Miyerkules, Marso 8, 2023

March 8, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Miyerkules

Habang isinasaisip natin ang mga salita ni Jesus na ang pinakadakila ay yaong naglilingkod, manalangin tayo sa Diyos Ama upang pagkalooban tayo ng tunay na diwa ng paglilingkod sa lahat ng tao.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin Mo kaming mga tunay na lingkod.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y maging mga tunay na lingkod, kumikilos nang may malasakit na katulad ng ipinakita ni Jesus sa kanyang mga alagad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y gamitin ang kanilang kapangyarihan para sa ikabubuti ng mga mamamayan at iwasan ang alitan at kawalan ng tiwala, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maunawaan na sa mata ng Diyos, hindi sinusukat ang tagumpay sa pamamagitan ng mga pamantayan ng mundo kundi sa paggalang na ibinibigay natin sa ating kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maunawaan na ang kanilang pagdurusa ay maaaring maging isang biyaya kung ito ay tinitiis bilang pakikiisa kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y matamo ang mga gantimpala ng kanilang mga paghihirap sa lupa sa buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming paglingkuran ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagtulad sa iyong Anak na nag-alay ng kanyang buhay para sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez March 2, 2021 at 9:49 pm

PAGNINILAY: Ang ating Ebanghelyo ay nagpapakita kung gaano ninanais nila na itugon ni Hesus ang kanilang tugon. Ang kanilang ina [Santa Salome] ay lumapit kay Hesus at hiniling na kapag iniluwalhati na diya bilang Anak ng Diyos, ipaupo sina Santiago at Juan sa kanan at kaliwa niya. Ngunit alam ni Kristo na hindi gaanong madali ang hiniling nila, sapagkat ayon sa kanya ay kailangan nilang uminom sa kalis ng pagdurusa. At sa paggalit ng iba pang Apostol dahil sa kanilang hiling, tinipon sila ng Panginoon at ipinahayag tungkol sa pagkakamit ng kadakilaan.

Nais ipahiwatig sa atin ni Hesus na ang pagkakaroon ng maraming tagumpay ay kinakailangang magdusa hindi dahil tayo’y pinaparusa ng Diyos, kundi upang maging mas matatag pa ang pananampalataya natin sa kanya. At tungkol sa pagiging una at dakila, kinakailangan nating magpakumbaba at maglingkod gaya ng ginawa ni Hesus nang ialay niya ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng karamihan. At ito ang tinutukoy ni Jeremias sa Unang Pagbasa na pagdadaanan ng matuwid na tao ang pang-uusig na ito mula sa mga kaaway, ngunit patuloy siyang nagtitiwala sa Diyos. Kaya sa pagtitiwala ni Hesus sa Ama, naging masunurin siya sa dakilang kalooban ng Ama kahit ito’y nangahulugang siya’y kailangan magdusa at ipagpako sa Krus. Kaya ang kanyang paghahain ng buhay sa Krus ay ang pinakaganap na plano ng Diyos para sa ating kaligtasan, na ipinakita sa atin ng Hari kung paano dapat maging halimbawa ng pagmamahal at paglilingkod sa bawat tao.

Hilingin natin sa Panginoon ngayong Panahon ng Kuwaresma ay maituon natin ang ating buhay hindi lang sa pagpapasarap ng ating sarili, kundi sa pakikidamay, paglilingkod, pagtutulong, at anupamang kabutihan na maari nating gawin sa ating kapwa.

Reply

Raphael March 8, 2023 at 10:35 am

salamat po

Reply

Sherwin D. Yanoria March 3, 2021 at 6:32 am

Ibang-iba ang gustong liderato ng ating Panginoong Hesukristo, ang pagiging “Servant Leader.” Ito yung talagang paglilingkod sa mga tao, mga dukha, may sakit at mababang uri ng tao sa lipunan. Kung kaya niyang paglingkuran ang mga ito, kaya rin niyang makibagay sa mga taong mayayaman. Kadalasan, pag nakaluklok na sa pwesto ay limot na ang mga pangako at mahirap lapitan. Kaya ang tunay na paglilingkod ay may malasakit sa kapwa, may pagmamahal at may pang unawa. Higit sa lahat, kaya niyang ibuwis ang kanyang buhay sa kanyang nasasakupan. Kumbaga ito ay nagsisilbing PAMANTAYAN ng ating Panginoong Hesus sa mga taong gustong maging pinuno balang araw.

Reply

SAINSPOT March 8, 2023 at 4:44 am

PLEASE SHARE AND SUBSCRIBE
“SAINTSPOT” on Youtube

Paano harapin ang Krus sa buhay?

Kadalasan, iniiwasan nating marinig ang ebanghelyo dahil palaging nakaturo ito sa sakripisyo sa krus.

Sinabi niya sa kanila, “Aakyat tayo sa Jerusalem. Doo’y ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba ang Anak ng Tao. Hahatulan siya ng kamatayan, at ibibigay sa mga Hentil. Siya’y tutuyain, hahagupitin at ipapako sa krus; ngunit muli siyang bubuhayin sa ikatlong araw.”

Sa ebanghelyo ngayon, makikita natin na hindi natakot si Hesus na harapin ang katotohanan, ang kanyang pagdurusa at kamatayan. Tinignan niya ito sa pamamagitan ng isang maluwalhating gawa ng pag-ibig. Kaya’t hinarap niya ito ng buong tapang at pagtitiwala.

Tayo ngayon ay inaanyayahan ng Diyos na tularan ang katapangan at pag-ibig ni Hesus sa tuwing tumatahak tayo sa mahirap na daanan sa buhay. Kailangan mong magdesisyon na huwag ng magalit, manisi o di kaya’y mawalan ng pag-asa. Yakapin natin ang ating mga krus dahil ito’y daluyan ng maraming biyaya.

Pagnilayan, ngayon, na sikaping tularan ang ating Panginoon sa pamamagitan ng masayang pagtanggap sa mga paghihirap na iyong kinakaharap at ang mga krus na iyon sa huli ay makakabahagi sa Pagkabuhay na Mag-uli kasama ang ating Panginoon.

Panginoon Hesus, malaya Mong niyakap ang kawalan ng katarungan ng Krus nang may pagmamahal at katapangan. Bigyan mo rin ako ng biyaya na tularan ang Iyong ganap na pag-ibig at nawa maisabuhay ko ito ng buong lakas at kumpiyansa na kasama ka.
Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

SEE YOU IN HEAVEN!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: