging misyon ni San Pablo bilang Apostol ng mga Hentil nang ipahayag niya ang Mabuting Balita ni Kristo sa lahat ng tao, maging Hudyo o Hentil man. Katulad din ito ng pagpaparangal ni San Juan Bautista sa disyerto na ang kaligtasan ng Diyos Ama na ipinagkaloob ng Diyos Anak na si Hesus ay para sa lahat ng tao. Ang tamang disposiyon ay tanggapin itong mensahe nang kalugud-lugod na may taos-puso na pagsisisi, tunay na pagbabalik-loob, at patuloy ng paggawa ng tama at mabuti. Ito sana ang ating disposisyon hindi lang ngayong Adbiyento at darating na Pasko, kundi sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Makakamit natin ang kaginahawan, kapayapaan, at katarungan sa ating buhay kung mananaig sa ating damdamin at saloobin ang kabutihan at pagmamahal bilang pagkikila sa presensiya ng Panginoon sa ating mga buhay.

Reply

ruel arcega December 3, 2022 at 3:41 pm

Ngayon taon ito 2022, at darating na taon 2023, and mensahe ni Juan Bautista ay isang mensahe at panawagan na nagbibigay pa rin nang malalim na kahulugan at kabuluhan. Dahil ang laman ng mesahe niya ay magsisi at mag balik loob sa Diyos. Ang dalawang pagkilos na nagpapadalisay sa ating pagkatao upang maging totoo o tunay na lingkod ng Diyos na sumusunod kay Hesus ay handa na magsisi sa kayang mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos ay nagpapapatunay na pagiging Kristiano. Hindi sapat na nagsisi, pero hindi nagbabalik-loob sa Diyos. Hindi rin sapat na bumabalik sa Diyos pero hindi naman nagsisi. Ito nakita ni Juan sa mga paraseo at saduseo na nagpapabinyag kay Juan dahil sila’y mga mapagbalat kayo, mga alupong. Hari mawa huwag tayoa matulad sa kanila, dahil ang pagiging alupong ang siyang mas higit na umiiral sa buhay ngayon kaya ang panawagan ni Juan Bautista ang angkop hanggang ngayon upang maging totoo ang ating paghahanda sa pagdating ng Panginoon,

Reply

Joshua S. Valdoz December 3, 2025 at 7:42 pm

Pagninilay: Ang Ikalawang Linggo ng Adbiyento ay nakapokus sa katauhan ni San Juan Bautista, ang anak nina Zacarias at Elisabet at pinsan ng ating Panginoong Hesukristo. Ang ika-siyaw at huling araw ng Pagnonobena sa Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Birhen ng Antipolo) at Ika-limang Araw ng pagnonobena sa Mahal na Birhen ng Guadalupe ay ang kahulugan ng kanyang pangalan sa wikang Hebreo ay “Ang Diyos ay mapagbigay-loob” o “Ang Diyos ay mapagbiyaya”. Si Juan ay biyaya sa kanyang mga magulang na sa kabila ng kanilang katandaan at pagiging baog ni Elisabet, pinagpala pa rin sila na magkaroon ng isang anak. Si Juan rin ay biyaya sa sambayanan ng Diyos sapagkat ayon sa Ebanghelyo, siya ang naging tinig na sumisigaw sa disyerto ng Ilog Jordan ng pagsisisi at pagbabalik-loob patungo sa Panginoong Diyos. Ang misyon ni San Juan Bautista ay ipaghanda ang isang bayan para sa pagdating ng Manunubos, kaya ang pahayag niya ay ang pagtutuwid ng mga landas, pagpapatag ng mga bundok at burol, at pagpupuno ng mga lambak. Ang dalang mensahe ni Juan ay kapayapaan at katarungan. Ito ang naging propesiya ni Isaias sa Unang Pagbasa tungkol sa ginhawa at payapang kaharian na mararanasan ng lahat ng nilalang ng Diyos dahil sa batang sanggol na gagabay sa kanila. Kaya itong pagbasa ay naging batayan ni Edward Hicks upang ilikha ang kanyang sining na pinamagatang “Peaceable Kingdom”. At tulad ng awit ng Salmong Tugunan, mabubuhay ang tao ng marangal at sasagana kailanman. Kaya si Hesus ay ang Prinsipe ng Kapayapaan at Araw ng Katarungan upang ang lahat ng tao ay makatanggap ng mga biyaya ng Diyos Ama. At ito ang plano ng kaligtasan na ipinahayag ni San Juan Bautista na tatanggapin ng lahat ng tao. Sabi nga ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na ang salita ng Diyos ay ipinahayag sa mga Hudyo upang ang mga Hentil ay makarinig din ito at sila’y magpupuri sa Panginoon. Kaya ito yung naging misyon ni San Pablo bilang Apostol ng mga Hentil nang ipahayag niya ang Mabuting Balita ni Kristo sa lahat ng tao, maging Hudyo o Hentil man. Katulad din ito ng pagpaparangal ni San Juan Bautista sa disyerto na ang kaligtasan ng Diyos Ama na ipinagkaloob ng Diyos Anak na si Hesus ay para sa lahat ng tao. Ang tamang disposiyon ay tanggapin itong mensahe nang kalugud-lugod na may taos-puso na pagsisisi, tunay na pagbabalik-loob, at patuloy ng paggawa ng tama at mabuti. Ito sana ang ating disposisyon hindi lang ngayong Adbiyento at darating na Pasko, kundi sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Makakamit natin ang kaginahawan, kapayapaan, at katarungan sa ating buhay kung mananaig sa ating damdamin at saloobin ang kabutihan at pagmamahal bilang pagkikila sa presensiya ng Panginoon sa ating mga buhay.

Reply

MEL MENDOZA December 5, 2025 at 10:32 pm

PAGNINILAY:
Mateo 3, 1–12
“METANOIA”

Sa panahon ng Adbiyento, ang Simbahan ay tumitigil upang magnilay sa dalawang pangunahing tema: paghahanda at pagsisisi. Bago pa man dumating si Hesus sa pampublikong ministeryo, isang tinig ang nauna nang umalingawngaw—si San Juan Bautista, ang tagapagpauna, ang nagbabantay sa pagdating ng Mesiyas, at ang propetang sumisigaw sa ilang, “Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon!”

Hindi lamang siya bahagi ng kuwento ng Pasko; siya ang unang ilaw ng paggising, ang paunang babala ng Diyos na may paparating na mas makapangyarihan, banal, at kinakailangang tanggapin nang may pusong handa.

Ang ilang ay lugar ng katahimikan, pagninilay, at paghuhubog. Dito nakilala si Juan hindi sa sentro ng lungsod kundi sa ilang na lugar, kung saan ang puso ay humihina sa ingay at lumalakas sa Diyos. Ipinapaalala sa atin na ang tunay na paghahanda ay hindi nagsisimula sa labas, kundi sa loob.

Ang sigaw ni Juan ay malinaw: “Pagsisihan ninyo at talikdan ang kasalanan.”Hindi ito simpleng pagsisisi na emosyonal lamang. Ang salitang Griego na “metanoia” ay nangangahulugang pagbabago ng isipan at direksiyon ng buhay. Sa Adbiyento, ito ang mismong panawagan ng Diyos: Bumalik. Huminto. Magbago.

Bininyagan ni Juan ang mga tao sa tubig—isang panlabas na tanda ng panloob na pagbabago. Ito ay larawan ng Adbiyento: isang panahon ng paglilinis upang maging karapat-dapat ang puso sa pagdating ni Kristo.

Sa Ebanghelyo hindi natakot si Juan na tawagin ang mga Pariseo at Saduseo bilang “lahi ng mga ulupong.” Hindi dahil sa galit, kundi dahil sa pagnanasang ituwid ang panlilinlang ng pusong umaasa sa hungkag na tradisyon o walang bunga. Ang Adbiyento ay hindi lamang pag-sisindi ng kandila ito rin ay panawagan sa katapatan, integridad, at mabungang pananampalataya.

Sabi ni Juan: “Hindi ako karapat-dapat magdala ng kanyang panyapak.” Sa kabila ng pagiging dakilang propeta, nagpakumbaba siya sa harap ni Kristo. Ipinapaalala sa atin na ang pagpapakumbaba ay pintuan ng kabanalan.

Sa teolohikal na pananaw si Juan Bautista ay tumatayong bilang “Precursor Christi” (Tagapagpauna ni Kristo). Si Juan ang tulay sa pagitan ng Lumang Tipan at Bagong Tipan. Sa Lumang Tipan si Juan ang binabanggit ni propeta Isaias. Ipinapakita ng kanyang presensya na ang Diyos ay tapat sa Kanyang pangako. Ang bawat pagsisisi natin ay pakikiisa sa planong ito ng Diyos.

Ang Eschatological Warning: Ang Paghuhukom. Ang “Nakaamba na ang palakol sa ugat ng punongkahoy” ay paalala na ang pagpili natin ngayon ay may panghabambuhay na epekto. Ang Adbiyento ay panahon hindi lamang ng pag-asa kundi ng seryosong pagharap sa katotohanan ng buhay: kung paano tayo nabubuhay ay bunga kung tunay tayong nasa sa Diyos.
Ang Bautismo sa Espiritu at Apoy dito ay itinuturo ni Juan na ang misyon niya ay paghahanda lamang. Si Kristo ang magbabautismo sa Espiritu Santo—ibig sabihin, tunay na pagbabago mula sa loob, hindi panlabas lang.

Pagsasabuhay
Manahimik upang marinig ang Diyos. Katulad ng ilang, piliing maglaan ng oras sa katahimikan araw-araw. Kung walang ilang, walang paghahanda.
Suriin ang puso. Ano ang mga “bundok” ng kayabangan at “libis” ng kahinaan na dapat pantayin? Ano ang dapat bitawan?
Bunga, hindi palusot. Hindi sapat ang “Katoliko ako” kung walang bunga. Ipakita sa buhay ang pagsisisi, pag-ibig, at awa.
Pagpapakumbaba. Tularan si Juan. Sa lahat ng paglilingkod at ministeryo, laging ipaalala sa sarili:Lahat ay para kay Kristo, hindi para sa akin.
Pagharap sa katotohanan. Kung kailangan ituwid ang mali sa sarili, sa komunidad, sa pamilya gawin ito nang may katapangan at kababaang-loob.

Word of the Day: “METANOIA”
Metanoia — pagbabagong-loob, pagbabago ng isip, puso, direksiyon, at pamumuhay. Ito ang tunay na diwa ng Adbiyento at ang hamon ni San Juan Bautista.

Panalangin:
Panginoon naming Diyos, Sa panahon ng Adbiyento, iniaalay namin sa Iyo ang aming puso. Tulungan Mo kaming maging katulad ni San Juan Bautista— matapang sa katotohanan, mapagpakumbaba sa paglilingkod, at tapat sa panawagan ng pagbabagong-loob.
Linisin Mo ang aming mga puso, tuwirin ang aming mga landas, at ihanda ang aming mga buhay upang marapat naming tanggapin ang pagdating ni Hesus, ang Liwanag na magpapabago sa mundo.
Nawa’y ang aming salita at gawa ay maging bunga ng tunay na metanoia. Ito ang aming dalangin, sa ngalan ni Cristo na aming Panginoon. Amen.

Reply

BdKz December 7, 2025 at 8:39 pm

To have Peace –
Spend more time with the Lord.
Focus on God’s blessings and always be filled with gratitude.
Peace comes with harmony in being with others.
Ask the Lord for a new and clean heart.
Spend longer in prayer with the Lord.
Investing life eternal when praying.
No prayer, no power
No prayer, no peace.
More prayer, more peace.
More prayer, more power.
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
Thank You, Lord.
#GvSunday

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: