Podcast: Download (Duration: 7:00 — 6.8MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Adbiyento
Lunes
Sa pagpasok natin sa panahon ng Adbiyento, idalangin natin nang buong puso sa Diyos na ating Ama na ang pagkakataong ito ay maging bagong simula ng biyaya na magbubunga ng kapakinabangan para sa atin.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng awa, dinggin mo ang aming panalangin.
Ang mga naglilingkod sa Simbahan nawa’y makapaghatid ng liwanag ng Ebanghelyo sa buong sangkatauhan, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa ating sariling buhay nawa’y maipakita natin sa mga nangangailangan ang ating tulong na pag-ibig at habag katulad nang ipinamalas ng kapitan ng mga sundalong Romano sa kanyang utusan, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang unawain at tanggapin ang mga taong iba ang lahi at pananampalataya kaysa sa atin, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa kanilang pagdurusa, ang mga matatanda, mga nangungulila, at mga maysakit nawa’y paginhawahin ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga kapatid nating namayapa na, nawa’y makatagpo ang Panginoon na pinanabikan nilang makapiling, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming Diyos, tulungan mo kaming lumago sa pagkamahabagin at makapagbigay ng pag-asa sa lahat ng nakadadaupang-palad namin. Ilapit nawa kami ng panahong ito ng Adbiyento sa iyo at sa isa’t isa habang masaya naming hinihintay nang may buong pag-asa ang pagdating ng iyong Anak, ang aming Tagapagligtas na si Jesu-Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Nobyembre 30, 2025
Martes, Disyembre 2, 2025 »




{ 10 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Adbiyento ay panahon ng pananabik sa pagdating ng Panginoon. Ang mga Unang Pagbasa sa panahong ito ay hango sa isang propeta na direktang naghahayag ng mga propesiya tungkol sa Mesiyas, at siya ay si Propetang Isaias. Si Isaias na anak ni Amoz ay namuhay halos 800 taon bago sumapit ang karaniwang taon (8th century BCE). Sa propesiyang ito, ipinahayag niya ang pagluklok ng Diyos sa Templo sa Bundok ng Sion, na kung saan ang mga tao ay inaanyayahang umakyat sa tuktok na kung saan nanahan riyon ang Diyos. At ipinahayag din ni Isaias ang muling pagpapatibay ng Panginoon ang tipan nito sa sambayanan. Ang mga tabak ay magiging mga sudsod, at ang mga sibat ay magiging mga karit. Ito’y patunay na ang tipan ng Diyos ay para ang lahat ay mamuhay nang mapayapa at sumusunod sa kanyang liwanag. Kaya ang propesiyang ito ay tunkol sa Pagdating ni Hesus bilang Araw ng Katarungan, Prinsipe ng Kapayapaan, at Ilaw ng Sanlibutan.
At ang Ebanghelyo ay nagsasaad sa pagkikilala kay Hesus ng isang pinuno ng mga Romanong sundalo, at siya’y tinatawag na “centurion” sa wikang Ingles. Ang kapitang ito ay may alipin na kanyang hinilingin na pagalingin ng Panginoon. Nang marinig niya ang planong pagdalaw ni Hesus, nagpakumbaba ang pinuno at ipinahayag ang hinding pagiging karapat-dapat ang pagpapatuloy ni Hesus sa kanyang tahanan, ngunit kung iwiwika nito na gagaling ang kanyang lingkod. At sinabi ni Hesus na ang pananampalatayang ito ay natagpuan sa kanya sa kabuuan ng Israel, kaya nangyari ang hiling na gumaling ang alipin. Kung ang mga Hudyo sa kapanahunan ni Hesus ay naniniwalang sila lamang ang maililigtas ngunit hindi nakilala ang Mesiyas dahil hinihintay pa raw ito, ang kapitang ito ay bagamat itinuturing na isang Hentil ay mas nakilala niya ang Panginoon siguro dahil marami siyang narinig na mga kwento mula sa kanyang lingkod.
Kaya ang Adbiyento ay hindi lang paghahanda sa pagdiriwang ng Pagkatawang-tao ni Hesus sa Kapasakuhan, ni hindi lang ang Muling Pagpaparito niya sa katapusan ng panahon, kundi ang Adbiyento ay paghahanda sa pagdating ng Panginoon sa ating mga buhay sa pamamagitan ng iba’t ibang misteryo at iba pang mga pangyayari. At isa na dito ang Sakramento ng Eukaristiya na katulad ng kapitan ng mga Romanong sundalo, dinadasal natin ito bago tanggapin ang Katawan ni Kristo: “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.” Kahit alam po natin na tayo’y mga tao lamang na maaaring magkasala, patuloy nating hinahayaan na manahan si Kristo sa ating mga puso tuwing tinatanggap natin ang kanyang Katawan. Kaya nawa’y maging makabuluhan ang ating paglalakbay sa daan ng Adbiyento sa pagkakaroon ng pananabik sa Panginoon sa pagkakaroon ng pananampalataya at pagpapanibago ng kalooban upang gawin ang niloloob niya.
Ano ang hamon at aral sa ating ng ebanghelyo ngayon?
Pagpapakababa at Pananampalataya.
Ang kapitang Romano ay isang opisyal na may mga tauhan at sinusunod ano man ang kanyang inuutos, pero kinikilala nya at iginagalang ang Panginoon. Dito rin nahango ang laging sinasambit sa isang parte ng misa na “Panginoon hindi ako karapat dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.”
Suriin natin ang ating mga sarili, lalo na kung tayo ay naka aangat sa buhay, sikat, may posisyon, may kapangyarihan, maraming ari arian at tauhan. Tayo ba ay mayabang na? Mapagmalupit sa mga tauhan o kasambahay, nangmamaliit ng mga mahihirap, hindi pantay ang tingin sa walang pera at mayaman, bossy, hindi na marinong tumanaw ng utang na loob, nakakalimutan ng magpasalamat sa Diyos at hindi nagbabahagi ng biyaya sa nangangailangan at nagugutom.
Tularan natin ang kapitang Romanong ito nasa kabila ng kanyang posisyon o katayuan sa buhay ay alam nyang hindi sya karapat dapat na humarap o humiling sa Panginoon. Tularan natin sya sa kanyang pagpapakababa. Tularan natin sya sa pagmamahal sa kanyang alipin. At tularan natin sya sa init ng kanyang pananalig at pananampalataya.
Samantalahin natin ang Adviento, linisin natin ang ating sarili, mahalin ang kapwa at masabik sa pagdating ni Hesus. Amen
Pagninilay ni Jess C. Gregorii::
May mga pagkakataon na napapansin natin na tayo ay nagkukulang ng tiwala at pananampalataya sa maaaring gawin ni Hesus. Na kahit sinasabi na niya ay hindi pa rin tayo naniniwala. Marahil ito ay sa takot at pangamba na magkamali tayo. At sa ating paninimbang ay hinahayaan na lang natin na maniwala sa mga sinasabi ng mga tao kahit na lihis ito sa katotohanan. Mahina tayo bagama’t alam natin na tayo ay Templo ng Banal na Espiritu. Na ang buong kapangyarihan ng langit ay nasa ating kamay, hilingin lang natin. Pero kahit ito ay pinagdududahan pa natin at tahasan na ayaw tanggapin. Bagama’t nakikita, naririnig, at nararamdaman na natin na nagbabaga ang ating puso sa presensiya ng Diyos pag kumilos ang Espiritu sa atin, nais pa nating huwag maniwala at buhusan ang pagbabagang ito ng malamig na tubig, supilin ang kakaibang karanasan na ibinibigay ng ating Diyos. Hindi tayo sanay gumaling, magpagaling, gumawa ng mga mirakulo, mag puri sa ibang lenguwahe, magmistulang lasing sa kasasayaw, pagtalon, at pagsigaw ng papuri sa kanya. Hindi tayo sanay. Nahihirapan sa kakaibang gawi. Worst ay kung pag isipan pa natin na galing sa demonyo ang kakaibang pagsamba sa katotohanan at espiritu. At kung may ibang nanampalataya na hindi natin kapanalig ang gumagawa ng gayun, nilalait natin at may malisyang magtatanong, “Hindi naman siya Katoliko, anong karapatan niya humiling at magtiwala na sasagutin siya ni Hesus?” At sasabihin ni Hesus sa atin, “Wala akong nakitang ganito kalaking pananalig!” Sasabihin niya iyan sa mga pala-simba sa atin, sa mga elder at miyembro ng ating community na may plano mag-evangelize ng ating bayan at minsan pa ng buong mundo, sasabihin sa atin iyan ni Hesus na araw-araw ay nagdadasal sa kanya. Bakit nagka gayun? Isa lang ang dahilan, puno tayo ng sarili nating salita at plano sa buhay ngunit binusalsalan natin ang kanyang Salita at nagbingi-bingihan, ayaw makinig. Hindi dadaloy ang kanyang kapangyarihan. Tama ang Kapitang Romano, isa lang ang pakay niya at wala ng iba, ang pagalingin ni Hesus ang isang mahal na tagapag silbi niya. Maisalba ang isang alipin. At sa simple at focus na isipang ito, lumakas ang kanyang pananalig bagama’t hindi siya taga sunod ni Hesus. Simple lang ang Buhay Kristiyano. Kino-complicate lang natin.
PAGNINILAY
Natutuwa ang Diyos kapag inaamin natin ang ating kahinaan at pagkakasala. Kahit na ang pinakamabigat sa mga makasalanan na umamin sa kanilang kasalanan at yumukod sa harap ng Panginoon ay umangat sa iba. Si Hesus Mismo ay namangha sa napakalakas na pananalita ng senturion ng pananampalataya: “Panginoon, hindi ako karapatdapat na magpatuloy sayo, ngunit sabihin mo lamang ang salita at gagaling ang aking alipin, at ipahayag na hindi niya natagpuan ang gayong pananampalataya sa lahat ng Israel. Ang halimbawa ng senturion ay dapat magsalita sa atin ng isang espesyal na paraan: ito ay dapat magtulak sa atin na suriin ang katapatan ng ating pananampalataya kay Hesus. Ang simbahan ba ay naging isang panlipunang pagtitipon para sa atin kung saan tayo nagpupunta para magkaroon ng katayuan sa lipunan? Mas interesado ba tayo sa pagsang-ayon ng mga tao sa ating kabanalan, o talagang nagsisikap tayong maging banal? Inaanyayahan tayo ni Hesus na lumapit sa Kanya!
Panginoon, hindi ako karapatdapat na magpatuloy sa Iyo; ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako. Amen.
***
PAGNINILAY:
Inilalarawan sa Mabuting Balita ang ginawang paglapit ng centurion kay Hesus sa ngalan ng kanyang alipin, ito ay nagpapakita ng malalim na kababaang-loob, pananampalataya, at ekstra -ordinaryong pagmamalasakit sa kapwa. Bilang isang pinuno ng mga kawal, maaaring iutos niya sa iba na maghanap ng tulong para sa kanyang alipin, ngunit pinili niyang personal na lumapit kay Hesus. Ipinapakita sa Ebanghelyo ang mga katangian ng isang lider sa katauhan ng centurion, at narito ang ilan sa mga ito:
Una na, ang Pagmamalasakit at Pagpapahalaga sa Alipin.
Sa kultura noong panahon ni Hesus, ang mga alipin ay itinuturing na mababa ang kalagayan sa lipunan. Ngunit makikita sa centurion ang kakaibang malasakit sa kanyang alipin. Sa halip na ituring itong simpleng ari-arian, pinahalagahan niya ang dignidad ng alipin na nararapat sa kanya bilang tao. Ang kanyang malasakit ay nag-udyok sa kanya na hanapin si Hesus at magmakaawa para sa kagalingan ng kanyang alipin.
Kahit sa ating kasalukuyang panahon ang katangiang ito ng centurion ay one in a million na matatawag, kung tuos-tuusin maituturing pag-aari na parang gamit lamang na matatawag ang pagka-tao ng isang alipin sa buhay ng isang centurion. In real talk, kahit lingkod nga ng simbahan kung sumagasa ng karapatan ng isang kapwa lingkod ay parang ordinaryong gawain nalang sa kanila nasasabi nila without batting an eyelash ang masakit na mga maling akusasyon. Sa sitwasyong ganito, nasaan ang pagmamalasakit at pagpapahalaga mo sa kapwa pag may asal kang ganito bilang isang lider. Nawa’y magabayan tayo ng Ebanghelyo sa araw ito upang maging mabunga ang ating mga pamumuno.
Pangalawa, Pananampalataya sa Kapangyarihan ni Hesus.
Bagamat isang Romano o Hentil na maaaring hindi kabilang sa pananampalataya ng mga Hudyo, kinilala niya ang kapangyarihan ni Hesus. Nanampalataya siyang ang salita lamang ni Hesus ay sapat na upang pagalingin ang kanyang alipin. Ang ganitong klaseng pananampalataya ay nagpapakita ng kanyang paniniwala na si Hesus ay higit pa sa karaniwang tao. Sa pagka-mangha ng Panginoon nasabi Niya ““Sinasabi ko sa inyo, na hindi ako nakatagpo kahit sa Israel ng ganito kalaking pananalig. Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at kanluran at dudulog sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.”
Pangatlo, Kababaang-loob ng Isang Pinuno o Lider.
Ang centurion ay isang tao na may mataas na posisyon sa lipunan, ngunit ipinakita niya ang kababaang-loob sa paglapit kay Hesus. Sa halip na ipagyabang ang kanyang kapangyarihan, kinilala niya ang mas mataas na kapangyarihan ni Hesus. Sinabi niya, “Hindi ako karapat-dapat na puntahan ninyo sa aking bahay.” Ang kanyang kababaang-loob ay isang magandang halimbawa ng tunay na pagpapakumbaba kahit na siya ay isang lider. Katulad ng nabanggit ko na pag-lider ka ng mga lingkod ang pamumuno mo ay may kasamang malaking puso sa nasasakupan sa hanay mo, you are supposed to be an epitome’ of being a servant of God na dapat panghahawakan na katulad ng ipinakitang halimbawa ni Hesus.
Pangapat, Tunay na Pagkaalipin sa Pag-ibig.
Ang kilos ng centurion ay nagpapakita ng uri ng lider na inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili. Hindi niya isinantabi ang kanyang tungkulin bilang lider, ngunit ginamit niya ito upang maglingkod sa iba. Siya mismo ang gumawa ng hakbang na maglapit ng pagpapagaling sa kanyang alipin. Ang maging pinuno ay isang biyaya at tiwala na nanggaling sa Diyos. May kaakibat itong responsibilidad na ipalaganap ang pag-ibig at pagkaka-isa hindi ng pagkakawatak-watak sanhi ng pagpapairal ng pansariling kapakanan at ng sariling kagustuhan lamang. Dapat kailangan na maging alipin tayo ng pag-ibig at hindi ng kasakiman sa kapangyarihan.
Sa panghuli, ay ang Pagkilala sa Limitasyon ng Tao.
Bagamat may awtoridad sa ilalim ng gobyerno ng Roma, inamin ng centurion na ang kapangyarihan ng tao ay may hangganan. Kinilala niya na tanging ang salita ni Hesus ang makapagbibigay ng lunas sa kanyang alipin. Ang ganitong pagkilala ay tanda ng malalim na pag-unawa sa kanyang pangangailangan sa Diyos. Ang sinasabi dito ay we have to know our human limitations and boundaries. Kaya kinakailangan na laging hingin ang presensya ng Espiritu Santo na pangunahan tayo sa ating mga gagawin. Ang pagiging isang tunay na lider ay laging nangangailangan ng tulong ng Diyos at sapat na unawa at pagpapahalaga sa biyayang natanggap mula sa Kanya.
Mahalagang aral na dapat pagunam-gunamin. Ang centurion ay isang modelo ng lider na may malasakit, pananampalataya, at kababaang-loob. Sa ating sariling pamumuno o pakikitungo sa iba, dapat may matutunan tayo mula sa kanya na ang tunay na kapangyarihan ay nakasalalay hindi sa posisyon o awtoridad, kundi sa pagmamahal, at malasakit sa kapwa, at malaking pagtitiwala sa Diyos.
Idalangin at hilingin natin sa Diyos na matularan natin ang halimbawa ng centurion na maging handa rin tayong magpakumbaba at lumapit kay Kristo sa ngalan ng ating kapwa na nangangailangan. “Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin”. Amen ?
PAGNINILAY: Mortal na magkaaway ang mga Romano at mga Hudyo subalit sa Panginoon kahit ang matalik na magkatunggali ay kayang magkasundo. Ang pusong nagmamataas ay pakumbabang nagpapahayag na kailangan pala ng isa ang isa.
Ang Adbiyento ay gintong pagkakataon upang ang mga nag-aalitan ay muling magkasundo. Si Hesus ang tulay ng pagkakasundo. Sa kanya natutupad ang propesiya na dudulog sa isang hapag ang mga bansang noo’y magkakahiwalay at magkakaaway. Aminin natin: kailangan natin ang isa’t-isa.
Sinong kaaway mo ang baka naman puwede mo nang makasalo sa hapag ng pagkakasundo ngayong Pasko! Aminin mo kailangan mo rin siya sa buhay mo!
GAWAIN: Matutong makiusap sa kaaway mo na kailangan mo pala siya.
PANALANGIN: Panginoon, buksan mo ang puso ko sa pakikipagkasundo.
PAGNINILAY: Ang senturyon ay Romano na kalaban Ng mga Hudyo at sa Adbiyento ay gintong pagkakataon upang ang mga nag-aalitan ay muling magkasundo. Si Hesus ang tulay ng pagkakasundo. Sa kanya natutupad ang propesiya na dudulog sa isang hapag ang mga bansang noo’y magkakahiwalay at magkakaaway. Aminin natin: kailangan natin ang isa’t-isa.
Sinong kaaway mo ang baka naman puwede mo nang makasalo sa hapag ng pagkakasundo ngayong Pasko! Aminin mo kailangan mo rin siya sa buhay mo!
Sa Misa, bago ang komunyon, sinasabi natin, “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na mag patuloy sa iyo; sabihin mo lamang ang salita, at gagaling ang aking kaluluwa.” HINDI TAYO KARAPAT-DAPAT. Ngunit Sa kabila nito, tinatawag tayo na makibahagi at kumain ng KANYANG KATAWAN at uminom ng KANYANG MAHALAGANG DUGO.
Ang senturyon ay humingi ng tulong kay Jesus na naniniwala na ang kaniyang alipin ay gagaling sa kabila ng distansya. Ang kaniyang PANANAMPALATAYA ay pumuputol sa kadiliman ng imposibilidad. Kaya, tumugon si Jesus nang may paghanga at PINAGALING ang alipin. Ang KAPANGYARIHAN ng SALITA ni Jesus ay sapat na gumawa ng mga dakilang bagay: “Sabihin mo lamang ang salita, at gagaling ang aking alipin.” Si JESUS ang LOGOS ng DIYOS (ang Salita ng Ama). Ang ating PANANAMPALATAYA ay makakapagbukas ng Banal na kapangyarihan ng Diyos. Kaya, sa tuwing tinatawag natin ang BANAL NA PANGALAN NI JESUS, hindi lamang tayo humihingi sa Kaniya na gumawa ng isang bagay para sa atin, kundi Siya mismo ay dumarating sa atin at gumagawa ng mga dakila at kahanga-hangang bagay. Ang humingi kay Jesus na SABIHIN ANG SALITA ay higit pa sa paniniwala sa kung ano ang Kanyang magagawa, dahil ito ay isang GAWA NG PAGMAMAHAL at PANANAMPALATAYA.
GAWAIN: Matutong makiusap sa kaaway mo na kailangan mo pala siya, mahalin Ang kaaway at magsasalo sa hapag Ng Panginoon.
PANALANGIN: (sabihin ang natatanging kahilingan)
Panginoong Jesus, tunay na hindi ako karapat-dapat na tanggapin Ka sa aking buhay, dahil higit Mong minamahal ako kaysa sa pagmamahal ko sa aking sarili. Hayaan Mo na ang kapangyarihan ng Iyong mapagpaling na salita ay maranasan ko upang ako ay maging karapat-dapat na tanggapin Ka.
Amen
PAGNINILAY: Ano ang hamon at aral sa ating ng ebanghelyo ngayon?
Pagpapakababa at Pananampalataya.
Ang kapitang Romano ay isang opisyal na may mga tauhan at sinusunod ano man ang kanyang inuutos, pero kinikilala nya at iginagalang ang Panginoon. Dito rin nahango ang laging sinasambit sa isang parte ng misa na “Panginoon hindi ako karapat dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.”
Suriin natin ang ating mga sarili, lalo na kung tayo ay naka aangat sa buhay, sikat, may posisyon, may kapangyarihan, maraming ari arian at tauhan. Tayo ba ay mayabang na? Mapagmalupit sa mga tauhan o kasambahay, nangmamaliit ng mga mahihirap, hindi pantay ang tingin sa walang pera at mayaman, bossy, hindi na marinong tumanaw ng utang na loob, nakakalimutan ng magpasalamat sa Diyos at hindi nagbabahagi ng biyaya sa nangangailangan at nagugutom.
Tularan natin ang kapitang Romanong ito nasa kabila ng kanyang posisyon o katayuan sa buhay ay alam nyang hindi sya karapat dapat na humarap o humiling sa Panginoon. Tularan natin sya sa kanyang pagpapakababa. Tularan natin sya sa pagmamahal sa kanyang alipin. At tularan natin sya sa init ng kanyang pananalig at pananampalataya.
Samantalahin natin ang Adbiyento, linisin natin ang ating sarili, mahalin ang kapwa at masabik sa pagdating ni Hesus. Amen
PAGNINILAY:
Mabuting Balita: Mateo 8:5–11
“Pagtitiwala”
Sa pagsisimula natin ng Unang Linggo ng Adbiyento, tinatawagan tayo ng Simbahan na muling magising, maghanda, at umasa sa pagdating ng Panginoon. Ang Adbiyento ay hindi lamang paghahanda sa Pasko; ito ay panahon ng pagbabalik-loob, pananabik, at panibagong pag-asa.
At sa unang araw ng linggong ito, isang napakagandang larawan ang ibinibigay ng Ebanghelyo: isang taong Hentil, hindi kabilang sa Israel, ngunit nagpakita ng isang uri ng pananampalataya na higit pa sa marami.
Ang Centurion — isang sundalong Romano — ay hindi inaasahang maging modelo ng pananampalataya. Ngunit sa kanyang kababaang-loob, pagtitiwala, at pagkilala sa kapangyarihan ni Hesus, ipinakita niya kung ano ang tunay na diwa ng Adbiyento:
puso na bukas, pusong nananampalataya, pusong handang tanggapin ang Diyos na darating.
Core of the Holy Gospel
Ang sinabi ng Centurion:
“Panginoon, hindi ako karapat-dapat na pumaroon ka sa aking tahanan; ngunit sabihin mo lang ang salita at gagaling na ang aking alipin.”
Ito ang parehong panalangin natin sa Banal na Misa bago natin tanggapin si Kristo sa Eukaristiya. Tinuturuan tayong: Magpakumbaba. Magtiwala. Magpahubog sa kapangyarihan ng salita ng Diyos
Sa Teolohikal na Pananaw
1. Ang pananampalataya ay hindi nasusukat sa relihiyon o pinanggalingan. Ang Centurion ay hindi kabilang sa Bayan ng Diyos, ngunit siya ang nagpakita ng pinakadalisay na pananampalataya. Itinuturo nito na ang biyaya ng Diyos ay bukas sa lahat, at ang pananampalataya ay bunga ng pusong handang tumugon.
2. Ang tunay na pananampalataya ay nakaugat sa kababaang-loob. Ang “hindi ako karapat-dapat” ay hindi pagpapababa ng sarili, kundi pagkilala sa kabanalan ng Diyos at sa ating pangangailangan sa Kanya.
3. Ang kapangyarihan ni Hesus ay hindi nalilimitahan ng distansya o lugar. Isang salita lamang mula kay Hesus— at nangyari ang kagalingan. Ito ang eschatological hope ng Adbiyento: Ang dumating, dumarating, at darating pang Mesiyas ay may kapangyarihang baguhin ang lahat.
4. Ang pananampalataya ay pananabik — anticipation. Gaya ng Centurion, tayo ay tinatawag na: Maghintay nang may pananampalataya. Magtiwala sa salita ng Panginoon. Maghanda sa kanyang pagdating, hindi dahil karapat-dapat tayo, kundi dahil mahal na mahal Niya tayo
Pagsasabuhay/Application
Ngayong Lunes ng Unang Linggo ng Adbiyento, paanyaya sa atin:
1. Hamunin ang sarili sa mas malalim na pagtitiwala. May hiniling ka ba sa Diyos na matagal nang hindi natutugunan? Manalig ka. Sabihin mo: “Panginoon, sabihin Mo lang ang salita…”
2. Maging tagapagdala ng pag-asa sa iba. Ang Centurion ay humingi hindi para sa sarili, kundi para sa alipin. Anong kapatid, kaibigan, o kapwa mo ang kailangan mo ipagdasal ngayong Adbiyento?
3. Magpakumbaba sa harap ng Diyos. Sa gitna ng pagka-aligaga ngayong panahon, paalalahanan ang sarili: Ang puso ang tunay na handa — hindi ang dekorasyon, hindi ang regalo, kundi ang kaluluwang naghihintay sa Diyos.
4. Pagnilayan ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos. Sa bawat pakikinig, pagninilay, o pagbabasa mo ng Ebanghelyo, alalahanin: Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay-buhay, nagpapagaling, at nagbabago.
Word of the Day: “PAGTITIWALA”
Ang Adbiyento ay panahon ng pagtitiwala — hindi lang paghihintay na walang ginagawa, kundi aktibong pag-asang nasa Diyos ang lahat.
Panalangin:
Ama naming mapagmahal, Sa pagsisimula ng Unang Linggo ng Adbiyento, buksan Mo ang aming puso tulad ng Centurion. Turuan Mo kaming magpakumbaba, magtiwala, at umasa sa kapangyarihan ng Iyong Salita. Hipuin Mo ang aming mga sugat — ang sugat ng pananlalamig, pag-aalinlangan, pagkapagod, at mga takot. Gaya ng Centurion, sabihin Mo lamang ang salita, Panginoon… at pagalingin Mo ang aming puso.
Nawa’y maging handa kami sa Iyong pagdating — hindi lamang sa Pasko, kundi sa bawat araw na lumalapit kami sa Iyo. Ito ang aming hiling, sa ngalan ni Hesus. Amen.
God is bigger than our problem.
Miracles happen when you believe that God CAN.
Stop saying can’t and start saying that God can.
You can, oh Lord.
Lord, I am not worthy to receive you, but only say the word, and I will be healed.
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
#GvMonday
Thank You, Lord.