Miyerkules, Mayo 20, 2026

May 20, 2026

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Habang naghahanda tayo para sa Pentekostes, nalalaman natin na kahit nabubuhay tayo sa mundo, hindi tayo nabibilang sa mundo. Tinatawagan tayo ng katotohanang ito upang manalangin para sa lahat ng tao kaisa ni Kristo na hindi nagnanais na may maligaw ng landas.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, italaga Mo kami sa iyo.

Ang lahat ng Kristiyano nawa’y sumampalataya sa pag-ibig ng Diyos at makatagpo ng pagkakaisa sa nag-iisang Pastol, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y maging saksi sa katotohanan ng kanilang pananampalataya lalo na sa paggamit ng kanilang kapangyarihan at sa pagtupad ng kanilang mga pananagutan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong tapat sa pananampalataya nawa’y magsikap na maging banal sa kanilang araw-araw na pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, mga nangungulila, mga may kapansanan, at maysakit nawa’y magtiwala sa Diyos na nagpapalakas sa kanila sa pamamagitan ng init ng kanyang presensya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mabuhay nang walang hanggan kasama ng Diyos ng pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Butihing Ama, habang iniibig namin ang isa’t isa, nabubuhay ka sa amin at nagiging ganap ang iyong pag-ibig na nasa amin. Tanggapin mo ang aming mga panalangin sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 12 comments… read them below or add one }

Reynald David Perez May 30, 2022 at 1:24 am

PAGNINILAY: Habang tayo’y lumalapit sa Dakilang Kapistahan ng Pentekostes, na siya namang katapusan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ang tumatak na salita sa ating Ebanghelyo ngayon ay “pagtatalaga” (“consecration” sa Wikang Ingles”). Kadalasan naririnig natin ang salitang “pagtatalaga” o “consecration” sa mga gawain ng Simbahan. Sa mga panalangin, mayroong pagtatalagang ginaganap sa karangalan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at ng Kalinis-linisang Puso ni Maria. Sa Misa, itong tinatawag nating Konsagrasyon ay ang pinakamahalagang bahagi sa liturhiya, na kung saan ang tinapay at alak na itinataas ng Pari ay nagiging tunay na Katawan at Dugo ni Kristo [sacramental presence]. Kaya makikita natin ang kahalagahan ng pagtatalaga ay upang ilapit natin ang ating sarili patungo sa Diyos sa pamamagitan ng mga banal na misteryo na ipinagdiriwang ng Simbahan at sa pamamagitan din ng mga panalangin ng ating Inang si Maria.

Ang ating Ebanghelyo ay ang panalangin ni Hesus sa Ama para sa kanyang mga alagad. N’ung panahong iyon, malapit nang maihayag ang kaluwalhatian nito sa pamamagitan ng Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Kristo. Kaya ipinapanalangin ni Hesus sa Diyos nawa’y ingatan ang kanyang mga hinirang at italaga sila sa katotohanang dala ng salita ng buhay. Tayo ay itinatalaga niya sa Ama upang mas mapalapit tayo sa Diyos na patuloy na nagmamahal sa atin. Kung paano sinusugo ng Diyos Ama ang Diyos Anak, ganun rin tayo isinusugo upang magbunga ng magagandang ani mula sa ating kabuhayan at pananampalataya. Ito yung misyon na kailangan nating tuparin bilang miyembro ng Sambayanan ng Diyos.

At ito rin ang paalala ni San Pablo sa mga namumuno sa Efeso na ingatan nila ang Simbahan ng Diyos na tinubos sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo. At ang Simbahang ito na kinabibilangan natin ay tunay ngang itinayo ni Hesus upang hindi manaig man ang anumang kapangyarihan ng kadiliman. At kahit may nais ang-angkin na ang kanyang relihiyon ay tunay, samantala ang iba ay mali, hindi pa rin matitinag ang pangako ng Diyos sa kanyang mga tunay na hinirang. Kung palagi natin siyang nakikilala sa pamamagitan ng pagninilay ng Salita at pagdalo sa Misa, nawa’y italaga natin ang ating mga puso’t isipan sa kanya upang manindigan tayo sa katotohanang patuloy niyang ipinapahayag sa atin.

Reply

ruel arcega June 1, 2022 at 6:38 am

Minsan gumagamit tai ng pangalan ng isang malakas na tao o makapangyarihan an tao para lang makapasok sa trabaho o sa isang lugar. Kapagtayo ay hinaharang nang guardiiya, sasabihin natin pinapunta ako dito ni Mayor, at agad tayo pinapapasok.
Sa Ebanghelo narinig natin na ipinalangin tayo ni Hesus na ingatan tayo sa pangalan nang Ama upang ilayo at hindi mapahamak sa masama. Anung kapangyarihan ang meron sa pangalan na ito. Dahil ito ordinarong pangalan kung di ito ay Ang Diyos mismo, na sibi nga niya kay Moses upang ipakilala kung sino siya Ako’y Ako. At nakikilala siya ng prinsipe ng kasamaan kaya malaki ang takot niya sa kapanyayarihan ng Diyos natin. Kailan mo minsan naggamit ang pangalang ng Ama, sa oras na tayo ay nasa panganib, Amen

Reply

[email protected] May 20, 2026 at 7:48 am

Ama Ipanalangin Mo Kami Sa Iyo Sa Ngalan Ni Hesukristo…Amen!

Reply

Malou Castaneda May 14, 2024 at 10:16 pm

PAGNINILAY
Lahat tayo ay nananalangin sa Ama, ang ilan ay nanalangin kasama ang komunidad, ang iba kasamang nananalangin ang kanilang pamilya, ang iba ay nagdadasal na nag-iisa na pribado. Habang nagdadasal,
tayo ba ay nag-aalala lamang sa ating sariling mga alalahanin at tensyon o iniisip din natin ang mga tao sa ating paligid, ang mga nangangailangan ng ating mga panalangin. Kapag nananalangin tayo para sa iba, sinasamahan natin sila sa kanilang pasakit at pagdurusa. Si Hesus, ngayon, ay nananalangin para sa atin at gustong makasama tayo sa ating mga pagdurusa.

Kapag nananalangin tayo para sa ating mga mahal sa buhay, ipinagdarasal natin kung ano ang pinaka mahalaga para sa kanila. Kailangan natin ng higit na proteksyon kapag tayo ay nasa Diyos, kailangan natin ng proteksyon mula sa mga karumihan ng mundo, ang
kasamaan ng mundo, ang mga bitag ng mundo. Binigyan tayo ng Diyos Ama ng maraming tao sa ating paligid bilang regalo, ang ating pamilya, ang ating mga kaibigan, ang ating mga kamag-anak at ang mga tao sa paligid natin. Nawa’y madama natin ang kanilang pinakamahalagang pangangailangan at ipagdasal natin sila. Magpasalamat tayo sa Diyos para sa regalo ng mga mapagmahal na tao sa ating paligid at ipanalangin na sila ay palaging maprotektahan ng banal na pangangalaga.

Panginoong Muling Nabuhay, tulungan Mo kaming manatiling nakatuon ang aming mga mata sa aming katapusan na destinasyon. Amen.
***

Reply

Rex Barbosa May 15, 2024 at 2:05 pm

ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
ayon kay San Juan 17, 11b-19

PAGNINILAY / ARAL ng Ebanghelyo

Tunay ngang mahal tayo ni Hesus,
dahil bago siya bumalik sa Ama sa Langit
itinalaga (inihabilin) niya tayo sa Ama.

Tayoy ini-ingatan nang ama na maging isa.
Ina-alagaan upang ni isa’y walang napahamak
at mapuspos ng kagalakan.

Inili-ligtas tayo sa masama,
at itinalaga tayo sa katotohanan.

Hindi na tayo makasanlibutan
ngunit isinusugo sa sanlibutan.

At iniwan sa atin ang Banal Na Espiritu
upang ating makasama sa habang panahon.

ANO PA ANG DAPAT NATING KATAKUTAN
KUNG TAYO’Y NASA DIYOS?

Reply

Mel Mendoza May 20, 2026 at 2:21 am

PAGNINILAY:
Juan 17, 11b-19

Sa Ebanghelyong ito, nasisilayan natin ang tinatawag na “Panalangin ng Dakilang Saserdote” ni Hesus. Bago Siya magdusa at mamatay, hindi ang sarili Niya ang unang iniisip kundi ang Kanyang mga alagad — at tayong lahat na mananampalataya sa Kanya. Ito ay panalangin ng pag-ibig, pag-aaruga, at pagtalaga.

Dalawang mahalagang salita ang nangingibabaw sa Mabuting Balita: “panalangin” at “pagtalaga.”
1. Panalangin: Ang puso ni Hesus para sa atin.
“Tumingala si Hesus sa langit, nanalangin…”
Napakaganda ng tagpong ito. Ipinapakita nito na si Hesus mismo ay nananalangin. Ang Anak ng Diyos ay lumalapit sa Ama nang may buong pagtitiwala. Sa gitna ng nalalapit na paghihirap, panalangin ang Kanyang sandigan.

Ngunit higit pa rito, ang laman ng Kanyang panalangin ay tayo. Ipinapanalangin Niya:
-na tayo’y maingatan,
-maging isa,
-mapuno ng Kanyang kagalakan, at
-mailigtas sa masama.

Napakalalim ng katotohanan na bago pa tayo manalangin kay Hesus, si Hesus ay nananalangin na para sa atin.
Sa bawat sugat ng ating puso, sa bawat laban ng pananampalataya, sa bawat pagod sa paglilingkod — ipinapanalangin tayo ni Kristo. Kaya hindi tayo nag-iisa. May Diyos na patuloy na namamagitan para sa atin.
Marahil ito rin ang paalala sa ating mga naglilingkod sa Simbahan:
Hindi magiging mabunga ang anumang ministeryo kung walang panalangin.
Ang paglilingkod na walang panalangin ay madaling mapagod. Ngunit ang pusong palaging nakaluhod sa Diyos ay nananatiling matatag kahit maraming pagsubok.

2. Pagtalaga: tayo ay iniaalay sa katotohanan.
“Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan.”
Ang “pagtalaga” ay hindi lamang simpleng pagtawag. Ito ay pag-aalay ng sarili sa Diyos. Ang isang taong itinalaga ay hindi na nabubuhay lamang para sa sarili kundi para sa misyon ng Diyos.

Si Hesus mismo ang unang halimbawa nito: “Alang-alang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili…”
Ipinagkaloob Niya ang Kanyang buong buhay:
-sa pagsunod sa Ama,
-sa paglilingkod, at
-sa pag-aalay ng sarili sa krus.
Kaya ang tunay na pagtalaga ay hindi lamang tungkol sa tungkulin kundi tungkol sa kabuuang puso.
Hindi sapat na tayo’y nasa loob ng Simbahan; kailangan ding ang ating isip, salita, gawa, at pamumuhay ay nakatalaga sa katotohanan ni Kristo.
Napakahalaga nito lalo na sa panahon ngayon kung saan maraming tinig ang naglalayo sa tao sa katotohanan. Ang isang Kristiyanong itinalaga ay:
naninindigan sa tama, hindi nagpapadala sa makamundong pamumuhay, at nagiging liwanag sa gitna ng kadiliman.

3. Nasa sanlibutan ngunit hindi makamundo.
Hindi ipinanalangin ni Hesus na alisin tayo sa mundo. Sa halip, hiniling Niyang ingatan tayo habang nananatili rito.
Ito ang hamon sa bawat Kristiyano:
-mamuhay sa mundo ngunit huwag magpaalipin dito;
-gumamit ng mga bagay ng sanlibutan ngunit huwag hayaang maagaw nito ang ating puso;
-magmahal ng tao ngunit manatiling tapat sa Diyos.
Ang tunay na itinalaga ay marunong mamuhay nang banal kahit nasa gitna ng magulong mundo.

“Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan.” (Juan 17:17)

Pagsasabuhay:
Bago magsimula ng anumang gawain o paglilingkod, maglaan muna ng taimtim na panalangin at muling italaga ang sarili sa Diyos. Tanungin ang sarili:
“Ang ginagawa ko ba ay para sa sarili lamang, o tunay na para sa kaluwalhatian ng Diyos?”

Panalangin:
Panginoong Hesus,
maraming salamat sapagkat hindi Mo kami nakakalimutang ipanalangin. Sa gitna ng aming kahinaan at pakikibaka, patuloy Mo kaming iniaalay sa Ama. Italaga Mo rin po kami sa Iyong katotohanan upang ang aming buhay ay maging saksi ng Iyong pag-ibig. Turuan Mo kaming mamuhay nang banal sa gitna ng sanlibutan at manatiling tapat sa aming paglilingkod. Nawa’y ang aming bawat salita at gawa ay maging kalugud-lugod sa Iyo.
Amen.

To God be the highest glory now and forever. Amen!

Reply

Ruel May 20, 2026 at 6:42 am

Ang huling sandals namakaasama ni Hesus Ang kayang mga alagad ay Kenyans ipinalangin sa Ama Ang Ang panalangin ay manatili sila sa pag-ibig ng Ama Ang sila rin ay manatili sa pag-ibig ng Ama . Dahil alam ni Hesus na kung siya ay akyat sa langit at Marian sila . sila ay matutukso ng sanlibutan kaya’t panalangin niya ay Hindi sila pabayaan ng Ama patuloy silang ingatan . Kaya’t Ang nais rin ni Hesus para sa atin ay makita natin Ang katotohanan nasa sanlibutan noon pa nang likhain ng Ama. Naroon Ang pag ibig ng Ama dahil Ang katotohanan Ang magdadala sa atin na manatili sa kanya Ang mga alagad. At Hindi sila matukso ng kamunduhan.

Reply

Jovy Uy May 20, 2026 at 9:17 am

Sa unang pagbasa, inihabilin ni apostol Pablo sa mga matatanda ng Iglesia ng Efeso ang pangangalaga sa mga miyembro ng Iglesia na binili of tinubos ng dugo ni Jesus sapagkat sa pag-alis niya ay may mga taong sisira sa Iglesia . Ipinalangin sila na makapanatili sa salita ng kagandahang loob ng Dios (biyaya) at mamuhay na may kabanalan na nagbabanat ng buto upang makapagbigay tulong sa mahihirap kaysa tumanggap.

“Noong mga araw na iyon, sinabi ni Pablo sa matatanda ng simbahan ng Efeso: “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa kawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang Iglesia ng Diyos, na kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang sariling Anak. Alam kong pagkaalis ko’y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan. Mula na rin sa inyo’y lilitaw ang mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mapasunod ang mga alagad, at sa gayo’y mailigaw sila. Kaya’t mag-ingat kayo, at alalahanin ninyong tinuruan ko kayo gabi’t araw sa loob ng tatlong taon — at maraming luha ang pinuhunan ko.”“At ngayo’y itinatagubilin ko kayo sa Diyos at sa kanyang salita na nagpapahayag ng kanyang kagandahang-loob. Siya ang makapagpapatibay sa inyo at makapagbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan niya sa lahat ng kanyang pinapaging-banal. Hindi ko hinangad ang pilak, ginto o pananamit ninuman. Alam ninyong nagbanat ako ng buto upang kumita ng ikabubuhay naming magkakasama. Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagpapagal ay dapat ninyong tulungan ang mahihirap. Alalahanin ang mga salita ng Panginoong Hesus: ‘Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap.’”Pagkasabi nito, lumuhod si Pablo at nanalanging kasama nila. Silang lahat ay umiiyak at hinagkan si Pablo. Labis nilang ikinalungkot ang kanyang sinabing siya’y hindi na nila makikita uli. At siya’y inihatid nila sa barko.”

Sa gospel reading, inihabilin ni Jesus ang kanyang mga alagad sa kanyang Ama upang magkaisa sila at hindi magkawatak-watak upang maipagpatuloy nila ang gawaing pagliligtas ng espiritu ng tao.

“Noong panahong iyon, si Hesus ay tumingala sa langit, nanalangin at ang wika: “Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, kung paanong tayo’y iisa. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isa’y walang napahamak, liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, ako’y papunta na sa iyo; at sinasabi ko ito habang ako’y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Hindi ko idinadalanging alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan. Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayun din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.”

Kumusta naman tayo. Kanino ba tayo nakahabilin upang makapanatili sa salita ng Dios at makapagkaisa sa gawaing pagliligtas ?

Reply

Jovy Uy May 20, 2026 at 9:33 am

Kung nangaral sina Pablo at Jesus ng 3 taon sa Iglesia na kanilang pinasimulan at pagkatapos ay inihabilin nila sa Dios at matatanda ng Iglesia, tayo rin ba ay naaralan din ng 3 taon at naihabilin sa kaninong pangangalaga?

Reply

Paulus Guntoro May 20, 2026 at 1:49 pm

Magandang program and reflection, Po.

Reply

Celine loveko May 20, 2026 at 8:46 pm

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA ALLELUIA ALLELUIA ALLELUIA!

Reply

dlanor321 May 21, 2026 at 9:41 am

Naiisip mo na ba minsan na ang negatibiti ng mundo ay nagpapaisip sa iyo na huwag nang pansinin ang lahat? Ngayon, ipinapaalala sa atin ni Hesus na hindi tayo dapat tumakas sa mundo. Iniiwan Niya tayo rito mismo, ngunit hindi Niya tayo iniiwan na walang proteksyon. Pinoprotektahan tayo ng mismong pangalan ng Ama. Kapag ang poot o stress ay tila labis na nakakapanghina, alalahanin ang iyong pangunahing sandata ng depensa: Pag-ibig. Huminga nang malalim, alalahanin kung sino ang nagpoprotekta sa iyo, at tumugon sa negatibiti nang may tahimik na pagpapakita ng habag ngayon.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: