Podcast: Download (Duration: 8:19 — 10.0MB)
Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)
Mga Gawa 8, 5-8. 14-17
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20
Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.
1 Pedro 3, 15-18
Juan 14, 15-21
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Sixth Sunday of Easter (White)
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 8, 5-8. 14-17
Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol
Noong mga araw na iyon: Nagpunta si Felipe sa isang lungsod ng Samaria at ipinangaral doon ang Mesiyas. Nang mabalitaan ng mga tao at makita ang mga kababalaghang ginagawa niya, pinakinggan nilang mabuti ang sinasabi niya. Sapagkat ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong inaalihan nito at sumisigaw habang lumalabas; maraming lumpo at mga pilay ang napagaling. Kaya’t nagkaroon ng malaking kagalakan sa lungsod na iyon. Nang mabalitaan ng mga apostol na nasa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang Salita ng Diyos, sinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating doon, ipinanalangin nila ang mga Samaritano upang sila’y tumanggap din ng Espiritu Santo, sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila’y nabinyagan lamang sa pangalan ng Panginoong Hesus. At ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa kanila at tumanggap sila ng Espiritu Santo.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20
Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.
o kaya: Aleluya!
Sumigaw sa galak ang mga nilalang
at purihin ang Diyos na may kagalakan;
wagas na pagpuri sa kanya’y ibigay!
Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:
“Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga.”
Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.
Ang lahat sa lupa ika’y sinasamba
awit ng papuri yaong kinakanta;
ang iyong pangala’y pinupuri nila.
Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan.
Ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.
Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.
Naging tuyong lupa kahit yaong tubig,
at ang nuno natin ay doon tumawid;
kaya naman tayo’y nagalak nang labis.
Siya’y naghaharing may lakas ang bisig.
Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.
Lapit at makinig, ang nagpaparangal
sa Diyos, at sa inyo’y aking isasaysay
ang kanyang ginawang mga kabutihan.
Purihin ang Diyos! Siya’y papurihan,
yamang ang daing ko’y kanyang pinakinggan,
at ang pag-ibig n’ya ay aking kinamtan.
Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.
IKALAWANG PAGBASA
1 Pedro 3, 15-18
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro
Mga pinakamamahal:
Idambana ninyo sa inyong puso si Kristong Panginoon. Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa. Ngunit maging mahinahon at mapitagan kayo sa inyong pagpapaliwanag. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga umaalipusta at tumutuya sa inyong magandang asal bilang mga lingkod ni Kristo. Higit na mainam ang kayo’y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang loobin ito ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. Sapagkat si Kristo’y namatay para sa inyo. Namatay siya dahil sa kasalanan ng lahat – ang walang kasalanan para sa mga makasalanan – upang iharap kayo sa Diyos. Siya’y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa Espiritu.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Juan 14, 23
Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal,
tutupad sa aking aral,
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 14, 15-21
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. Dadalangin ako sa Ama, at kayo’y bibigyan niya ng isa pang patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito’y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y sumasainyo at nananahan sa inyo.
“Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo. Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan. Ngunit ako’y makikita ninyo; sapagkat mabubuhay ako, at mabubuhay rin kayo. Malalaman ninyo sa araw na yaon na ako’y sumasa-Ama, kayo’y sumasaakin, at ako’y sumasainyo.
“Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Sabado, Mayo 9, 2026
Lunes, Mayo 11, 2026 »




{ 6 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ngayong linggong ito ay ang hudyat na malapit nang matapos ang Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Sa susunod na Linggo ay ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng ating Panginoong Hesukristo. At pagkatapos iyon ay ang katapusan ng panahong ito sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pentekostes. Kaya pinaghahandaan tayo ng ating liturhiyang Pampaskuwa tungkol sa pamamaalam ng Muling Nabuhay na Panginoon habang inihahanda natin ang pagdiriwang ng kanyang maluwalhating pag-akyat sa langit. Kaya ang Ebanghelyo ngayon ay naglalahad sa kanyang habilin ng pagmamahal. Sabi ni Hesus na ang sinumang nagmamahal sa kanya ay tutuparin ang kanyang mga utos. Napakasimple ang ating pagsang-ayon dito, ngunit sa totoong buhay ay parang mahirap sundin. Maraming mga pagsubok na dumadaan sa ating buhay, kaya minsan pinipili ang tao ang madali kahit alam nila na mali ito sa pamantayan ng Diyos. Ang nais ibahagi sa atin ni Kristo na ang pagsunod sa kanyang utos, na pagsasabuhay sa kanyang Mabuting Balita, ay ikakarangal ng Ama dahil sa pagtalima natin sa dakilang kalooban. Kahit alam natin na mahirap ang ating kinalalagyan ngayon, pangako niya na hindi niya tayo’y iiwanan bilang mga alila, kundi ipinasigurado niya na balang araw ay babalik siya upang iluwalhati tayo patungo sa buhay na walang hanggan. Kaya ang ating buhay ngayon sa daigdig ay kailangang may direksyon patungo sa kanya at sa Ama nating Diyos. At sa kanyang habilin ay ipinangako ni Hesus na isusugo niya ang Patnubay, ang Espiritu Santo, upang gabayan tayo tungo sa pagtalima sa dakilang kalooban ng ating Poong Maykapal. Ang Espiritu ang magsisilbing guro natin upang mas maunaawaan natin ang mga turo at gawain ni Hesus. Ganun nga ang nangyari sa mga Apostol noong araw na Pentekostes [na siyang ating ipagdiriwang 2 Linggo mula ngayon], nang pukawin sa kanila ang katapatan at lakas ng loob upang ipangaral ang Mabuting Balita at ipalaganap ang Simbahang itinitag ni Kristo. At narinig natin sa Unang Pagbasa kung paano naging matagumpay ang misyon ni Felipe sa mga taga-Samaria. Nang mabalitaan nito nina Pedro at Juan, sila’y nagsipunta roon upang patuloy na ipahayag si Hesus sa mga dating itinuring na kaaway ng mga Hudyo. Marahil itong Unang Pagbasa ngayon ay bahagi ng pang-uusig ni Saulo sa mga Kristiyano sa Jerusalem at pagsusunog sa kanilang mga simbahan, alam natin ang nangyari sa kanyang pagtatagpo sa Muling Nabuhay na Panginoon sa daan patungo Damasco. At siya’y nagbagong-loob at naging isang malakas na saksi ng ating Panginoon sa kapwa Hudyo at Hentil, na mas kilala ngayon bilang si San Pablo. Ganito naging matagumpay ang Diyos sa kanyang planong pangkaligtasan nang ang kanyang Anak ay mamatay sa Krus at mabuhay na mag-uli. Kaya tayo ay mga buhay na saksi sa pananampalataya upang ipahayag natin sa iba na buhay ang ating Panginoon sa bawat pusong tumatanggap sa kanya. Ito yung ating pagpapakita ng pagmamahal sa ating Diyos at pagtalima sa kanyang kalooban. Katulad ng pagmamahal natin si Hesus, nawa’y ibalik natin sa kanyang ang ating pagmamahal sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kanyang mga atas. At bilang mga Kristiyano, nawa’y ipakita natin ang ating pagkakilanlan sa ating kapwa, ang ating pagmamahal.
Pagninilay: Ngayong linggo na yan ay ang hudyat na malapit nang matapos ang Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Sa susunod na Linggo ay ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng ating Panginoong Hesukristo. At pagkatapos iyon ay ang katapusan ng panahong ito sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pentekostes. Kaya pinaghahandaan tayo ng ating liturhiyang Pampaskuwa tungkol sa pamamaalam ng Muling Nabuhay na Panginoon habang inihahanda natin ang pagdiriwang ng kanyang maluwalhating pag-akyat sa langit. Kaya ang Ebanghelyo bukas ay naglalahad sa kanyang habilin ng pagmamahal. Sabi ni Hesus na ang sinumang nagmamahal sa kanya ay tutuparin ang kanyang mga utos. Napakasimple ang ating pagsang-ayon dito, ngunit sa totoong buhay ay parang mahirap sundin. Maraming mga pagsubok na dumadaan sa ating buhay, kaya minsan pinipili ang tao ang madali kahit alam nila na mali ito sa pamantayan ng Diyos. Ang nais ibahagi sa atin ni Kristo na ang pagsunod sa kanyang utos, na pagsasabuhay sa kanyang Mabuting Balita, ay ikakarangal ng Ama dahil sa pagtalima natin sa dakilang kalooban. Kahit alam natin na mahirap ang ating kinalalagyan ngayon, pangako niya na hindi niya tayo’y iiwanan bilang mga alila, kundi ipinasigurado niya na balang araw ay babalik siya upang iluwalhati tayo patungo sa buhay na walang hanggan. Kaya ang ating buhay ngayon sa daigdig ay kailangang may direksyon patungo sa kanya at sa Ama nating Diyos. At sa kanyang habilin ay ipinangako ni Hesus na isusugo niya ang Patnubay, ang Espiritu Santo, upang gabayan tayo tungo sa pagtalima sa dakilang kalooban ng ating Poong Maykapal. Ang Espiritu ang magsisilbing guro natin upang mas maunaawaan natin ang mga turo at gawain ni Hesus. Ganun nga ang nangyari sa mga Apostol noong araw na Pentekostes [na siyang ating ipagdiriwang 2 Linggo mula ngayon], nang pukawin sa kanila ang katapatan at lakas ng loob upang ipangaral ang Mabuting Balita at ipalaganap ang Simbahang itinitag ni Kristo. At narinig natin sa Unang Pagbasa kung paano naging matagumpay ang misyon ni Felipe sa mga taga-Samaria. Nang mabalitaan nito nina Pedro at Juan, sila’y nagsipunta roon upang patuloy na ipahayag si Hesus sa mga dating itinuring na kaaway ng mga Hudyo. Marahil itong Unang Pagbasa ngayon ay bahagi ng pang-uusig ni Saulo sa mga Kristiyano sa Jerusalem at pagsusunog sa kanilang mga simbahan, alam natin ang nangyari sa kanyang pagtatagpo sa Muling Nabuhay na Panginoon sa daan patungo Damasco. At siya’y nagbagong-loob at naging isang malakas na saksi ng ating Panginoon sa kapwa Hudyo at Hentil, na mas kilala ngayon bilang si San Pablo. Ganito naging matagumpay ang Diyos sa kanyang planong pangkaligtasan nang ang kanyang Anak ay mamatay sa Krus at mabuhay na mag-uli. Kaya tayo ay mga buhay na saksi sa pananampalataya upang ipahayag natin sa iba na buhay ang ating Panginoon sa bawat pusong tumatanggap sa kanya. Ito yung ating pagpapakita ng pagmamahal sa ating Diyos at pagtalima sa kanyang kalooban. Katulad ng pagmamahal natin si Hesus, nawa’y ibalik natin sa kanyang ang ating pagmamahal sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kanyang mga atas. At bilang mga Kristiyano, nawa’y ipakita natin ang ating pagkakilanlan sa ating kapwa, ang ating pagmamahal.
Ang ika-6 na linggo ng pasko ng buhay patuloy pinakikita sa atin Ang pag-ibig ng ng Diyos sa atin At ang umiibig sa Diyos ay tutuparin ang kayang utos. At Ang umiibig sa Diyos ay ipagdarasal no Hesus na bibigyan tayo ng katuwang kasama upang manatili tayo sa pag ibig . Ito Ang Espirtu Santo ng katotohanan upang hindi Tayo umibig ng puno ng kasinungalingan dahil marami sa ating umiibig na puno ng kasinungalinga tulad ng mag asawa , magsasama sa hirap at ginhawa, dusa at ligaya hanggang kamtayan pero Ilan Ang iniwan ng asawa ilan sito Ang nag sisinungaling sa Asawa kaya’t Ang Espiritu na magiging katuwang kasama na magpapaala para gabayan ka sa mamuhay na matupad Ang iyong pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa.
Sino sa inyo ang komportable at hindi natatakot kung nag-iisa? Kung ikaw ito, nakakabilib po kayo. Sana all katulad po ninyo. Kasi, sa totoo lang, may mga sandaling pakiramdam natin nag-iisa tayo: wala tayong kakampi sa pakikipaglaban sa buhay, walang mapagkaka-tiwalaang gabay, at walang kaibigang masasandalan habang mabigat ang ating dinadala.
Mga kapanalig, kailanma’y hindi tayo nag-iisa. Ito ang pangako ni Hesus sa Ebanghelyo. Hindi Niya tayo iiwan. Ipinangako Niya ang Espiritu Santo, ang ating Advocate. Ang Espiritu Santo bilang Advocate ay isang kakampi. Ibig sabihin, hindi ka nag-iisa sa laban ng buhay. Kapag pakiramdam mo hinuhusgahan ka ng mundo, nariyan ang Espiritu Santo para ipaalala na mahal ka pa rin ng Diyos. Sa mundong nakakalito dahil sa dami ng boses na ating naririnig, ang Kanyang tinig ay tahimik ngunit malinaw na gumagabay sa atin kung ano ang totoo at kung ano ang mabuti.
At sa gitna ng mabibigat na problema at sakit ng pagkabigo, Siya ang tapat na presensya ng Diyos: hindi nang-iiwan, kundi patuloy na nagbibigay ng pag-asa. Mga kapanalig, kasama natin ang Diyos araw-araw. Kailangan lang natin ay isang puso na handang makinig sa Banal na Espiritu. Kaya kahit sandali lang, tumahimik tayo at manalangin: “Maraming salamat, Banal na Espiritu: aking gabay, kakampi, at tagapagbigay ng aliw, lakas, at pag-asa. Magsalita Ka, makikinig ako.” Amen.
Sa unang pagbasa, ipinapahayag na may gawaing pagliligtas sa rehiyon ng Samaria . Ang Israel ay nahahati sa tatlong rehiyon: Juda, Samaria at Galilea. Sapagkat ang 12 apostol ni Jesus ay naatasan na magligtas sa bayang Israel kung kaya’t ipinadala sina apostol Pedro at Juan sa Samaria upang patanggapin ang mga Samaritano ng Espiritu Santo at maligtas (Gawa 2:36-38).
Ang apostol para sa Gentil naman ay si Pablo at ang paraan ng pagpapatanggap niya ng Espiritu Santo sa mga Gentil ay sa pagpaparinig ng ebanghelyo ng kaligtasan kay Jesus (Galacia 2:7-9, Efeso 1:13, Roma 5:5-10, Roma 10:17). Ang kaligtasan kasi ay sa pagtanggap ng Espiritu Santo matapos manalig sa dakilang pagibig ng Dios sa paskal ni Jesus. Ang paraan lamang ng pagpapatanggap ng Espiritu Santo ang may kaibahan sa Israel/Hudyo at Gentil .
“Nang mabalitaan ng mga apostol na nasa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang Salita ng Diyos, sinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating doon, ipinanalangin nila ang mga Samaritano upang sila’y tumanggap din ng Espiritu Santo, sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila’y nabinyagan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. At ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa kanila at tumanggap sila ng Espiritu Santo.”
Sa ikalawang pagbasa, ipinapahayag ni apostol Pedro ang gawi ng mga nagpapalaganap ng kaligtasan. Ito ay ang kahandaang magpaliwanag sa pag-asang nakay Jesus, kahinahunan, malinis na budhi, paggawa ng mabuti at magandang asal.
“Idambana ninyo sa inyong puso si Kristong Panginoon. Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa. Ngunit maging mahinahon at mapitagan kayo sa inyong pagpapaliwanag. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga umaalipusta at tumutuya sa inyong magandang asal bilang mga lingkod ni Kristo. Higit na mainam ang kayo’y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang loobin ito ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. Sapagkat si Kristo’y namatay para sa inyo. Namatay siya dahil sa kasalanan ng lahat – ang walang kasalanan para sa mga makasalanan – upang iharap kayo sa Diyos. Siya’y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa Espiritu.
Idambana ninyo sa inyong puso si Kristong Panginoon. Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa. Ngunit maging mahinahon at mapitagan kayo sa inyong pagpapaliwanag. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga umaalipusta at tumutuya sa inyong magandang asal bilang mga lingkod ni Kristo. Higit na mainam ang kayo’y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang loobin ito ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. Sapagkat si Kristo’y namatay para sa inyo. Namatay siya dahil sa kasalanan ng lahat – ang walang kasalanan para sa mga makasalanan – upang iharap kayo sa Diyos. Siya’y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa Espiritu.”
Sa gospel reading, ipinangako ni Jesus na bibigyan niya ng katulong ang mga umiibig at sumusunod sa utos niya na ipalaganap ang ebanghelyo tungkol sa kaligtasan at babalikan sila upang luwalhatiin sapagkat magiging isa na sila sa Ama at Anak.
“Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. Dadalangin ako sa Ama, at kayo’y bibigyan niya ng isa pang patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito’y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y sumasainyo at nananahan sa inyo.
“Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo. Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan. Ngunit ako’y makikita ninyo; sapagkat mabubuhay ako, at mabubuhay rin kayo. Malalaman ninyo sa araw na yaon na ako’y sumasa-Ama, kayo’y sumasaakin, at ako’y sumasainyo.
“Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya.”
Kumusta naman tayo. Nagpapalaganap ba tayo ng ebanghelyo bilang pagpapakita natin ng pagsunod at pag-ibig kay Jesus?
Our life’s ambition is to become better lovers every day. And in the end, we’ll be genuinely affectionate.
To love, we must learn to let go and separate ourselves.
People can’t love because of judgments.
It’s better to understand than to be understood. The most essential thing is that God loves us, even if other people don’t. Love will ultimately decide how we are judged.
Recognize those who harm and condemn us, and offer up prayers for them so that our lives may be blessed..
Amen
-Father Jowel Gatus
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
Blessed2026
Thank You, Lord for a new day. Praying for a healing heart, peace, and strength. Amen #PeaceInMiddleEast #GvSunday