Podcast: Download (Duration: 5:00 — 3.6MB)
PANALANGIN NG BAYAN
San Mateo
Ang buhay ni San Mateo ay binago ng pagtawag at hamon ng Guro. Nawa ang aming mga panalangin ay magpahayag ng pagbabago ng buhay at maging sensitibo kami sa mga pangangailangan ng iba.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pagpapatawad, maging mapagpala ka sa amin.
Ang mga programa para sa pagpapanibago nawa’y maging tanda ng ating buhay-Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang tanggapin ang hamon at tawag sa pagbabalik-loob sa halip na mahikayat sa pang-aakit ng mundo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga may kinalaman sa mga bagay tungkol sa pananalapi nawa’y hindi matuksong ipagpalit ang kanilang kaluluwa para sa kayamanan at kapangyarihan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga may kahinaan sa kanilang espiritwal na buhay nawa’y humanap ng tulong sa Sakramento ng Pakikipagkasundo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.
Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng mga panalangin ni San Mateo, tanggapin mo ang mga kahilingan ng iyong bayan, ang bagong Israel na tinipon ng biyaya ng iyong Muling Nabuhay na Anak, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Setyembre 20, 2026
Martes, Setyembre 22, 2026 »




{ 3 comments… read them below or add one }
Purihin ka oh Diyos, ganun na lamang ang pagmamahal mo sa Sangkatauhan ibinigay mo Iyong Bugtong na Anak na si Hesus upang bigyan ng pagkakataong magsisi ang mga makasalanan. Naway kahabagin mo kami aming Panginoong Hesus, purihin ka at sambahin. Amen!
Si San Mateo ay isang santo ng Romano Katoliko na naging kabilang sa unang labindalawang alagad ni Hesus. Dati siyang maniningil ng buwis sa ngalan ng Imperyong Romano. Bilang apostol, pagkaraan ng pamumuhay ni Hesukristo sa mundo, nangaral siya sa Hudea. Siya ang nakaugaliang tinuturing na may-akda ng Ebanghelyo ni Mateo, ang unang ebanghelyong matatagpuan sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ayon rin sa kinaugalian, siya ang nagdala ng Kristiyanismo sa Silangan. Kilala rin siya bilang ang dating si Levi, anak ni Alfeo.
Ayon sa pagkatawag Kay Mateo, tayo’y Tinawag din upang sumunod sa kanya ipahayag ang Mabuting Balita sa LAHAT Ng dako na si Jesus ay naparito para sa mga makasalanan na nangangailangan Ng kanyang habag at AWA, nais ni Jesus na maparkingan Siya at maunawaan ang mga bagay kung bakit Siya’y naparito.
Ikaw ba, naitanong mo na ba sa Sarili mo kung bakit naparito si Jesus? Tulad Ng mga pariseo Puno Sila Ng katanungan tungkol Kay Jesus marahil Sila ay Puno Ng ingit at pagsisilos dahil sa habag at katalinohan Ng Panginoon. Nawa mapuno Tayo Ng kapakumbabaan at pagmamahal sa mga taong mapagkinwari at ipakita natin na Ang Diyos ay mahabagin at punong Puno Ng malasakit sa LAHAT Ng mga makasalanan. Gaya ni Mateo ipakilala natin si Jesus.
PANALANGIN: Purihin ka oh Diyos, ganun na lamang ang pagmamahal mo sa Sangkatauhan ibinigay mo Iyong Bugtong na Anak na si Hesus upang bigyan ng pagkakataong magsisi ang mga makasalanan. Naway kahabagin mo kami aming Panginoong Hesus, purihin ka at sambahin. Amen!
GAWAIN: Ipakilala mo sa iba si Jesus upang Sila man ay tatanggap din at madam ang habag Ng Diyos.
Apostol San Mateo ipanalangin mo kami Hanggang kami ay mamatay sa Sarili.