Podcast: Download (Duration: 9:01 — 6.4MB)
Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda
Mikas 7, 14-15. 18-20
Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12
Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.
Lucas 15, 1-3. 11-32
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Saturday of the Second Week of Lent (Violet)
UNANG PAGBASA
Mikas 7, 14-15. 18-20
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas
Patnubayan mo ang iyong bayan, Panginoon, ang bayan na iyong hinirang. Nag-iisa siya sa gitna ng matabang lupain. Bayaan mo silang manirahan sa magandang pastulan ng Basan at Galaad.
Magpakita ka sa amin ng mga kababalaghan tulad noong ilabas mo sa Egipto ang iyong bayan. Wala nang ibang Diyos na tulad mo. Pinatatawad mo ang mga kasalanan ng nalabi sa bayan mong hinirang. Hindi ka nagkikimkim ng galit. Sa halip ay pinadarama mo sa kanila ang tapat mong pagmamahal. Muli kang mahahabag sa amin, lilimutin mo ang mga pagkakasala namin at ihahagis sa kalaliman ng dagat. Ipamamalas mo ang iyong katapatan sa Israel at ang walang maliw na pag-ibig sa angkan ni Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga magulang mula pa nang unang panahon.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12
Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.
Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.
Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.
Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad,
ang anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag.
Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.
Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim;
yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim.
Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway;
di natayo siningil sa nagawang kasalanan.
Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.
Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya,
gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayon ang pagtingin sa sinumang nagkasala.
Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.
AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Lucas 15, 18
Babalik ako sa ama,
at aamunin ko siya,
sasabihin ko sa kanya:
“Ako po ay nagkasala
sa D’yos at sa ‘yong pagsinta.”
MABUTING BALITA
Lucas 15, 1-3. 11-32
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig kay Hesus. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila: “Ang taong ito’y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito:
“Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At binahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon, at nagdalita siya. Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing yaon. Siya’y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga bungang-kahoy na ipinakakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa sarili, ‘Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain – at lumalabis pa – samantalang ako’y namamatay ng gutom dito! Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”, At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama.
“Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan. Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak.’ Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayain; kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kong ito; ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.’ At sila’y nagsaya.
“Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at nang malapit na sa bahay ay narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga alila at tinanong: ‘Bakit? May ano sa atin?’ ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ tugon ng alila. ‘Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit.’ Nagalit ang panganay at ayaw itong pumasok sa bahay. Kaya’t lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi nito, ‘Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa’y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit nang dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!’ Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko’y sa iyo. Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.’”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Biyernes, Marso 1, 2024
Linggo, Marso 3, 2024 »
{ 11 comments… read them below or add one }
Reflection: The Parable of the Prodigal Son, which is our most favorite parable, tells us of the great mercy of God. The word “prodigal” means ‘wasteful,’ ‘lavish,’ and ‘lost’. We see these characteristics possessed by the younger son, when he asked his father to divide the estate. And what happened is that he wasted the money by spending it with luxuries and prostitutes. When a famine struck the country, he could hardly eat anything but the food of the pigs. That is why he thought to himself if he could ask his father to turn him into a slave. But it wasn’t what he supposed to expect. The father ran to him, embraced him, and kissed him. Then a feast was prepared for him and the fattened calf was slaughtered. On the other hand, the older son was very faithful to the promises of his father. But he lacked concern and mercy for his younger brother. After what had happened, he got angry and argued on why spend a feast on a disobedient instead of an obedient. This is how arrogant he was. So the father humbled his heart by reminding him the important thing, that the younger brother was lost, but has been found.
My dear brothers and sisters, this parable narrated by Saint Luke is also referred by many as the Parable of the Prodigal Father. Why you may ask? The father in the setting wasted his love for the younger son. Even though this man had sinned, he still embraced him and welcomed him. And he reminded the older son that even if others have done something wrong, they still have the chance to return. That is the same with our God. Our God is very loving and merciful, no matter how many times we sin against him. That is why he gave us his Only Begotten Son to redeem us from the ancient slavery of sin. The Prophet Micah, a contemporary figure of Isaiah, proclaims to us that truly God is merciful and generous in loving and forgiving because of the great wonders of old shown to Israel such as the covenant that they are his people, and he is their God. It also shows how he gives us chances to repent from our sins and be converted into his faithful promises. Therefore in this penitential season, we are invited to live the challenge of Jesus: “Be merciful, just as your heavenly Father is merciful” (Luke 6:36). As we journey down this Lenten road, let us return to the Lord with our whole heart and reconcile with our brothers and sisters, especially our enemies as we continue to pray for their conversion.
baka may Tagalog po sana..
ipinapasa ko po kasi sa nanay ko..
Kung ang mga magulang ay handang magpatawad sa anumang pagkakasala ng anak na naligaw ng landas, anupa kaya ang ating Panginoon na may nakalaang pagpspatawad sa lahat ng naliligaw ng landas at nagkakasala.
Salamat Panginoon dahil sa kabila ng aming mga pagkakasala at pagkukulang Saiyo at sa aming kapwa ay palaging may nakalaan Kang pagpapatawad sa amin matuto lamang kaming humingi ng tawad at magsisi sa lahat ng aming pagkakasala. Salamat po Panginoon. Amen.
pwede pong humingi ng other reflection sa Sat Gospel for my references
PAGNINILAY: Ang Ebangelyo ay naglalarawan Tungkol sa Isang AMA na labis kung magmahal, ganito inilarawan ni San Lukas ang Dios , katulad ng Pag lalarawan ni Mika’s sa kanyang mga dalangin kay YAHWEH, na ang Dios ay
Mahabagin, maawain maunawain, at handang lumimot sa kasalanan ng tao na hadang magbalikloob at magsisisi.
Inilarawan din sa ating Ebangelyo ang dalawang anak na parihas may kasalanan at pagkukulang sa AMA sa magkaibang situwasyon na nagpapaalala sa ating mga kahinaan Bilang tao.
Inaanyayahan tayo ng Panginoon na tayo ay magbalik loob sa kanya, nakahanda siyang magpatawad , limutin Niya ang ating mga sala at handa din siya na ibigay sa atin ang kanyangg HABAG at AWA.
Sa kuwaresmang ito manalangin mag-ayuno at magbahagi, Lalapit tayo sa Sacramento na kapangyarihan upang maging ganap ang ating pagbabago ng buhay.
PANALANGIN: Panginoon, patuloy ko nawa tanggapin ang pagbabago ng buhay dahil sa iyong kagandahan loob.
GAWAIN : Mag balik ka at Lalapit sa Sacramento na regalo sayo ng Panginoon.
PAGNINILAY
Naaalala natin ang isang panahon sa ating buhay nang gumawa tayo ng mga desisyon na nakasakit sa ating mga magulang. Mahal na mahal nila tayo kaya gusto nila ang pinakamahusay para sa atin. Noong pinili nating sundin ang daan na inaakala nilang mali, patuloy silang nag-alala para sa atin at handang ipaabot ang kanilang pagmamahal sa atin. Mahirap para sa atin na maunawaan kung paano pa rin nila tayo minamahal at naisin ang pinakamahusay para sa atin kapag nasaktan natin sila sa pamamagitan ng ating desisyon na gawin ang ating sariling “bagay.”
Ang Diyos ay isang mas mapagmahal na Magulang sa bawat isa sa atin, lalo na kapag pinili nating sundin ang mga landas na umaakay sa atin palayo sa Panginoong Hesus. Ang Diyos ay nananabik na naghihintay para sa atin na malaman ang kahangalan ng ating mga gawain at bumalik. Ang Panginoong Hesus ay handang ipagdiwang ang ating pagbabalik at pagyamanin tayo ng pagmamahal kung tayo ay magsisikap na aminin ang ating mga maling gawain (mga kasalanan) at humingi ng kapatawaran. Nawa’y pagnilayan natin ang dakilang pagmamahal at pagpapatawad na ipinagkaloob sa atin ng Diyos!
Mapagmahal na Ama, tulungan Mo kaming ikumpisal ang aming mga kasalanan at baguhin ang aming buhay. Amen.
***
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Malakas ang tiwala ng tao sa sariling kakayahan. Bagamat mangmang at walang alam kahit na gaano pa man kataas ng katayuan. Anupa at ang mga pariseo at eskriba ay namamangha rin sa karunungan ni Hesus. Nakikinig. Nagmamatyag. Ang kaibahan lang pride at pagkutya ang kanilang kasagutan. Ayaw aminin ang kanilang kakulangan. Ganun din ang alibughang anak. Nagmataas at humiling ng kalayaan gayung hindi pa niya kilala ang sarili at nagsayang ng minanang yaman. Ang pangatlong mapagmataas ay ang nagselos na anak. Animo ay isang tupang masunurin, gentle, and mild, yun pala nagpapanggap lang, sumabog ang poot at galit ng akala niya ay naisahan. Lahat tayo ay maaring isa sa mga naging ehemplo ng Ebanghelyong ito. Lahat tayo ay makasalanan. Mahina. Nagkukunwaring may kakayahan. Ang hindi natin matanggap ay ang mayroong higit sa atin. Lalabas ang damot at pagkasakim sa mga oras na tayo ay napapahiya at umailalim. Ganun na lang ang punto ni Kristo. Binigyan ng diin na kahit sino tayo, wala tayong angkin na anumang kayamanan, mapa karunungan o kahit katiting na kapangyarihan. Paglalaruan tayo ng buhay kung akala nating alam na natin ang lahat. Sinasabi niya na kailangan natin ang Diyos higit sa lahat at hindi ang ating kayabangan. Magpakumbaba at hayaang ang Ama ang mabuhay sa atin, sumunod sa Anak, at gumalaw ayon sa Banal na Espiritung nasasa atin. Kung hahadlangan ang plano ng Diyos at papairalin sariling pagkakaintindi sa mga nangyayari, matutulad tayo sa mga pariseo, sa alibughang anak, at sa kanyang kapatid. May oras pa bago mahuli ang lahat. Magbalik sa Ama sa Langit. Tayo ay malimit mawala at natagpuang muli. Namatay ngunit muling nabuhay. Huwag mainggit mga mabait dahil sa ating selos tayo ay magiging masungit. At huwag maging pariseo o eskriba, papatayin natin si Kristo at ang ating pananampalataya. Pag nangyari iyun tuluyan na nating inihiwalay ang sarili. Sa babuyan o kangkungan magkukubli.
REFLECTIONS: Kung ang mga magulang ay handang magpatawad sa anumang pagkakasala ng anak na naligaw ng landas, anupa kaya ang ating Panginoon na may nakalaang pagpspatawad sa lahat ng naliligaw ng landas at nagkakasala.
PRAYER: Salamat Panginoon dahil sa kabila ng aming mga pagkakasala at pagkukulang Saiyo at sa aming kapwa ay palaging may nakalaan Kang pagpapatawad sa amin matuto lamang kaming humingi ng tawad at magsisi sa lahat ng aming pagkakasala. Salamat po Panginoon. Amen.
Pagninilay: Ang Parabula ng Alibughang Anak, na pinakapaboritong talinghaga, ay nagsasabi sa atin ng dakilang awa ng Diyos. Ang salitang “alibugha” ay nangangahulugang ‘masayang,’ ‘magarbo,’ at ‘nawawala’. Nakita natin ang mga katangiang ito na taglay ng nakababatang anak, nang hilingin niya sa kanyang ama na hatiin ang ari-arian. At ang nangyari ay sinayang niya ang pera sa paggastos nito sa mga luho at mga puta. Nang dumating ang taggutom sa bansa, halos wala siyang makakain kundi ang pagkain ng mga baboy. Kaya naman napaisip siya kung pwede ba niyang hilingin sa kanyang ama na gawing alipin siya. Ngunit hindi iyon ang dapat niyang asahan. Tumakbo ang ama sa kanya, niyakap siya, at hinalikan. Pagkatapos ay inihanda siya ng isang piging at kinatay ang pinatabang guya. Sa kabilang banda, ang nakatatandang anak ay napakatapat sa mga pangako ng kanyang ama. Ngunit wala siyang malasakit at awa sa kanyang nakababatang kapatid. Pagkatapos ng nangyari, nagalit siya at nakipagtalo kung bakit ginugugol ang isang piging sa isang masuwayin sa halip na isang masunurin. Ganito siya ka-mayabang. Kaya’t nagpakumbaba ang ama sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanya ng mahalagang bagay, na ang nakababatang kapatid ay nawala, ngunit natagpuan na.
Mahal kong mga kapatid, ang talinghagang ito na isinalaysay ni San Lucas ay tinutukoy din ng marami bilang Parabula ng Alibughang Ama. Bakit maaari kang magtanong? Sinayang ng ama sa setting ang pagmamahal niya sa nakababatang anak. Kahit nagkasala ang lalaking ito, niyakap pa rin niya ito at tinanggap. At pinaalalahanan niya ang nakatatandang anak na kahit may nagawang mali ang iba, may pagkakataon pa rin silang bumalik. Ganoon din sa ating Diyos. Ang ating Diyos ay napakamapagmahal at maawain, kahit ilang beses tayong magkasala sa kanya. Kaya nga ibinigay niya sa atin ang kanyang Bugtong na Anak para tubusin tayo mula sa sinaunang pagkaalipin ng kasalanan. Ipinahayag sa atin ni Propeta Mikas, isang kontemporaryong pigura ni Isaias, na tunay na ang Diyos ay maawain at bukas-palad sa pagmamahal at pagpapatawad dahil sa mga dakilang kababalaghan noong unang panahon na ipinakita sa Israel tulad ng tipan na sila ay kanyang mga tao, at siya ang kanilang Diyos. Ipinakikita rin nito kung paano niya tayo binibigyan ng pagkakataong magsisi sa ating mga kasalanan at magbalik-loob sa kaniyang tapat na mga pangako. Kaya naman sa panahong ito ng pagsisisi, inaanyayahan tayong ipamuhay ang hamon ni Hesus: “Maging maawain, kung paanong ang inyong Ama sa langit ay mahabagin” (Lucas 6:36). Sa ating paglalakbay sa Lenten road, bumalik tayo sa Panginoon nang buong puso at makipagkasundo sa ating mga kapatid, lalo na sa ating mga kaaway habang patuloy tayong nananalangin para sa kanilang pagbabago.
My heart is full sa tuwing nababasa o napapakinggan o naaalala ko ang kwento ng alibughang anak. Bakit? Kase ako yan eh, tayo yan. Aminin man natin o hindi, tayo yung alibughang anak na lumalayo sa Diyos sa tuwing tayo’y nagkakasala, not necessarily with regards to wealth pero pati na yung pagkakasala sa tawag ng laman, pagkainggit, pagsisinungaling, pagdadamot, pagiging ganid, etc. Lahat tayo once in a while, or once everyday, nagkakasala, nadadapa.
Ang mahirap lang ay yung madapa ka na, tapos hindi pa tayo marunong bumangon, hindi pa tayo marunong magsisi, hindi pa tayo marunong bumalik sa Diyos at humingi ng tawad. Sa parable na ito ni Hesus, gusto kong bigyang diin ngayon ang iba pang bagay bukod sa usual interpretation nito, na maaaring hindi natin napapansin.
Una ay ang ama. Alam natin na ang ama sa kwento ay ang Diyos. Humingi sa Kanya ang kanyang anak, at wala ng question pa, ibinigay Niya ito. Ito’y tanda na ang Diyos ay mapagbigay at pinagpapala ang kanyang mga anak—anu pa man ang estado nito sa pananampalataya. Ngunit kung tututuusin, tingnan natin ang bunsong anak.
Ang bunsong anak ay may pananalig sa Ama. Malakas ang loob niyang manghingi sa ama ng kanyang gusto. May tiwala siya na ito’y ipagkakaloob sa kanya at ganon nga ang nangyari. Ang problema lang ay dahil sa kayamanang ito or pagpapala na ito ay lumayo siya sa Ama at dahil doon ay napariwara ang buhay niya. Ang pagkalooban ng pagpapala ng Panginoon ay hindi masama.
Diyos nga ang nagbibigay niyan at walang ibibigay ang Diyos na ikakasama natin. Ang problema lang ay kung lumayo tayo sa Kanya. Yung feeling natin we can do it all at hindi na natin Siya kailangan? Ito ang madalas na nangyayari sa mga taong mayaman ngunit humina o nawala ang pananampalataya sa Panginoon—napapariwara ang buhay, at kung hindi man ang buhay niya ay ang kaluluwa Niya.
Pangatlo ay si elder brother. Ang taong physically malapit at may access sa Ama. Ang taong ginagawa ang lahat at nagpapagod sa kanyang trabaho, at sumusunod sa mga pinapagawa ng ama. Ok na sana ngunit may kulang sa kanya. Hindi siya nagtiwalang hangad ng Ama ang kanya ring kaligayahan. Ang kanyang sumbat? “Hindi mo man lang ako binigyan ng young goat para makipagsaya kasama ng aking mga kaibigan?” (Sabi niya in a modern way from my imagination only.)
Hindi ba dapat ang pagseserve natin sa Diyos, kilala na rin natin Siya bilang Ama na hangad din ang ating ikakaligaya? Killjoy (kj) ba ang Diyos? Hindi siguro. In fact, Jesus’ first miracle is turning water to wine! Hindi siya killjoy. And certainly ibibigay Niya ang gusto ng mga nagseserve sa Kanya kung ito lamang ay may pagtitiwala rin kagaya ng bunso niyang kapatid.
Sana katulad ng younger brother, magtiwala tayo sa Diyos na hangad niya ang ating kaligayahan. At sana kung magkaroon ng panahon na mapariwara tayo ay maalala din natin ang Diyos. Magsisi sa kasalanan at bumalik sa Kanya. Ngunit ang ideal is makasunod tayo sa Diyos, laging malapit sa Kanya, nagseserve sa Kanya at sa kapwa at kasama nito ay nagtitiwala rin tayo na tayo’y mahal Niya at pagpapalain ng kanyang mga biyaya. Amen.
Daily Mass Readings Day 62: Mi 7:14-15, 18-20, Ps 103: 1-2, 3-4, 9-10, 11-12, Lk 15:1-3, 11-32
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen. O Panginoon, nawa ay imulat Mo po kami kung paano kami naging suwail na mga anak Mo. Binibigyan ba namin ng dahilan o ipinagtatanggol ang paglabag namin sa utos Mo upang hindi kami usigin ng aming konsensya? O nilulustay ba namin ang mga biyayang handog Mo sa pag-aakalang ginagamit namin ito ayon sa kalooban Mo, o upang maging kahanga hanga lamang kami sa mata ng tao? O winawalang bahala ba namin ang mga biyayang ito sapagkat iniisip na karapatdapat lamang na makamit ito? O nagsisilbi at naglilingkod lamang sa ‘Yo sapagkat napipilitan dahil sa takot sa impyerno at hindi dahil sa tunay na ligaya at pag-ibig sa Iyo? Tanggapin Mo po ang aming pagsusumamo at paghingi ng tawad sapagkat hindi kami karapatdapat na magpatuloy sa Iyo ngunit sa isang Salita Mo lamang ay gagaling na kaming mga tinawag Mo. Luwalhati sa Ama at Anak at Espiritu Santo, kapara ng unang una ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan, Amen.