Biyernes, Enero 5, 2024

January 5, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
ENERO 5

Narinig na natin ang Salita ng Diyos na ipinahayag sa atin. Nakikita niya ang ating mga tapat na pagsisikap na mamuhay nang matuwid at muli nating hinihiling ang kanyang tulong.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ni Jesus, dinggin Mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan nawa’y walang takot na magpatuloy sa pangangaral sa mga tao upang magsisi sa kasalanan at manampalataya sa Mabuting Balita, manalangin tayo sa Panginoon.

Anuman ang kanilang kalagayan sa buhay nawa’y higit pang maraming tao, ang magpahayag ng kanilang pananampalataya sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya nawa’y magsikap na gawin ang kanilang tahanan bilang mga lugar kung saan maririnig ng mga bata na tinatawag sila ng Diyos sa kanilang pangalan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y manangan sa mga walang hanggang katotohanan ng Mabuting Balita ni Kristo at ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapayapaan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, dinggin mo ang mga panalangin ng iyong bayan. Huwag mo nawang bigyang-pansin ang aming mga makasalanang gawi, kundi ipakita sa amin ang iyong habag. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez January 5, 2019 at 12:30 am

Pagninilay: Patuloy tayong nagninilay tungkol sa kadakilaan ng Diyos sa kanyang pagnanais na makapiling tayo upang tayo’y kanyang iako at ipagkaloob ng bagong buhay, na siyang matutupad kapag makakamtan natin ang kaligayahan ng walang hanggan. At sa ating pagdiriwang ng Kapaskuhan, tayo ay papasok na sa pagdiriwang ng Epipanya o ang pagpapakita ng Panginoon. Kaya ang Ebanghelyo ngayon ay isang pagpapahayag ng presensiya ni Hesus sa isa sa mga tinawag niyang alagad. Tinawag ni Hesus si Felipe na sumunod sa kanya, at inaanyayahan nito ang kanyang kaibigan si Natanael. Ibinalita ni Felipe kay Natanael ang kanyang pagtatagpo sa Mesiyas. At nang makita ni Hesus si Natanael, sinabi niya sa kanya na hindi siya kailanma’y nandadaya. Ito’y sapagkat nagpakita ang Panginoon sa kanya sa ilalim ng puno ng ugos. Kaya ipinahayag ni Natanael si Hesus bilang Anak ng Diyos. Ang pagtawag kina San Felipe at San Bartolome ay isang paanyaya na ang Diyos ay kapiling natin, at palagi siyang nagpapaalala tungkol sa kanyang banal na presensiya sa ating buhay. Ito’y natunghayan ng 2 alagad nang ibalita ni Felipe ang mga narinig niya tungkol kay Kristo at nang mabatid ni Natanael ang pagpapakita ng Diyos sa kanya. Kaya ipinagdiwang natin ang Pasko hanggang sa mga susunod na linggo upang kilalanin natin ang Emmanuel, ang Diyos na patuloy na sumasaatin. Nawa’y matunghayan natin ang presensiya ng Panginoon at tumugon sa kanyang paanyaya na sundin ang kanyang dakilang kalooban.

Reply

Rosalinda m. Jubilado January 5, 2023 at 12:04 pm

i remember when i was maybe around 5yo i attended Holy Mass in our place , the farthest town of Aurora, i took the Holy Body of Jesus wiithout any knowledge about it dahil nakipila na rin ako.
i believe now, dahil doon sa pagtanggap ko ng Kanyang Banal na Katawan ay Siyang nagbigay sa akin ng pagmimithi noong bata ako na makilala Siya. kung kaya noong ng kolehiyo na ako dito sa maynila hinanap ko Siya. i attended many fellowships sa ibat ibang religion .
pero hindi ako naging satisfied .
dahil sa puso ko mayroong isang nagsusumigaw na pagmimithi na DAPAT ANG MARINIG KO SA MGA TAGAPAG SALITA AY IYONG IPINAKIKILALA ANG DIYOS.
UNTIL one day ,i was 25 yo then ,there was this big Catholic fellowship upon turning the radio on their radio program.
dito nagsimula ang pagpuno ng Diyos sa aking puso dahil sa pagkauhaw ko na makilala Diyos.
Salamat sa Banal na Katawan at Dugo ng ating Panginoong Hesus na natatanggap sa Banal na Eukaristiya na kung saan, KAISA NATIN SA KATAWAN, KALULUWA, AT ESPIRITU. kung isapuso lamang natin ito we can avoid offending God.we are not perfect but it is Jesus that perfects us in His Perfection.
TO GOD BE ALL THE GLORY! ALLELUIA!

Reply

RFL January 4, 2024 at 6:19 pm

1st reading:
Nakakamangha ang pagkakalahad ni Hesus ng mga turo kung paano totoong mahalin ang Diyos at ang kapwa. Althroughout His ministry, binigyang-diin at inexpound Nya kung ano ba ang tunay na kahulugan ng mga utos ng Diyos. Halimbawa, ang pagtingin ng malaswa sa isang babae ay katumbas na rin ng pakiki-apid; ibigin natin ang ating mga kaaway, hindi ang pagganti sa kanila; at ang pagkagalit o pagkapoot sa kapatid ay katumbas na rin sa pagpatay niya rito. Ito ang gustong ipaliwanag sa atin ni Apostol San Juan sa Unang Pagbasa, tayong mga anak ng Diyos, sa pamamagitan ni Kristo Hesus, ay nararapat lang na tuparin ang mga utos na inihayag ni Hesus noong Siya’y dumating: Ibigin nating tunay ang ating kapatid (kapwa), hindi sa wika o salita lamang.

Sabi nga ni San Juan, dito natin malalaman kung tayo ba talaga ay anak ng Diyos: kung tayo’y umiibig sa ating kapwa. Hindi ito romantic love, kundi gaya ng pag-ibig ni Kristo sa atin. Nagbigay ng Kanyang buhay at nagpatawad, hindi lamang sa mga kaibigan Nya, kundi pati na sa mga kaaway nya (sa mga taong maituturing na makasalanan at mga direktang nagkasala sa Kanya). Ang pag-ibig at kapatawaran na ibinigay ni Hesus ay hindi lang Nya sinabi, kundi pinatunayan Nya sa Krus.

Sa ating panahon ngayon, paano ba natin mapapakita ang pag-ibig sa kapwa? Kung gipit ka at may nangangailangan na lumapit sa iyo, bigyan kung anuman ang pwedeng ibigay. Kung may kapwa na nakaatraso sa iyo, pinahirapan ka, pinahiya ka, siya’y iyong kausapin, patawarin at ibalik muli ang sigla ng relasyon sa bawat isa, sya man ay iyong kapamilya, kaibigan, katrabaho o kahit kakilala lang.

Ang pag-ibig sa kapwa ay hindi dapat ayon sa sinasabi ng mundo, kundi ayon sa halimbawa na ipinakita ni Kristo. Sa gayon, malinis tayong makakaharap sa trono ng Diyos.

Gospel :

Si Natanael, ang Israelita na hindi mandaraya (at hindi sinungaling). Yan ang pagkaka-describe ng Panginoong Hesus kay Natanael. Pano nga ba naman? Prangka at may bahid ng katotohanan (base sa obserbasyon) ang sinabi ni Natanael kay Feilpe noong inihayag nya na si Hesus ang Mesias na kanilang hinihintay, “May mabuti bang nanggagaling sa Nazaret?” Noong panahon ni Hesus, ayon sa mga dalubhasa, ang Nazareth ay isang liblib at munting settlement na noon ay binubuo ng iilang pamilya lamang, at ang pangunahing trabaho roon ay ang pagsasaka o di kaya nama’y nagtitinda sa Galilea. Sa tingin ko, may bahid ng pangmamaliit ang sinabing ito ni Natanael, ngunit ito ay binase nya sa kanyang kaalaman tungkol sa Nazareth at dahil dito’y hindi sya naniwala agad. Prangka si Natanael, at nagsalita sya ayon sa kanyang iniisip at wala itong pagpipigil.

Kaya naman, kinailangang sabihin ni Hesus na si Natanael ay isang tunay na Israelita na hindi mangdaraya (at hindi sinungaling). Hindi sya katulad ni Jacob, ang pinagmulan ng Israel ay mula sa pandaraya at pagsisinungaling ni Jacob. Ang pagiging Israelita ay katumbas noon ng pagiging anak ng Diyos, sapagkat ang pangako ng Diyos ay isinagawa sa pamamagitan ni Abraham. (Ngunit ito ay pinabulaanan na ni Hesus noong inialay Nya ang Kanyang bahay).

Tayo ba’y mapagpanggap kahit sa harap ng Panginoon? Wala tayong maitatago sa Kanya, sapagkat alam Nya ang ating iniisip at pati na rin ang ating mga gawa. Iniimbitahan tayo ng Panginoon na simula ngayong araw na ito especially sa panahon ng Kapaskuhan, matuto tayong umibig ng totoo sa ating kapwa. Maging totoo sa ating iniisip at sinasabi na naaayon sa turo ng Panginoon. Do it with gentleness and love. Nang sa gayon, mapatunayan na tayo’y tunay na mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Reply

Mel Mendoza January 5, 2024 at 3:28 pm

Ang mga pagbasa sa araw na ito lalo na sa unang pagbasa ay masasabing basics pero ang pinaka-mahalagang Kautusan na kahit noong lumang panahon pa iniutos na ito ng Panginoon sa kapanahunan ni Moises ito ay ang pag-ibig. Kung kaya pag ang taong puspos ng pag-ibig ay kailanman hindi siya gagawa ng masama sa kapwa o mga kasalanang mortal at venial. Ang uri ng pag-ibig na ito ay ang pag-ibig mismo na itinuro at ipinakita ng Panginoong Hesukristo. Ang panahon ng Kapaskuhan dito naganap ang pagkakatawang-tao ni Hesus ang katuparan ng ipinangakong kaligtasan bunga ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan .

Sa Ebanghelyo ito ay paalala sa lahat na dapat pawiin sa ating mga puso’t isipan ang ating prejudices at biases sa ating kapwa. Huwag pairalin at ilalagay ang pagkakilanlan ng isang tao base lamang sa kanyang pinagmulan. Alalahanin lagi na may mabuting lalabas sa isang lugar, mapa-literal man ito na pook, o puso ng isang tao. Katulad ng winika ni Natanael na may “May nagmumula bang mabuti na taga-Nazareth?” Ganun din naman ang tao sa kabila ng anong masama na nakikita natin sa kanyang pagkatao meron at meron din lalabas na kabutihan sa kanya dahil nasa naturalesa ng tao ang pagiging mabuti dahil wala naman nilikha ang Diyos na masamang tao ang tanging nagpasama lamang sa isang tao ay labis na paggamit ng kalayaang ibinigay sa kanya ng Diyos.
Samakatuwid, hindi makakatulong sa pagkilala sa ating kapwa kung iba- base lamang sa pinanggalingan at sa dati niyang naging buhay. Ang importante ay kung ano ang naging bahagi natin sa pagpapanibago ng isang tao sa usaping pananampalataya. Nadala ba natin sila sa liwanag? O naging bahagi ba tayo para lumabas ang kabutihan ng isang nilalang? Nawa’y maging instrumento tayo na ihasik ang kabutihan ng Diyos sa ating kapwa at makita natin ang kabutihan ng bawat isa sa kabila ng ating pagkakaiba-iba.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: