Linggo, Agosto 4, 2024

August 4, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Patnubay sa Misa

Yamang tayo’y nananalig na ang Diyos ay totoong mapagbigay at laging nagdudulot ng buhay sa Kanyang bayan, tayo’y dumulog at manalangin sa Kanya sa pag-asang tayo’y Kanyang pakikinggan. Sama-sama tayong manalangin:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa Simbahang Katoliko, ang peregrinong bayan ng Diyos: Nawa’y maihatid niya ang mga tapat sa makalangit na kaharian bilang kasangkapan ng pag-ibig ng Diyos na siyang nangalaga sa mga Israelita sa kanilang paglalakbay sa disyerto. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, mga obispo at lahat ng namumuno sa bayan ng Diyos: Nawa’y pasiglahin at palakasin nila ang kanilang mga kawan bilang mga tagapaghatid ng maraming biyaya ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga naaakit ng materyalismo: Nawa’y mapaglabanan nila ang mga panghalina ng materiyal na pakinabang at magsikap sila para sa pagkaing nagdudulot ng buhay na walang hanggan. Manalangin tayo!

Para sa ating kura paroko at sa mga katulong niya: Nawa’y manatili silang malusog at maipag-taguyod ang kanilang malasakit at pagmamahal ng mga pinamumunuan nila. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga Kristiyano: Nawa’y masaisantabi natin ang ating “dating pagkatao” at ang ating mga makasalanang paghahangad at sa halip ay magsumikap na mamuhay sa kalinisan at kabanalan. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa’y magkaroon tayo ng isang mapitagang pag-ibig sa Eukaristiya at magsumikap na tanggaping lagi si Hesus sa Banal na Pakikinabang. Manalangin tayo!

Amang nasa langit, ang pananampalataya sa Iyong Anak na si Hesus ay siyang handog Mo sa amin. Tulungan Mo kaming lubos na magtiwala sa kanya upang ang kanyang buhay sa amin ay patuloy na sumigla. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpasa walang hanggan.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald David Perez July 22, 2021 at 3:56 pm

PAGNINILAY: Ngayong Unang Linggo ng Agosto at Taong B ng Kalendaryong Liturhikal ng Simbahan, patuloy natin pinagninilayan ang Ikaanim na Kabanata ng Ebanghelyo ni San Juan (Juan 6) sa mga susunod na Linggo. Noong nakaraang Linggo, narinig natin kung paanong pinadami ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda para pakainin ang limang libong tao.

Ngayong Linggo, ang ating Ebanghelyo (Juan 6:24-35) ay tungkol sa aplikasyon ng pagpapakain sa limang libo, ang pagdeklara ni Hesus sa kanyang sarili bilang Tinapay ng Buhay. Sa ating Unang Pagbasa (Exodo 16:2-4, 12-15), nakita natin na malaya na ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto, kaya lumakbay sila sa disyerto. Ngunit, pagkatapos ng ilang araw, sila’y nagalit kina Moises at Aaron dahil gutom na gutom na sila. Narinig nito ng Panginoong Diyos, kaya nagbaba siya ng manna, at inutusang pulutin ito araw-araw, at sa isang umaga, nakapaligid ang napakaraming hamog. Kaya sinabi ni Moises sa mga Israelita na ang Diyos ang nagbigay ng tinapay para sa kanila. Ang pangyayaring ito ay isang paghahanda sa pagdeklara ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang sarili bilang Tinapay ng Buhay.

Balikan natin ang ating Ebanghelyo. Hinanap ng mga tao si Hesus dahil pagkatapos ng kababalaghang pagdami ng tinapay at isda, gusto nila siyang maging hari. Kaya nakita ng mga Apostol mula sa isang bangkang patungong Capernaum ang Panginoong lumalakad sa tubig. Sa ibang banda, sumakay ang mga tao sa mga bangka papuntang Capernaum para hanapin ang Panginoon at ang kanyang mga alagad. Kaya nang nakita nila sila, lumapit sila sa kanya, at gusto nila makita pa ng isang kababalaghan. Ang tugon ni Hesus ay siya ang Tinapay na nagbibigay-buhay. Tuwing nakikinabang tayo sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya, tumatanggap tayo ng espirituwal na pampalusog. Ngunit kailangan natin isabuhay ito sa ating araw-araw na pamumuhay. Kaya nga sabi ni Kristo na magsikap para sa pagkaing hindi nagsisira at nagbibigay na buhay na walang hanggan. Hindi ibig sabihin nito na bawal tayo’y kumain, kundi sa bawat ginagawa natin, dapat magkaroon tayo ng espirituwal na pampalusog. Tuwing tinatanggap natin si Hesus sa Misa, dapat maramdaman natin na siya ay nasa ating puso’t kaisipan dahil tayo’y pinili niya bilang kanyang mga saksi sa Mabuting Balita.

Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y tanggapin natin si Hesus bilang Tinapay ng Buhay sa pamamagitan ng mabubuting gawain Sa ating mga kapwa.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 1, 2021 at 12:52 pm

Tayo ay mahilig at nasasabik sa buffet na pagkain or yung boodle fight na tinatawag, dahil napakarami ng mga ibat ibang putahe na maari nating makain at mabubusog ng husto. Sana ay ganun din tayo sa pagkaing ispiritwal, sana ay mahilig at nasasabik din tayo sa pagkain na bigay ni Hesus, yan ang ang mga Mabuting Balita na mas higit pa sa buffet at boodle fight. Sagana ang pagkaing ito, libre mong makakain, at hindi ka mauuhaw o magugutom magpakaylanman. Tuwing umaga ay almusalin mo ang ebanghelyo, buong araw ay isakatuparan mo ang aral nito sa iyong gawain, sa makaksalamuha mo sa araw na iyon, sa trabaho, sa pamilya at kapitbahay. Kinabukasan ay ulitin mong muli, paulit ulit at isapuso qng nais ituri ni Hesus satin sa mga ebnghelyo, napkarami ng Mabuting Balita parang buffet, namnamin mo… gamitin mong batayan sa lahat desisyon at hindi ka maliligaw ng landas, hindi ka na mauuhaw o magugutom.

Reply

drruelROMUALDO-sjc August 1, 2024 at 8:41 am

Pangunahing Mensahe
1. Ang Tunay na Paghahanap
Sinabi ni Jesus, “Hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa nakita ninyo ang mga tanda, kundi dahil nakakain kayo ng mga tinapay at nabusog.” Ang mga tao ay naghahanap kay Jesus, ngunit hindi dahil sa kanilang pananampalataya kundi dahil sa mga pisikal na pangangailangan nila.

Pagninilay: Sa ating sariling buhay, ano ang dahilan kung bakit hinahanap natin ang Diyos? Hinahanap ba natin Siya dahil may mga gusto tayong makuha mula sa Kanya? O hinahanap ba natin Siya dahil naniniwala tayo sa Kanya at nais nating magkaroon ng mas malalim na relasyon sa Kanya?

2. Ang Pagkain na Nagbibigay ng Buhay
Sinabi ni Jesus, “Huwag kayong magpagal para sa pagkaing nasisira, kundi para sa pagkaing nananatili sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao.” Ipinapakita ni Jesus na higit sa mga pisikal na pangangailangan, ang espirituwal na pagkain ang pinakamahalaga.

Pagninilay: Sa ating modernong mundo, napakaraming bagay ang nagbibigay ng pansamantalang kasiyahan—mga materyal na bagay, karangyaan, at kasikatan. Ngunit ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ano ang mga bagay na pinahahalagahan natin sa buhay? Inuuna ba natin ang ating relasyon sa Diyos kaysa sa mga materyal na bagay?

3. Ang Tinapay ng Buhay
Sa huli, ipinahayag ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay; ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.” Ipinapaalala ni Jesus na Siya lamang ang makakapuno ng ating mga tunay na pangangailangan, hindi lamang pisikal kundi pati espirituwal.

Pagninilay: Si Jesus ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kasiyahan sa ating mga kaluluwa. Paano natin mapapalapit ang ating sarili sa Kanya? Sa pamamagitan ng panalangin, pagbabasa ng Banal na Kasulatan, at pagsasabuhay ng Kanyang mga turo, mas mapapalapit tayo kay Jesus at matatanggap natin ang buhay na walang hanggan.

Konklusyon:
Ang mensahe ng Ebanghelyo ngayon ay isang paanyaya para sa ating lahat na suriin ang ating mga puso at layunin. Hinahanap ba natin ang Diyos dahil sa mga biyayang Kanyang maibibigay, o hinahanap ba natin Siya dahil tunay tayong naniniwala at nagmamahal sa Kanya? Nawa’y palagi nating alalahanin na si Jesus ang Tinapay ng Buhay—ang tanging makakapuno sa ating espirituwal na gutom at uhaw.

Reply

Joshua S. Valdoz August 3, 2024 at 8:58 pm

PAGNINILAY: Tayo ay mahilig at nasasabik sa buffet na pagkain or yung boodle fight na tinatawag, dahil napakarami ng mga iba’t-ibang putahe na maari nating makain at mabubusog ng husto. Sana ay ganun din tayo sa pagkaing ispiritwal, sana ay mahilig at nasasabik din tayo sa pagkain na bigay ni Hesus, yan ang ang mga Mabuting Balita na mas higit pa sa buffet at boodle fight. Sagana ang pagkaing ito, libre mong makakain, at hindi ka mauuhaw o magugutom magpakailanman. Tuwing umaga ay almusalin mo ang ebanghelyo, buong araw ay isakatuparan mo ang aral nito sa iyong gawain, sa makakasalamuha mo sa araw na iyon, sa trabaho, sa pamilya at kapitbahay. Kinabukasan ay ulitin mong muli, paulit ulit at isapuso ang nais ituri ni Hesus satin sa mga ebanghelyo, napkarami ng Mabuting Balita parang buffet, namnamin mo… gamitin mong batayan sa lahat desisyon at hindi ka maliligaw ng landas, hindi ka na mauuhaw o magugutom.

Reply

Group of Believer Poblite August 4, 2024 at 5:41 am

MAGNILAY: Naghihimutok si Hesus dahil kunwari hinahanap siya ng mga tao pero ang totoo ang makukuha nila mula sa kanya ang habol nila. Napakain at nabusog niya sila noon at ngayon gusto nilang mabusog muli. Hindi nila naunawaan na binusog sila upang makilala nilang siya ang Panginoon na dapat sundin. Ang tularan siya ang talagang bubusog ng kanilang kaluluwa at papawi ng kanilang gutom. Binusog sila noon; sila naman ang magbusog ng iba ngayon.

Tayo rin. Biniyayaan tayo ng Panginoon sa maraming pagkakataon. Maging biyaya naman tayo sa iba sa pamamagitan ng ating pagtulong at pagmamalasakit bilang pagsunod sa Panginoon. Huwag tayong maging benepisyaryo lang ng mga biyaya niya. Maging mga tagasunod niya nawa tayo na gumagawa ng mga ginawa niya sa atin.

MANALANGIN: Panginoon, tulungan mo akong maunawaan na ang bawat biyaya mo ay paanyaya na maging disipulo at tagasunod mo.

GAWIN: Biniyayaan ka ng Panginoon; maging biyaya ka naman sa iba.

Reply

Malou Castaneda August 4, 2024 at 9:35 am

PAGNINILAY
Si Hesus ay gumagamit ng pinakasimpleng larawan upang tulungan tayong makaunawa: Siya ay nagsalita tungkol sa tinapay. Sa Kanyang panahon, kapag ang mga diyeta ay simple, ang tinapay ay nagpanatiling buhay ang mga tao; nasisiyahan sila sa kanilang gutom at nagbibigay sa kanila ng lakas upang magpatuloy. Sa Ebanghelyo, sinasabi ni Hesus na Siya ang ‘tinapay ng buhay’ para sa atin: sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kanyang pakikipagkaibigan tayo ay mapapakain, mapapalusog, mapalalakas, at mas magiging buhay. Hinahayaan natin ang Diyos na gumana at gumawa sa ating buhay. Isinusuko natin ang anumang pagkaalipin na hindi natin isinuko sa Kanya. Hindi na tayo magugutom at mauuhaw sa mga kasiyahang inihandog sa mga bihag ng kasalanan. Kapag pumila tayo para sa Komunyon, isipin natin kung paano binago ng Tinapay ng Buhay, ang Tunay na Presensya ng Diyos, ang ating buhay.

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming laging humugot ng buhay mula sa Iyong pakikipagkaibigan sa amin at bigyan ka ng karangalan sa lahat ng aming ginagawa. Amen.
***

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: