Podcast: Download (Duration: 8:36 — 6.1MB)
Lunes sa Ika-3 Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda
2 Hari 5, 1-15a
Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4
Aking kinasasabikan
ang Diyos na nabubuhay.
Lucas 4, 24-30
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Monday of the Third Week of Lent (Violet)
UNANG PAGBASA
2 Hari 5, 1-15a
Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari
Noong mga araw na iyon, sa Siria ay may isang pinuno ng hukbo na labis na kinalulugdan ng hari pagkat matapang siya, makapangyarihan at pinapatnubayan ng Panginoon kaya laging matagumpay ang Siria. Ngunit siya’y ketongin. Siya ay si Naaman. Minsan, ang mga taga-Siria ay nakabihag ng isang babaing Israelita. Ginawa nila itong katulong ng asawa ni Naaman. Sinabi nito sa kanyang panginoon, “Kung ang asawa ninyo ay lalapit sa propeta sa Samaria, tiyak na gagaling siya.” Ang sinabi ng Israelita ay sinabi ng babae kay Naaman. Nagpunta naman ito sa hari at ibinalita ang sinabi ng utusan ng kanyang asawa.
Sinabi naman ng hari, “Pumunta ka at pagdadalhin kita ng sulat sa hari ng Israel.”
At lumakad nga si Naaman. May dala siyang tatlumpunlibong putol na pilak, anim na libong pirasong ginto at sampung magagarang kasuutan. Dala rin niya ang sulat para sa hari ng Israel. Anang sulat: “Mahal na Haring Joram, ang may dala nito’y si Naaman na aking lingkod. Ipinakikiusap kong pagalingin mo ang kanyang ketong.”
Nang mabasa ito ng hari ng Israel, ginahak niya ang kanyang kasuutan at sinabi, “Ako ba’y Diyos na maaaring pumatay at bumuhay? Bakit sa akin niya pinapunta ang taong ito para pagalingin sa kanyang sakit? Baka naman humahanap lang siya ng dahilan para magdigmaan kami?”
Nang mabalitaan ni Eliseo ang ginawa ng hari, ipinasabi niya, “Bakit ninyo gagahakin ang inyong kasuutan? Sa akin ninyo siya papuntahin para malaman nilang may isang propeta rito sa Israel.”
Ipinasabi nga ni Haring Joram kay Naaman na ang hanapin nito’y si Eliseo. Kaya, sumakay ito sa kanyang karwahe, at nagpunta kay Eliseo, kasama ang marami niyang kawal na kabayuhan. Ipinasabi sa kanya ni Eliseo: “Pumunta ka sa Ilog Jordan. Lumubog ka ng pitong beses at mananauli sa dati ang iyong katawan. Gagaling ang iyong ketong.”
Nang marinig ang sinabi ni Eliseo, nagalit si Naaman at padabog na umalis. Sinabi niya, “Akala ko pa nama’y sasalubungin niya ako, tatayo siya nang tuwid, tatawagan ang Diyos niyang Panginoon sa Ilog Jordan, at itatapat sa akin ang kanyang mga kamay upang ako’y gumaling. Bakit doon pa niya ako pasisisirin? Bakit hindi sa alinman sa mga ilog ng Damasco tulad ng Abana at ng Farfar. Hindi ba’t mas malinis iyon kaysa alinmang tubig sa Israel? Siguro nama’y mas madali akong gagaling kung doon ako maliligo.” At galit na galit siyang umalis.
Lumapit sa kanya ang kanyang mga katulong at sinabi, “Panginoon, hindi ba’t gagawin ninyo kahit mahirap pa riyan ang ipagawa sa inyo ng propeta? Gaano pa iyang pinaghuhugas lang kayo para luminis?” Kaya, nang mapag-isip-isip ito ni Naaman, lumusong siya ng Ilog Jordan at lumubog ng pitong ulit. At tulad ng sinabi Eliseo, nanauli sa dati ang kanyang katawan at kuminis ang kanyang balat, tulad ng balat ng sanggol.
Si Naaman at ang kanyang mga kasama ay nagbalik kay Eliseo. Sinabi niya, “Ngayo’y napatunayan kong walang ibang diyos sa ibabaw ng lupa kundi ang Diyos ng Israel.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4
Aking kinasasabikan
ang Diyos na nabubuhay.
Kung paanong yaong batis ang hanap ng isang usa;
gayun hinahanap ang Diyos ng uhaw kong kaluluwa.
Aking kinasasabikan
ang Diyos na nabubuhay.
Nananabik ako sa Diyos, Diyos na buhay, walang iba;
kailan kaya maaaring sa harap mo ay sumamba?
Aking kinasasabikan
ang Diyos na nabubuhay.
Ang totoo’t ang liwanag, buhat sa ‘yo ay pakamtan,
upang sa Sion ay mabalik, sa bundok mong dakong banal
sa bundok mong pinagpala, at sa templo mong tirahan.
Aking kinasasabikan
ang Diyos na nabubuhay.
Sa dambana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog,
yamang galak at ligaya ang sa aki’y iyong dulot;
sa saliw ng aking alpa’y magpupuri akong lubos
buong lugod na aawit ako sa Diyos, na aking Diyos!
Aking kinasasabikan
ang Diyos na nabubuhay.
AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Salmo 129, 5 at 7
Umaasa ako sa D’yos,
nagtitiwala nang lubos
sa salitang nagdudulot
ng pag-ibig na mataos
upang kamtin ang pagtubos.
MABUTING BALITA
Lucas 4, 24-30
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Nang dumating si Hesus sa Nazaret, sinabi niya sa mga nasa sinagoga: “Tandaan ninyo: walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan. Ngunit sinasabi ko sa inyo: maraming babaing balo sa Israel noong kapanahunan ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlong tao’t kalahati at magkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Subalit hindi sa kaninuman sa kanila pinapunta si Elias kundi sa isang babaing balo sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. Sa dinami-dami ng mga ketongin sa Israel noong kapanahunan ni Eliseo, walang pinagaling isa man sa kanila; si Naaman pang taga-Siria ang pinagaling.” Galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito. Nagtindigan sila, at ipinagtabuyan siyang palabas, sa taluktok ng burol na kinatatayuan ng bayan, upang ibulid sa bangin. Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Linggo, Marso 3, 2024
Martes, Marso 5, 2024 »
{ 9 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay mula sa pagtatagpo ni Eliseo kay Naaman, ang tagapag-utos ng kawal sa Syria. Si Naaman, na bagamat Hentil at tinuturing ng mga Hudyo na walang makakamit na kaligtasan, ay biniyayaan ng Diyos ng isang pagpapala ng pagpapagaling, na hindi niyang inasahan dahil sa utos ng propeta ilubog ito sa Ilog Jordan ng pitong beses. Dahil sa lakas na loob ng kanyang mga alipin tungkol kay Eliseo bilang biyaya ng Diyos, sinunod ni Naaman ang utos ng propeta. At nakita natin kung paano siyang gumaling mula sa ketongin, na isang nakakahawang sakit at noo’y iniutos sa Kautusan ni Moises na dumistansya.
Ang ganitong pangyayari ay binanggit ni Hesus sa Ebanghelyo sa harap ng kanyang mga kababayan sa Nazaret na hindi tumatanggap sa kanya bilang dakilang propetang mula sa Diyos (o sa ibang salita, bilang Mesiyas). Isinasaad ni San Lucas sa buong panunulat niya na ang Diyos ay para sa lahat ng tao, Hudyo man o Hentil. Kaya narinig din natin ang pahayag ni Hesus tungkol sa mga pagpapala ng Diyos na ipinakita sa babaeng balo sa Sarepta noong panahong ni Elias, at ganun din kay Naaman sa kapanahunan ni Eliseo (na mula sa Unang Pagbasa). Kaya’t ipinataboy siya ng kanyang kababayan palabas sa sinagoga, at hinila sa isang mataas na bangin upang ipahulog, subalit siya’y dumaan sa gitna nila at ganun din ay umalis sa bayan.
Totoo ang naging pahayag ni Hesus tungkol sa kanya bilang propetang hindi tinatanggap sa kanyang sariling bayan. At kahit ang mga pinuno ng mga Hudyo, pati na rin ang mga hari ng Galilea at Juda, ay hindi tumanggap sa kanya. Subalit ang mga mababaang-loob katulad ng kanyang mga alagad, bagamat ordinaryo ang kanilang pinagmulang estado at hanapbuhay, ay lubos na tumanggap sa kanya at naging mga tagasunod niya. Kahit sa buhay ni Hesus ay may mga pagkakataong nakitagpo rin siya sa labas ng lahi ng mga Hudyo, at siya’y mas nakilala ng mga Hentil bilang Mesiyas.
Hilingin natin sa kanya ngayong Kuwaresma na tanggapin natin siya sa ating buhay, at ganun din sa pagtanggap sa ibang tao patungo sa kapayapaan, pakikipagkasundo, pagkakaisa, at pagmamahal. Bagamat iba’t iba ang ating katangian at kakayahan sa buhay, ang Diyos ay pantay-pantay tayong kinalulugdan kung patuloy tayong magiging tapat sa kanya at sa kalooban niya sa ating munting paraan.
Walang propeta ang kinikilala sa kanyang sariling bayan.
Noong ako ay nagsimulang magserve sa aming parokya bilang isang lay minister, hindi maganda ang aking mga narinig mula sa aking kapitbahay, mga kaibigan at mismong mga kamag-anak. Kinutya, pinagtawanan, inaalaska at may mga nagsabi pang tila yata ako’y nababaliw na. Pero hindi ako nagpa-apekto at hindi rin yun naging dahilan para itigil ko ang pagbabago at pagbabalik loob sa Diyos. Ipinagpatuloy ko ang pagsisilbi sa simbahan at kalaunan ay nagkaroon ako ng magandang relasyon sa Diyos. Paminsan minsan ay nakakagawa pa din ako ng kasalanan pero malayo na sa dati kong gawi, sapagkat tinutulungan ako ni Hesus na matalikuran ang kasamaan at maiwasan ang tukso.
Ngayong panahon ng Kwaresma ay samantalahin na magbago sa pamamagitan ng pagsisisi, Paghingi ng kapatawaran at panalangin na lukuban tayo ng espiritu santo na matalikuran na ang paggawa ng masama.
Lagi nyo po kaming samahan ang aming pamilya at bantayan at igawad nyo po sa amin ang tuwid n gawain lalo n sa aming kapwa. Matapis n pi sana ang gulo sa ukraine at russia. Patnubayan mo po sila sa natuwid n landas at ingatan .amen.
PAGNINILAY
May mga pagkakataon ba sa ating buhay na tayo ay tinanggihan dahil hindi tayo ang taong inaasahan ng isang miyembro ng pamilya o kaibigan? Kahit na ang mabubuting tao ay nagseselos, naiinggit at nagagalit kung minsan. At mayroon bang mga sitwasyon sa ating buhay na tinanggihan natin ang ibang tao dahil hindi sila ang taong gusto nating maging sila? Lahat tayo ay nalagay sa parehong sitwasyon na ito. Ingatan natin ang ating paghuhusga sa mga taong ating nakakaharap. Totoo na madalas ang paghatol ay awtomatiko at halos hindi natin alam. Gayunpaman, kapag nalaman natin na tayo ay humahatol sa iba, maaari nating piliin na umatras mula sa paghatol at hayaan ang Diyos na ang maging Hukom. Ito ay hindi lamang magpapalaya sa ibang tao, ito rin ay magpapalaya sa atin!
Panginoong Hesus, tulungan mo kaming ipaalam ang Iyong Mabuting Balita sa pamamagitan ng kung paano ang aming pamumuhay. Amen.
***
PAGNINILAY: Ang masaganang GRASYA na pagpapala ng DIOS sa atin ay ipinahayag para sa lahat, ibinabahagi ito ng Dios sa mga taong abang kalagayan at mga taong may paniniwala at handang sumunod sa DIOS, ang abang babae na balo na tinanggap ang pahayag ng Dios at naniniwala kahit paman sa mahirap na kalagayan, at bumuhos ang masaganang pagpapala ng Dios. Si Naman naniniwala siya at sumunod sa Dios ng Israel at tinanggap Niya ang GRASYA ng pagpapagaling at bumuti ang kanyang kalagayan sa tulong ng propeta.
Sa Ebangelyo ni San Lucas pinaramdam ng Panginoon ang kahalagahan ng pagkilala at pagtanggap ng katotohanan upang matamo natin ang masaganang pagpapala ng DIOS. Si Jesus ang sapat at higit sa ating mga pangangailangan.
Sa panahon ng kuwaresma matatamo lamang natin ang GRASYA na Alok ni Jesus kung tanggapin natin siya, pano ba natin siya makamtan? Una linisin ang puso Alisin ang inggit, galit , hinanakit , pagmamalaki, pagdududa, kawalan nag PAGASA kawalan ng galang at IBA pang tulad nito, humarap sa kumpisal upang mapatawad ng Dios, manalangin mag-ayuno magbahagi wag na natin tularan ang mga eskriba at pariseo wala na nga silang maitulong pabigat pa sa buhay tulad ng Iilan sa atin.
PANALANGIN: Panginoon huwag ko nawang pagdududahan at maliitin ang iyong mga pagpapala.
GAWAIN: Sundin mo at tanggapin si Jesus upang makamtan mo ang kanyang GRASYA.
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess Gregorio:
Mahilig tayo mag joke. Marahil kung hindi na natin maarok ang lalim ng kahulugan ng buhay ay nagjojoke na lang tayo. Para gumaan ika nga. Ang Diyos nag jojoke rin. Sa kadahilanang malayo ang isip at gawi niya sa atin, hindi niya aasahan na maintindihan natin agad ang mga katotohanan sa ating buhay. Wala tayong kapangyarihan. Wala tayong galing. Wala tayong karunungan. Kung tutuusin tayo ay JOKE lamang. Ang ating katauhan ay “It’s a prank!” Masyado lang natin binibigyan ng importansiya ang sariling kakayahan kaya tayo ay sumasablay. Gaya ng ginawi ng sinagoga nang pinalayas sa templo si Kristo dahil sa sinabi niyang walang kinikilalang propeta sa sariling bayan, ang nasa isip ng mga miyembro ay tila baga, “Ano itong naririnig namin, joke!?” Kaya sa kanilang kaseryosohan hindi nila nakita ang katotohanan. Kahit nagpaliwanag na si Kristo tungkol kay Elias at ang babaing balo sa Sarepta, lupain ng Sidon, dinagdagan pa niya ng kuwento tungkol kay Naaman, isang ketongin na banyaga, akala nila joke pa rin dahil nabubuhay sila sa kanilang maling realidad na akala nila ay katotohanan. Kaya hayun, para lalong maniwala ang totoong jokers ng sinagoga, nag magic siya at nawala sa kanilang piling kasi malaking joke ang nangyayari. Sa Diyos, ang makamundong katingian natin ay joke. Ngunit dahil sa Banal na Espiritu tayo naging totoo. Pansinin nyo, kung ang mga sinasabi ko ay hindi totoo, kanino tayo nakikinig ng husto, natututo, hindi ba sa mga nagpapatotoo na may joke sa katotohanang binabahagi? Aantukin lang tayo sa sobrang dunong na seryosong nagtatalumpati. Kasi concious masyado siya sa kanyang hitsura, pananalita, at mapagpanggap na karunungan. Tingnan nyo ang nga santo at mga papa na minahal ng mundo, hindi ba sila ay puno ng humor at malimit mag joke? Kahit si Pope Francis pag nagsalita, ang gaan at tayo ay makikiliti, dahil mahilig siya sa katotohanang nasa likod ng kanyang mga joke para di makasakit ng marami. Pero naihahatid nila mensahe ng Espiritu. Depende na lang sa nakikinig, kung ang isa ay nasa Espiritu rin, maiintindihan at di magagalit. Ang mundo kasi ay pugad ng mga jokers. Naipapanalo nga ng mga pulitiko ang kanilang kasinungalingan sa itaas ng entablado, gamit na gamit ng demonyo kahinaan ng tao, maging tuso tayo na kinatawan ni Kristo, mag joke rin tayo dala ang katotohan at pag tawanan ang kawalan ng sariling kapangyarihan. Tumatawa ang Diyos, siyang totoo, dahil ang may pinakamalaking awa ay siya ring may pinakamalaking tuwa. Hindi tayo plastik sa Espiritu. Sa kabilang bahagi tayo ay nagiging totoo. Magaan dalhin. Gaya ni Hesus, carry lang.
Israel used to be God’s only favored nation (or so the Israelites thought). Pero inireveal din sa Salita ng Diyos na hindi lamang ang bansang Israel ang pinapaboran ng Panginoon kundi maging ang mga Hentil o ang mga tao sa ibang bansa sa labas ng bayan ng Israel.
Ibinigay na example sa ating Unang Pagbasa si Naaman, ang ketonging commander ng hukbo na taga-Siria na pinapatnubayan ng Panginoon kaya laging nananalo ang Siria sa digmaan. Naging tagapaghatid ng mabuting balita ang isa niyang Israelite slave at naging tagapaghatid ang hari mismo ng Israel sa propeta upang siya’y pagalingin at ang propetang Israelita naman na si Eliseo ang nakatulong upang siya’y gumaling mula sa ketong. Ngunit kinailangan niyang sundin ang paraan ng pagpapagaling na sinabi ni Eliseo sa kanya bago siya gumaling doon. Magreresist sana siya ngunit pinatnubayan pa rin siya ng kanyang Israelite slave at sumunod nga siya at tuluyang gumaling. Sa bandang huli, naniwala siya sa Diyos ng Israel. At ito ang ultimate purpose ng Diyos para sa kanya at sa ating lahat.
In all these things naging tagapaghatid ng Lord’s favor ang bayan ng Israel sa ibang bansa. Sa kanila nga galing ang Messiah, di ba? Ito ay ulit na pinatunayan sa pamamagitan ni Hesus. Hindi lamang ang bayan ng Israel ang kasisiyahan ng Diyos kundi maging ang ibang bayan. Naging malaki ang ulo ng Israel sapagkat sa pagkakaalam nila ay sila lamang ang favored ng Diyos, sila lamang ang may karapatan, sila lamang ang tama, sila lamang ang anak.
Ganito ang dating ng mga sinabi ni Hesus sa pandinig ng mga Israelita, kaya galit na galit sila kay Hesus. At maging sa mismong bayan niya sa Nazareth ay nireject Siya at binalak pang ilaglag mula sa bangin.
May ganito rin ba tayong pagiisip? Na tayo lamamg ang dapat na binibigyan ng blessings ng Panginoon, at hindi ang kaaway natin? Na tayo lamang mga Katoliko ang pinapatnubayan ng Panginoon, hindi ang ibang mga sekta ng Kristiyanismo? Na tayo lamang ang tama? Na tayo lamang ang may karapatan para sabihing anak ako ng Diyos. Na sa pagsisilbi sa Simbahan, naiisip ba natin na mas tayo dapat ang pinapaboran ng Diyos at hindi ang ibang hindi naman nagseserve?
Ginawa itong lahat ng mga Israelita ngunit sila’y nabigo. Bakit? Dahil hindi sila naniwala kay Hesus. Dahil naging prideful sila sa kanilang position bilang anak ng Diyos at nireject ang mga propetang nagsalita sa ngalan ng Panginoon. Nireject ang mismong Anak ng Diyos.
Nawa sa ating araw araw na buhay simula ngayon, tanggapin natin si Hesus. Makipagkaisa tayo sa Diyos at huwag tayong maging palalo sa thinking na “tayo dapat” o “tayo lamang”. Hindi lang tayo ang mahal ng Diyos, mahal Niya ang buong sansinukob. Amen.
PAGNINILAY
May mga pagkakataon ba sa ating buhay na tayo ay tinanggihan dahil hindi tayo ang taong inaasahan ng isang miyembro ng pamilya o kaibigan? Kahit na ang mabubuting tao ay nagseselos, naiinggit at nagagalit kung minsan. At mayroon bang mga sitwasyon sa ating buhay na tinanggihan natin ang ibang tao dahil hindi sila ang taong gusto nating maging sila? Lahat tayo ay nalagay sa parehong sitwasyon na ito. Ingatan natin ang ating paghuhusga sa mga taong ating nakakaharap. Totoo na madalas ang paghatol ay awtomatiko at halos hindi natin alam. Gayunpaman, kapag nalaman natin na tayo ay humahatol sa iba, maaari nating piliin na umatras mula sa paghatol at hayaan ang Diyos na ang maging Hukom. Ito ay hindi lamang magpapalaya sa ibang tao, ito rin ay magpapalaya sa atin!
PANALANGIN: Panginoong Hesus, tulungan mo kaming ipaalam ang Iyong Mabuting Balita sa pamamagitan ng kung paano ang aming pamumuhay. Amen.
***
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
ayon kay San Lucas 4, 24-30
PAGNINILAY
ANG EBANGELYO NGAYON….. ay nagsasalita tungkol katatagan mg ating pananamplataya kay Hesus. Bilang Mesiyas. Bilang Anak Diyos, Bilang Ikatlong Pesona sa Iisang Diyos.
Hinahamon tayo nito kung gaano katatag ang ating pananampalataya.
Madalas nating ituon ang ating pananampalataya batay sa nakikita at kung ano ang nararamdaman natin. Ngunit inilahad na ni Hesus ang ang katotohanan. Binigyan tayo ng Kalayaan (Free Will) upang sumunod o hindi. Ang kailangan nating gawin ay magpasya kung tatanggapin natin si Hesus sa ating buhay o hindi.
Ngayon ay Panahon ng Kuwaresma… paano natin palalakasin ang ating pananampalataya?