Martes, Pebrero 4, 2025

February 4, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Kalakip ang buong pananalig habang nananalangin tayo nang may pananampalataya sa Diyos Ama na tutugunin niya ang ating mga mithiin nang may nag-uumapaw na kabutihang-loob, iluhog natin sa kanya ang ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng buhay, akayin Mo kami.

Ang Simbahang Katolika sa buong daigdig nawa’y maging simbolo ng nagpapagaling na gawain ni Kristo sa pamamagitan ng kanyang pag-aaruga sa mga may karamdaman sa pangangatawan, isip, at diwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y makilahok at makiisa sa mga nagnanais na mapanatili ang kalusugan at kalinisan ng ating kapaligiran, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga doktor at mga nars, at yaong mga nag-aalaga ng mga maysakit nawa’y maipakita nila ang habag at kahinahunan ni Kristo sa pangangalaga lalo na sa mga maliliit nating mga kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang siyensya sa panggagamot nawa’y dagling makatagpo ng lunas sa mga di-karaniwang karamdaman na nagiging hadlang sa mga nagdurusa nito upang magkaroon sila ng isang ganap at aktibong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagluluksa sa kamatayan ng kanilang anak nawa’y makatagpo ng kasiyahan sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa habag ng aming mananakop, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tulungan mo kami na patuloy na manalig sa iyo at sumampalataya sa nagpapagaling na kapangyarihan ng iyong Anak na siyang naghihilom ng aming mga sugat sa buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 10 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno February 3, 2019 at 4:44 pm

Sinasabi sa atin ng Unang Pagbasa na ang mga saksi ay tapat sa kanilang tungkulin bilang mga anak ng Diyos, kaya tinatawag din tayong sumunod sa kanilang halimbawa. At ang pinakadakilang pagkatotoo ng Diyos ay si Jesukristo, ang Bugtong na Anak, na nagbigay ng kanyang buhay para sa atin sa Krus upang tayo ay maligtas mula sa ating mga kasalanan. At dahil sa pagtitiis ni Jesukristo hanggang sa katapusan, tiniyak natin na ang ating pananampalataya ay magiging malakas sa gitna ng mga taong susubukin na masaktan tayo, hangga’t mayroon tayo sa pananampalatayang ibinigay sa atin ng Panginoon. Ibinibigay sa atin ni San Marcos ang isang lubusang kasaysayan tungkol sa Anak na babae ni Jairo at ang babae na may pagdurugo. Ang dalawang himala ay nagpapakita kung paano ang isang 12-taong gulang na anak na babae ay nabuhay mula sa kamatayan at kung paano ang isang babae ay gumaling sa kanyang 12-taong gulang na pagdurugo. Sa katunayan ang bilang ‘labindalawa’ ay nangangahulugang “Manatiling positibo” at “Panatilihin ang pananampalataya”. Makikita natin sa dalawang yugto ang isang kasaysayan ng pananampalataya na ang babae ay tumago sa pamamagitan ng karamihan ng mga tao upang hawakan ang palawit ni Jesus. Sa katulad na paraan, inanyayahan ni Kristo si Jairo, ang kanyang asawa at mga kamag-anak, at ang tatlong Apostol upang magkaroon ng pananampalataya na ang batang babae ay mapagaling.

Reply

Reynald Perez February 4, 2019 at 4:54 pm

Pagninilay: Ipinakita sa Ebanghelyo ngayon ang dalawang kwento ng pagpapagaling, subalit iisang alintuntunin tungkol sa pananampalataya. Makikita dito ang bilang na “12” dahil ang anak ni Jairo na nagkasakit ay nasa 12 taong gulang, at ang babae ay dumudugo sa loob ng 12 taon. Kaya ang bilang na “12” ay sumisimbolo sa kaganapan sapagkat ang dalawang katauhan ay naranasan ang pagpapagaling ni Hesus. At binibigyang-diin dito ang pananampalataya nina Jairo at ang babae na nagdulot sa mga paghihilom na iyon. Malaki ang pananalig ng tao sa Diyos sa paghahangad ng kagalingan sa kanilang mga sakit, pati na rin ang paghilom ng mga kamag-anak nilang may sakit sa balat o damdamin. At makikita natin ang Panginoon ay may kakayahang intindihin ang kahinaan ng ating katauhan upang kanyang iako ang ating mga pinagdadaanan at bigyan tayo ng kalakasan. Kaya sa ating buhay, palagi nating alalahanin na ang pananampalataya ay paniniwala sa kagandahang-loob ng Panginoong Diyos sa buhay ng bawat tao. Kaya ang Unang Pagbasa ay nagtuturo sa atin na maging tapat sa ating pananampalataya sa Panginoon, katulad ng mga sinaunang saksi na sumunod sa kanyang dakilang kalooban. Nawa tayo pa rin ay manalig sa Panginoon sa kabila ng ating mga pinagdadaanan sa buhay, at isabuhay natin ang pananampalatayang ito sa paggawa kung ano ang inuutos ng Diyos.

Reply

Aida Ramirez February 5, 2019 at 7:11 am

Salamat sa awitatpapuri at sa mga pagninilay.Higit kong nauunawaan ang Ebanghelyo kapag binabasa ko ang pagninilay.Salamat sa inyo at pagpallain tayong lahat .
Marami tayong mithiin sa buhay dito sa mundong ating ginagalawan , subalit ang pagnanais na makasama si Hesukristo pagtapos ng ating buhay dito sa mundo ay ang pinakamataas nating mithiin.
At bago pa dumating na tayo ay makasama sa kaluwalhatian ng Panginoon ay patuloy natin siyang kilalanin sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanyang mga salita ,unawain sa tulong ng mga pagninilay at isabuhay nating ang bawat mensahe ng ating Panginoon
God bless us all.

Reply

Melba G. De Asis February 5, 2019 at 7:26 am

Mapalad ang mga tao na buo at tapat ang pananalig sa Diyos. Si Hesus ay tapat sa kanyang pangako. Marami tayong pinagdadaanan sa buhay ngunit dapat tayo humingi sa Diyos ng kalakasan at tibay ng loob para malampasan at malabanan natin ang ating mga problema ng may ganap na tiwala at pananalig sa Diyos.

Panginoon ako’y nanalig na ipagkakaloob mo ang kagalingan ko sa lahat ng aking karamdaman at sa lahat ng may taglay na sakit. Ikaw Panginoon ang “Great Healer”, hipuin Mo po kami Panginoon at puspusin Mo kami ng Iyong kabanal banalang Ispiritu, I claimed we are all healed. Amen

Reply

Mel Mendoza February 3, 2025 at 11:57 am

PAGNINILAY:

Sa ating Mabuting Balita ngayon, nakita natin ang dalawang magkaibang kwento ng pagpapagaling ni Hesus: ang babae na labindalawang taon nang dinudugo at ang pagbuhay niya sa anak ni Jairo. Ang pagbasa ay napakalapit sa ating personal na buhay, lalo na sa ating mga pinagdadaanan bilang mga mananampalataya.

Katulad ng babaeng dinudugo sa Ebanghelyo, marami sa atin ang may matagal nang pinapasan na problema—ito man ay sakit, emosyonal na sugat, o matagal nang panalangin na tila hindi sinasagot. Ngunit tulad niya, tinatawag tayo ni Hesus na huwag sumuko. Kahit sa simpleng paglapit natin sa Kanya sa panalangin, may biyayang dumarating. Hinihikayat tayo ng Ebanghelyo na pagnilayan ang sumusunod: mayroon ba tayong matagal nang ipinapanalangin ngunit hindi pa natutupad? Tulad ng babaeng dinudugo, hindi siya tumigil sa paghahanap ng kagalingan. Patuloy ba tayo na nagtitiwala kay Hesus, o pinanghihinaan na tayo ng loob?

Marami sa atin ang nakakaranas ng takot—takot sa hinaharap, sa kawalan ng kasiguraduhan, sa mga problemang tila wala nang solusyon. Tulad ni Jairo, maaaring may mga karanasan tayong nakakatanggap ng masamang balita at nawawalan ng pag-asa. Subalit ang sabi ni Hesus, “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.”: may pagkakataon bang tinatanong natin ang ating mga sarili anong aspeto ng ating buhay ngayon ang ating mga kinatatakutan? Ano ang mga bagay na nagpapahirap sa ating loob? Pinapalitan ba ng pananampalataya ang ating takot, o hinahayaan nating manaig ito?

Mapapansin natin na sa parehong pangyayari, ang pananampalataya mismo ng mga taong lumapit kay Hesus ang naging daan sa kanilang kagalingan. Ang babaeng dinudugo ay hindi inutusan ni Hesus na gumaling, kundi siya mismo ang lumapit nang may pananalig. Si Jairo naman, kahit tila wala nang pag-asa, ay sumunod pa rin kay Hesus at nakasaksi ng himala. Pagnilayan natin: Kapag may problema ba tayo, kanino tayo unang lumalapit? Sa sarili ba nating paraan ng paglutas, o sa ibang tao, o kay Hesus? Ginagawa ba natin Siyang unang takbuhan o huling opsyon lamang?

Mga kapatid, tinuturo ng Mabuting Balita na kapag may sakit, takot o matinding problema, huwag mawalan ng pag-asa. Patuloy tayong lumapit kay Hesus sa panalangin, pagsisimba, at pagbabasa ng Salita ng Diyos. Sa kabila ng ating takot, piliin nating manampalataya. Hindi man natin makita agad ang sagot sa ating mga panalangin, dapat nating tandaan na kasama natin si Hesus sa ating paglalakbay.

Tulad ng babaeng dinudugo at ni Jairo, sila mismo ang kumilos upang lumapit kay Hesus. Minsan, hinihintay lamang ng Diyos na tayo ay magtiwala at kumilos ayon sa ating pananampalataya.

Manalangin tayo. Panginoong Jesus, maraming salamat sa paalalang huwag kaming matakot kundi magtiwala lamang sa Iyo. Tulungan mo kaming magkaroon ng pananampalatayang tulad ng babaeng dinudugo at ni Jairo. Sa gitna ng aming mga pagsubok, huwag mong hayaan na panghinaan kami ng loob. Gabayan mo kami sa aming pang-araw-araw na buhay at patuloy kaming palakasin sa pananampalataya. Amen.

“Huwag kang matakot!”—isang napakagandang mensahe ng Diyos na nagpapaalala ng ating pananampalataya sa Kanya. Binanggit ito sa Banal na Kasulatan ng 365 beses (o higit pa) upang ipapaalala sa atin na araw araw sa loob ng isang taon kasama natin sa paglalakbay ang Diyos.

Reply

SAINSPOT February 4, 2025 at 2:02 am

Personal na Pagninilay:

Ang babae sa kwento ay may sakit na matagal na niyang dinaranas. Pinapakita nito na sa mga panahon ng pagsubok, ang pananampalataya sa Diyos ay may kapangyarihan upang magpagaling at magbigay pag-asa. Sa ating buhay, may mga pagkakataon na nadarama natin ang kawalan ng pag-asa, ngunit tulad ng babae, dapat tayong magpatuloy na magtiwala kay Jesus at lumapit sa Kanya.

Nang mabalitaan Jairus na patay na ang kanyang anak, pinayuhan siya na huwag nang abalahin pa si Jesus. Ngunit si Jesus, sa kabila ng lahat ng ito, ay nagbigay ng pag-asa at nagsabi, “Huwag kang matakot, manampalataya ka lang.” Sa ating mga buhay, may mga pagkakataon na ang ating mga pangarap o plano ay nagiging imposibleng makamtan, at iniisip natin na tapos na. Ngunit ang mensahe ng kwento ay napakahalaga: hindi pa huli ang lahat para sa Diyos. Kailangan natin magtiwala at manampalataya sa Kanya, kahit sa pinakamadilim na oras.

Hindi lamang pisikal na pagpapagaling ang ipinapakita sa kwento, kundi pati na rin ang pagpapagaling ng kaluluwa. Ang babae, matapos siyang gumaling, ay inutusan ni Jesus na “humayo nang payapa” at “magbalik-loob sa Diyos.” Ang pagpapagaling ni Jesus ay hindi lamang para sa ating katawan, kundi pati na rin sa ating espiritu. Dapat tayong magpatuloy sa paglapit kay Jesus upang mapagaling ang ating mga sugat, hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi pati na rin sa ating mga damdamin at kaluluwa.

SA TOTOO LANG: Sa ating personal na buhay, maraming pagkakataon na parang wala nang pag-asa at parang wala nang solusyon sa ating mga problema. Ngunit sa mga panahong ito, mahalaga na laging manampalataya at magtiwala kay Jesus. Ang Kanyang kapangyarihan ay walang hanggan, at sa Kanya, ang mga bagay na imposible ay nagiging posible. Tulad ng babae na gumaling at ng batang muling nabuhay, tinatawag tayo ni Jesus na magtiwala at lumapit sa Kanya, at mararanasan natin ang Kanyang pagpapagaling at pagbabago.

Sa bawat pagsubok, hindi tayo nag-iisa. Ang Diyos ay palaging nariyan upang magbigay ng lakas, pag-asa, at pagpapagaling.

God bless.

“Punuin natin ng Good News and Social Media. Gawin nating viral araw-araw ang Salita ng Diyos!” (Fr. Luciano Felloni) RIP

Reply

lolita Y Sebastian February 4, 2025 at 6:33 am

Salamat Panginoon sa iyong mga salita na palaging nag papaalala sa amin na palaging sumunod sa iyo, maging mabuting tao, ang salita mo ang humuhubog sa amin upang maging mabuti sa aming pamilya, kapwa, Nawa panginoon patuloy mo akong akayin maging mabuti at makaiwas sa kasalanan sa araw araw, salamat po sa iyobg dakilang pagmamahal, Amen.

Reply

Maria Villarama February 4, 2025 at 8:27 am

Pinupuri Ka namin Panginoong Hesukristo..

Napakaganda ng itinuturing ng ating Ebanghelyo para sa araw na ito..

At ito ay ang masidhing pagkakaroon natin ng pananampalataya at pagtitiwala kay Hesus na kahit na mahawakan lang ang laylayan ng kanyang damit ay alam na natin sa ating sarili na tayo ay Pinagpala na ng Diyos.

Sa buhay natin marami tayong mga ninanais at kagustuhan na ating ipinagdarasal at inihihingi ng kasagutan sa Diyos. Ang ilan sa mga ito ay tungkol sa sariling kalusigan, para sa pamilya, para sa career, para sa pagpapalang pinansyal at marami pang iba, ngunit, naihingi na rin ba natin sa Kanya na pagpalain pa Niya ang ating Pananampalataya sa Kanya? Naidasal ba natin na bigyan Nya tayo ng karunungan upang makasunod tayo sa mga kagustuhan Niya sa ating hiram na buhay? Naipagdasal ba natin na turuan Nya tayong lahat na maisabuhay ang mga Salita ng Diyos?

Kayo, ilan sa inyo ang bumabasa at isinasabuhay ang nasa Bibliya?

Mga Kapatid ipinapahiwatig ng ating mga Pagbasa lalo na ang Ebanghelyo natin na higit sa lahat ng ating kagustuhan ay dapat nating pagalabin rin ang pananampalataya natin sa Diyos at upang magawa ito, tanggapin natin si Hesus ng buong kababaang-loob at makinig tayo sa tawag Nya sa ating buhay.

Hindi palaging hingi lang, nararapat na matuto rin tayo magbigay para sa Kanya.

1. Paano mo mapapalawak ang pananampalataya mo kay Hesus?
2. Handa ka bang sumunod sa tawag sa iyo ng Panginoon?

Ang buhay natin sa lupa ay hindi mahaba kaya’t tayo ay HUWAG MAMUHAY SA MAKAMUNDONG PAGNANASA. Ang paghandaan natin ay ang eternal na buhay kasama ang Diyos natin.

Manalangin Tayo:

Hesus bigyan Nyo po kami ng kapatawaran sa lahat ng aming mga nagagawa kasalanan, paka-linisin mo ang aming isip, puso at kalooban upang kami ay makasunod sa mga kagustuhan Mo.

Pag-alabin mo ang Pananampalataya namin katulad ng babaeng labindalawang taon na dinugo, nawa’y sa mga panalangin namin na kami ay nagsusumamo na masunod ang kalooban Mo, kami rin ay makalaya sa kasalanan. Gabayan Nyo kami sa lahat ng oras at turuan Nyo kami mamuhay ng may kapakumbabaan at naayon sa Kagustuhan Mo. AMEN!

Reply

Maria Concepcion Camelon February 4, 2025 at 2:40 pm

Sa Hebreo 12:1-4, pinaaalalahanan tayo na ang ating buhay ay isang spiritual journey. Kailangan nating magpatuloy nang may tiyaga, kahit mahirap, dahil kasama natin si Hesus. Siya ang ating gabay at lakas.

Sa Salmo 21, nagpupuri ang may pananampalataya sa Diyos. Hindi tayo Niya iniiwan, kahit sa gitna ng pagsubok.

Sa Ebanghelyo (Marcos 5:21-43), makikita natin ang kapangyarihan ng pananampalataya. Ang babaeng may sakit at si Jairus ay parehong lumapit kay Hesus nang may pagtitiwala. Sabi ni Hesus, “Huwag kang mabagabag, manalig ka.” Ito ang paalala Niya sa atin—huwag tayong panghinaan ng loob, kahit sa pinakamabibigat na sitwasyon.

Minsan sa buhay, nakakaramdam tayo ng takot, pangamba, o kawalan ng pag-asa. Kapag nawawalan tayo ng pag-asa, lumalayo tayo sa Diyos at winawasak ang ating pananampalataya. Ang tunay na pananampalataya ay hindi nangangahulugang mawawala ang lahat ng problema natin, kundi mabibigyan tayo ng lakas upang harapin ang mga ito nang may grasya, kapayapaan, at pag-asa.

Reply

Rosalinda M. Jubilado February 5, 2025 at 9:10 am

sa unang pagbasa
God is telling us to trust Him.
noong ako ay bata sa pananalig sa Diyos
lagi ko Siya tinatanong.
i believe in you, but why i do not receive what i asked from You?
then little by little tinuruan ako ng Diyos.
through His Words of promises na aking pinagninilayan araw at gabi.
bawat sigundo pa.
hanggang ang Salita ng Diyos ay bukambibig ko na
at bukambibig ko na sa aking mga anak, sa aking buong sambahayan
hanggang ang Diyos na ang Director ng aming buhay…ibig kong sabihin wala kaming pinaplano, ginagawa, sinasalita na hindi sinasangguni ang Diyos.
now going 40 years na ang intimate relationship namin sa Diyos.
my relationship with the Lord is like heaven here on earth.
ang problema hindi nawawala, in fact , the problem is getting deeper habang lumalalim ang relasyon mo sa Diyos.
ang kaibahan lang, magaan itong dalhin sapagkat punong- puno ka ng pananalig, pagtitiwala at pag asa sa Diyos.

sa gospel reminds me ng pinakamabigat kong pagsubok sa buhay sa aking son.
noong 2 years old siya nahulog from second floor sa stairs while we are sleeping- madaling araw noon.
in short dinala namin hospital.
may konting sugat sa ulo.
napapatulog siya pero ginigising namin.
he was x-rayed, ok naman.
i heard stories ng katulad niya.
may namatay at yung iba namatay after years pa at yung iba kicking and living a normal life.
itinago ito sa puso ko at tuwing maalala ko ay always declare my faith and trust unto God.
unexpectedly, after 18years he complained severe headache, na ang sakit at parang dinidrill daw..
that very moment ,hindi ako nakapagsalita.
i talked to God, heart to heart, mind to mind with Him.
i recollected all the goodness He has done to my family. all the instant healings He has done, all the answered prayers from Him, and all the healings He has done in the Bible.
all the healings He has done to my family, noong panahong wala kaming pambayad man lang ng doctor’s fee at sa Kanya kami lumapit at hindi kami binibigo.
ngayon Lord you have given us financial freedom
i cang bring Him to the hospital and spend all the money you have given us.
but where is my faith Lord unto you kung dadalhin ko siya sa hospital?
ibig ko Ikaw ang magpagaling.
mas piliin ko pa yung buhay ko noong dati na simple at walang sakit kesa marami kang pera nauubos naman sa hospital ang pera na kaloob Mo po.
i even asked God, di ba Lord etong financial blessings mo sa.amin, sabi Mo it will glorify You if we share it, at natutugunan ang aming pangangailangan and not on sickness.
after this intimate conversation with God, He immediately bring me to Jairo s story on the Gospel. today with His Words, “DO NOT DOUBT,JUST BELIEVE” then i heard a voice, commanding me to blow 3 times on my son’s head.
i did it, at sinabi ko sa aking anak MAGALING KA NA. that very moment after declaring those words tunay na gumaling na siya.
INSTANT HEALING. PRAISE BE TO GOD!
showingour gratefulness unto God, 9saturdays kaming nagdasal ng pasasalamat sa Kanya.
GREAT IS THE FAITHFULLNESS OF GOD !
Alleluia! ALLELUIA!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: