Biyernes, Marso 7, 2025

March 7, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Biyernes Pagkaraan ng Miyerkules ng Abo

Sa pamamagitan ng pag-aayuno, binibigyan natin ang Diyos ng puwang sa ating buhay. Hilingin natin sa Panginoon na palakasin tayo sa ating pagpapakasakit upang matatag nating maituon ang ating mga isip at puso sa kanya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, nasa Iyo ang aming tunay na kagalakan.

Bilang mga alagad ni Kristo, tayo nawa’y makasunod sa mga utos ng ating Ama sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y magtiyaga sa kanilang mga pagsasakriprisyo ngayong Kuwaresma, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga pagtitimpi at pagpipigil sa sarili alang-alang sa Panginoon nawa’y matumbasan ng kaligayahan sa piling niya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, nasa bingit ng kamatayan at namimighati sa buhay nawa’y mapuspos ng biyaya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang namayapa nating mga kamag-anak at mga kaibigan nawa’y malayang makabahagi sa buhay ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ipagkaloob mo sa amin ang lakas upang mailaan namin ang mga sarili na mamuhay ayon sa Espiritung nananahan sa amin, na siyang lulupig sa aming mga kahinaan upang lubos kaming makabahagi sa Muling Pagkabuhay ng aming Panginoong Jesu-Kristo. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

SAINTSPOT February 24, 2023 at 7:24 am

Please SHARE & SUBSCRIBE
https://youtube.com/watch?v=AaZQ-XFoZLE&si=EnSIkaIECMiOmarE

GOSPEL REFLECTION:
Ang ating mga makamundong pagnanasa o pita ng laman ay madaling nagpapahina sa atin na pigilan ang ating pakikipag-relasyon sa Diyos. Upang mapagtagumpayan ito, kailangang tanggihan at iwasan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-aayuno. Noong panahon na kasama pa ng mga alagad si Hesus, napagtatagumpayan nila dahil sapat na ang presensya ni Hesus para mapigilan ang mga kahinaan nila.

Kaya’t noong umalis si Hesus, minabuti niyang mag-iiwan ng kahalili niya na siyang magpapalakas sa kanila, ang Banal na Espiritu Santo. Ang kanilang relasyon ay nagbago sa ibang dimension, hindi na nila nakakaharap at nahahawakan ang Diyos ng pisikal. At sa kadahilanang iyon, kailangan ng mga alagad na kontrolin ang kanilang mga hilig sa laman sa tulong ng Banal na Espiritu.

Ikaw at ako ay inaatasang sumunod kay Kristo na maging instrumento niya. Kailangan natin ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa ating buhay upang mapagtagumpayan ang ating mga kahinaan.

Pagnilayan, ngayon, ang kahalagahan ng pag-aayuno dahil ito’y susi para palakasin ang ating espiritu sa tulong ng Banal na Espiritu Santo. Pagnagkagayo’y nako-kontrol natin ang anumang kahinaan at napapatigil ang anumang kasalanan na pabalik-balik.

Mahal kong Panginoon, nagpapasalamat ako dahil binibigyan mo ako ng pagkakataon na maging instrument mo upang maibahagi ang iyong pag-ibig. Bigyan mo ako ng biyayang makasunod sa iyo at ma-disiplina ang aking sarili upang Ikaw at Ikaw lamang ang ganap na magkontrola ng aking buhay. Nawa’y maging bukas ako sa kaloob ng pag-aayuno at makatulong ito sa aking pagbabagong buhay. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Merle Tejemo February 24, 2023 at 9:55 am

Thank you Lord for another day..pra ikaw ay makapiling mula sa araw na ito sa aking pg ninilay ng iyong mga salita na ng bibigay ng kalakasan para harapin ang hamon ng buhay na my saya at kagalaksn sa aking puso…Praise to you Lord Jesus Christ..??

Reply

lolita sebastian March 7, 2025 at 9:05 am

Salamat po Panginoon sa panibagong araw, panibagong buhay, panibagong pag asa…. loobin mo po na makasunod ako sa iyong kalooban, makapaglingkod sa mga kapatid, tulungan mo po akong maging mabuting anak mo., loobin mong wag akong makagawa ng ikakalumbay mo., Amen?

Reply

Mel Mendoza March 7, 2025 at 9:26 am

PAGNINILAY:

Sa Ebanghelyo ipinapakita ni Hesus na ang pag-aayuno ay hindi lamang isang panlabas na ritwal kundi isang espiritwal na paghahanda. Habang kasama ng mga alagad si Hesus, ang tunay na dahilan ng kanilang kagalakan, hindi nila kailangang magluksa. Ngunit darating ang panahon ng Kanyang pagpapakasakit at kamatayan, at doon nila mararamdaman ang pangangailangan ng pag-aayuno bilang tanda ng kanilang pananabik sa Kanya na Siya ay makasama nilang muli sa Pasko ng Pagkabuhay.

Ang tunay na kahalagahan ng pag-aayuno ay hindi lang ang pagliban sa pagkain kundi ang mas malalim na relasyon sa Diyos. Sa pamamagitan nito, natututo tayong kontrolin ang ating makamundong pagnanasa at ituon ang ating puso sa Kanya.

Sa Lumang Tipan, madalas na ginagawa ang pag-aayuno bilang tanda ng pagsisisi. Gayundin, tayo ay tinatawagan ni Kristo na gamitin ang pag-aayuno upang linisin ang ating puso mula sa kasalanan at lumapit nang may kababaang-loob sa Kanya.

Sa Unang Pagbasa ay nagpapaala na ang pag-aayuno na may kasamang paggawa ng mabuti. Hindi sapat na umiwas lamang sa pagkain o sa ibang bagay, kundi ang pagtanggi, at pagliban sa mga dating gawi na naglalayo sa atin sa Diyos bagkus dapat itong samahan ng mabuting gawa. Tulad ng sinasabi sa Isaias 58:6-7, ang tunay na pag-aayuno ay ang pagpapalaya sa mga naaapi, pagbibigay sa nangangailangan, at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

Ngayong panahon ng Kuwaresma, tayo ay hinahamon na hindi lamang mag-ayuno sa pagkain kundi mag-ayuno rin sa masasamang ugali, pagkakasala, at pagiging makasarili. Ang tamang pag-aayuno ay dapat magdulot ng pagbabago sa ating buhay—isang pusong busog sa pag-ibig ng Diyos at handang maglingkod sa iba.

Pagnilayan natin: Paano ko maisasabuhay ang tamang pag-aayuno sa aking pang-araw-araw na buhay?

Manalangin tayo. Panginoong Diyos, Ikaw ang tunay na nagbibigay-buhay. Turuan Mo akong mag-ayuno hindi lamang sa pagkain, kundi sa masasamang pag-uugali at kasalanan. Nawa’y ang aking pag-aayuno ay magbunga ng mas malalim na pananampalataya, mas matibay na pagtitiwala sa Iyo, at mas taos-pusong paglilingkod sa aking kapwa.

Palakasin Mo ako upang manatiling tapat sa Iyo, at gawin kong layunin hindi lamang ang pagsasakripisyo, kundi ang mas mapalapit sa Iyong banal na kalooban.
Sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen. ?

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: