Lunes, Agosto 10, 2020

August 10, 2020

PANALANGIN NG BAYAN
San Lorenzo, Diyakono at Martir

Sa ating pagdiriwang ng kapistahan ng isang dakilang santo ng Simbahan ng Roma, ina ng lahat ng simbahan, makiusap tayo sa ating mapagmahal na Ama na ipagkaloob ang mga kahilingang sama-samang inilalapit natin sa kanya sa panalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Loobin mong maging matatag kami sa paglilingkod sa iyo, O Panginoon.

Ang mga diyakono ng Simbahan nawa’y maging masigasig sa pangangaral ng Ebanghelyo sa salita at halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Magkaroon nawa ng sapat na Katolikong boluntaryong maglilingkod para sa mga mahihirap na pamayanan at bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga dukha nawa’y pahalagahan at pangalagaan natin bilang mgay tunay na yaman ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng tibay ng loob sa mga panahong nasasaktan ang ating katawan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong mahal natin sa buhay nawa’y makapasok sa ipinangakong Kahariang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, sa tulong ng mga panalangin ni San Lorenzo, ang iyong martir, tanggapin mo ang mga kahilingang inilalapit namin sa ngalan ng iyong Muling Nabuhay na Anak na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 24, 2020 at 9:02 pm

PAGNINILAY: Sa ating Ebanghelyo (Juan 12:24-26), ginamit ni Hesus ang imahe trigo bilang kaugnayan sa ating mga buhay bilang Kristiyano. Nais niyang ipahayag sa atin kung ano ang kahalagaan sa pagiging mga alagad niya. Katulad ng pagkamatay ng isang trigo, pagkahulog nito sa lupa, at pagiging masagana ang bunga, si Hesus din mismo ay namatay sa Krus at muling nabuhay upang tayo’y iligtas mula sa kasalanan at makibahagi sa misyon ng Diyos.

Ang imahe ng trigo ay may kaugnayan sa buhay ng mga martir, lalung-lalo ngayon si San Lorenzo (hindi Ruiz). Siya’y isang diyakono noong ikatlong siglo, at naging bukas palad siya sa pagbenta ng mga mahaling kagamitan sa mga mahihirap. Kaya ito’y ginalitan ng Prefek ng Roma at iniutusan siyang ibalik ang mga kayamanan sa emperador. At dinala niya ang mga mahihirap bilang kayamanan ng Simabahan. Kaya hinatulan siya na patayin gamit ang gridiron. Bago siya pinatay, sinabi niya sa Prefek, “Hayaang nakatabingi ang katawan ko. Sapat na ang isang tagiliran ay maluto.”

Si San Lorenzo ay namatay para sa mga mahihirap dahil binuwis niya ang kanyang buhay sa pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan. Kaya’t totoo ang pahayag ni Tertuliano: “Ang dugo ng mga martir ay binhi ng mga Kristiyano.” At tayo din ay dadanas ng mga pahihirap at pagsubok sa ating buhay. Pero ang mahalaga dito ay nagtitis at nagtiyaga, ginawa natin ang mabuti at tama alang-alang sa Panginoon. Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa tayo’y maging mga alagad ni Kristo at iharap ang bawat hamon ng buhay nang may pananampalataya sa kanya at pagmamahal sa kapwa.

Reply

Nona Adalia August 10, 2020 at 9:06 pm

Salamat sa Diyos. St Lawrence, pray for us.

Reply

babylyn conti August 11, 2020 at 5:39 am

Salamat sa Panginoon.
Salamat na muli sapagkat napalalalim ang kahulugan ng mga pagbasa sa mga pagninilay, kay Ginoong R. Perez. Pagpalain.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: