Miyerkules, Setyembre 25, 2024

September 25, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Inaanyayahan tayo ng Diyos Ama upang maging lingkod na magpapalaganap ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa lahat. Hilingin natin sa Ama na gawin tayong kapani-paniwalang mga saksi.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, bigyan mo kami ng lakas na maging iyong mga saksi.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na mag-anyaya at magsugo ng mga misyonero upang ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng bansa at dako, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyano nawa’y maging masigasig sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos sa mga hindi pa sumasampalataya at hindi pa tumatanggap nito, manalangin tayo sa Panginoon.

Maraming tao nawa ang mahikayat sa pananampalatayang Kristiyano bunga ng ating makatotohanang pagsaksi, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nabibigatan sa buhay nawa’y makita ang katangi-tanging pag-ibig at kalinga ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aaruga ng kanilang mga pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magbunyi sa walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, pinili mo kami kay Kristo sa pagpapahayag ng iyong pag-ibig. Gawin mo kaming mga tunay na tagapaghatid ng iyong Salita sa pamamagitan ng pagsaksi nito sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 26, 2018 at 3:19 pm

Mula kay Fr. Rey Anthony Yatco:
MAGANDANG BALITA NGAYON – MIYERKULES NG IKA-25 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

LUKAS 9:1-6 Noong panahong iyon, tinawag ni Hesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kakayahan at kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling ng mga karamdaman. At sinugo niya sila upang ipahayag ang paghahari ng Diyos at magpagaling ng mga maysakit. Sila’y pinagbilinan niya: “Huwag kayong magbaon ng anuman para sa inyong paglalakbay kahit tungkod, supot, tinapay, salapi o bihisan. Makituloy kayo sa alinmang bahay na tumanggap sa inyo, at manatili roon hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon. At sakaling hindi kayo tanggapin, umalis kayo roon,y at ipagpag ninyo ang alikabok ng inyong mga paa bilang babala sa kanila.” Kaya’t humayo ang mga alagad at naglakbay sa mga nayon, na ipinangangaral ang Mabuting Balita at nagpapagaling ng mga maysakit sa lahat ng dako.

MAGNILAY: Kapansin-pansin ang habilin ng Panginoon sa kanyang mga alagad na huwag magbaon ng anuman. Ibig sabihin ay huwag nilang ipasa-kamay lamang nila ang misyong ito. Lahat ay nasa kamay ng Diyos. Huwag tayong magmagaling. Hindi natin trabaho ito. Kanya ito. Sa kanya tayo aasa hindi sa galing natin. Kailangang iwan ang yabang natin at huwag itong babaunin.

MANALANGIN: Panginoon, isugo mo rin kami sa misyong ito ayon sa aming kapasidad at estado sa buhay. Gawin mo kaming kasangkapan ng paghilom sa maraming aspeto at larangan ng buhay namin ngayon.

GAWIN: Huwag magdala ng anuman maliban sa pagtitiwalang Diyos ang tutulong, gagabay at magtatanggol sa iyo.

Mass Readings in English:
https://bearersofthecross.wordpress.com/2018/09/24/daily-mass-readings-september-26-2018/

Reply

[email protected] September 22, 2020 at 2:16 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay sinasabi na mahalaga at banal ang Salita ng Diyos. Hindi dapat ito binabawasan o dinadagdagan. Kaya dinadasal ng manunulat, na pinaniniwalaan ng mga eksperto sa Bibliya na si Haring Solomon, sa Diyos na huwag siyang hayaang maging sinugngaling, bagkus ay patuloy na managana sa kabutihang-loob na biyaya ng Panginoon.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagsusugo ni Hesus sa kanyang 12 Apostol upang ipangaral sa mga nayon at bayan ng Israel ang Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos. Sila rin ay inaatasang makituloy sa mga bahay na tumatanggap sa kanila, at gumawa ng mga nararapat na kababalaghan para sa mga maysakit. At kung hindi sila tanggapin sa isang lugar, sila ay papagpag ng paa bilang saksi laban sa kanilang pagtanggi sa mensahe ng Panginoon. Ito ay isang paghahanda sa ganap na misyon ng mga Apostol matapos umakyat si Hesus sa langit 40 araw pagkatapos ng kanyang Pagkamatay sa Krus at Muling Pagkabuhay. Sila ang tumutupad sa 12 Tribo ng Israel, na kung saan sila ay ang pundasyon ng bagong Israel, ang Simbahang itinatag ni Kristo.

Kaya ang misyon ng mga Apostol ay ipinasa sa Simbahan mula sa Santo Papa, mga Obispo, kaparian, mga diyakono, at bawat laiko. Tayong lahat na bininyag sa ngalan ng Santatlo ay inaatasang makibahagi sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ni Kristo upang makita ng lahat sa ating salita at gawa ang Paghahari ng Diyos. Anuman ang ating sitwasyon at anuman ang ating bokasyon sa buhay, tayong lahat ay nasa misyon upang ipamalas ang kabutihang-loob at pagmamahal ng Panginoong Diyos sa bawat nilalang niya.

Reply

ESTABILLO, FRANCIS CHARLES P. September 24, 2024 at 8:47 pm

Ang paanyaya sa ating pagbasa na sa araw-araw nang atinig pamumuhay idalanagin natin na samahan tayo ng Diyos ng sa gayon ay tayo ay maligtas at hindi mapahamak. Nabanggit rin na ipagpag natin ang ating mga paa at lisanin natin ang mga taong ayaw makinig sa salita o kabuting balita ng Diyos. Hindi dapat antin ipinagsisiksikan ang mga sarili natin sa taong ayaw sa atin. Palagi nating tatandaan na kung iba hindi tayo tinatanggap at minamahal at pinahahalagahan, and Diyos sobra-sobra pa ang pagmamahal, pag tanggap at pagpapahalaga sa atin.

Reply

Raquel V. Acda September 25, 2024 at 12:21 pm

Lukas 9: 1 – 6
Sept 25, 2024
“Ipinadala ni Jesus Ang Labingdalawa”

Ang pagsusugo ni Jesus sa labindawalang apospol upang magpalaganapin ang kaharian ng Dios ang buod ng gospel today.

In the fulfillment of the mission of the 12 apostles Jesus equipped them with the needeed skills or gifts:healing, pagpapaalis ng masamang espirito, pangangaral atbp.

Sa buhay natin at mayroon tayong misyon na iniatang sa bawat isa sa atin, kasama sa misyon natin ang pagpapalaki sa ating mga anak at familia para sila ay maging mabuting anak ng Dios. We equipped our children christian values and good educations for their future. In the process of doing this we tend to focus on acquisitions of wealth, positions and power. Nagiging dahilan ang mga ito upang mas mag focus tyo sa ibang bagay at nakalimutan natin na magpuri at magbigay ng oras sa Kanya. Masyado tyong nagdala ng maraming baggage sa buhay natin, mga financial possessions na nagiging daan upang mag worry tyo, magkasakit, at mawalan ng peace sa puso natin.

Let today’s gospel remind us na katulad ng pagsusugo sa 12 apostol tayo din at hindi Niya pababayaan. Panghawakan natin ang pagmamahal Ng Dios sa atin upang maging mabuting misyonero tayo sa ating familia at kapwa. Pagpagin natin ang galit or mga sama ng loob sa mga taong hindi nagpatuloy or nag welcome sa atin sa kanilang puso. Magpatuloy tayong mag misyon hanggang sa dulo ng ating buhay upang ang mabuting balita, ang mabubuting gawa ang fruits ng holy spirit ay patuloy na lumaganap hanggang sa pagbabalik ng ating Panginoon.

Reply

Marz September 25, 2024 at 3:03 pm

God will provide as long it’s not our endeavor and share with others.
Pray hope don’t worry – Father Pio.
As we stay with the Lord, He will remain with us.
God is Good All the Time.
All the Time God is Good.
Father open our hearts to your word.
Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: