Podcast: Download (Duration: 5:32 — 7.5MB)
Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
Efeso 4, 1-6
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6
Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.
Lucas 12, 54-59
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Friday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green)
UNANG PAGBASA
Efeso 4, 1-6
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso
Mga kapatid, ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayo’y maging mapagkumbaba, mabait, at matiyaga. Magmahalan kayo at magpaumanhinan. Pagsumikatan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan. Iisa lamang ang katawan at iisa lamang ang Espiritu; gayun din naman, iisa lamang ang pag-asa ninyong lahat, dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos. May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, at isang binyag, isang Diyos at Ama nating lahat. Siya’y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6
Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.
Ang buong daigdig, lahat ng naroon,
may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon;
ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y
ilalim ng lupa, tubig kalaliman.
Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.
Sino ang marapat umahon sa burol,
sa burol ng Poon, sino ngang aahon?
Sino’ng papayagang pumasok sa templo?
sino’ng tutulutang pumasok na tao?
Siya, na malinis ang isip at buhay,
na hindi sumamba sa diyus-diyusan;
tapat sa pangako na binibitiwan.
Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.
Ang Panginoong Diyos, pagpapalain siya,
ililigtas siya’t pawawalang-sala.
Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos
silang lumalapit sa Diyos ni Jacob.
Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.
ALELUYA
Mateo 11, 25
Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba!
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 12, 54-59
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Kapag nakita ninyong makapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at gayun nga ang nangyayari. At kung umihip ang hanging timog ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakagayon nga. Mga mapagpaimbabaw! Marunong kayong bumasa ng palatandaan sa lupa’t sa langit, bakit hindi ninyo mabasa ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?
Bakit hindi ninyo mapagpasiyahan kung alin ang matuwid? Kapag isinakdal ka sa hukuman, makipag-ayos ka sa nagsakdal habang may panahon; baka kaladkarin ka niya sa hukuman, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Huwebes, Oktubre 24, 2024
Sabado, Oktubre 26, 2024 »
{ 5 comments… read them below or add one }
Reflection: In the Gospel (Luke 12:54-59), Jesus reminds us on how we should interpret the signs of the times. Most of us would know how to predict certain conditions of our world like the weather forecasts and the changing of times and seasons. However we have to also recognize the present signs. As the Church’s liturgical year prepares to enter into Advent, we are invited to eagerly prepare for the Lord’s coming more than 2000 years ago celebrated on Christmas, the Parousia wherein he will judge us according to our deeds of love, and his continuous manifestations and revelations in the people and in different signs. That is why in the First Reading (Romans 7:18-25a), Saint Paul reminds us to do to live in the calling of one faith and one baptism which is under one Lord. Our carriages are that of hope, love, patience, and gentleness of towards one another. So it is the same with what the Lord Jesus said towards our relationship with others, that we are to settle any differences and conflicts through fraternal correction, justice, reconciliation, and love.
Sa aking pagkaunawa sa ebangelyo, dapat ay alam natin ang gusto ipabatid sa atin ng mga nangyayari sa ating paligid para tayo ay maging handa. At kung ano ang ang mga kasalanang nagawa natin ay may katapat na parusa na dapat pagbayaran. God be with us always, Amen.
Papuri sa Iyo Panginoon!
Pls guide us everyday, that the light shine upon us, that everything we do is acceptable to your eyes, and may our faith must always be strong that anyone who hurt us we can always forgive and forget. That your word will help us prepare all the time, cleanse our hearts O Lord!
Pagninilay: Unti-unti tayong nalalapit sa pagtatapos ng taong panliturhiya ng Simbahan. Sa loob ng 6 na Linggo, papasok muli tayo sa Panahon ng Adbiyento, na kung saan paghahandaan natin ang tatlong pagdating ni Kristo: (1) Ang kanyang Pagkakatawang-tao na ating ginugunita tuwing Pasko ng Pagsilang, (2) Ang kanyang Muling Pagpaparito sa katapusan ng panahon, at (3) Ang kanyang Pamalagiang pagdating sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga Sakramento.
Kaya ang Ebanghelyo natin ngayon ay isang paalala tungkol hindi lang sa kinabukasan, kundi mas tungkol sa kasalukuyan. Binabala ni Hesus ang pagiging masyadong mapagmataas, na parang titignan nalang sa mga kaganapan ng kalikasan. Bagkus, ang mensahe ni Kristo ay tingnan din natin ang mga tanda ng kasalukuyang panahon. Hindi palaging aasa ang ating buhay sa Diyos, pero hindi ito nangangahulugang dapat mawalan tayo ng pananampalataya sa kanya. Mayroong tanyag na kasabihan: “Nasa Diyos ang awa! Nasa tao ang gawa!” Kaya sinabi ng Panginoon na makipag-ayos tayo sa mga taong katunggali natin. Ang bawat sinasakdal ay hindi lang hinahantulan ng pisikal na pagkakulong sa bilangguan, kundi ang espirituwal na pagkabilanggo sa kanilang di pakikipagkasundo at pagwawasto ng mga nasirang relasyon. Ginamit itong halimbawa ni Hesus upang tayo’y hindi mawalan ng atensyon sa ating kasalukuyang kalagayan ngayon, at tumugon tayo nang nararapat ayon sa kanyang dakilang kalooban.
Kaya ipinapaalala ni San Pablo sa Unang Pagbasa ngayon na dapat tayo ay maging mapagkumbaba, mabait, at matiyaga. Tayo ay inaanyayahang magmahal ng bawat kapwa, katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Sa ganon, tayo ay nagkakaisa sa iisang pananampalataya, pagbibinyag, at Panginoon. Kaya tuwing inaawit natin ang Isang Pananampalataya habang winiwisikan tayo ng Pari gamit ang banal na tubig tuwing Linggo ng Pagkabuhay, tayong lahat na binyagan ay inaayayahan na ang mga pangakong sinariwain natin ay tuparin natin sa ating pagmamahal sa Diyos at kapwa. Gumawa tayo ng katuwiran at kabutihan, subalit talikdan natin ang kasamaan.
PAGNINILAY:
Sa unang pagbasa, sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Efeso, na pina-alalahanan tayo na maging mabait, mapagpakumbaba, matiyaga, mahinahon, at mapagparaya, bilang mga tinawag ng Diyos. Sapagkat may iisang binyag, iisang pananampalaya, at iisang Panginoon na sumasalahat. Ito ang katotohanan na hindi natin maikaka-ila sa ating buhay Kristiyano, na tayo ay sakop ng mga panukala ng Diyos. Kung kaya dapat tayong mag-kaisa kung papa-ano nagkakaisa ang San-Tatlo (Holy Trinity).
Sa Mabuting Balita ayon kay San Lucas, ipinapahayag sa atin na tayong mga tao na marunong bumasa ng palatandaan ay nagaganap nga ito. Kung ano ang ating pag-tataya sa isang sitwasyon o lugar ito nga ay nagiging totoo. Subalit ang mga dapat nating gawin na batay sa ating pananampalataya, gaya ng magmahal, magpatawad, ipagkasundo ang sarili sa Diyos ito ay kinakaligtaang gawin. Dahil sa ating sariling yabang at kawalan ng pag-talima sa Diyos, na dapat ito ay ating isabuhay para maging totoo tayong Kristiyano na sumusunod kay Kristo-Hesus. Kung mayroon tayong mga kagalit o kaaway man dapat nating matutunang palayain ang sarili natin at ang iba man. Hindi dapat humantong sa poot na kadalasan ito ang nagiging daan upang maging masama tayo, sa ating sarili at sa iabng tao. Dahil sa mayroon tayong pinagdadaanan na hindi natin kayang kalimutan o magpatawad man. Nagiging bitter ang ating buhay nawawala tayo sa pagiging Kristiyano.
Ang hamon sa atin ng mabuting balita, dapat tayong maging mabuti at ulirang Kristiyano, magpatawad ng kaaway, makipagksundo bago pa tayo husgahan. Sa ganang sarili natin hindi natin kaya kaya kailangan nating hingin ang grasya ng Diyos sa ating buhay.
God bless us all.