Sabado, Enero 6, 2024

January 6, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
ENERO 6

Sa Binyag ni Jesus sa ilog ng Jordan, ipinaaalaala sa atin ang ating sariling Binyag kung saan ginawa tayong mga anak ng Diyos kaya’t natatawag nating Ama ang Diyos. Lumalapit tayo ngayon sa kanya habang sinasabi natin:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na aming Ama, malugod ka nawa sa amin.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y maging malinis sa Binyag upang magtamasa ng kalayaan at dignidad bilang mga anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang kalayaan at karangalan ng bawat mamamayan nawa’y pangalagaan at igalang ng bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang mag-aangat sa kalidad ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya at mga pamayanan nawa’y tunay na maranasan ang kanilang pagiging iisa sa pamamagitan ng kanilang buhay at pagpapahayag ng pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman at mga nagdurusa nawa’y makalaya sa panghihina ng kanilang katawan at pag-iisip, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalatayang namayapa na ay makabahagi nawa sa kaligayahan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, ginawa kaming mga tagapagmana ng iyong Kaharian sa pamamagitan ni Jesus na iyong Anak. Loobin mo na sa pananalangin namin para sa isa’t isa ay manahin namin aang Kahariang iyon kung saan ikaw ay nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez January 5, 2023 at 6:05 pm

PAGNINILAY: Ang ika-6 ng Enero kapag hindi pa nagaganap pagkaraan ng Epipanya ay may dalawang pagpipiliin na Ebanghelyo: (1) ang Pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus; at (2) ang Talaan ng mga Ninuno ni Hesukristo hanggang kay Adan. Sa ating pagdiriwang ng Panahon ng Pasko ng Pagsilang, binibigyang-diin ang Misteryo ng Pagkakatawang-tao ng ating Panginoon. Si Hesukristo bagamat ay may likas ng Diyos ay nagkatawang-tao at naging katulad natin bilang tao maliban sa pagkakasala, upang ang ating abang katauhan na puno ng dungis, karupukan, at anupamang bahid ng kasalanan ay kanyang maiako sa kaningningan at kaluwalhatian ng Diyos na kanyang Ama at ating Ama natin, at karapatan nating maging anak nitong Kataas-taasang Diyos. Kaya nga ang Pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan ay tanda ng kanyang kababang-loob na bagamat siya ang Anak ng Diyos ay niloob niyang mabinyag upang pabanalin ang Sakramentong ito na naglilinis sa mga kasalanan at nag-aangkin ng karapatang maging bahagi ng pamilya ng Diyos. At sa pagiging bahagi ng isang pamilya, nakita natin sa listahan ng mga ninuno ni Hesus ang mga kilala at hindi kilalang katauhan ng Lumang Tipan, na bagamat iilan sa kanila ay makasalanan katulad ng ating sinaunang amang si Adan, naging bahagi siya ng liping ito upang ipakita niya ang pagpapabanal ng bawat tao sa pamamagitan ng kanyang buhay at turo. Ang kanyang kababaang-loob ay tanda rin na tayo ay magpakababa ng ating kalooban, katulad ni San Juan Bautista na bago dumating ang pinsan nitong Mesiyas ay nagpahayag na hindi siya karapat-dapat na kumalas sa panyapak ng mas higit na dakila sa kanya. At minsan nga tumanggi siya na binyagan ang Panginoon, ngunit sinabi ng kanyang pinsan na payagan bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kaya narinig nga natin ang pagpapahayag ng Diyos sa kanyang kinalulugdang Anak.

Ilang araw na lang at matatapos na ang Kapaskuhan sa Kapistahan ng Pagbibinyag ng Panginoon, at magsisimula muli ang Karaniwang Panahon. Matapos ang pag-alala sa Pagkakatawang-tao ng ating Panginoon ay sasamahan natin siya sa kanyang Pampublikong Ministeryo. Makikita natin ang kahalagahan ng kababaang-loob ni Hesus sa kanyang pagdating sa ating mundo at sa kanyang pagsasama at paglalakbay sa buhay ng bawat tao. Paalala din ito sa atin na matulad din tayo sa kanyang abang pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at pagiging masunurin, lalong-lalo na sa dakilang kalooban ng Diyos Ama. Sa kabila ng ating mga nakamit na tagumpay at nakayanan sa buhay, huwag natin sanang kalimutan ang pinanggalingan natin noong isinilang tayo ilang taong makalipas, dahil diyan din tayo patutunguhan balang araw kung tayo ay magiging mabuti at magiging saksi ng kanyang kagandahang-loob sa ibang tao.

Reply

RFL January 5, 2024 at 10:11 pm

Ang pagbibinyag ni San Juan Bautista kay Hesus sa Ilog Jordan ang pinakamagandang imahe kung saan inihayag ang tatlong persona ng Diyos. Sa pamamagitan din nitong binyag ay pinatotohanan din ng Diyos kung sino ba talaga si Hesus, ang Kanyang bugtong na anak na lubos Nyang kinalulugdan.

Ang sabi ni San Juan sa Unang Pagbasa, tatlo daw ang nagpapatotoo kay Hesus na Siya nga ang Anak ng Diyos: ang tubig, ang dugo at ang Espiritu Santo. Itong tatlo rin na ito ang magpapatotoo sa atin para tayo ay maituring na anak ng Diyos.

Bilang mga Kristiyano, tayo rin ay bininyagan sa pamamagitan ng tubig. Ang pagbibinyag na ito ay katumbas ng ating pagsisisi at pagtalikod natin sa kasalanan. Ito rin ang sumasagisag sa paglilinis sa atin ng Panginoon.

Ang dugo ng Panginoong Hesus ay inialay Niya para sa ating kaligtasan, para tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Hindi natin kailanman makakayang bayaran ang mga kasalanan na ginawa natin, sapagkat sabi nga ng isang propeta “in sin did my mother conceive me.” Naranasan nyo ba na magsisi sa kasalanan at mangumpisal ng umaga, tapos sa hapon nakapagisip ka ng masama sa iyong kapwa? Ito ang dahilan kung bakit never tayong makakabayad sa utang natin sa Diyos.

Ngunit Hindi ibig sabihin nito ay mananatili ka sa kasalanan. Kagaya ng sakripisyo ni Hesus, in our own small ways, isasakripisyo natin ang makamundong ugali, kaisipan at gawa, upang makiisa sa sakrispisyo ni Hesus. At sa pamamagitan ng Espiritu Santo–ang pangatlong nagpapatotoo–Sya ang magpapatunay na naniniwala tayo kay Hesus at nananahan nga talaga Siya sa atin.

Mga kapatid, bilang mga Katoliko Kristiyano, nabinyagan na tayo, sa tubig at ang ang sakripisyo ni Hesus, ang pagdanak ng dugo at pagkamatay para sa atin ay ginawa na Nya 2000 years ago. It is a must for us to look to ourselves everyday and check if the Spirit is indeed with us. How? If we follow God’s commandments and the teachings of Jesus.

Di kailangan ni Lord na biglaan kang magbago. Ang gusto Niya sa atin ay consistency and progressive change.. sa bawat araw, gawin natin ang lahat para makagawa ng mabuti. Sa bawat araw, gawin natin ang lahat para gumanda ang ating ugali. Sa bawat araw, piliin nating sundin ang turo ni Hesus kaysa sa turo ng mundo. Humingi tayo ng tulong sa Espiritu Santo upang paunti-unti tayong maging kawangis ni Kristo.

Amen.

Reply

Malou Castaneda January 5, 2024 at 10:08 pm

PAGNINILAY
Napakahalagang regalong ibinigay sa atin ng Diyos si Hesus! Kung titingnan natin ang bautismo ni Hesus na may parehong pagkahanga at pagkamangha sa paglapit natin sa nativity, maaari tayong mamangha at magpakumbaba sa dakilang pag-ibig ng Diyos sa atin. Napakaswerte natin! Ang pag-ibig na ito ay ume eko sa matagal na panahon. Sa pamamagitan ng sarili nating bautismo ay maaari tayong magalak sa maraming kaloob na ibinibigay ng Diyos sa atin at malalaman natin ang pinakamataas na pag-ibig na nakapaligid sa atin. Ang tawag na mamuhay sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng bautismo ay higit pa sa udyok sa atin na tanggapin ang iba gaya ng pagtanggap sa kanila ni Kristo. Responsibilidad nating ibahagi ang pagmamahal na natanggap natin. Ibinabalik tayo ng bautismo sa tamang kaugnayan sa Diyos at sa hangganan ng mas malalaking bagay na darating. Sa pag-alala natin sa Pagbibinyag kay Hesus, buong pasasalamat nating ipagdiwang ang dakilang regalo ng pag-ibig ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng pag-abot sa iba at pagtulong sa kanila na makilala si Emmanuel – Ang Diyos ay para sa atin, ang Diyos ay kasama natin, ang Diyos ay nasa atin. Napakapalad natin!

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming isabuhay ang aming mga pangako sa binyag. Amen.
***

Reply

RFL January 5, 2024 at 10:12 pm

Ang pagbibinyag ni San Juan Bautista kay Hesus sa Ilog Jordan ang pinakamagandang imahe kung saan inihayag ang tatlong persona ng Diyos. Sa pamamagitan din nitong binyag ay pinatotohanan din ng Diyos kung sino ba talaga si Hesus, ang Kanyang bugtong na anak na lubos Nyang kinalulugdan.

Ang sabi ni San Juan sa Unang Pagbasa, tatlo daw ang nagpapatotoo kay Hesus na Siya nga ang Anak ng Diyos: ang tubig, ang dugo at ang Espiritu Santo. Itong tatlo rin na ito ang magpapatotoo sa atin para tayo ay maituring na anak ng Diyos.

Bilang mga Kristiyano, tayo rin ay bininyagan sa pamamagitan ng tubig. Ang pagbibinyag na ito ay katumbas ng ating pagsisisi at pagtalikod natin sa kasalanan. Ito rin ang sumasagisag sa paglilinis sa atin ng Panginoon.

Ang dugo ng Panginoong Hesus ay inialay Niya para sa ating kaligtasan, para tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Hindi natin kailanman makakayang bayaran ang mga kasalanan na ginawa natin, sapagkat sabi nga ng isang propeta “in sin did my mother conceive me.” Naranasan nyo ba na magsisi sa kasalanan at mangumpisal ng umaga, tapos sa hapon nakapagisip ka ng masama sa iyong kapwa? Ito ang dahilan kung bakit never tayong makakabayad sa utang natin sa Diyos.

Ngunit Hindi ibig sabihin nito ay mananatili ka sa kasalanan. Kagaya ng sakripisyo ni Hesus, in our own small ways, isasakripisyo natin ang makamundong ugali, kaisipan at gawa, upang makiisa sa sakrispisyo ni Hesus. At sa pamamagitan ng Espiritu Santo–ang pangatlong nagpapatotoo–Sya ang magpapatunay na naniniwala tayo kay Hesus at nananahan nga talaga Siya sa atin.

Mga kapatid, bilang mga Katoliko Kristiyano, nabinyagan na tayo, sa tubig at ang ang sakripisyo ni Hesus, ang pagdanak ng dugo at pagkamatay para sa atin ay ginawa na Nya 2000 years ago. It is a must for us to look to ourselves everyday and check if the Spirit is indeed with us. How? If we follow God’s commandments and the teachings of Jesus.

Di kailangan ni Lord na biglaan kang magbago. Ang gusto Niya sa atin ay consistency and progressive change.. sa bawat araw, gawin natin ang lahat para makagawa ng mabuti. Sa bawat araw, gawin natin ang lahat para gumanda ang ating ugali. Sa bawat araw, piliin nating sundin ang turo ni Hesus kaysa sa turo ng mundo. Humingi tayo ng tulong sa Espiritu Santo upang paunti-unti tayong maging kawangis ni Kristo.

Amen.

Reply

Joshua S. Valdoz January 6, 2024 at 1:35 pm

Salamat Sa Diyos, Amen

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: