Podcast: Download (Duration: 9:48 — 11.4MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes
Natitipon kay Kristo na lumulupig sa kasamaan, ilapit natin sa Ama nang may pananalig ang ating mga panalangin.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Kataas-taasang Diyos, ipag-adya Mo kami.
Ang Santo Papa, ang mga obispo, mga pari, at mga diyakono nawa’y matulungan tayong manatiling matatag sa ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga Kristiyanong mananampalataya nawa’y magkaroon ng tapang na makapagsalita nang may katatagan sa ngalan ni Jesu-Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga naging manhid na sa pagkakasala nawa’y hipuin ng Espiritu ng Diyos upang magsisi at magbago sila ng pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga naghihinanakit dahil sa hirap at pagdurusa nawa’y maalalayan natin nang walang pag-aalinlangan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga mahal na yumao nawa’y makauwi nang matiwasay sa kalipunan ng mga banal kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Makalangit na Ama, nagbubunyi kami sa iyong nag-uumapaw na pag-ibig para sa amin, paghariin mo ang iyong kapangyarihan sa amin at maging kasa-kasama ka namin sa landasin ng buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Pebrero 2, 2025
Martes, Pebrero 4, 2025 »




{ 12 comments… read them below or add one }
Ayon sa isang talata sa Unang Pagbasa, ang ilan ay tumangging palayain dahil pinili nilang mamatay sa paghihirap upang mabuhay sila muli at magkaroon ng pinakamabuting buhay. Ito ay mas pinalakas at kakaunting sinugatan at mayroon ding mga sirang lubid. Dalawang ulit silang binato at ang mga tabak ay binawian ng buhay. Ang kanila ay mga tupa at ang mga kordero. Ang ilan ay magigipit at mapang-api. Ang mundo ay hindi karapat-dapat sa kanila. Naglalakad sila sa ilang at mga bundok. Nagtago ang iba sa mga yungib ng lupa.
Pagninilay: Isinalaysay ng manunulat ng Sulat sa mga Hebro sa Unang Pagbasa ang dakilang pangako ng Diyos na inihanda ng mga patriarka at bihasang tao ng Lumang Tipan. Dito’y isinasaad ang kanilang pinagdaanan kung paano silang patuloy na naging matapat sa kanilang pananalig sa Panginoon. At sa bandang huli, binibigyang-diin ng manunulat na ang dakilang pangako ay natupad sa kaganapan ng oras nang isugo ng Ama ang kanyang Bugtong na Anak na si Hesukristo. At si Kristo ay patuloy na inaakay tayo tungo sa kabutihan upang balang araw ay makamtan natin ang kaligayan ng buhay na walang hanggan. Si Hesus sa Ebanghelyo ay gumawa ng isang makapangyarihang kababalaghan nang mapalayas niya ang samu’t saring demonyo sa isang lalaki sa bayan ng Gergesa. Sabi daw sa mga ulat na kaya nitong baliin ang mga kadenang nakagapos sa kanya. Tuwing gabi, siya’y naninirahan sa mga yungib. Kaya itong groupo ng mga masasamang espiritu ay malalakas, ngunit nang makita nila si Hesus, natunghayan nila ang kapangyarihan ng Diyos Ama. Hiniling nila na huwag sila’y ipalayas, ngunit ipasapi sa mga 2,000 biik sa nayon. Kaya ganun nga ang nangyari at lumubog ang mga biik sa lawa. Sa sobrang tuwa na siya’y nakasalaya mula sa pagkasanib ng maraming demonyo, nais niyang sundan si Hesus, ngunit ibinilin sa kanya na umuwi at ipahayag ang kadakilaan ng Diyos. Dakila ang Diyos sa ating mga buhay. Hindi niya tayong hahayaang mapahamak ng kasamaan. Ayaw rin niya tayong sumailalim sa tukso ng Diyablo. Kaya dapat tayo’y maging matapat sa kanya sa pagsampalataya sa kanyang katauhan at pagsunod sa kanya mga utos. Nawa’y tunay na umapaw ang mga grasya at patnubay ng Panginoon upang ito’y maipadala sa ibang tao.
Sa panahong tayo ay nakakaisip o nakakagawa ng masama sa ating kapwa, humingi tayo ng tawad sa taong pinagkasalahan natin at humingi din tayo ng patawad at kalakasan mula sa Panginoon na nawa’y hindi na natin ulitin muli ang paggawa ng kasalanan sa ating kapwa. Dapat nating labanan ang mga masasamang gawa at isipan sa bawat sandali na tayo ay natutukso para lang matamo ang ating mga gusto sa ating buhay katulad ng pagkakamit ng mga material na bagay, magkaroon ng mataas na position sa ating trabaho at magkaroon ng maginhawang buhay pero sa maling paraan. Ang mga maling gawain ay ating maiiwasan kung ang lahat ng ating gagawin ay una nating itataas sa Panginoon para pagkalooban niya tayo ng maayos na pagpapasya na huwag gagawa ng mga bagay na hindi naayon sa utos at kagustuhan ng Diyos. Hindi tayo pababayaan ng Diyos sa panahon ng ating kahinaan kung tayo ay nagtitiwala sa Kanyang kapangyarihan.
Panginoon linisin Mo po ako at patawarin sa lahat ng hindi magandang nagawa ko para patuloy na mapasa akin ang kabanal banalang mong Ispiritu at pagpapala. Ipagkaloob mo po na palagi kong hangarin ang gumawa ng mabuti sa aking kapwa sa lahat ng sandali ng buhay ko. Itinataas ko din po sa Inyo ang aking kapatid na si Jaime na nawa’y iwanan na siya ng mga alalahanin at masasamang ispiritu na nagdudulot sa kanya ng mabigat na sakit sa kanyang pag-iisip, maawa po Kayo Panginoon, hipuin Nyo po siya ng Iyong mapagpalang kamay at pagkalooban Mo po siya ng lubusang kagalingan para maging maligaya siya at magkaroon ng kapanatagan sa mga taon na natitira sa kanyang buhay. Amen
Kahit ang mga masasamang espiritu ay nagmakaawa kay Hesus, tayo pa kayang tao ang di dapat magmakaawa? Ang paghingi ng kapatawaran ay sign na kababaang loob. Ipakita natin ang ating kababaang loob sa ating Diyos sa pamamagitan ng pag papatawad sa mga nagkasala sa atin. Hilingin natin kay Hesus at sa ating ama sa langit ang biyaya ng pagpapatawad upang makamit din natin ang kapatawaran sa ating mga kasalanan.
PLEASE LIKE, SHARE AND SUBSCRIBE
https://www.youtube.com/watch?v=8JU4VVru7EA
Ang impossible sa tao ay hindi impossible sa Diyos.
Sa ebanghelyo ngayon ay matutunghayan natin ang isang taong sinapian ng maraming o pulutong ng demonyo. Siya ay nanirahan sa mga kuweba sa tabi ng dagat, at walang gustong lumapit sa kanya. Siya ay isang marahas na tao, sumisigaw araw at gabi, at ang lahat ng mga taong bayan ay natatakot sa kanya. Ngunit nang makita ng taong ito si Jesus sa malayo, isang kamangha-manghang nangyari. inutusan ni Jesus ang maraming demonyo na umalis sa lalaki at pumasok sa isang kawan ng mga dalawang libong baboy. Pinauwi ni Hesus ang lalaki sa kanyang pamilya para ipamalita ng pagpapalaya sa kanya at upang maunawaan at mawala ang kalituhan sa kanilang naging karanasan sa lalaki.
Kung kayang baguhin ni Jesus ang buhay ng taong ito na ganap na sinapian ng isang pulutong na mga demonyo, lahat ay may pag-asang mabago. Kadalasan, lalo na sa loob ng ating mga pamilya at mga kaibigan, may mga taong tinuldukan na natin na wala ng pag-asang mabago ang isang tao. May mga naligaw ng landas na tila wala nang pag-asa. Ngunit ang isang bagay na sinasabi sa atin ng ebanghelyo ay kailanma’y hindi mawawala ang pag-asa sa sinuman—hanggat kasama natin ang Diyos, may pag-asa.
Reflect, today, upon anyone in your life whom you have written off. Perhaps they have hurt you over and over. Or perhaps they have chosen a life of grave sin. Look at that person in the light of this Gospel and know that there is always hope. Be open to God acting through you in a profound and powerful way so that even the most seemingly irredeemable person you know will be given hope through you.
Aking makapangyarihang Panginoon, iniaalay ko sa Iyo, sa araw na ito, ang taong aking naaalala na higit na nangangailangan ng Iyong pagliligtas na biyaya. Nawa’y hindi ako mawalan ng pag-asa sa Iyong kakayahan na baguhin ang kanilang buhay, patawarin ang kanilang mga kasalanan at ibalik sila sa Iyo. Gamitin mo ako, mahal na Panginoon, upang maging instrumento ng Iyong awa, upang makilala ka nila at maranasan ang kalayaang labis mong ninanais na kanilang natatanggap. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.
Mapalad ang umaasa at nanalig sa PANGINOON
Praise to you Lord Jesus Christ, maraming salamat sa iyong mga salita na ng papalakas ng aking buhay, sa ano mang hamon ng buhay sa araw araw??
PAGNINILAY:
Mga kapatid, sa ating Ebanghelyo ngayon, makikita natin ang isang makapangyarihang pagpapalaya ni Hesus sa isang lalaking inaalihan ng hukbo ng masasamang espiritu sa lupain ng mga Geraseno. Ang lalaking ito ay matagal nang pinahihirapan, nilalayuan ng lipunan, at hindi mapigil ng sinuman. Subalit sa harap ni Hesus, ang mga demonyo mismo ay kumilala sa Kanyang kapangyarihan at nagmakaawa na huwag silang itapon sa kalaliman. Pinahintulutan ni Hesus na lumipat ang masasamang espiritu sa mga baboy, na tumakbo at nalunod sa lawa.
Mga mahahalagang mensahe na dapat pagnilayan:
Si Hesus ang may ganap na kapangyarihan sa kasamaan – Sa pamamagitan ng Kanyang salita, napalayas Niya ang mga masasamang espiritu. Ipinakikita nito na walang kapangyarihan ang masama sa harap ng Diyos. Gayundin, kung tayo ay lalapit kay Hesus, makakatagpo tayo ng kalayaan mula sa anumang tanikala ng kasalanan at espirituwal na paghihirap.
Ang reaksyon ng mga tao – Sa halip na magalak sa ginawang pagpapalaya, natakot ang mga tao at hiniling nilang umalis si Hesus sa kanilang lugar. Marahil ay natakot sila sa Kanyang kapangyarihan o mas inisip nila ang kanilang nawalang kabuhayan (mga baboy) kaysa sa kaligtasan ng isang tao. Madalas, sa ating buhay, mas pinapahalagahan natin ang materyal kaysa sa espirituwal.
Ang utos ni Hesus sa lalaking pinagaling – Sa halip na sumama kay Hesus, inutusan siyang bumalik sa kanyang pamilya at ipahayag ang dakilang ginawa ng Diyos sa kanya. Ito rin ang tawag sa atin bilang mga Kristiyano: ibahagi ang ating pananampalataya at ipahayag ang kagandahang-loob ng Diyos sa ating buhay.
Sa ating sariling buhay, maaaring mayroon tayong mga “demonyong” kinakaharap—mga hukbo ng iba’t ibang mga kasalanan, bisyo, takot, at pag-aalinlangan. Tulad ng lalaking inaalihan, maaaring pakiramdam natin ay hindi tayo karapat-dapat dahilan kaya’y lumalayo tayo sa Diyos. Ngunit hindi nawawala ang awa at habag ng Panginoon. Nais Niya tayong palayain at pagalingin. Ang tanong ay: Handa ba tayong lumapit kay Hesus at hayaan ang pagkilos ng Kanyang Espiritu upang baguhin tayo?
Ngayong araw ginugunita din natin si San Blas, isang obispo at martir na kilala bilang patron ng may sakit sa lalamunan, nawa’y hingin natin ang kanyang pamamagitan upang pagalingin tayo—hindi lamang sa pisikal kundi lalo na sa espirituwal.
Si San Blas ay isang obispo ng Sebaste (ngayon ay bahagi ng Armenia) noong ika-4 na siglo. Kilala siya bilang isang mabuting pastol ng kanyang kawan, hindi lamang sa espirituwal kundi maging sa pisikal. Ayon sa mga tradisyon, siya ay isang manggagamot bago naging obispo, at kilala sa pagpapagaling ng mga may sakit, lalo na ang may karamdaman sa lalamunan.
Nang magkaroon ng matinding pag-uusig laban sa mga Kristiyano, nagtago siya sa isang yungib, kung saan pinapaligiran siya ng mga hayop na tila kinikilala ang kanyang kabanalan. Nang siya ay mahuli, isang ina ang lumapit sa kanya kasama ang kanyang anak na halos mamatay na dahil sa tinik na bumara sa lalamunan. Sa pamamagitan ng kanyang panalangin at basbas, gumaling ang bata. Dahil dito, kinilala siya bilang patron ng may sakit sa lalamunan.
Sa huli, si San Blas ay pinahirapan at pinatay dahil sa kanyang pananampalataya kay Kristo. Hanggang ngayon, bahagi ng tradisyon ng Simbahan ang pagbabasbas ng lalamunan sa kanyang kapistahan tuwing Pebrero 3, gamit ang dalawang kandila na pinaghugpong sa anyo ng krus.
Manalangin tayo. Panginoong Hesus, Ikaw ang nagpapalaya sa amin mula sa lagim ng kasamaan at kasalanan. Tulungan Mo kaming lubos na magtiwala sa Iyong kapangyarihan at biyaya. Gamitin Mo kami upang ipahayag ang Iyong kabutihan sa aming pamilya at lalo higit sa mga taong nasa yungib ng kasalanan. Amen.
San Blas, ipanalangin mo kami. Hilumin mo ang aming mga karamdaman sa lalamunan upang magamit namin ito sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Amen.
Ipinapakita ng ating Ebanghelyo sa araw na ito na walang imposible sa pagmamahal ng Diyos sa buhay natin. Kayang-kaya Nya papagbaguhin ang isang tao sa Salita lamang Niya at ganun rin na kahit ang Demonyo ay nagkakaroon ng takot sa kapangyarihan ng Diyos.
Kung ang demonyo ay nagawang makiusap at magmakaawa sa Diyos, bakit tayong mga anak ng Diyoa ay hindi magawa?
Anuman ang ating nakaraan buong pagkatao natin pagsisihan ito at buong-buo rin tayo tatanggapin ng Diyos, ganyan tayo kamahal ngating Panginoon, handa Nya tayo tanggapin sa pinakamababa at pinakamaruni nating katauhan, kayang-kaya Nya tayo papagbaguhin, kaya Nya tayo bigyan ng pagkakataon at iligtas sa pagkakasala.
1. Ano ba ang pumipigil sayo na sumunod sa Diyos?
2. Paano mo isasabuhay ang muling pagtawag sayo ng Diyos tungo sa mabuting buhay?
Palagi tayo iniintay ng Diyos.
Kaya hindi aksidente na napadaan ka sa pagbasa at sa pagninilay na ito. Matuto tayo magkaroon ng oras na makipagusap sa ating Diyos at malalaman natin ang totoong calling sa buhay natin.
Manalangin tayo:
Panginoon namin kami po ay humihingi ng kapatawaran sa lahat ng pagkukulang namin sa Iyo, sa bawa’t pagtalikod namin sa tawag mo na sumunod sa Iyo. Patuloy mo lang sana kami gabayan upang kami ay matutong magbasa sa mga Salita Mo at maisabuhay namin ang lahat ng Kagustuhan Mo sa hiram na buhay naming ito.
Turuan Mo kaming maisabuhay ang pagpapakumbaba sa lahat ng oras at mangyari nawa ang Kalooban Mo sa amin.. – Amen!
Salamat sa diyos
Pinupuri ka namin panginoong hesukristo!!
Ang mga pagbasa ngayon ay nagtuturo sa atin ng isang mahalagang mensahe: ang pananampalataya ay isang panawagan sa katatagan at pagtitiwala sa Diyos, lalo na sa gitna ng pagsubok.
Sa Hebreo 11:32-40, ipinapaalala sa atin ang maraming bayaning nanampalataya sa Diyos—ang ilan ay nagtagumpay, habang ang iba ay nagdusa at nag-alay ng buhay para sa Kanya. Ngunit anuman ang kanilang naging kapalaran, nanatili silang matatag dahil alam nilang may mas dakilang gantimpala ang Panginoon.Sa Ebanghelyo (Marcos 5:1-20), nakita natin kung paano pinalaya ni Jesus ang isang lalaking sinasapian ng masasamang espiritu. Sa kwentong ito, ipinakikita na walang kapangyarihan ang maaaring manaig sa habag at kapangyarihan ng Diyos. Nang gumaling ang lalaki, sinabi ni Jesus sa kanya na umuwi at ipahayag ang kabutihang natanggap niya. Ito ay isang paalala na kapag natanggap natin ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos, dapat natin itong ibahagi sa iba.Sa ating sariling buhay, maaaring may mga panahon ng pagsubok, takot, o panghihina ng loob. Ngunit tulad ng mga lingkod ng Diyos sa unang pagbasa, tulad ng salmista na nagtitiwala sa Kanyang kalinga, at tulad ng lalaking pinalaya ni Jesus, tinatawagan tayo na maging matatag, magtiwala, at magpatuloy sa pananampalataya.
Nawa’y sa bawat pagsubok na ating harapin, manatili tayong tapat sa Diyos, sapagkat Siya ang ating kanlungan at kalakasan. At tulad ng pinagaling na lalaki sa Ebanghelyo, nawa’y ipahayag natin ang Kanyang kabutihan sa ating buhay.
“Magpakatatag ang tanang may tiwala sa Maykapal.”
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa, ang pagkamatay ni Absalom ay isa sa apat na mamamatay na anak ni haring David bilang katuparan ng sinabi niyang apat na beses na bayad sa ginawa . Ang pagluksa ni David sa kamatayan ng rebeldeng anak na si Absalom ay anino ng bayan ng Israel na mahal na mahal ng Dios kaya namatay si Jesus para kasalanan ng bayan niya (Mateo 1:21, Lucas 1:77).
“Isa sa mga nakakita nito ang nagsabi kay Joab, “Nakita ko si Absalom na nakabitin sa puno ng encina.”Pumili si Joab ng tatlong sibat at isa-isang itinusok sa dibdib ni Absalom na noo’y buhay pang nakabitin sa puno.Wika niya, “Absalom! Absalom, anak ko! Bakit kaya hindi pa ako, sa halip na ikaw ang namatay?”May nagbalita kay Joab na ang hari’y nananangis at nagluluksa sa pagkamatay ni Absalom, kaya’t nauwi sa pagluluksa ang tagumpay ng hukbo.
Sa gospel reading, ipinakita ang dinudugong babae ng 12 taon na di magamot ng mga doktor at ang 12 taong gulang na anak na ni Jairus ay anino 12 na tribo ng Israel na nasa kalagayan ng nauubusan ng dugo o buhay, namatay at muling pinagaling, binuhay o ipinanumbalik ni Jesus (Roma 11:25-26).
“May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo, at lubhang nahihirapan. Marami nang manggagamot ang tumingin sa kanya, at naubos na sa kapapagamot ang kanyang ari-arian, ngunit hindi siya napabuti kahit kaunti bagkus ay lalong lumubha…Hinawakan niya ito sa kamay at sinabi, “Talita kumi,” na ang ibig sabihi’y “Ineng, sinasabi ko sa iyo, magbangon ka!”…Sinabi sa kanya ni Hesus, “Anak pinagaling ka ng iyong pananalig sa akin… Pagdaka’y bumangon ang bata at lumakad. Siya’y labindalawang taon na.”
Kumusta naman tayo. May suliranin ka bang hindi nabibigyan ng solusyon na tanging si Jesus lamang ang makakapagbigay solusyon kung makapaniwala ka sa pamamagitang ng pakikinig ng salita ng Dios sa Biblia (Roma 10:17)?