Martes, Enero 28, 2025

January 28, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Ang mensahe ng kaligtasan ni Jesus at ng kanyang buhay ang ating pamantayan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo sa ating Diyos Ama upang tumalima at mamuhay tayo sa kanyang mga aral.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin Mo kaming mga lingkod ng Iyong kalooban.

Ang Simbahan nawa’y mamuhay sa diwa ng Ebanghelyo at laging hanapin ang kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating pananampalataya nawa’y mapalalim natin sa pamamagitan ng ating paglilingkod sa mga dukha, may kapansanan, at mga mahihina, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y maging mga tunay na miyembro ng pamilya ng Diyos sa pagiging tapat sa kalooban ng Amang nasa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos nawa’y gawin nating buhay sa pamamagitan ng pagsasabuhay nito sa lahat ng pagkakataon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y makatanggap ng walang hanggang liwanag at walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, gawin mo kaming karapat-dapat na maging bahagi ng iyong pamilya sa pamamagitan ng aming buhay pananampalataya na ipinahayag ng aming mabubuting gawain. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno January 27, 2019 at 7:42 pm

Pagninilay: Ayon sa Unang Pagbasa, sinasabi ng may-akda na dumating si Jesukristo noon sa lupa, masunurin siya sa kalooban ng Diyos Ama. Alam niya na hindi nalulugod ang Panginoon sa mga alay at mga handog ukol sa mga kasalanan. Ito ay nangyari sa panahon ng Bagong Tipan noong pinatunayan ni Kristo ang dating isa, na may isang sakdal na pagpapakasakit sa Krus na nag-aalis ng ating mga kasalanan at pagtatamo natin ng pagtubos. Ang banal na panukala ay hindi nagmula sa kanya, kundi sa kalooban ng isa na nagpapadala sa kanya. Sinasabi sa atin ni San Pablo sa kanyang Sulat sa mga taga-Filipos na kahit na siya ay nasa uri ng pagka-diyos, mapagpakumbaba niyang ibinuhos ang kanyang sarili o “kenosis”, at masunurin si Jesus kahit hanggang sa kanyang kamatayan sa Krus. Inaanyayahan tayo ng Awit ng Pagsisiyasat na ipamuhay ang pantay na panalangin ni Kristo o kalagitnaan sa pagsasailalim ng ating mga sarili sa panukala ng Diyos. Sa huli, ayon sa Mabuting Balita, ang mga kasama at maging ang mga alagad ni Jesus ay nagpapaalam sa kanya tungkol sa kanyang Ina at mga kapatid sa labas ng bahay kung saan siya natipon. Ngunit pagkatapos ay naglalagay siya ng nakakagulat na tanong sa gayong mga pagkakakilanlan. Sa katunayan, binigyang-kahulugan ng mga paham ng Bibliya na ang mga “kapatid” ni Jesus dito ay hindi talaga ang mga kaugnayan sa dugo, kundi ang mga nasa pananampalataya, sinunod ang kanyang panauhin, at mga kamag-anak ng pamilya. Ito ang dahilan kung bakit naniniwala ang aming mga tagapagtanggol na sa Ikalawang Marian Dogma, na ang walang hanggang pagkadalaga ng Mahal na Birheng Maria. Ipinakikita lamang nito na hindi tinatanggihan ni Kristo ang Pinagpalang Ina o ang mga malapit sa kanya sa mga tuntunin ng mga bagay sa pamilya at kamag-anak. Pinalalawak niya ang kanyang pamilya, lalo na ang banal na mag-anak, na hindi lamang sa mga binubuo ng mga angkang panauhin sa dugo at pagkakamag-anak, kundi na rin sa mga nakikibahagi sa tungkulin ng pananampalataya, maging ang mga Apostol na magpapatotoo sa kanya para sa Simbahan. Sa katunayan, ang Simbahan ay tahanan sapagkat tayo ang malaking pamilya ng Diyos na nagtatalaga sa ating sarili sa pangangalaga sa isa’t isa at nagbibigay ng pangkalahatang kabutihan para sa lahat ng tao. At higit sa lahat, tayo ay tinawag na pinagtibay na mga anak ng Diyos, mga ina, mga ama, mga kapatid, at mga kapatid na babae ng ating Panginoon, kung susundin natin ang kalooban ng Diyos Ama. Iyon ang dahilan kung bakit siya ay dumating sa ating mundo at ginanap ang kanyang Pampublikong Ministeryo at ang tunay na sakripisyo sa Krus. Maaari din nating ipamuhay ang ating tungkulin bilang mga kasapi ng Simbahan, Katawan ni Kristo, sa pamamagitan ng layunin ng Ebanghelisasyon sa pamamagitan ng pangangaral at pagbibigay ng patotoo sa pagmamahal, at pagbibigay ng ating sarili sa banal na kalooban ng Ama.

Reply

Reynald Perez January 28, 2019 at 4:01 am

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay nagpapahayag kay Hesukristo bilang dakilang saserdoteng Diyos na totoo ay naging tao namang totoo. Sa buong buhay ni Kristo, mahalaga sa kanya ay ang pagsunod sa dakilang kalooban ng Diyos Ama higit pa sa mga pisikal na handog. Si Hesus sa Ebanghelyo ay inilalahad ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. May nagsabi sa kanya na narito ang kanyang Ina na si Maria at ang kanyang mga kapatid (maaring mga kamag-anak niya dahil sa salitang “adelophi” sa Griyego). Sinabi niya na ang kanyang mga kapamilya ay sumusunod sa kalooban ng Diyos. Hindi naman sa binabalewala niya ang Mahal na Birhen, kundi pinapalaganap niya ang pamilya ng Diyos Ama na tayo’y kabilang. Dahil sa pagiging masunurin ni Hesus hanggang sa kamatayan niya sa Krus, minarapat tayong maging mga hiram na anak niya, his faithful adopted children. At ang hamon sa atin ay pagiging matapat at masunurin sa kanyang dakilang kalooban upang ituro at isabuhay rin ito sa araw-araw na pamumuhay.

Reply

Melba G. De Asis January 29, 2019 at 6:51 am

Inihandog ng ni Hesus ang kanyang sarili para sa kaligtasan natin, nasa kanya ang tunay na kaligtasan at ang lahat ng tumatalima sa kanya ay siya nyang itinuturing na ina at mga kapatid. Ang paggawa ng mabuti sa ating kapwa ay magandang alay at siyang nakalulugod sa ating Panginoon. Amen.

Reply

ruel arcega January 23, 2023 at 9:05 am

Dunating ang mga kapatid nmi Hesus at kanyang ina. Nungit hiigt na pinakilala ni Hesus kung sino sila hindi lang sila sa pamilya sa kadugo sila’y higi na mas mataas pa roon ang pagsunod sa kalooban nang Ama ay batayan natin bilang mapabiuoang sa pinaghaharian ng Diyos at maghari sa Diyos.

Reply

Mel Mendoza January 27, 2025 at 12:25 pm

PAGNINILAY:

Sa Ebanghelyo, tinukoy ni Hesus ang bagong kahulugan ng pamilya —hindi lamang ito nakabatay sa dugo, kundi sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Nang dumating ang Kanyang ina at mga kapatid, ipinahayag ni Hesus na ang sinumang gumaganap ng kalooban ng Diyos ang tunay Niyang ina, kapatid, at kapamilya. Ito ay isang hamon para sa atin na huwag lamang limitahan ang ating pananaw sa ating biological na pamilya. Sa loob ng simbahan, tayo ay tinatawag upang maging isang pamilya sa pananampalataya. Ang pagiging kaanib ng pamilya ng Diyos ay hindi nakasalalay sa ating estado sa buhay kundi sa ating pagsunod sa Kanyang utos—ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

Ang layunin ng pahayag ni Hesus ay hindi upang maliitin ang presensya ng kanyang Ina o ang mga alagad. Sa halip, ginagamit Niya ang pagkakataon upang ituro ang mas malalim na kahulugan ng pagiging bahagi ng “pamilya ng Diyos”at pagpapalawak pa nito. Ang pagiging ina, kapatid, o kamag-anak ni Hesus ay hindi lamang nakabatay sa dugo kundi sa pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Si Maria, bilang Ina ni Hesus, ang unang tumugon sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang “Fiat” o ang pagsabing “Mangyari nawa sa akin ang ayon sa Iyong salita” (Lucas 1:38). Kaya’t siya ang modelo ng pagiging bahagi ng pamilya ng Diyos at epetome’ ng pagiging masunurin. Ang pahayag ni Hesus ay hindi pagwawalang-bahala kay Maria kundi isang patunay na ang kanyang pagiging Ina ay higit pa sa biyolohikal—siya ang unang sumunod sa kalooban ng Diyos.

Sa Unang Pagbasa sinasalaysay ang pagiging ganap ng pag-aalay ni Kristo upang tuparin ang kalooban ng Diyos. Ang Salmo ay naglalarawan ng kagalakan at pagsunod sa kalooban ng Diyos bilang isang tanda ng tunay na pananampalataya. Ang pahayag ni Hesus, “Narito ako, O Diyos, upang sundin ang Iyong kalooban,” ay direktang tumutugma sa mensahe ng Salmo na ang tunay na pagsamba ay nagmumula sa pusong handang sumunod.

Ang tatlong pagbasa ay umiikot sa tema ng pagsunod sa kalooban ng Diyos bilang pangunahing layunin ng ating buhay. Binigyan diin pa ito sa Ebanghelyo, ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ang naging sukatan ng tunay na pagkakakilanlan bilang bahagi ng pamilya ng Diyos.

Sa ating buhay, ang pagsunod sa Diyos ay hindi laging madali, ngunit ito ang magdadala sa atin sa tunay na kagalakan at kaugnayan sa Kanya. Hinihimok tayo ng mga pagbasa na gawin ang kalooban ng Diyos nang may buong puso, sapagkat dito natin natatagpuan ang ating tunay na layunin at pamilya sa pananampalataya.

Manalangin tayo. Panginoon, nawa’y maging masaya kami sa pagsunod sa Iyong kalooban. Gawin Mo kaming karapat-dapat na maging bahagi ng Iyong banal na pamilya at nawa’y mapangatawan namin ito. Amen.

Reply

Rosalinda M. Jubilado January 28, 2025 at 2:23 pm

sa unang pagbasa tinuran tayo ni San Pablo
na si Jesus ang hain at handog ng.minsanan para sa ikspapatawad ng lahit ng ating mga kasalanan kasama ang mga sumampalataya sa lumang Tipan hanggang sa bagong Tipan na tumanggap at nanslig kay Jesus.

dahil sa pagsunod sa Kalooban ng Diyos Ama, hanggang kamatayan sa Krus, we are purified, sanctified by the Holy Blood of Jesus upon receiving the Sacrament of Baptism and in the Holy Eucharist.

Jesus in our Catholic faith is our Great High Priest.

Jesus established all the Sacraments of our Catholic Church to received Jesus physically in the Baptism, Eucharist and Confirmation
.
Jesus is the way, the truth and the life.
how do we know the way, truth, and life.?
Jesus Himself is the way, the truth and the life in the Holy Sacraments . – that Jesus established bago siya umakyat sa langit na ipinagkatiwala sa kanyang kinatawan na si San Pedro and at present is Pope Francis, till all generations to come.

Upon receiving the Baptism from St Peter, the Power, Graces, has been instilled in the heart of His church , His Body, without instructing one another. . Oh how great is the.love.of God to those who received Him in Words and in Deed.

in the Gospel , Jesus Himself says; that His mother and brothers are those who listens and.obeys His Holy Will.

the Holy Will of God is Jesus Himself.
the Words of God is His Holy Will
the Words of God became Flesh.
Jesus is True Man and True God
His Holy Sacrifice in the Cross is He Himself that we are receiving in the Holy Eucharist, And THAt we CANNOT BE JUST DESPISE .
IT IS JESUS HIMSELF WAITING 24 HOURS A DAY IN THE TABERNACLE TO RECEIVE HIM, TO BE IN ONE WITH HIM IN BODY SOUL AND SPIRIT
ALL PRAISES AND WORSHIP BE UNTO GOD ALONE SAPAGKAT HINDI NIYA INIHAYAG SA MGA TUMATANGGI SA KZNYA.
ALLELUIA!ALLELUIA!

AS WE,ARE THE MOTHER AND BROTHER OF JESUS, UNITED WITH HIM IN BODY, SOUL AND SPIRIT, not just in words but we received.Him Physically in the form of Holy Bread in the Sacrament of the Holy Eucharist, is not from human flesh, or from nature , or in any form of this world, ITO AY KALOOB SA ATIN MULA SA ATING DIYOS AMA. . ALLELUIA! ALLELUIA!
TO GOD BE ALL THE GLORY, HONOR, PRAISES, WISDOM, POWER, ,THANKSGIVING, AT KALAKASAN, FOREVER! AMEN.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: