Podcast: Download (Duration: 8:18 — 5.9MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon
Patnubay sa Misa
Yamang pinasigla tayo ng halimbawa ng mga Pantas, iparating natin ang ating mga handog at kahilingan sa Panginoon:
Panginoon, tanglawan Mo kami tuwina!
Para sa Simbahang Bagong Jerusalem kung saan tinatawagan ng Panginoon ang lahat ng tao sa mundo: Nawa siya’y manatiling maliwanag na tanda ng pag-ibig na pangkalahatan ng Diyos. Manalangin tayo!
Para sa Santo Papa at lahat ng mga namumuno sa bayan ng Diyos: Nawa’y ang kanilang mga turo at halimbawa ay maging parang mga talang namamatnubay sa mga tao tungo kay Hesus. Manalangin tayo!
Para sa ating mga misyonerong nagsisikap na maghatid ng liwanag ng Kristiyanong pananampalataya sa mga di nakakakilala rito: Magtagumpay nawa sila sa pagpapalaganap ng mga pagpapahalaga ng Ebanghelyo sa kanilang kultura. Manalangin tayo!
Para sa mga kasapi ng mga BEC at mga kaptirang karismatiko: Nawa sila ay magsilbing pampasigla sa ating mga parokya at sa bansa. Manalangin tayo!
Para sa bawat isa sa ating naririto ngayon: Nawa’y sumunod tayo sa paggabay ng Salita ng Diyos na ipinahahayag ng Simbahan. Manalangin tayo!
Tulungan nawa tayo ng Panginoon upang mapahalagahan natin ang iba-ibang mga kaloob na karisma ng Espiritu Santo, upang matuklasan natin ang iba-ibang trandisyon at ritwal sa Simbahang Katolika, manalangin tayo sa Panginoon
Panginoong Hesus, tulad ng Jerusalem, bumabangon kaming nagniningning pagkat sumapit na ang iyong liwanag. Matulad nawa ang aming asal at pag-uugali sa isang talang gumagabay sa iba tungo sa iyong nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen!
Pages: 1 2
« Sabado, Enero 6, 2024
Lunes, Enero 8, 2024 »
{ 6 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ipinagdiriwang ngayon ng ating Simbahan ang isa sa mga pinakaluma at pinakamagandang kapistahan. Ang tawag dito sa kapistahan ito ay “epipanya,” isang salita na nagmula sa wikang Griyego na nangangahulugang “pagpapakita” o “pagpapahayag”. Kaya ang pormal na tawag sa pagdiriwang na ito ay “Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon”. Ipinapahayag sa atin ng liturhiya ngayon ang pagpapakilala ng kaligtasan ng Diyos sa sangkatauhan, hindi lang sa mga Hudyo, kundi kasama na rito ang mga Hentil. Ito ang ipinapahayag sa atin ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa nang tayong lahat ay hinirang ni Kristo na makibahagi sa kanyang misyon ng pagpapadala ng Mabuting Balita. Ito’y tanda na ang ating misyon ay pakikibahagi sa kalasapan ng kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan sa langit. Kaya dati pa sa Lumang Tipan ipinahayag na ang planong pangkaligtasan ng Diyos ay para sa lahat. Sa katunayan, ipinahayag ni Propeta Isaias ang liwanag ng Panginoon na magniningning mula Jerusalem patungo sa lahat ng mga bansa, at magmumula raw sa mga iyon ang mga taong nakasakay sa mga kamelyo na dadalaw sa silayan ng liwanag. Kaya ang Ebanghelyo ay ang pagkilala kay Hesukristo sa pamamagitan ng mga Pantas/Mago. Kilala ang mga Pantas sa kulturang popular bilang “Tatlong Hari Mago,” subalit hindi naman nabanggit sa Ebanghelyo kung sila ba’y mga hari. Ni hindi rin natin kung ano ang propesyo nila kung sila’y mga pari ng isang matandang relihiyon o ang isa sa kanila ay isang Muslim. Hindi rin nabanggit kung tatlo nga ba sila, sapagkat ang numero ay itinaya sa tatlong handog nila: ang ginto, kamanyang, at mira. Maraming mga pag-aaral kung nasaan nga ba sila nagmula, siguro sa may bandang Kalagitnaang Silangan (Middle East). Ngunit ang mahalaga ay itong mga Mago na ito ay mga dalubhasang tila nga ba’y mataas ang kanilang antas sa lipunan. Ipinahayag din sa kanila ang karunungan ng Diyos na ilarawan ang pagsikat ng mga bituin, at isa sa mga bagong tala ay tanda ng Pagsilang ng bagong Hari. Kaya lumakbay sila mula pa sa mga malalayong lugar upang ipagpasya kay Haring Herodes Magno tungkol sa nakita nila, na hindi nila nabatid noong una ang balak ni Herodes. At matapos nito ay sinundan nila ang tala hanggang natagpuan nila ang bahay na pinatitirahan nina Birheng Maria, San Jose, at ang Sanggol na Hesus. Ayon na nga sa Ebanghelyo ay sila’y sumamba sa paanan ng Sanggol at inialay ang kanilang mga handog. Kaya matapos ito, bumalik sila sa kanilang bansa nang malaman nila ang balak ni Herodes sa bata.
Mga kapatid, ang pagdiriwang natin ng Epipanya ay may kaugnayan sa ating pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon. Sa pagpasok natin sa 2019, tayo rin ay patuloy na nagninilay tungkol sa kadakilaan ng Diyos na ipinakita sa Pagkatawang-tao ni Hesus. Matapos itong pagdiriwang na ito ay hindi pa natatapos ang Pasko ng Pagsilang dahil sa linggong ito ay pagninilayan pa natin ang pagpapakilala ng Panginoon (epipanya). Kaya natatapos ang mga masayang pagdiriwang sa susunod na Linggo, ang Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon. At matapos ang Pasko ay babalik po tayo sa Karaniwang Panahon. Kaya nga nawa’y makilala natin ang presensiya ng Diyos sa dakilang panahong ito upang dalhin natin ang kanyang pangalan sa ating mga ordinaryong pamumuhay.
Sa Linggong ito ay ating ipinagdiriwang ang Pagpapakita ng Panginoon-ang ilaw ng mundo na pinagsumikapang hanapin at makita ng mga Mago. Una, magandang pagnilayan na sumilay din ba ang liwanag na dulot ng ating ipinagdiriwang sa Panahon ng Pagsilang ng Panginoong Hesukristo? Sumilang ba sa ating mga puso ang pag-asa ng isang buhay na kasama si Hesus? Ang kwento ng Pasko ay mananatili lamang ito masayang selebrasyon na hungkag ang kahulugan kung ang pagdiriwang nito ay hindi naman talaga titingnan sa tunay na aspeto ng pagkakatawang-tao ng ating Manunubos.
Habang ilang araw nalang babalik na ang Liturhiya sa Karaniwang Panahon ang inspirasyon ng mga pagbasa ngayon ay magdulot nawa ng kaliwanagan sa lahat ng bansa na makita siya at maglingkod sa sinugong nagkatawang-tao Mesiyas at makita nawa ng buong mundo ang kagandahang-loob na ito ng Diyos. Sa isinilang na
isang Tagapagligtas nawa’y pumukaw ito sa mga matagal ng mahimbing na pagkatulog para doon sa hindi pa nakakasilay ng liwanag.
Katulad ng mga pantas na nagsumikap makita ang liwanag ng tala nawa ang bawat isa sa atin ito ay maging adhika na masumpungan din natin ang liwanag na magdudulot sa atin ng kasayahan, ng kapayapaan, kasaganaan sa pananampalataya, at tunay na rason ng ating mga pagiral na tayo ay mapagharian ng iisang Diyos lamang. Magsilbi nawa ang ilaw na ito na gabay sa araw araw nating pamumuhay patungo sa landas ng isang buhay na ganap na kapiling ang Diyos at ng ating kapwa. Sa ipinagdiriwang natin sa Linggong ito na Pagpapakita ng Panginoon, nawa’y maranasan natin sa ating pamumuhay si Kristo na makita sa mukha ng mas higit na nangangailangan nating mga kapatid.
PAGNINILAY:
Maligayang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon!
Ang mga matatalinong tao ay naghahanap pa rin sa Kanya. Ang mga matatalinong tao ay sumusunod pa rin sa Kanya. Ang mga matatalinong tao ay dumarating pa rin upang sambahin Siya. Ibigay natin sa Hari ng mga Hari ang ating pinakadakilang regalo: ang ating puso, isip, kaluluwa at katawan. Ngayon ay pinapaalalahanan tayo na huwag hayaan ang mababaw na payo o ang mga katotohanan lamang ng ‘Google Age’ na makaimpluwensya sa ating matalinong paghuhusga. Sa karamihan ng mga sitwasyon sa buhay, mas mahalaga na maging madaling maunawaan kaysa may kaalaman, maalalahanin kaysa pabigla-bigla, madasalin kaysa sa pagmamayabang at pagtitiwala sa sarili nating katutubong ugali kaysa sa ‘pagsunod sa maraming tao’. Nawa’y lagi nating hilingin sa Panginoon ang karunungan na gumawa ng ibang paraan kung ang ating pag-unawa ang nagtuturo nito.
Panginoon, Hesus, tulungan mo kaming hanapin Ka sa lahat ng aming ginagawa. Huwag nawa kaming pahintulutan ng anuman o sinuman na pumigil sa amin sa pag-abot sa Iyo! Amen.
***
Ang pagdating ng mga pantas na ito ay isang nakakatuwang bahagi ng ating Kristiyanong tradisyon. Sila’y naglakbay ng maraming kilometro, sumunod sa tala, at hindi nag-atubiling magbigay ng regalo kay Hesus, isang sanggol na ipinanganak sa isang sabsaban. Subalit, sa likod ng kanilang kwento, may mga aral na makakatulong sa ating paglalakbay ngayon.
Una, tayo ay itinuturo ng mga pantas na ito na dapat tayong maging handa na hanapin si Hesus sa ating sariling buhay. Hindi natin siya madadatnan sa malayong pook o sa mga mataas na bundok, kundi sa ating araw-araw na pamumuhay. Kung paano nagsusumikap ang mga pantas na ito na matagpuan si Hesus, ganun din tayo ay dapat maging maagap sa paghahanap sa Kanya sa ating buhay.
Pangalawa, napagtanto ng mga pantas na ang paghahanap kay Hesus ay nagreresulta sa pagbibigay ng mga handog. Hindi lamang sila nagbigay ng ginto, kamangyan, at mira, kundi nagbigay din sila ng kanilang sariling pagkakilala at pagtalima. Ang ating paghahanap kay Hesus ay dapat na nagbubunga ng pagbibigay at paglalaan ng sarili sa Kanya.
At panghuli, ngayong simula ng bagong taon, tayo ay inaanyayahan na sundan ang halimbawa ng mga pantas na ito sa paglalakbay natin sa buhay. Ang kanilang paghahanap kay Hesus ay nagdudulot ng pagbabago at paglago sa kanilang buhay. Ito ay hamon din sa atin na maging bukas sa pag-usbong ng bagong kabanata, pagtanggap ng mga pagbabago, at pagtanggap sa mga biyayang nagmumula kay Hesus.
Sa ating pagmumuni-muni ngayon, hinihiling ko sa bawat isa sa atin na magsikap na hanapin si Hesus sa ating pang-araw-araw na buhay, na handang magbigay ng ating sariling handog sa Kanya, at na bukas ang ating mga puso sa mga biyayang dala ng pagkilala kay Hesus.
PAGNINILAY:
Maligayang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon!
Ang mga matatalinong tao ay naghahanap pa rin sa Kanya. Ang mga matatalinong tao ay sumusunod pa rin sa Kanya. Ang mga matatalinong tao ay dumarating pa rin upang sambahin Siya. Ibigay natin sa Hari ng mga Hari ang ating pinakadakilang regalo: ang ating puso, isip, kaluluwa at katawan. Ngayon ay pinapaalalahanan tayo na huwag hayaan ang mababaw na payo o ang mga katotohanan lamang ng ‘Google Age’ na makaimpluwensya sa ating matalinong paghuhusga. Sa karamihan ng mga sitwasyon sa buhay, mas mahalaga na maging madaling maunawaan kaysa may kaalaman, maalalahanin kaysa pabigla-bigla, madasalin kaysa sa pagmamayabang at pagtitiwala sa sarili nating katutubong ugali kaysa sa ‘pagsunod sa maraming tao’. Nawa’y lagi nating hilingin sa Panginoon ang karunungan na gumawa ng ibang paraan kung ang ating pag-unawa ang nagtuturo nito.
Panginoon, Hesus, tulungan mo kaming hanapin Ka sa lahat ng aming ginagawa. Huwag nawa kaming pahintulutan ng anuman o sinuman na pumigil sa amin sa pag-abot sa Iyo! Amen.
Napakasarap pakinggan, malaman at paniwalaan ang Mabuting Balita ng Panginoon! Ngayong huling araw ng Kapaskuhan ay ipinagdiriwang ang Epiphany of the Lord.
Dalawang aral lang ang gusto kong ipunto dito:
Una, ang paniniwala ng mga Pantas at ang kanilang pananabik sa Hari ng Sanlibutan ay nagdulot ng pagsamba at pag-aalay ng kanilang mga natatanging regalo. Tayo kaya, anong natatanging regalo ang maibibigay natin sa Panginoon, at sa ating kapwa? Anong klaseng pagsamba ang magiging kalugod-lugod sa Diyos? Anong klaseng sakripisyo ang pwede nating gawin para ialay sa Panginoon? Paggamit ng talentong ibinigay Niya para sa Simbahan at sa ibang tao? O simulan natin sa ating sarili. Sabi nga ni San Pablo, let us “die to self”, patayin natin lahat ng pride natin upang magawa natin ang nga turo ni Hesus.
Pangalawa, ang revelations ng Diyos ukol sa Kanyang Kaharian ay hindi lamang nakatutok sa iisang bayan, kundi sa buong mundo. Noong una, inakala ng Israel na sila lamang ang anak ng Diyos. Pero alam natin ngayon na maging ang mga Gentiles (oo ikaw at ako yun kung wala kang Jewish blood) na noo’y tinuring ay parte rin ng pangako ng Panginoon ukol sa Kanyang pagliligtas. Ngayon, tayo ay pinapaalalahanan na kapag may kilala tayong hindi naniniwala sa Panginoong Hesus o kaya’y lugmok sa kasalanan, huwag natin sila madaliang idismiss o ijudge. Noong tayo’y baon pa sa kasalanan, baka kagaya natin ay hindi pa narereveal sa kanila ang Mabuting Balita ng Panginoon, maaaring wala pang nagpapakilala sa kanila sa totoong Hesu-Kristo. Kaya kapatid, kagaya ng tala na nagliliwanag para gabayan ang mga pantas, maging ilaw sana tayo sa mga taong naliligaw at hindi kumikilala sa Diyos at sa Kanyang pag-ibig who is in the person of Jesus Christ.
Kagaya ng mga pantas, nawa’y pagkalooban tayo ng Espiritu Santo ng karunungang Siya lamang ang makakapaghayag. Nawa’y maglakbay din tayo sa buhay na ito na may galak at pananabik sa Panginoon. At nawa’y katulad ng tala na nagsilbing gabay nila, magliwanag sana sa ating mga buhay ang turo ni Hesus at ng Simbahan upang magkaron tayo ng natatanging handog na na kalugod-lugod sa harap ng Panginoong Diyos.
Sambahin ang ngalan ng Diyos na Banal! Purihin ang Panginoong sumilang!