Podcast: Download (Duration: 9:13 — 6.5MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Sa paggunita natin sa pagbabagong-anyo ni Hesus at sa pagpapanibagong-sigla ng ating pangakong makinig sa kanya, pakumbaba nating idulog ang ating mga kahilingan at manalangin:
Anak ng Diyos, dinggin mo kami!
Para sa Simbahan, ang tahanan ng lahat ng sumasampalataya: Nawa’y liwanagan niya ang sangkatauhan sa pamamagitan ng kabanalan ng kanyang mga kasapi. Manalangin tayo!
Para sa Santo Papa at lahat ng ating mga pinuno: Nawa’y matagpuan nila sa Pagbabagong-anyo ni
Hesus ang lakas na kailangan nila upang magpunyagi sa kanilang mabuting gawa. Manalangin tayo!
Para sa mga walang pagpapahalaga sa panalangin: Nawa’y maging pampalakas-loob sa kanila ang halimbawa ni Hesus upang mapitagan nilang maitaas ang kanilang isipan sa Diyos. Manalangin tayo!
Para sa mga nag-aasal bilang “mga kaaway ng krus ni Kristo”: Nawa’y mapagtanto nila ang kanilang pagkakamali at sa halip ay tularan si Hesus. Manalangin tayo!
Para sa ating lahat: Nawa’y buong-tapang nating labanan ang “kultura ng kamatayan” na nagbabanta sa ating bayan at itaguyod ang “kultura ng buhay at pag-ibig.” Manalangin tayo!
Para sa lahat ng pamilyang hindi nagkakasundo: Nawa’y makatagpo sila ng lunas sa kanilang mga sugat sa pamamagitan ng kapatawaran, pagtuklas sa yamang panloob na taglay ng bawa’t isa, sa kabila ng kanilang nagkakaibang pananaw. Manalangin tayo!
Panginoong Hesus, sa Bundok ng Tabor ipinakita mo ang kaningningan ng iyong dakilang kabanalan at pinuspos mo ng kagalakan ang iyong mga disipulo. Ipamalas mo sa amin ang iyong sarili sa pagdiriwang ng Eukaristiyang ito at puspusin mo kami ng iyong kapayapaan upang tapat kaming makapaglingkod sa iyo sa lahat ng araw ng aming buhay.
Amen!
Pages: 1 2
« Sabado, Marso 15, 2025
Lunes, Marso 17, 2025 »




{ 6 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Mapapansin po natin na tuwing Ika-2 Linggo ng Kuwaresma, ang Ebanghelyo sa araw na ito ay palagi tungkol sa Pagbabagong-Anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor. Makikita po natin ang isang “paradigm shift” mula noong si Hesus ay tinukso ng Diyablo sa disyerto subalit lumabas na tagumpay. Ang kanyang Pagbabagong-Anyo naman ay isang maluwalhating pangyayari na ang Anak ng Diyos bagamat may mataas na kalagayan ay naging masunurin sa dakilang kalooban ng Diyos Ama. Nakita si Hesus ng tatlong alagad na nangungusap kina Moises at Elias. Si Moises ay sumasagisag sa Kautusan, habang si Elias ay sumasagisag sa mga Propeta. Kaya ang kanilang presensiya sa Bundok ng Tabor ay nagpapatunay na si Hesukristo ay ang katuparan ng Kautusan at mga Propeta. At makikita na ang katuparang ito ay mangyayari sa magaganap kay Hesus na ating ipagdiwang sa Semana Santa: ang kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay na itinuturing na “bagong exodus”. Kaya ang pagkasalaysay nito ni San Lucas ay nagpapahayag na ang kaligtasan ng Diyos ay para sa lahat ng tao. Nakatulala ang 3 Apostol sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyayari, kaya’t hiniling ni Pedro na gumawa sila ng tatlong tolda para kina Hesus, Moises, at Elias. At dito’y makikita natin ang pagpapalibot ng isang ulap sa bundok at ang tinig ng Ama’y nagpapahayag na si Kristo ay ang kanyang kinalulugdang Anak. Kaya makikita natin sa Pagbabagong-Anyo ang presensiya ng pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Santatlo: Ang Ama ang lumikha ng mabuting bagay, ang Anak ang nagligtas mula sa ating mga kasalanan, at ang Espiritu ang patuloy na nagpapahiwaga ng mensahe ng pag-ibig sa atin. Makikita natin dito na tunay ngang natutupad ang pangako ng Diyos na kaligtasan sa pamamagitan ng pagiging masunurin ni Kristo sa dakilang kalooban. At ipinapakita sa atin ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa kalooban ng Panginoon, lalung-lalo na sa patuloy na pakikinig sa kanyang Anak sa pagsasabuhay natin sa Banal na Salita. At ang maluwalhating pangyayaring ito ay isang magandang paalala na ayon nga kay San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, ang ating pagiging mamamayan ay walang hangganan sa kalangitan kahit lahat po tayo ay papanaw balang araw sa daigdig na ito. Kaya ang hamon dito ay maging matapat sa plano at kalooban ng Diyos katulad ni Abraham sa Unang Pagbasa, upang mas biyayaan pa tayo at tumulad ang ating mga susunod na henerasyon. Sa gayon natin magagawa ang tunay na pagbabago mula sa ating mga puso’t isipan hanggang makamit natin ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan sa langit.
PAGNINILAY: Mapapansin po natin na tuwing Ika-2 Linggo ng Kuwaresma, ang Ebanghelyo sa araw na ito ay palagi tungkol sa Pagbabagong-Anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor. Makikita po natin ang isang “paradigm shift” mula noong si Hesus ay tinukso ng Diyablo sa disyerto subalit lumabas na tagumpay. Ang kanyang Pagbabagong-Anyo naman ay isang maluwalhating pangyayari na ang Anak ng Diyos bagamat may mataas na kalagayan ay naging masunurin sa dakilang kalooban ng Diyos Ama. Nakita si Hesus ng tatlong alagad na nangungusap kina Moises at Elias. Si Moises ay sumasagisag sa Kautusan, habang si Elias ay sumasagisag sa mga Propeta. Kaya ang kanilang presensiya sa Bundok ng Tabor ay nagpapatunay na si Hesukristo ay ang katuparan ng Kautusan at mga Propeta. At makikita na ang katuparang ito ay mangyayari sa magaganap kay Hesus na ating ipagdiwang sa Semana Santa: ang kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay na itinuturing na “bagong exodus”. Kaya ang pagkasalaysay nito ni San Lucas ay nagpapahayag na ang kaligtasan ng Diyos ay para sa lahat ng tao. Nakatulala ang 3 Apostol sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyayari, kaya’t hiniling ni Pedro na gumawa sila ng tatlong tolda para kina Hesus, Moises, at Elias. At dito’y makikita natin ang pagpapalibot ng isang ulap sa bundok at ang tinig ng Ama’y nagpapahayag na si Kristo ay ang kanyang kinalulugdang Anak. Kaya makikita natin sa Pagbabagong-Anyo ang presensiya ng pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Santatlo: Ang Ama ang lumikha ng mabuting bagay, ang Anak ang nagligtas mula sa ating mga kasalanan, at ang Espiritu ang patuloy na nagpapahiwaga ng mensahe ng pag-ibig sa atin.
Makikita natin dito na tunay ngang natutupad ang pangako ng Diyos na kaligtasan sa pamamagitan ng pagiging masunurin ni Kristo sa dakilang kalooban. At ipinapakita sa atin ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa kalooban ng Panginoon, lalung-lalo na sa patuloy na pakikinig sa kanyang Anak sa pagsasabuhay natin sa Banal na Salita. At ang maluwalhating pangyayaring ito ay isang magandang paalala na ayon nga kay San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, ang ating pagiging mamamayan ay walang hangganan sa kalangitan kahit lahat po tayo ay papanaw balang araw sa daigdig na ito. Kaya ang hamon dito ay maging matapat sa plano at kalooban ng Diyos katulad ni Abraham sa Unang Pagbasa, upang mas biyayaan pa tayo at tumulad ang ating mga susunod na henerasyon. Sa gayon natin magagawa ang tunay na pagbabago mula sa ating mga puso’t isipan hanggang makamit natin ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan sa langit.
Ang Ebanghelo sa ikalawang linggo ng kuwaresma, ay tungkol sa pagbabagong anyo ni Hesus. Ngunit at nais ipahayag ng tema dito ay ang pabgagagong anyo ni Hesus na kalakip ay ang kanyang pagdurusa, at kamatayan. Dadaan ni Hesus bilang tao nag kamatayan. Ngunit ito ay tinggap ni Hesus dahil ang bunga naman nito ay buhay na walang hanggan ng Tao at kaligtasan. Salamat Hesus sa iyong pagdurusa para sa amin. Salamat sa mga taong nagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba. At gayun di mag sakripisyo tayo sa ikakabuti ng iba.
Mga aral at hamon ng mga pagbasa ngayon:
Unang Pagbasa: Tapat ang Panginoon sa kanyang mga pangako. Umasa tayo dito kasabay ng pagsunod sa kalooban ng Ama. Katulad ng pagtalima ni Abram sa kautusan ng Diyos ang kapalit ay katuparan ng pangako at nag uumapaw na biyaya.
Pangalawang Pagbasa: Magpkatatag kayo sa inyong pamumuhay na kaugnay ng Panginoon. Mamuhay na tayo na bitbit palagian ang mga Salita ng Diyos, ang mga Mabuting Balita at ang mga kautusan. Sa ganitong paraan ng pamumuhay ay kailanman ay hindi tayo maliligaw. Walang pangamba at kalungkutan sapagkat alam nating kakampi natin ang Diyos.
Ebanghelyo: Ang pagbabagong anyo ni Hesus ay paanyaya sa ating ng pagbabagong anyo din natin. Pagababago tungo sa kabutihan. Pagsisi sa nagawang kasalanan, paghingi ng kapatawaran sa mga pagkakasala at pagsususmikap na matalikuran na ang baluktot qt kasuklam suklam na mga gawain. Iniintay lamang tayo ni Hesus, kunalulugdan ng Diyos ang makasalanang nagbabalik loob sa kanya. Matatandaang iniwan ng Mabuting Pastol ang 99 na tupa upang hanapin ang nawawalang isa. At ng masumpungan nya ito ay nagdiwang sya.
Samantalahin natin ang pnahon ng kwaresma upang magbagong anyo kaugnay ang Panginoon.
PAGNINILAY:
Ang tagpo sa Ebanghelyo ay ang Pagbabagong-Anyo ni Hesus sa Bundok, dalawang makapangyarihang pigura ng Lumang Tipan ang lumitaw na kasama Niya—sina Moises at Elias. Ang kanilang presensya ay may malalim na kahulugan sa plano ng kaligtasan ng Diyos.
Si Moises bilang Kinatawan ng Batas (Kautusan)
Si Moises ang tumanggap ng Sampung Utos sa Bundok ng Sinai (Exodo 20). Sinisimbolo niya ang Kautusan (Torah) na gabay ng Israel sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ang kanyang presensya ay nagpapahiwatig na si Hesus ang kaganapan ng Kautusan, hindi upang ito’y buwagin kundi upang tuparin (Mateo 5:17).
Si Elias bilang Kinatawan ng mga Propeta
Si Elias ay isa sa pinakadakilang propeta na nanindigan sa tunay na pagsamba sa Diyos laban sa idolatriya (1 Hari 18). Kinakatawan niya ang lahat ng propeta na nangaral tungkol sa pagdating ng Mesiyas. Ang kanyang presensya ay nagpapakita na si Hesus ang katuparan ng lahat ng propesiya tungkol sa Tagapagligtas.
Ang Pagbabagong-Anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor ay isa sa mga bihirang pagkakataon sa Ebanghelyo na kadalasan ang Ebanghelyo na ginagamit tuwing Ikadalawang Linggo ng Paghahanda, kung saan hayagang ipinakita ang Santatlo—ang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Ipinapakita ng pangyayaring ito ang kaganapan ng plano ng Diyos para sa kaligtasan ng tao.
Una, Ang Diyos Ama – Ang Tinig mula sa Ulap
Sa sandaling nagbagong-anyo si Hesus, isang ulap ang lumukob sa kanila, at isang tinig ang narinig na nagsabi: “Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang; pakinggan ninyo Siya!” (Lucas 9:35). Ang Diyos Ama ang nagpahayag ng pagka-Diyos ni Hesus. Ang Kanyang tinig ay nagpapatunay na si Hesus ang tunay na Anak ng Diyos, ang isinugo upang ganapin ang kaligtasan ng sanlibutan. Ang utos na “Pakinggan ninyo Siya” ay paalala na si Hesus ang may pinakamataas na awtoridad—higit pa kina Moises (Kautusan) at Elias (mga Propeta).
Pangalawa, Ang Diyos Anak – Si Hesus sa Kanyang Kaluwalhatian
Si Hesus, ang Diyos Anak, ay nagbagong-anyo at nagningning sa Kanyang tunay na kaluwalhatian. Ang pagbabagong-anyo ay isang paunang pagpapakita ng Kanyang maluwalhating muling pagkabuhay. Pinapakita nito na Siya ang katuparan ng Kautusan (Moises) at ng mga Propeta (Elias), kaya’t Siya lamang ang dapat sundin at pakinggan.
Sa panghuli , Ang Diyos Espiritu Santo – Ang Ulap na Lumukob sa Kanila
Sa Bibliya, ang ulap ay madalas na sumisimbolo sa presensya ng Espiritu Santo (Exodo 13:21-22, Exodo 40:34-38). Ang ulap na lumukob sa kanila ay isang tanda ng Espiritu Santo, na nagpapakita ng presensya ng Diyos. Ang Espiritu Santo ang gumagabay sa pagpapahayag ng katotohanan tungkol kay Hesus bilang Anak ng Diyos. Siya rin ang nagbibigay-liwanag sa mga alagad upang maunawaan ang kahulugan ng pangyayaring ito. Ang Diyos Espiritu Santo ang nagbubukas ng ating puso at isipan upang maunawaan ang kahulugan ng pananampalataya.
Hamon sa ating pananampalataya:
1. Pinakikinggan ko ba si Hesus sa aking buhay?
2. Nakikita ko ba ang Kanyang kaluwalhatian sa aking pananampalataya?
3. Hinahayaan ko bang gabayan ako ng Espiritu Santo sa aking paglalakbay tungo sa kabanalan?
Manalangin tayo. O Mahal na Santatlo, sa pagbabagong anyo ni Hesus ipakita mo din sa amin ang plano ng Diyos para sa kaligtasan ng tao. Tulungan Mo kaming panibaguhin ang aming mga sarili na mapakinggan namin si Hesus, masundan ang Kanyang halimbawa, at mapuspos ng Espiritu Santo upang mamuhay kami nang ayon sa Iyong kalooban. Amen.”
Alam kong lahat tayo ay nakakaranas ng mga tagumpay sa buhay hindi lang mga achievements sa trabaho/paaralan kundi pati na sa pamilya, o sa buhay na masasabi natin naabot na natin ang tugatong ng buhay. Kung baga, puro kasiyahan ang nadarama, kagalakan/ yung tipong wala ng paghihirap, wala ng kalungkutan sapagkat narating na nating ang ating inasasam na kaligayahan. At minsan nga, kapag nasa kaligayahan na tayo nakakalimutan nating balikan kung saan tayo nagmula. Lahat tayo ay nagmula sa hirap ng buhay, at kahit papano, unti unti tayong bumabagon, at nagsusumikap para sa ikaliligaya ng ating mga buhay.
At ito ang ating narinig ngayon sa ebanghelyo, ang Pagbabagong anyo ni Hesus sa bundok Tabor. Sa pagbabagong anyo ni Hesus ipinakita dito ang plano ng Diyos at ang kaligtasan ng tao at hayagang ipinahayang ang Santatlo sa mga ordinaryong tao para isakatuparang ang lahat ng propesiya tungkol sa tagapagligtas.
Na kung saan sa kanyang pagakyat kasama ang tatlong alagad sina Pedro, Santiago at Juan na naranasan nilang nalanghap ang tugatog at matiwasay na buhay sa bundok na ‘yon. At ano ang sabi ni Pedro? “Guro, mabuti pa’y dumito na tayo, gagawa po kami ng tatlong kubol, isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias,” Itoy pangyayari ng makita nilang, nag bagong anyo si Hesus at nagniningning ang kanyang kasuutan kasama sina Moises at Elias na siyang katuparan ng kautusan habang si Elias bilang kinatawang ng Propheta.
Sa realidad po ng buhay maaaring nakalalasap tayo ng maginhawang buhay, kaligayahan, at dumating sa puntong ay puro nalang kasiyahan, kaligayahan na ayaw na nating balikan saan tayo nanggaling at ibahagi ang ating nakamit sa kapwa. Pero minsan Nananatili tayong nasa taas, nagiging mga bulag, kaya ang nangyayari, tayo ay ubod ng yabang, mapagmataas sa sarili, mapangapi sa kapwa, mapanghusga at kung anu anu pa.
Binigyan po tayo ng Diyos ng mga Biyaya, isinama niya tayo sa budok upang makita natin ang kagandahan ng pagibig niya sa atin. Gaya rin ni Abram sa unang pagbasa, ipinakita at pinangakuan ng Diyos para sa kanyang magiging lahi niya. Kaya ganoon na lamang ang pagpakumbaba ni Abram sa Diyos “Panginoon, aking Diyos, papaano ko malamang itoy para sa akin?” hindi po nagmayabang si Abram sa mga biyayang tatamuhin niya sa pangako ng Diyos.
Kaya anuman ang nakamit natin sa buhay, iwasan po natin ang magmayabang, ang lumimot sa ating pinanggalingan, kaya ito ang nangyari sa mga alagad ni Hesus, na ayaw ng bumalik sa Jerusalem sapagkat alam nila, na ang buhay doon ay napakahirap, pero hindi nila nauunawaan na ang buhay ay hindi lamang kasiyahan, kaligayahan at magagarang pamumuhay kaakibat nito ang mga pagdurusa at kahirapan. Kailangan din nating balikan ang ating mga kanya kanyang Jerusalam gaya ni Jesus, sapagkat dito natin mararanasan ang tunay at ganap na kagalakan at karangalan na siya kinasasabikang makita ni Hesus dahil sa nagpakatatag tayo sa ating pamumuhay na nakaugnay sa lagi sa Panginoon.
Nawa sa ikalawang linggo ng kwaresma, mapangunahan nawa tayo ng Banal na Espiritu Santo upang gabayan tayo sa ating pagakyat sa bundok ng buhay na walang hanggan at ng maibahagi din natin sa ating kapwa ang lahat ng biayaya upang sila din ay makaakyat at makakita upang mas maunawaan ang kahulugan ng tunay na pananampalataya. Wag po tayong matakot na bumalik sa Jerusalem sapagkat dito natin makita ang tunay na pag-asa at kaligayahan. Amen.