Huwebes, Enero 25, 2024

January 25, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Enero 25
Ang Pagbabalik-loob ni San Pablo

Ipanalangin natin ang misyon ng Simbahan at ang mga pangangailangan ng mundong tinubos ni Kristo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Maging mapagpala ka nawa sa Iyong bayan, O Panginoon.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y maging masigasig sa pangangaral ng pagsisisi sa kasalanan at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y magkaroon ng tapang na ipahayag ang Ebanghelyo maging sa mahihirap na pagkakataon at mapanganib na lugar, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aaalinlangan at nasisiraan ng loob nawa’y matuklasan ang walang hanggang katotohanan na walang iba kundi si Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, nangungulila, at maysakit nawa’y makatanggap sa kanilang paghihirap ng ginhawang dulot ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan at makatagpo nawa nila ang Diyos sa kanyang kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Manunubos, habang inuusal namin ang aming mga panalangin sa pamamagitan ni San Pablo, palalimin mo ang biyaya ng pagbabalik-loob sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez January 22, 2022 at 1:22 pm

PAGNINILAY: Ang ating Ebanghelyo ay ang katapusan ng naratibong pagkukwento ni San Marcos sa pamamagitan ng Pag-akyat ni Hesus sa langit. Bago pa man umakyat siya sa langit, isinusugo niya ang Labing-isang Apostol na humayo at ipahayag ang Mabuting Balita sa bawat tao sa daigdig. Ito ang pagkakilanlan natin bilang Katoliko na ngangahulugang “Katholes” o “pandaigdigan”. Ito yung ating tungkulin na maging mga saksi para kay Kristo sa pagpapalaganap at pagsasabuhay ng Salita ng Diyos.

Hindi naman siya kabilang sa original na Labindalawang Apostol, si San Pablo ay isang dating Pariseo na layuning usigin ang mga mananampalataya. Subalit habang siya’y naglalakbay patungong Damasco sa Syria, biglang nagpakita ang liwanag ng Muling Nabuhay na Panginoon, at sinabi sa kanya na gawin ang ipnagutos ng Panginoon. Gayun nga ang nangyari nang siya’y bininyagan ni Ananias at hinirang bilang Apostol ng mga Hentil. Ang kanyang talambuhay ay nagpapakita kung paano siyang lumaban nang patas para sa pananampalatayang Kristiyano. Sa mga ipinadala niyang mga sulat sa mga komunidad na kanyang ipinangaral, nagbigay siya ng mga bilin na maging matapat sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging buhay kay Kristo.

Nawa’y tularan natin sa San Pablo sa pagbibigay-saksi sa Mabuting Balita ng Panginoon sa ating araw-araw na pamumuhay.

Reply

Rey Anthony I. Yatco January 25, 2024 at 5:28 am

MAGANDANG BALITA NGAYON – KAPISTAHAN NG PAGBABAGONG-BUHAY NI APOSTOL SAN PABLO

MARCOS 16:15-18 Noong panahong iyon, nagpakita si Hesus sa Labing-isa at sinabi sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumasampalataya at magpabinyag ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang kamay.”

MAGNILAY: Ang Mabuting Balita ay si Hesus at kung paano niya binaligtad at binago ang buhay mo. Ikaw na dating nasa kadiliman ngayo’y nasa liwanag na. Ikaw na nawawala ay kanyang natagpuan. Ikaw na mortal na kaaway ay ginawa niyang matalik na kaibigan. Ikaw na di-karapat-dapat ay ginawa niyang karapat-dapat dahil mahal ka niya. Ito ang mabuting balita ng naganap sa buhay ni San Pablo. Dahil sa awa ng Diyos minarapat siyang maging huling Apostol at saksi na naghatid ng Mabuting Balita sa iba’t-ibang bansa at lahi. Ito rin ang mabuting balita ng naganap sa buhay mo at buhay ko. Purihin ang Panginoon!

MANALANGIN: Panginoon, gawin mo kaming saksi kung paano kami nabago ng iyong salita at pagmamahal.

GAWIN: Hayaang baligtarin ng Panginoon ang takbo ng buhay mo.

Reply

Jess C. Gregorio January 25, 2024 at 6:47 am

Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:

Ang mga tanda kung ang isang tao ay isinugo ng Diyos. Nananampalataya at binyagan (kasal sa simbahan kung may asawa / pinag isang katauhan ng Diyos at pinawalang sala sa kasalanan ng laman na kung saan dati ay mag kaiba at dalawa), kakayahang mangaral at maipaliwanag ng mabuti at naiintindihan ang mga Salita ng Diyos, magpapalayas ng mga demonyo (pati na rin ng mga gawi ng demonyo sa sariling katauhan), nakakapagsalita ng ibang wika, hindi nalalason o masakitin (kagat ng ahas), at nakakapag pagaling sa mga nalapatan ng kanilang mga kamay.

Ang tao ay walang alam. Salat tayo sa karunungan. Mahina. Walang lakas. Puno ng takot at pangamba. Maligalig. Sablay sa maraming bagay. Bagama’t may yaman at katayuan sa lipunan ay malungkot at nangangailangan. Kailangan natin ng Tamang Daan, Buong Katotohanan, at Totoong Buhay. Parati tayo mangumpisal. Tangapin natin si Hesus sa Komunyon ng Banal na Misa. Maging kaisa tayo Niya. Bisitahin, pagmasdan, sambahin, at kausapin natin siya sa Adoration Chapel. Ang Kanyang Presensiya ay mananatili hanggang sa wakas ng panahon. Hindi na natin siya kailangan hanapin. Matagal na siyang naghihintay sa atin.

Reply

RFL January 25, 2024 at 11:01 pm

Gospel for Today: Mark 16:15-18

Bago umakyat si Jesus sa langit, ibinilin Niya sa Kanyang mga alagad na ipangaral sa buong mundo ang Mabuting Balita at ang lahat ng sumampalataya at magpabinyag ay maliligtas. Ang tanda na tunay na sumasampalataya ang tao ay magtataglay ng kapangyarihan sa ngalan ni Hesus upang magpalayas ng demonyo, magpagaling sa maysakit, speak in tongues at hindi tablan ng mga nakamamatay na lason o apoy.

A great story of conversion and of faith. Yan ang pagdescribe ko kay St. Paul–na siyang sumulat ng almost kalahati ng New Testament. Malaki ang zeal ni San Pablo sa Diyos sa paniniwalang Judaism, ngunit naging mali ang paraan ng kanyang zeal sapagkat hindi pa niya lubusang nakikilala si Kristo noon. Salamat sa Diyos sapagkat nakipagtagpo ang Panginoon sa kanya at nagbigay ng misyon na ihatid ang Mabuting Balita sa mga Hentil (oo, lahat ng hindi Hudyo ay isang Hentil na katulad ko at siguro’y pati na rin ikaw noong tayo’y hindi pa binyagang Kristiyano). Noong una’y binibilanggo at pinapapatay niya ang mga Kristiyano ngunit ng malaunan ay siya na ang nagtuturo ng Mabuting Balita. Ang kanyang zeal para sa Panginoon ay lalong nag-alab! At katulad ng sinabi ni Kristo na ang mga sumampalataya ay magtataglay ng kapangyarihan, nagpapagaling si Pablo ng mga maysakit, nagpapalayas ng demonyo at maging ang demonyo ay nakikilala siya. [Basahin natin ito sa mga Gawa].

Tayo man mga kapatid, marahil ay may mga stories of conversion tayo dahil kay Kristo. Mula sa palamura ay hindi na nagmumura. Mula sa pagiging magnanakaw ay hindi na at namimigay pa. Mula sa walang respeto sa iba ay puno na ng humility ang pagkatao. Mula sa pagiging black sheep ay naging white sheep na. Maliit man o malaki, ito’y nangyayari first ay dahil sa grasya at awa ng Diyos, at pangalawa ay ang tugon natin sa inooffer na pagbabago o misyon ng Panginoon para sa atin.

Hindi madaling magbago. Maraming tao na hindi maniniwala na nagbago ka na talaga. May mga tao na iiwan ka lang basta-basta without even seeing you change. Maraming tao na kahit nagbago ka na, ang nakatatak pa rin sa isip nila ay ang dating ikaw. Para bang nababalewala yung effort mong magbago. Malamang na ito’y naranasan din ni San Pablo, but he strived with all he can. Sinugal ang kanyang buhay sa Mabuting Balita, hinarap ang mga pasakit at kamatayan para kay Kristo. God will never give us an assignment na hindi natin kayang mapagtagumpayan—at ang main ingredient ng tagumpay sa conversion at sa buhay ay ang Diyos mismo.

Nawa katulad ni San Pablo, magtagumpay din tayo sa pagbabago at misyon na inassign sa atin ng Panginoon. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: