Miyerkules, Hunyo 10, 2026

June 10, 2026

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Ipinapangako ng Diyos ang kaligayahan sa mga sumusunod sa kanyang mga batas at sa mga naghahangad sa kanya nang buong puso. Manalangin tayo ngayon nang sama-sama at buong katapatan sa iisang pananampalataya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng kaayusan, manatili nawa kami sa iyong landas.

Ang Santo Papa at mga obispo, sa pamamagitan ng kanilang pagtuturo at pamumuhay nawa’y humikayat sa kawan na sumunod sa pamamaraan ng pag-ibig ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya ng mga bansa nawa’y higit na magsumikap at maging masigasig upang makamit ang kapayapaan at matatag na mapanatili ito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawa nawa’y makadama ng alab ng pag-ibig ng Diyos sa kanilang pagsasamahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga matatanda nawa’y lumakas ang kalooban sa pamamagitan ng mga salitang nakaaaliw at may katiyakan mula sa mga kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y mamasdan “ang mga bagay na hindi nakikita ng mga mata at hindi naririnig ng mga tenga,” manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihan at walang hanggang Ama, nawa’y liwanagan ng iyong batas ng pag-ibig ang aming buhay at pamalagiin mo kaming nasa matuwid na landas patungo sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

ruel arcega June 7, 2022 at 9:12 am

Tayo ay nasa ordinaryong panahon. Ngunit kahit ito’yt ordinario panahon ang ang ebanghelyo ay inaayayahan tayo gawin natin ito special na panahon. At tinuturuan tayo ni Hesus tuparin ang utos o batas ng Diyos. at ang batas ay nasulat sa ating mga puso at doon nilagay ng Ama upang lagi natin itong maalala. Dahil ito ang utos at batas ng Diyos na siya naman sinusunod ni Hesus ay ang pag-ibig. At sinabi ni Hesus na ang pinakamahalagang utos ay ibigin ang Diyos at ibigin ang kapwa. Dahil mamawa ang lahat pero ang pag-ibig ay patuloy na umiiral dito sa lupa at gayun din sa langit. Marami batas ang mga Hudio pero ang lahat na ito ay uminog lamang sa pagsunod sa kalooban ng Ama. Kaya naparito si Hesus upang sundin nag kalooban ng Ama, at ang pagsunod sa kalooban ng AMa at ang pagmamahal ni Hesus sa Ama. Kapag mahal mo ang isang tao ang hangad mo ang kalooban niya masunod….

Reply

Ferdy Baetiong Pariño June 8, 2022 at 6:29 am

Ano ang aral at hamon ng mga pagbasa ngayon?

Sa Unang Pagbasa ay para kang nanuod ng isang pelikula na nanalo ang bida, happy ending. Hindi sinusubukan ni Elias ang Panginoon kundi sinunod lamang nya ang kautusan ng Diyos upang ang mga tao ay manumbalik ang pananampalataya sa Panginoon. Alalahanin natin palagi ang mensahe ito ng Unang Pagbasa na walang hindi mapangyayari ang Diyos, na tutuparin ng Panginoon ang kanyang pangako para sa atin basta manatili lamang ang ating pananalig sa kanya at sundin ang kalooban ng Diyos.

Ang ebanghelyo ay isinasaad ang kahalagahan ng Salita ng Diyos, matatapos at magugunaw ang lahat pero ang Salita ng Diyos ay mananatili at matutupad ang bawat mga pangungusap ni Hesus. Ang mensahe nito para sa atin ay wala tayong ibang gagawing gabay sa pang araw araw na buhay kung hindi ang Salit ng Diyos, wala tayong ibang gagawing panuntunan kundi ang Mabuting Balita na mismo sa mga bibig ng Panginoong Hesus nanggaling. Kapag isinapuso natin ang Mabuting Balita at isinagawa sa pang araw araw na buhay ay kailanman ay hindi tayo maliligaw ng landas at hindi tayo mapapahamak.

Reply

Malou Castaneda June 11, 2024 at 9:36 pm

PAGNINILAY:
Tayong mga magulang ay nagtatakda ng ilang mga patakaran sa ating mga anak, lalo na noong sila ay bata pa, hindi para pigilan sila sa kasiyahan, ngunit upang protektahan sila mula sa pinsala. Ang mga unang “tuntunin” na itinakda natin para sa ating mga anak ay pangunahing isang listahan ng mga “Huwag” dahil kailangang matutunan ng mga kabataan ang kahulugan ng “Hindi”! Ginawa ng Diyos ang parehong bagay sa atin hindi lamang sa Sampung Utos, kundi sa iba pang mga paraan. Sa ating mga nasa hustong gulang na anak, hindi na tayo nagtatakda ng mga tuntunin at regulasyon at listahan ng mga hindi at dapat gawin. Sa ating espirituwal na buhay, habang tayo ay tumatanda sa ating pananampalataya, hindi natin kailangan ang mahigpit na mga patakaran ng mga alituntunin at regulasyon, lalo na ang mga “hindi dapat”, dahil tayo ay maeenganyo ng layunin sa likod ng lahat ng mga tuntunin at regulasyon. Ang ating alalahanin ay hindi: “Ano ang dapat nating gawin para masunod ang mga kautusan at makalusot sa langit”? Ngunit sa halip, “Paano natin mas makapangyarihang maipakikita ang pagmamahal ng Diyos para sa atin at sa iba”? Sa halip na subukang gawin ang pinakaminimal upang makuha, nawa’y sikapin nating gawin ang lahat upang maisabuhay ang kaugnayan natin sa Diyos.

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming gabayan ng Iyong batas sa lahat ng aming ginagawa. Amen.
***

Reply

Guilbert poblite June 12, 2024 at 5:47 am

MAGNILAY: May sariling pamantayan si Hesus sa pagtupad ng mga Kautusan at turo ng mga Propeta kaya’t napagkakamalan siyang nilalabag at pinawawalang-bisa ang mga ito. Kaya’t tiniyak niya sa lahat na buo ang kanyang pagtupad sa mga ito ngunit hindi sa pamantayang itinuro sa kanila. May tatlong pamantayan si Hesus sa pagtupad sa Kautusan at turo ng mga Propeta: una, pag-ibig ang motibo ng pagtupad at hindi takot; ikalawa, kusa at galing sa puso ang pagtupad at hindi napipilitan lang dahil obligasyon; at ikatlo, hinihigitan pa kung ano ang hinihingi ng letra ng batas at hindi limitado lang nito.

MANALANGIN: Panginoon, tuparin ko nawa ang iyong mga utos nang may pag-ibig at galak sa aking puso.

GAWIN: Sumunod nang hindi napipilitan lang.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: