Martes, Marso 14, 2023

March 14, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Martes

Manalangin tayo sa Diyos upang tayo, ang kanyang bayang nakararanas ng kanyang pagpapatawad, ay maghatid ng kagalakan ng pagkakasundo sa mundo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin Mo kaming tagapaghatid ng Iyong kapayapaan.

Ang Simbahang pinalaya ng Dugo ni Kristo nawa’y mamuhay sa pagkakasundo at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Simbahang Kristiyano nawa’y mapagsama sa ilalim ng nag-iisang ebanghelyo ng pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawa nawa’y matutong magpatawad at umunawa sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ating lahat nawang matutuhan ang habag ni Jesus upang tayo ay makapagpatawad sa isa’t isa mula sa puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y magtamasa ng kapayapaan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, lagi mo nawa kaming palakasin ng iyong pag-ibig at habag, at tulungan kaming maghandog ng pagpapatawad sa iba. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez March 6, 2021 at 3:46 pm

PAGNINILAY: Inaanyayahan tayo ngayong Kuwaresma na makipagkasundo sa Diyos at makipagkasundo sa isa’t isa. Kaya’t hinihikayat tayo ng panalangin ng Panginoon: “Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala laban sa amin.”

Sa ating Ebanghelyo (Mateo 18: 21-35), tinanong ni San Pedro si Jesus kung gaano karaming beses dapat siyang magpatawad ng sinumang nagkasala sa kanya. Tugon ni Hesus na hindi pito, kundi pitumpu’t pitong beses. Nangangahulugan ito na dapat nating patawarin ang ibang tao sa oras na sila’y tunay na nagsisisi at nais humingi ng tawad. Kaya kapag ang isang tao ay humingi ng kapatawaran mula sa loob ng kanyang puso, tayo ay inaanyahang patawarin ang taong iyon. Kung tayo pa nga ay pinagsisisihan sa Diyos ang ating sariling mga kasalanan, bakit hindi natin patawarin ang mga nais makipagkasundo sa atin? Nakalulungkot ang ilan ay katulad ng lingkod sa talinghaga, na ipinakulong lamang ang kapwa nitong lingkod na may maliit na utang. Kaya ang hari ay nagagalit sapagkat hindi niya binigyan ng lalaki ng pangalawang pagkakataon. Bilang resulta, ang alipin ay ipinakulong habang ang lalaking iyon ay ipinalaya.

Sa Partikular na Paghahatol ng Panginoong Hesus, tatanungin niya tayo: “Pinatawad mo ba ang iyong kaaway? Ibinigay mo ba sa kanya ang isa pang pagkakataon, sa katulad na paraan kung paano binigyan ka ng Ama ng isa pang pagkakataon?” Kung maalala natin na si Hesukristo ay ipinako sa Krus upang tayo’y mailigtas mula sa ating mga kasalanan. Siya ang Kordero ng Diyos na nag-alis ng ating mga pagkakasala sa pamamagitan ng pagsasailalim niya sa dakilang kalooban ng Ama. Subalit siya’y muling nabuhay, at pinatawad niya si San Pedro sa tatlong beses ng pagmamahal nito sa kanya, bilang kabayaran sa tatlong beses siya’y ipinagkaila.

Kaya sa ganyang paraan din dapat nating patawarin ang ibang tao. Habang naglalakbay tayo sa daan ng Kuwaresma, nawa’y tularan natin ang habag at awa ng ating Diyos Ama sa pagpapatawad at pakikipagkasundo sa ating kapwa nang umapaw pa ang kanyang pag-ibig sa lahat ng tao.

Reply

Raphael March 14, 2023 at 8:17 pm

Amen. salamat po sa pagninilay.

Reply

Sherwin D. Yanoria March 9, 2021 at 6:49 am

Ang ating Diyos ay Dyos ng pag-ibig at hindi ng pagpaparusa. Napaka gandang panalangin ng Ama Namin. Lalao na yung bahaging “patawarin mo kami tulad ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.” Parang ganito yung isinasaad na kwento ng ating Panginoong Hesus sa kwento ng ebanghelyo. Kaya nga magpatawad tayo upang tayo ay patawarin. Kalimutan na ang masamang ginawa kung ito ay napatawad na. Iwasan ang poot, galit, inggit at hinanakit. Iaalay natin ito sa Diyos bilang pagpapatawad natin sa ating kapwa. Tiyak tayo ay patatawarin ng Diyos sa mga kasalanang nagawa natin sa Kanya at sa ating kapwa.

Reply

SAINTSPOT March 14, 2023 at 5:58 am

Please SHARE & SUBSCRIBE
“SAINTSPOT” on Youtube & FB
https://youtube.com/watch?v=2VrL8PAs0dk&si=EnSIkaIECMiOmarE

GOSPEL REFLECTION:
Kung hindi ka magpapatawad, ikaw ay mabibilanggo!

Sa talinghaga ngayon (Mateo 18, 21-35), makikita dito na pinatawad ng hari ang isang taong may utang sa kanya ngunit noong humingi ng awa at patawad ang isang taong may utang ng maliit sa kanya ay hindi man lang niya pinatawad. Nalaman ito ng hari kaya’t siya nagalit at ipinabilanggo ang taong walang awa hanggat siya’y nakabayad.

Dito pinapaalala ng Diyos na ang pagbibigay natin ng kapatawaran ay dapat nanggagaling sa puso dahil pinatatawad tayo lagi lagi ng Diyos. At huwag kang magbilang ng pagbibigay ng kapatawaran. At kapag hindi tayo nagpatawad, tayo ay mabibilanggo. At paano at saan tayo mabibilanggo? mabibilanggo tayo sa sobrang kahirapan ng kalooban at kung pinatagal mo pa ito’y ikasasama ng iyong buhay espiritwal at babagsak ang iyong kalusugan. Umaasa ang Diyos na ang pagpapatawad natin ay mula sa puso. Kaya’t magpatawad ka na para sa iyong ikabubuti.

Pagnilayan ngayon ang pagtawag na ibinigay sa iyo ng Diyos na magpatawad na nang lubusan. Kung nandiyan pa rin ang galit sa iyong puso, hingin sa Diyos na tulungan kang magpatawad. Ang magpatawad ay isang malaking desisyon kaya’t desisyonan mo ng igawad ang kapatawaran. Gagawin mo ito dahil mahal mo ang iyong sarili at mahal mo ang Diyos. Magpatawad, magpatawad, magpatawad, at ang masaganang awa ng Diyos ay ibibigay din sa iyo.

Aking maawaing Panginoon, nagpapasalamat ako sa Iyo sa hindi maarok na lalim ng Iyong awa. Nagpapasalamat ako na kahit paulit-ulit akong nagkakasala ay pinapatawad mo pa rin ako. Mangyaring bigyan mo ako ng isang pusong marunong magpatawad ng gaya sa iyo. Pinatatawad ko na ang lahat ng nagkasala sa akin, mahal na Panginoon. Tulungan mo akong magpatuloy na gawin ito mula sa kaibuturan ng aking puso.

Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: