Podcast: Download (Duration: 5:38 — 4.0MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sabado
Inaanyayahan tayo ni Jesus na ilapit ang ating mga kahilingan sa Ama sa pamamagitan niya at tinitiyak niya ang ating madaramang kagalakan bilang tugon sa ating mga panalangin.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin Mong lubos ang aming kagalakan.
Ang mga pinuno ng Simbahan, sa pamamagitan ng kanilang pangangaral at patnubay nawa’y umakay sa atin sa kaluwalhatian ng ating tahanan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nanunungkulan sa pamahalaan nawa’y pagkalooban ng biyayang makapaglingkod nang may katapatan at dangal, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga taong naghihirap at may mabibigat na pasanin sa buhay nawa’y makatanggap ng lakas mula sa Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y makatanggap ng ginhawa at pagpapalakas ng loob mula sa kanilang mga mahal sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga mahal sa buhay na namayapa na, ay maihatid nawa sa kagalakan at kaluwalhatian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama, sa tuwina’y dinidinig mo kami at ipinagkakaloob ang lahat ng aming hinihiling sa pamamagitan ng mga kagalingan ng iyong Anak. Manatili nawa sa amin ang iyong Espiritu upang ituro sa amin kung ano ang nararapat naming hilingin sa Diyos at ibuhos ang iyong mga biyaya sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Biyernes, Mayo 15, 2026
Linggo, Mayo 17, 2026 »




{ 14 comments… read them below or add one }
Commentary Saint Anselm
My Lord and my God, my joy and the hope of my heart, tell my soul if this is that joy which you spoke to us about through your Son: “Ask and you will receive that your joy may be full”. For I have found a fullness of joy that is more than full. It is a joy that fills the whole heart, mind, and soul, indeed it fills the whole of my being, and yet joy without measure still remains. The whole of that joy cannot enter into those who rejoice, but those who rejoice can enter wholly into that joy. Speak, Lord, to your servant in the depths of his heart, tell him if this is that joy your servants enter into when they enter into “the joy of their Lord” (Mt 25,21)? But of course, that joy in which your chosen ones will rejoice “eye has not seen and ear has not heard, nor has it entered the human heart” (1Cor 2,9)… So, my God, I pray that I may so know you and love you that I may rejoice in you. And if I may not do so fully in this life, let me go steadily on to the day when I come to that fullness. Let the knowledge of you increase in me here and there let it come to its fullness. Let your love grow in me here, and there et it be fulfilled, so that here my joy may be in great hope, and there in full reality. Lord, you have commanded, or rather advised us, to ask by your Son, and you have promised that we shall receive that our joy may be full… Let my whole being desire it until I enter into the joy of my Lord.
PAGNINILAY: Tayo ay nalalapit na sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon sa Langit. Ito ang tanda na si Hesus ay aakyat na sa langit patungo sa kanyang pinanggalingan, na makasama ang kanyang Ama nating Diyos. Nang siya’y naging tunay na Tao, nagpakumbaba siya sa dakilang kalooban at naging masunurin hanggang sa pagsapit ng kamatayan sa Krus. Ngunit sa kanyang Muling Pagkabuhay, siya’y nabuhay bilang Diyos ng tagumpay.
Kaya matapos ang 40 araw sa pagpapakita sa hindi kumukulang na 500 saksi, nakatakda na ang katapusan ng kanyang misyon dito sa daigdig. At sa kanyang pagbalik sa Ama, siya’y naghahanda rin ng isang tahanan upang tayo’y manahan kapag nakamit na natin ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan. Kaya nga sa misteryo ng Simbahan, ang Pag-akyat ni Hesus sa Langit ay tanda kung saan ang Ulo ay naunang umakyat sa kalangitan, tayong napapabilang sa Simbahang sumasagisag sa Mistikong Katawan ni Kristo ay inaanyayahang tumahak sa kanyang landas ng kaluwalhatian.
Kaya ang ating Ebanghelyo ay isang patunay na si Hesus ay ang ating Tagapamagitan patungo sa Diyos Ama. Kaya kung anuman ang hinihiling natin sa kanya, kung tayo man ay mayroong kababang-loob, taospusong pasasalamat, at kabutihan ng pag-uugali, maraming biyaya ang ipagkakaloob sa atin ng Diyos. At ang nais ipagkaloob sa atin ni Hesus ay pagmamahal, dahil siya’y kinalulugdan ng Diyos, at minahal ng Ama ang mundo kaya’t isinugo ang Anak. Kaya kung tayo’y minamahal ng Diyos, ang ating tugon ay mahalin siya at magmahalan. Ito ay ang ating layunin sa buhay na ito habang nanabik tayo sa kaganapan ng Paghahari ng Diyos, at makakamtan natin sa araw na yaon ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan.
Nawa’y palagi po tayong pagpalain ng Panginoon sa kabila ng ating mga pinagdadaanan sa buhay.
Napakaganda ng binitawang salita sa atin ni Hesus sa Mabuting Balita.
Anuman ang hingin nyo sa aking Ama sa pangalan ko ay ibibigay sa inyo.
Subalit ito ay hindi mangyayari kung tayo ay hindi magsisis sa ating mga kasalanan, kung hindi tayo hihingi ng kapatawaran at magsisikap na talikuran na ang kasamaan. Simpleng “give and take” lang nman ang hinihiling sa atin ni Hesus. “Sundin mo ang kalooban ko at pakikinggan at ibibigay ko din ang dalangin mo.
Minsan marahil ay hindi mo paniniwalaan ang sinabing iyo ni Hesus sa ebanghelyo sapgkat hindi dumarating ang dinadalangin mo. Alam ni Hesus ang lahat, nalalaman nya kung kailan niya dapat ibigay sa iyo, nalalaman nya din na ang hinihiling mo ay hindi makabubuti sayo, nalalaman nya din kung karapat dapat ba ang taong ito sa hinihiling nya. At lung ipagkakaloob naman ni Hesus ay sa oras na loob nya at hindi sa oras na gusto natin. Ngayon, suriin mo ang iyong sarili at ang iyong hinhiling.
Holy God Holy Mighty One Holy Immortal One Have Mercy On Us And The Whole World…Amen! Jesus I Trust In You!
PAGNINILAY
Sinasabi sa atin ni Hesus na kung sasabihin natin ang Pangalan ng Diyos ng may paggalang at tatawag sa Kanya mula sa kaibuturan ng ating puso, matatanggap natin ang tunay nating kailangan. Ano ang ibig sabihin ng “humingi sa pangalan ni Hesus?” Nangangahulugan ba ito ng simpleng “paglaktaw sa pangalan ni Hesus” habang nakikipag-usap tayo sa Diyos? O ang “paghingi sa pangalan ni Hesus” ay nagpapahiwatig ng isang malalim na pakikipag palagayang-loob at pagtitiwala kay Hesus sa isang mapagmahal, nagtitiwala at
may pangakong relasyon
na lumalalim sa paglipas ng panahon? Kilalang-kilala tayo ni Hesus at nais ni Hesus na tayo ay makilala natin Siya ng husto. Araw-araw ay inaanyayahan tayo ni Hesus sa isang matalik at mapagmahal na pagkakaibigan. Hindi gusto ni Hesus na lalapit lamang tayo sa Kanya kapag may kailangan tayo. Nananabik si Hesus na lumapit tayo sa Kanya dahil sa mahal natin Siya at nais nating makasama Siya. Ito talaga ang tungkol sa pag-ibig at pagkakaibigan.
Gusto ba natin ng “vending
machine na Diyos” na
awtomatikong ibinibigay kung ano ninanais natin kapag tayo ay “nagpindot ng button (magdasal)?” O nais ba natin ng matalik na kaibigan na nagmamahal sa atin ng walang kondisyon at buong puso, kaibigan na mananatili sa atin kahit na ilang beses nating nabigo Siya? Ang pagpili ay nasasa atin!
Panginoong nabuhay na mag-uli, ibigay Mo sa amin ang aming kailangan para maisabuhay namin ito araw-araw para sa Iyo. Amen.
***
Salamat Sa Dios…Amen!
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
ayon kay San Juan 16, 23b-28
PAGNINILAY / ARAL ng Ebanghelyo
“Tandaan ninyo: anumang hingin ninyo sa Ama
sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo”.
“Iniibig niya kayo sapagkat ako’y iniibig ninyo
at naniwala kayong nagmula ako sa Diyos.
Ako’y mula sa Ama at naparito sa sanlibutan;
ngayo’y aalis ako sa sanlibutan at babalik sa Ama.”
Ang mga salitang ito ni Hesus
ang patotoong ang Ama at si Hesus (Anak)
kasama ang Banal na Espiritu ay iisa.
Sapagkat anuman ang hilingin natin
sa Ama sa Ngalan ng Anak
ay ipagkakaloob.
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 18, 23-28
Magandang gabi po inyong lahat mga kapatid, narito po ang aking pagninilay at mahahalagang aral na aking natutunan mula sa Mga Gawa 18:23-28, kung saan makikita natin ang simula ng ikatlong paglalakbay ni Pablo at ang pagpapakilala kay Apolos. Sa bahagi pong ito, nilibot ni Pablo ang Galacia at Frigia upang patatagin ang mga alagad. Habang si Apolos na isang Judiong ang dumating sa Efeso siya ay mahusay magsalita at bihasa sa Kasulatan, ngunit ang alam lamang niya ay ang bautismo ni Juan. Nang marinig ito nina Priscila at Aquila ang kanyang mga turo, isinama nila siya at masusing ipinaliwanag ang “Daan ng Diyos.”
Ang mga Aral na aking napulot dito ay UNA, ang maging Mapagkumbaba (Humility), Tinanggap ni Apolos ang pagtutuwid nina Priscila at Aquila. Ang tunay na lingkod po ay dapat marunong makinig at handang maturuan, gaano man siya katalino. IKALAWA, Gamitin ang Talento para sa Diyos, ginamit po ni Apolos ang kanyang galing sa pagsasalita upang patunayan na si Jesus ang Cristo. Ang atin pong mga likas na kakayahan ay dapat laging nakatuon sa pagluwalhati sa Kanya. IKATLO, ang Pagpapatatag sa Isa’t Isa, tulad ni Pablo na “pinatitibay ang lahat ng mga alagad,” tungkulin po nating kumustahin at palakasin ang loob ng ating mga kapatid sa pananampalataya. PANG-HULI, ang Kahalagahan ng Tamang Turo, hindi po sapat ang “alab ng damdamin” lang ang paiiralin, kailangan po itong samahan ng tamang kaalaman.
Remember, ang paglilingkod po sa Diyos ay pagtutulungan, may mga nagtatanim (tulad ni Pablo), may mga nagdidilig (tulad ni Apolos), at may mga naggagabay sa likod ng eksena (tulad nina Priscila at Aquila)—ngunit ang Diyos ang nagpapalago sa lahat. Amen.
End of sharing – Bro. Harrel M. Paycana, SLS Santa Rosa
SALMONG TUGUNAN
Salmo 46, 2-3. 8-9. 10
Hari ng sangkalupaan
D’yos na Makapangyarihan.
Magandang gabi po inyong lahat mga kapatid, narito po ang aking pagninilay at mga aral na aking natutunan mula sa Salmo 46 na nakatuon sa kapangyarihan at paghahari ng Diyos. Dito po sa Salmo 46 ito ay isang paalala na sa gitna ng gulo ng mundo, maging ito man ay sakuna sa kalikasan o gulo sa Lipunan, ang Diyos po ang ating matibay na depensa. Sa salmon tugunan “Hari ng sangkalupaan, D’yos na Makapangyarihan” ito po ay hindi lamang pagkilala sa Kanyang titulo, kundi pag-amin na Siya ang may huling say sa lahat ng nangyayari, kahit po mayanig ang lupa o tumaas ang tubig, hindi tayo dapat madaig ng takot. Ang tunay na kapayapaan ay hindi po nagmumula sa kawalan ng problema, kundi sa presensya ng Diyos na mas malakas kaysa sa anumang unos.
Marami pong mga Aral ang aking napulot dito tulad ng mga sumusunod, UNA ang ang Katiwasayan sa Gitna ng Unos, Huwag po tayong matakot kahit magbago ang paligid, tandan po natin na ang Diyos ang ating lakas at kanlungan. IKALAWA, Pagkilala sa Kapangyarihan ng Diyos, dapat po natin mabatid na Siya ang Hari ng lahat ng bansa, kung baga walang sandata o gulo ang hihigit sa Kanya. IKATLO, Ang Kahalagahan ng Katahimikan, tayo ay tumigil o huminto saglit at kilalanin ang presensya ng ating Maylikha, sa ating pananahimik mararamdaman natin ang Kanyang gabay. PANGHULI ay ang Aktibong Pagtitiwala, Huwag tayong mabalisa dahil tama ang ating pananampalataya tayo ay manangan sa pangako na ang Diyos ay kasama natin sya palagi.
Mga kapatid sa SLS sa tuwing tayo po ay pinanghihinaan ng loob, alalahanin po natin ang “Diyos ni Jacob” ay atin ding Diyos ngayon hindi siya nagbabago. Ang kanyang paghahari ay garantiya na in the end of the day ang kabutihan at kapayapaan ang magtatagumpay at atin pong pakatandaan na ang pagtitiwala sa Diyos ay nag-aalis ng lahat ng bigat na ating pasan-pasan. Amen.
End of sharing.
Bro. Harrel M. Paycana
SLS-Shepherding Tribe Santa Rosa
MABUTING BALITA
Juan 16, 23b-28
Mga kapatid sa SLS Magandang gabi po sa ating lahat, ang akin pong pagbabahagi ng aking pagninilay mula sa Mabuting Balita Juan 16, 23b-28, ito po ay bahagi ng huling habilin ni Hesus sa kanyang mga alagad bago po ang kanyang pagpapakasakit, nagpapakita po ito ng pag-asa, pag-ibig, at pangako ng kagalakan. Dito po binibigyang-diin ni Hesus ang isang bagong yugto ng panalangin, ang direktang paglapit sa Ama sa kanyang pangalan. Kung baga hindi na po kailangan ng “matalinhagang salita” dahil ang pagdating po ng Espiritu Santo ay magbibigay ng malinaw na pag-unawa sa pag-ibig ng Diyos.
Ang pinakamahalagang mensahe po dito ay ang pag-ibig ng Ama. Mahal po tayo ng Ama dahil minahal po natin si Hesus at tayo po naniniwala na siya ay mula sa Diyos. Ito po ay isang paalala sa atin na sa pamamagitan ni Hesus, tayo po ay naging malapit na kaibigan at anak ng Diyos, kaya’t ang ating mga panalangin ay hindi lamang po mga hiling kundi bahagi ng isang buhay na relasyon.
Ang mga Aral na aking napulot dito ay UNA, ang kapangyarihan ng Pangalan ni Hesus, ang paghingi po sa “pangalan ni Hesus” ay hindi isang magic formula, kundi ang pag-ayon ng ating kalooban sa Kanyang kalooban, ipinapakita po nito ang ating pagkakaisa sa kanya bilang tulay patungo sa Ama. IKALAWA ay ang Kagalakang Lubos o Fullness of Joy, Nais po ng Diyos na tayo ay maging masaya, ang pangakong “hihingi at tatanggap” ay may layuning malubos ang ating kagalakan dahil ang tunay pong kagalakan ay nagmumula sa pag-alam na tayo ay dinirinig at minamahal ng ating Lumikha. IKATLO ay ang Direktang Ugnayan sa Ama, dahil po sa pag-ibig natin kay Kristo, mahal din po tayo ng Ama nang personal, hindi po natin kailangang matakot na lumapit sa Diyos dahil siya po ay isang mapagmahal na magulang na naghihintay sa ating mga panalangin. PANG-HULI ay ang Pinagmulan at Patutunguhan ni Hesus, malinaw naman po na ipinahayag ni Hesus na ang kanyang misyon ay mula sa Ama, sya ay naparito sa mundo, at muling babalik sa Ama at ito po ang nagbibigay-katiyakan sa ating pananampalataya na siya ang tangi at nag-iisang daan.
Mga kapatid ang hamon sa atin ngayon ay dapat huwag tayong mahiyang ilapit sa Diyos ang ating mga panalangin. Ang pinaka Mabuti nating gawin ay palagian o regular tayong makipag usap sa ating mga o magulang, at sa tuwing tayo ay humihiling, laging isaisip natin na “Panginoon, mangyari ang Iyong kalooban sa aking buhay,” dahil doon matatagpuan ang tunay na kapayapaan at kagalakan. Kaya pakatandaan natin na ang panalangin ay hindi pagpilit sa Diyos na gawin ang gusto natin, kundi paglalapit ng ating puso sa puso ng Ama na tunay na nagmamahal sa atin. Amen.
End of sharing.
Bro. Harrel M. Paycana
SLS-Shepherding Tribe Santa Rosa
PAGNINILAY:
Juan 16, 23b-28
Sa Mabuting Balita ngayon, muling pinatitibay ni Hesus ang ating puso sa pamamagitan ng Kanyang pangako:
“Tandaan ninyo: anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo… Humingi kayo, at kayo’y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan (Juan 16, 23b-28).”
Sa talatang ito ay nais ipaunawa ni Hesus sa Kanyang mga alagad ang ilang mahahalagang katotohanan tungkol sa panalangin, pananampalataya, at relasyon nila sa Diyos Ama.
Una, inaanyayahan sila ni Hesus sa mas malalim na relasyon sa Ama. Noong una, ang mga alagad ay sumusunod lamang kay Hesus bilang Guro at Mesiyas. Ngunit ngayon, ipinapahayag ni Hesus na maaari na silang direktang lumapit sa Ama “sa Kanyang pangalan.”
Ibig sabihin: Hindi na sila parang malalayong lingkod lamang, kundi mga anak na maaaring lumapit nang may pagtitiwala sa Diyos Ama.
Ito ang biyayang dala ni Kristo: ang tao ay nagkaroon ng daan patungo sa Ama.
Pangalawa, ang pagkabanggit “Sa Aking pangalan” ay hindi simpleng pormula. Maraming nag-aakala na sapat nang sabihin ang “in Jesus’ name” upang makuha agad ang hinihingi. Ngunit sa Biblia, ang “pangalan” ay sumasagisag sa pagkatao, kalooban, at misyon ng isang tao.
Kaya ang panalangin “sa pangalan ni Hesus” ay nangangahulugang:
nakaayon sa Kanyang kalooban,
may pananampalataya kay Kristo,
at nakaugat sa pakikipagkaisa sa Kanya. Kapag ang ating hinihiling ay laban sa pag-ibig, katotohanan, o plano ng Diyos, hindi iyon tunay na panalangin “sa pangalan ni Hesus.”
Pangatlo, ang tunay na layunin ng panalangin ay “ganap na kagalakan”
Sinabi ni Hesus:
“Humingi kayo, at kayo’y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan.”
Ang tinutukoy ni Hesus ay hindi lamang makamundong saya kundi kagalakang nagmumula sa pakikipag-isa sa Diyos.
May mga pagkakataong hindi agad ibinibigay ng Diyos ang ating hinihingi dahil may mas mataas Siyang layunin:
-upang palalimin ang ating pananampalataya,
-linisin ang ating puso,
-o ihanda tayo sa mas dakilang biyaya.
Minsan ang sagot ng Diyos ay:
“Oo,” “Hindi pa,” o “May mas mabuti Akong Plano para sa iyo.”
Sa panghuli , inihahanda ni Hesus ang mga alagad sa panahon ng Kanyang paglisan. Malapit nang bumalik si Hesus sa Ama. Kaya tinuturuan Niya ang mga alagad na huwag matakot kapag hindi na nila Siya pisikal na kasama.
Bagamat Siya’y babalik sa Ama, mananatili pa rin ang koneksyon nila sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at pananampalataya.
Ito rin po ang paalala sa atin ngayon: kahit hindi natin nakikita si Hesus, maaari tayong lumapit sa Ama anumang oras sa pamamagitan Niya.
Ang gustong ipaunawa ni Hesus ay ito:
-Ang Diyos Ama ay hindi malayo sa atin.
-Maaari tayong lumapit sa Kanya nang may buong pagtitiwala dahil kay Kristo.
-Ang tunay na panalangin ay pakikipagkaisa sa puso at kalooban ni Hesus.
-At ang bunga nito ay tunay at ganap na kagalakan.
Kapag tayo ay nananalangin, hindi tayo nag-iisa. Kasama natin si Hesus na siyang nagbubukas ng daan patungo sa Ama. Kaya ang panalangin ay hindi lamang paghingi ng biyaya — ito ay pagpasok sa mapagmahal na relasyon ng Ama at Anak.
Word of the Day: “Pagtitiwala”
Ang pananampalataya ay hindi lamang paniniwala na kayang gumawa ng Diyos ng himala. Ito ay lubos na pagtitiwala na alam ng Diyos kung ano ang pinakamabuti para sa atin.
Panalangin:
Panginoong Hesus,
maraming salamat sapagkat ipinakilala Mo sa amin ang mapagmahal na Ama. Turuan Mo kaming manalangin nang may buong pagtitiwala at pananampalataya. Kapag kami’y pinanghihinaan ng loob, paalalahanan Mo kaming hindi Mo kami iniiwan. Nawa’y ang aming puso ay laging nakaayon sa Iyong kalooban upang maranasan namin ang tunay na kagalakang nagmumula sa Iyo.
Amen.
To God be the highest glory now and forever. Amen!
Ang lakas ng panalangin ay dahil sa ating pananampalataya . At ito ay dahil kaugnay tayo lagi Kay Hesus. Ang kahit siya ay umakyat na at bumalik nasa Ama Hindi niya tayo iiwan lagi niya Tayo pakikinggan. Kaya’t anuman Ang hilingjn natin sa pangalan niya Ito ay ipagkakakaloob ng Ama. Kaya’t kung Ikaw manalangin una ay tanggapin si Hesus sa buhay mo at tumulad Kay Hesus managing isang bata upang maghari Ang Diyos at Ikaw ay laging pakikinggan.
PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA ALLELUIA ALLELUIA!
Huwag mabagabag, manalig! Kapag palang araw ng Sabado, kapanalig, pinagdiriwang natin ang kapistahan ni San Juan Nepomuceno. Pagnilayan natin ang Ebanghelyo ayon kay San Juan.
Sinabi na Jesus sa kanyang mga alaga, Sa araw na yun, wala na kayong itatanong sa akin, sapagkat talagang sinasabi ko sa inyo na anumang hilingin niyo sa Ama sa ngalan ko, ay ipagkakaloob niya sa inyo. Wala pa kayong nahiling sa ngalan ko, humiling kayo ngayon, at tatanggap kayo at malulubos ang kagalakan ninyo. Sa paghahambing ko lamang ipinahayag sa inyo ang mga ito.
Ngunit palapit na ang oras na hindi na ako gagamit ng paghahambing, kundi tahasan ko ng ihahayag sa inyo ang tungkol sa Ama. Sa ngalan ko kayo hihiling sa araw na yun, hindi ko ibig sabihin na hihingi ako sa Ama alang-alang sa inyo. Ngunit mismong ang Ama ang umiibig sa inyo dahil umiibig kayo sa akin, at naniniwala na mula ako sa Diyos.
Galing ako mula sa Ama at dumating sa mundo, muli kong iniiwan ang mundo at papunta sa Ama. Kapanalig, kailan ka pa huling humingi sa Diyos? Ibinigay ba niya sa inyo? Napakaganda kasi nang sinasabi ni Jesus sa mabuting balita ngayon. Humingi tayo at tayo ay bibigyan upang maging ganap ang ating katauhan
Ang ganda diba na si Jesus na mapuspos tayo sa kagalakan, kaya ibibigay niya ang ating mga kahilingan. Sabalit, bakit minsan hindi naman ibinibigay ang ating hiling? Unawain natin ang sinasabi sa verses 26 to 27. Sabi rito, darating ang araw na hindi na kailangan ni Jesus na pumagitna tuwing hihingi tayo sa Ama.
Dahil mahal tayo ng Ama, ibibigay ng Diyos Ama ang ating hinihiling dahil mahal niya tayo. Dahil mahal natin si Jesus na anak niya at sumasampalataya tayo na Kay Jesus nga ay galing sa Ama. Kung ganun, maaaring kaya hindi natin natatanggap ang ating hiling at ang kaganapan ng kagalakan dahil kulang ang ating pananampalataya.
Wala tayong maayos na relasyon sa Diyos at puro pansarili lamang ang ating iniisip. Kung hihingi tayo sa Diyos sa ating mga panalangin, kailangan din natin manahimik at hayaan si Jesus na magsalita sa atin. Kailangan natin makinig sa Kanya sa katahimikan ng ating kalooban.